Kimberly Ann MartinezHinihipan ko ang mainit na arroz caldo. masyado pa kasing mainit kaya kailangan kong hipan para hindi para hindi mapaso si Don Rolando kapag sinubuan ko. Nasa ospital ako ngayon binisita si Don Rolando dahil wala man lang nagbabantay sa kanya dito. Nagdala ako ng pwedeng makakain niya kasi sabi ng doctor mga soft food lang daw muna ang pwedeng kainin nito since kagagaling sa pagka-mild stroke. I realize, life it too short. Kaya hindi pwedeng mas pairalin ang galit sa dibdib baka pagsisihan mo sa huli. Kaya ito ako ngayon, kusang nagpapababa ng loob. Hindi ko na iniisip kung galit pa rin sila sa akin basta, ginawa ko na ang alam kung tama sa paningin ko. “Ah,” sabi ko kay Don Rolando at iniumag ang kutsara sa baba niya. Naka-sandal siya ngayon sa headboard ng ospital bed niya. Parang batang masunurin naman ito at ibinuka ang bibig. Nakangiting sinubo ko sa kanya ang arroz caldo. Ang buong akala ko ay tatanggi pa siya, kaya nagulat na lang ako tinanggap niya ang
Kimberly Ann MartinezLumipas ang mga buwan at masasabi kong marami ang nabago sa aming magkapatid. Tuloy ang pagiging CEO ko sa kumpanya namin. Samantalang ang mga kapatid ko ay ipinagpatuloy ang pag-aaral nila sa isang pribadong University. Si Karylle ay isa ng abogado matapos isang makapasa sa bar exam last month. Masaya ako para sa kanila dahil unti-unting nagbago ang buhay namin. Mas naging malapit sila sa tatay at lolo namin. For the first time ay wala akong mga kapatid na kasama ngayon sa bahay kung saan ako nakatira kasama si Jonathan. Mas pinili nilang manirahan kasama ang tatay namin. Gusto ko ding kasama sila ngunit ayaw naman akong payagan ni Jonathan. Naiintindihan ko naman dahil may anak kami. And Maybe, this is the time na sarili ko naman ang iisipin ko kasama ang mag-ama ko. Ito din ang gustong mangyari ng mga kapatid ko, ang isipin ang sarili ko.As for Mildred and Mara. Napag-alaman kong lumipad silang mag-ina patungong London. Doon na daw sila maninirahan for good
Jonathan McKinney"Dahan-dahan sa paglalakad," sabi ko sa asawa kong si Kimberly Ann. “Saan ba kasi ang punta natin at kailangan pang piringan ako?” reklamo niya ngunit tinawanan ko lang at hindi nakikinig sa pakiusap niya na hayaan siyang maglakad mag-isa.Nakapiring ang mga mata nito. Kaya hindi niya kita ang dinadaanan namin ngayon. Kaya tudo alalay ako baka biglang madapa ito. Simula pa lang sa kumpanya ay nakapiring na siya. Hindi na alam kong saan ang punta namin. Sumakay kami ng helicopter na pag-aari ng kaibigan kung si Lucifer. Hanggang sa lumapag ang sinasakyan namin malapit sa lugar kung saan ko siya dadalhin.Two months after our wedding masasabi kung super blessed ako na siya ang naging asawa ko. Super maalaga, hands on sa aming mag-ama. Kahit busy siya sa trabaho ay bumabawi siya pagdating ng bahay. Kaya ngayon ay gusto kong i-surprise siya. I want her to be the first one who sees this place. I know this place is one of the most memorable places for her. So, I brought h
"Ate, saan na ang damit ko.""Ate Kim, ngayon na pala ang deadline para sa test paper namin.""Ate, tapos na akong magsaing. Kain na tayo. Mali-late na kami sa school."Iilan lang ito sa mga naging sinaryo dito sa bahay tuwing umaga. Mas maingay pa kami sa tianggi kapag araw ng pasukan. Lahat ng kapatid ko, ate ng ate sa akin. Parang di kumpleto ang araw nila kapag hindi nila ako natawag. Sanay na rin naman ako sa ganito. Matapos mamaalam ni nanay anim na taon ang nakaraan ay ako ang tumayong magulang sa tatlo ko pang nakababatang kapatid. Namatay si nanay sa sakit na pneumonia, hindi na naagapan pa dahil lumala na ito. Sa hirap ng buhay ay hindi na namin nagawa pang ipa-check up ito. Ayaw din naman ni nanay na pumunta sa ospital. Kaya naman nang mawala ito ay sa akin naatang ang responsibilidad. Ang tatay ko naman ay wala na akong balita sa kanya. Iniwan niya kami matapos isilang ang bunso kong kapatid na Kyla. Limang taon pa ako nang iwan niya kami. Halos dalawang dekada na ang
Nasa auditorium kami ngayon ng mga kaklase ko, may orientation kami para sa nalalapit na on-the job training namin. Malapit na kasing matapos ang 1st semester namin at required kaming mga 4th year college sa kursong business administration na mag undergo ng internship sa 2nd semester. Kailangan namin itong gawin dahil kasali ito sa prospectus ng curriculum namin. Kapag hindi namin ito gagawin ay maaring hindi kami makaka-graduate. Masayang ang unang tatlong taon namin dito sa university. Habang nakaupo kami dito sa auditorium ay di mapigilang mapag-usapan kong saan kami mag-apply ng ojt. Madami namang pagpipilian kaso kadalasan walang allowance at ikaw pa ang gagastos para sa kumpanya na pipiliin mo. At ito ang isa sa problema ko ngayon. Kapag nagsimula na kaming mag ojt ay kailangan ko nang tumigil sa part-time job ko sa Jollibee. Nine hours ang kailangan ko e-renden every day para makumpleto ko ang required hours bago matapos ang 2nd semester."Saan kaya tayo pwedeng mag-apply?
Siksikan kami ngayon ng mga kaklase ko. Nasa harapan namin ang bulletin board kung saan nakapaskel ang mga kumpanya na pag-ojt-han namin, kasama ang mga pangalan ng sino ang nakapasa sa kumpanya na iyon. Ang kaba ko ay abot langit na dahil nakikita ko ang mga mukha ng iba kung kaklase na parang pinagsakluban ng langit dahil hindi nasama mga pangalan nila. Ibig sabihin ay bagsak sila sa exam or interview. Kapag mangyari yon ay choice kondi dito sa school mag-render ng oras para lang ma-cover ang required hours. "Kinabahan na ako," bulong sa akin ni Jhy."Ako din. Paano na lang kapag mangyari yon, saan tayo pulutin," sabi ko din sa kanya. "Mabuti sana kung may sarili kumpanya or may kapit tayo sa mga malalaking kumpanya. Wala sana tayong problema," sabi pa ni Jhy. "Kaya nga," segunda ko sa kanya. Totoo ang sinabi ni Jhy. Kung may sarili lang sana kaming kumpanya o may malakas na kapit katulad ng ibang kaklase ay hindi na sana kami mahihirapan. Sandamakmak na curriculum vitae at
Napatingala ako sa sobrang taas ng building na nasa harapan ko. May nakasulat sa ibabaw na McKinney Corporation. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakatapak ng ganito kalaki ang building. Marami naman akong nakikitang naglalakihang building pero kakaiba awra at disenyo ng building nato. Nasa bandang Makati City pa kasi ito kaya kailangan mong mag-triple ride kapag nagtitipid ka sa pamasahe. Or kung gusto mo mag-taxi ka para mas mabilis, yon nga lang butas bulsa mo sa pamasahe pa lang. Napatingin ako sa relong pambisig ko at na-shock ako nang makitang 8:05am na ng umaga. Alas otso ang alas otso ang time in namin nga napatakbo ako papasok sa loob. Di ko na pinansin ang cellphone ko na vibrate ng vibrate, marahil ay si Jhy ang tumatawag. Mabuti na lang at may company i.d na akong suot kaya di na ako sinisita pa guard. Tumakbo ako papuntang elevator dahil nasa 5th floor pa ang opisina ng HR ngunit sa kakamadali ko di ko inaasahang matapilok ako at deretsong natumba ako sa lalaking nasa h
Sinundan ko na lang ng tingin ang papalabas na babae. Matapos mawala sa paningin ko ang babae ay ibinalik ko ang tingin sa harapan. Laking gulat ko ng makaharap na pala siya sa akin. At ang mas nakakagulat pa ay siya ang taong nakabunggo ko sa elevator. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala siya. "I-Ikaw?" di ko mapigilang wika ko."Hello, baby, welcome to my chamber," seryusong wika niya. Hindi agad ako nakapag-isip ng sasabihin."Huh?" nalilitong wika ko sa kanya."Kidding." sabi nito sa akin at ngumiti ng napakatamis. Para naman akong nalusaw sa ginawa niya. "Have a seat, Miss Martinez."Bumalik ang pagiging seryoso niya. Parang napapalibutan ng malamig na yelo ang buong silid dahil sa malamig niyang awra. Natakot tuloy ako baka magkamali na naman ako at itatapon na talaga ako sa labas ng kumpanya. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa working table niya. Umupo ako sa upuan na nasa harapan niya. "Thank you, Sir," tanging nasabi ko na lang. "Do you have a boyfriend or a husband