Share

Chapter 50

Kimberly Ann Martinez

Napatanga lang ako sa sinasabi ni Mara. Ginagamit lang ako ni Jonathan? Totoo kaya ang sinabi nito? Pero kung sakaling totoo, dapat noon pa na umalis ako ay nagpakasal na silang dalawa. Kasi doon pa lang nagtagumpay na silang paikotin ako. Hindi ko na alam kong anong iisipin ko.

"Ate, wag kang maniwala sa sinasabi ng babaeng yon. May saltik lang yon sa utak," sabi ni Karillo na di ko alam kung pinapatawa lang ba ako or seryoso siya sa sinasabi niya.

Napailing na lang ako at umakyat sa taas upang mapuntahan ang anak ko. Matapos kaladkarin ni Jonathan si Mara ay hindi pa ito bumabalik. Wala din namang dahilan upang hintayin ang pagbabalik niya. Kaya umakyat na ako. Naabutan ko si Kyla at Kj na naglalaro ng snake and ladder.

“Nanay!” sigaaw ni Kj ng makita ako.

"Wala na po ba ang monster?”

“Monster?” tanong ko sa kanya.

“Sabi po kasi ni ante Kyla, monster daw yong babaeng kanina,” nakangusong wika ni Kj. Sinamaan ko ng tingin si Kyla na tinawanan lang ng huli.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
jennylyn legaspi
para-paraan ka din talaga Jonathan noh,pero infairness ha di din makahindi si kim sayo haha
goodnovel comment avatar
emzbranzuela
aysus kinilig na ako da inyong dalawa hwag nyo pigiilan ang nag iinit nyong dameamin
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status