Paano ko nga ba mauunawaan ang mga sandali? Pakiramdam ko kay bilis ng mga pangyayari. Sa isang iglap, natali ako sa isang kasunduang habang buhay kong iisiping isa lamang bangungot ng reyalidad.
Sa sobrang bilis, namalayan ko na lamang ang pamamaalam nila sa akin.
“Mag-ingat ka,” sabi ni ina na para bang nasa malayo ako pupunta. “Pakatandaan mo ang mga tinuro ko-” Tumikhim siya at lalong lumapit sa aking tainga. “-sa lalong madaling panahon, nararapat magbunga ang pagmamahalan niyong dalawa.”
Pagmamahalan? Nangunot ang noo ko sa kaniyang tinuran, nagtataka man ngunit walang lakas upang isaboses ang mga katanongan. Nakuha ang pansin ko ni ama na pasimpleng nilapitan ang lalaking bumihag sa buhay ko. “Sa makalawa-”
Kinuha ng kapatid ang atensiyon ko bago ko pa man maunigan ang sinabi ni ama. Doon ko lang namalayang saglit na pumanhik ang ina sa loob.
“Nagpaalam siya, hindi mo ba narinig?” may pagtatakang paliwanag ng kapatid.
“N-narinig,” baling ko sa kaniya.
Hindi man siya tuluyang sigurado ay tumango siya. “Ayos lang ba sa'yo ang ganito?” Maya-maya ay pabulong nitong sabi, “Ganap na kayong mag-asawa...”
Pinigilan ko siya, dumistansiya bigla. “Huwag ako ang alalahanin mo kapatid,” sabi kong hindi mapigilang bigyan ng intesiyon ang paglapit niya. Seryoso ko siyangpinakatitigan. “Ang alalahanin mo ay kung paano mo magawang makumbinsi sina ama't ina. Ayaw mo namang matulad sa akin, hindi ba?”
Nanlalaki ang kaniyang mga mata. “Paano mong...” Hindi niya matuloy-tuloy ang sasabihin, at nang mapansin ang pagbalik ni ina ay biglang napalayo. Bago 'yon ay bumulong nang walang ka-emo-emosyon. “Huwag kang magkakamali, Jesreal Liz.” Isa 'yong banta na kinangisi ko na lamang.
Tiningnan ni ina ang kapatid na umiwas ng tingin at natuod na lamang sa kinatatayuan, kuyom ang dalawang kamao. Kahit naman hindi ito magbanta ay hindi ko ipagsasabi ang nalalaman ko patungkol sa kaniyang binabalak. Ang hiling ko lang ay hindi siya magaya ko na wala ng takas sa nakabaang na kapalaran.
Mula sa kapatid ay ay natuon ang atensiyon ko sa lalaking ngayon ay kausap ni ama. Napalunok ako at biglang nawala sa sarili nang nagkasalubong ang mga tingin namin.
“Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko?” Nagulat pa ako sa biglang singit ni ina sa mga iniisIp ko. Napakurap-kurap akong bumalik ang oansin sa kaniya. “Opo-”
“Hindi ka nga nakikinig,” putol nito.
Nabakas sandali ang taray sa boses at dismaya ngunit kalaunan ay pinapaintidi sa sariling hindi na nga ako tulad ng dati. “Alam kong mahirap sa una ngunit ito ang tadhana ng bawat babae. Naiintindihan mo na naman ang dahilan kung bakit nangyayari ito?”
Paano ko nga ba malilimutan, Ina? “O-opo,” tugon ko at naiwas ng tingin.
“Bilang babae, hindi tayo nararapat gumagawa ng mga bagay na makapagdulot ng kahihiyan sa ating pamilya. Kaya ngayong-” Napatingin siya sa lalaking ngumingiti man sa harap ni ama ay walang makakapagsabi kung ano nga ba ang tunay na laman ng isipan nito, lalaking may nag-ye-yelong mga mata. Bumuntong hininga si ina, hindi na nag-abalang ipagpatuloy ang gustong sabihin. Ngunit may pahabol siyang paalala, “Isa lang ang mahalaga sa gagampanan mo, Jesreal Liz Gomez.”
Nang marinig ang buong pangalan mula sa kaniya ay tumuwid akong napatayo. Babala ang hatid sa pagbanggit ni ina sa buo kong pangalan. Lumapit pa siya nang may ngiti sa labi ngunit may bantang kumukubli roon, “Maging tunay na babae o maging mabuting Maybahay sa iyong asawa ang huwag na huwag mong lilimutin.”
Hanggang sa biyahe ay hindi ko maunawaan ang tumatakbo sa isipan. Alam kong inaasahan sa tulad ko, isang babaeng walang kalayaan sa pagpili ang mga bagay tulad ng pagiging mabuti sa asawa o sa mata ng tahanan nito. Napatingin ako sa palasinsingan ko, naroon ang palatandaan ng sinasabi nilang hangganan ng pagiging malaya. At ngayong isa na akong pagmamay-ari ng lalaki, hindi lamang isang simpleng lalaking mula pagkabata ay binigyan ko na ng imahe. Kundi lalaking may nanlalamig na mga mata at mapanlinlang na mga salita.
Kaya paano, Ina? Paano ako maging mabuting maybahay sa isang kagaya niya?
“Hindi ka pa ba bababa?” Walang emosyong usig ng lalaki. Nakatigil na ang sasakyan at nasa labas na siya. Hindi ko na lamang siya pinansin at sumilip sa likuran niya, naroon ang nag-iisang bahay na may dalawang palapag.
Nagtatanong ang mga mata kong nabaling ang tingin sa kaniya, “Bakit...ang tahimik ng lugar na ito?” Lumabas na ako at kinlaro ang ideyang naglalaro sa isipan ko. “Hindi mo naman sigurong binalak maniran mag-isa kasama ako?” Natawa na ako kahit bumibigat ang dibdib sa mga ideya. “Alam mo bang...nakakatawa 'yon? Dan?” Dumiritso lamang papasok ang lalaki, dala-dala ang mga maletang hindi ko malaman-laman kung paano niya nagawang pagsabayin?
Napasigaw na lamang ako, kanina lamang ay naiisip ko habang nasa biyahe ang pagiging mabuting Maybahay niya ngunit... Anong kalokohan ang pinagagawa niya? Paano ako mabubuhay malayo sa Bayan?
“Dan!” Napaupo na lamang ako sa pintuan ng sasakyan, pinapatid ang mga maliit na batong binuhosan ko ng inis na nararamdaman. “Sana man lang ay pinaalam niya sa akin. Mahirap ba 'yong gawin?” Huni ng mga ibon lamang ang sumagot sa katanongan ko.
Tumayo na lamang ako. There's no use to blame someone as cold as him. Muli ay pinakatitigan ko ang paligid. Kahit saan bumaling ang tingin kp ay wala akong mahanap na kalapit na bahay, maliban sa makalumang hindi ko mawari kong tinitirhan sa itaas ng bundok na nasa likuran ng bahay ng lalaki, ngunit maliban roon ay wala na.
Tinarok ko na lamang sa isip ang mga bilin ng Ina. At halos mapalunok ako ng ilang beses nang ngayon lang nag-sink-in sa utak ko ang ibig sabihin ng mga 'yon. Lalo na ang pina-importante: ang una araw naming kami lamang dalawa. Literal na kami lamang dalawa.
“Maging tunay na babae o maging mabuting Maybahay sa iyong asawa ang huwag na huwag mong lilimutin.”
Halos mangilabot ako. “Paano nga ba ang maging tunay na babae?” Nakikinita ko ang kasagotan sa mga mata ng Ina, ang kakaiba nitong ngisi matapos sabihin 'yon sa akin. Ano nga ba? Ina? Ina!
I expect less, kaya hindi na rin ako nadismaya pagkapasok ko sa bahay niya. Pinaalala ko na lamang sa sariling isa lamang akong bilanggo niya. Wala akong karapatan upang mag-inarte. “I have to be a good woman,” bulong ko at pilit na pinalitaw ang ngiti sa labi.“Anong ginagawa mo?” Napansin niya akong nakapikit habang nag-breathe in and out. Hindi na rin naman siya naghintay ng kasagutan at nagpatuloy sa pag-akyat ng naglalakihang Maleta.Ilang sandali akong nakatanga sa kaniya, napalunok nang makatitigan siya ng maigi. Kakaiba lang sa paningin ang makita siyang pawisan ngunit hindi man lang nabawasan ang lakas ng dating. Bago pa man kung saan-saan na mapadpad ang isip ko ay dali-dali akong sumunod sa kaniya. Nang nasa itaas na ay doon ko lang napagtantong iisa lang ang silid na bakante. Ang ibang silid ay may kung anong nakatagong misteryong hindi pinagbubuksan ng lalaki. “Ano bang bahay 'to?” Bulong ko at napansin ang mga duming dumidikit sa may pintuan. “Anong ginagawa mo?” Muli
Kung dati ay halos sambahin ko ang pagiging mabuting babae, sa pagkakataong 'to ay makakaya ko pa kaya? Kung ang ibignitong sabihin ay ang ipilit ang sarili ko sa bagay na hindi ko makakayang gawin. Habang nasa hapagkainan ay wala akong kibo. Hanggang sa binasag niya ang katahimikan, “Ayos ka na ba?”Kunwari ay nagtaka ako ngunit nagtambol na ang dibdib ko. “Anong ibig mong sabihin?” Balik tanong ko sa kaniya ngunit nalihis ang tingin nang masusi niya lamang akong tinitigan.“Hindi ko alam na g-um-rabe ang hardened sickness mo,” sabi niya at halatang may pag-alala.Hindi ko tuloy maunawaan kung anong iisipin. Muli kong naalala ang nangyari kanina. Kakaiba ang hatid ng yakap niya sa akin. At lalong hindi ko maunawaan kung bakit kailangan kong magpanggap na gano'n nga ang nangyari tulad ng iniisip niya. Kaya paano ako maging mabuting babae? Ang madikit nga lang ang katawan sa kaniya ay hindi ko na maintindihan ang sarili. Panay ang tingin niya sa akin ngunit wala siyang sinabi. Naghih
“Ano bang iniisip mo nang pagbuksan mo ng pinto ang isang estranghero?” May bahid ng dismaya sa boses ng lalaki. Hindi man lang niya ako pinagbigyan upang magpaliwanag at agad-agad ang pagbato niya ng mga katanongan. “Liz, I know you hate me, but...how can you be this low?” Napatayo ako sa kinauupuan at saglit na tinago ang hindi ko pa man na-umpisahang sulatan na journal. Hindi ko mawari kung tama ba ang pagkakaintindi ko ngunit halos hindi ko na maunawaan ang kirot na bumangon sa loob ko. Hindi pa siya nakuntento at nagpatuloy, “You entertain a man when we were just married. Paano pa bukas, sa susunod na bukas at sa mga susunod pa?” Napaawang na lamang ang bibig ko. “Akala ko namali lang ako ng dinig,” mahinang sabi ko. Pinakatitigan ko siya ng maigi, “Paano mo pala nalaman ang bagay na 'yan?” Nabasag man ang tinig ay dinaan ko 'yon sa tawa. “Don't tell me that you have some sort of eye in this house?” Nilibot ko pa ang tingin sa paligid. Nangunot lamang ang noo niya. “Don't cha
Hindi ko mawari kung bakit sa nagdaang araw ay panay ang alis niya. Hindi ko tuloy malaman kung dapat ba akong mangamba o magsaya Ngunit dahil roon, nagagawa ko ang mga bagay na dati ay hindi ko magagawa sa tahanan. Bantay sarado kami ng Ina, kaya kung may gusto man akong gawin; nagagawa ko sa likuran ng aming tahanan. Kahit ang mga kapatid ay nahanap ang kagustohan sa sarili nilang paraan.Ngunit tulad ng turo, walang sinuman ang may karapatang tahakin ang daang kanilang ninanais. Lahat ay may nakalaang daang dinidisinyo bago pa man sila isilang sa mundo.“Ngunit mali ang daang ito,” sabi ko at panay ang iling. Katatapos ko lamang basahin ang niluluma nang libro. Sa unang tingin ay akalain mong isang pangaral at karaniwang libro lamang. Ngunit dahil rito'y minulat ang aking kaisipan.Ang pangaral rito'y may malalim na kapahulogan. Maaring walang liwanag sa pupuntahan at pinili mong landas, ngunit ang pagkatoto ay maghahatid sa'yo sa tamang landas...at kakaibang tapang.Matapos sulat
Mapagmasid niyang nilakbay ang masukal na daan, matalim ang mga matang hindi ko maiwasang hindi titigan. Giniya niya akong sumunod at wala akong pag-alinlangan. Nagulat pa ako nang mapagmasdan ang laman ng malaking basket na pasan-pasan niya. Doon nagtagal ang tingin ko ngunit agad niya 'yong tinabunan.“Ngayon ka lang nakakita ng ganito?” aniya nang mapansin ang gulat sa mga mata ko. Napangisi siya, ngunit hindi ko maiwasan ang talim sa kaniyang tingin. “Hay, Senyorita ka nga kasi,” komento pa niya at may kung anong kakaiba na hindi ko maunawaan.Sinamaan ko na lamang siya ng tingin. Kung ano-anong sinasabi niyang nagpakabog sa dibdib ko. “Ano naman? May masama ba ro'n?” Nagkibit balikat siya at hindi umimik, at hindi ko na alam ang isipin.Napangisi na lamang ako. Nabasa ko ang mga kagaya niyang bukambibig ang mga bagay na hindi nila maabot-aboy, iniisip na lahat nang may kaya ay walang kaalam-alam sa buhay, tulad ko? Nagulat man ako ngunit dahil 'yon hindi ko inakala... Kahit na a
Ngunit hindi panaginip ang lahat. Nagulat man ay hindi ko pinahalata ang pagpasok ni Dan sa silid.“Liz,” tawag niya, hindi makatingin sa direksiyon ko. Napataas ang kilay ko. “Bakit parang balisa ka diyan?” tanong ko dahil isa 'yong imposible. Napalunok siya nang humarap. “Ayos ka ba?”Natulala ako, hindi maunawaan ang biglang pagkabog ng dibdib. Napaikot na lamang ang mata ko. “Oo naman! Bakit hindi?”Napakamot siya sa batok, bumibigat ang paghinga. “Bakit...ka nasa gubat-”“Ah!” bigla akong napasigaw, sapo ang kanang braso. Nagulat nanam ako sa biglang pagdalo niya at nakakabiglang reaksiyon.“L-liz? W-what's wrong?” hindi siya magkamay kung saan ilalagay ang kamay at nanginginig na lamang na napailing. “S-saan masakit? Liz...” Napapikit ako nang mariin. Iniisip na mukhang mali ako. Panaginip lamang ang sandaling 'to!“Liz?” patuloy niya at napangiti na lamang ako, hindi pinaniwalaan ang nakikitang takot sa mga mata niya. Dahil ba sa akin? “Kaygandang panaginip,” bulong ko at t
Hindi ako makatulog at namimigat ang dibdib. Wala na ang mga sugatan sa labas ngunit hindi ako mapanatag. Hindi ko maiwasang isipin ang pinagmulan ng lahat.Paano kung simula pa lamang ito? Ngunit ito ang nangyari, maraming inosente ang dumadaing ng sakit. Kaya paano sa susunod? Anong mangyayari?Maingat akong lumabas. Napakadalim nang pasilyo at patay-sindi pa. Napaisip tuloy ako kung ano ba ang ginagawa ni Dan sa yaman niya at ganito ang hospital na ito. O mali ako't hindi naman sa kaniya ito?O isang kastilyo nga ba ito sa simula pa lang?Narating ko ang exit nang walang nahagip na mga nurse man o pasyente. Sarado ang mga silid at mukhang namamahinga na ang lahat. Nakapagtataka nga lang kung bakit walang naka-estasyon na mga nurse kung maaring may emergency?O mali na naman ako sa iniisip kung 'to?Nasagot lamang ang katanongan ko nang mapagtantong nasa isang palapag pa lamang ako. Halos malula ako nang bumungad sa akin ang hagdan pababa at pataas. Matayog pa ang taas, at natanto k
Tumawa lamang ang lalaki habang hindi ko na mahanap ang naipong lakas upang tumakas. Hindi ko maunawaan at natulala sa pamilyar na pigurang pababa sa hagdan. Lalo na ang lumabas sa kaniyang bibig na mga salita.Nabingi lang ba ako? Ngunit hindi. He had a wife! Definitely not me! Kung ako...paanong hindi ako nakilala ng lalaking nakaputi nang tinahak niya ang hagdan?“Hindi ako tanga, Henry!” sigaw nitong nag-echo at bumibingi sa akin. Ang tawa nito ay parang hinahamak ang kawalan ko nang kaalaman. Hindi siya tanga at alam niyang sino ang tinutukoy niya. At hindi ako 'yon! “You're wife? Don't expect a living one,” madamdami nitong pagpatuloy, bumagsik ang tono ng boses. “Better not expect she's in the right hand-” bumalik ang tawa nito, natigil sa isang pagpatid sa mismong panga nito.“You're talking too much,” malamig pa rin ang boses at may kaunting poot. Rinig ang malakas napagtama ng lalaki sa pader. Tumilapon ito ngunit nagawa paring mag-echo ng pagtawa nito. Lupaypay itong napa