Share

Chapter 3

Kung dati ay halos sambahin ko ang pagiging mabuting babae, sa pagkakataong 'to ay makakaya ko pa kaya? Kung ang ibignitong sabihin ay ang ipilit ang sarili ko sa bagay na hindi ko makakayang gawin. 

Habang nasa hapagkainan ay wala akong kibo. Hanggang sa binasag niya ang katahimikan, “Ayos ka na ba?”

Kunwari ay nagtaka ako ngunit nagtambol na ang dibdib ko. “Anong ibig mong sabihin?” Balik tanong ko sa kaniya ngunit nalihis ang tingin nang masusi niya lamang akong tinitigan.

“Hindi ko alam na g-um-rabe ang hardened sickness mo,” sabi niya at halatang may pag-alala.

Hindi ko tuloy maunawaan kung anong iisipin. Muli kong naalala ang nangyari kanina. Kakaiba ang hatid ng yakap niya sa akin. At lalong hindi ko maunawaan kung bakit kailangan kong magpanggap na gano'n nga ang nangyari tulad ng iniisip niya. 

Kaya paano ako maging mabuting babae? Ang madikit nga lang ang katawan sa kaniya ay hindi ko na maintindihan ang sarili. Panay ang tingin niya sa akin ngunit wala siyang sinabi. Naghihintay akong marinig mula sa kaniya ang pagka-dismaya ngunit hanggang umalis siya ay wala akong narinig.

Hindi ko alam kung saan siya pupunta ngunit hindi niya dala ang sasakyan. Naisip ko na lamang na mag-ikot-ikot lamang siya sa kagubatan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, kahit ang pasikretong pagbabasa ay naiistorbo dahil sa mga ideyang naglalandasan sa isip ko. Dapat ay nagbabasa ako ngayon ngunit ito at nakatanaw lamang ako sa malaking tarangkahan, naghihintay na dumating siya.

“Ano bang ginagawa ko?” Tanong ko sa sarili. Hindi ko maunawaan ngunit sumagi sa isip ko ang pagiging isa namin. Bilang mag-asawa, inaasahan sa isang babae ang magbunga ang kuno ay pag-iisa para sa panibagong pamilyang uusbong sa bayan.

Dati ay wala akong ibang naiisip kundi ang makaalis sa bayang kinalakhan. Ipagpatuloy ang pangarap na nabuo dahil sa librong naging inspirasyon ko. Ngunit alam kong isa na lamang 'yong malaking panaginip na naging isang bangungot nang hindi natupad.

Maya-maya ay may tumigil na sasakyan sa tapat ng gate. Hindi ko alam ngunit hindi ko inaasahang may bibisita sa lalaki. Pinagkibit ko na lamang 'yon ng balikat. At nang tumunog ang bell ay wala akong nagawa kundi ipakita ang pagiging Maybahay ng isang Dan.

Bumungad sa pagbukas ko ng tarangkahan ang isang lalaki. Natulala pa ako sa isang saglit sa kakaibang kasuotang mayroon ito. Kung hindi lang ito tumikhim ay natulala na ko. Para siyang isang character ng librong nabasa ko.

“S-sino po sila?” tanong ko, hindi napigilang mapahiya lalo nang mapansin ang ngiti sa labi nito. Pakiramdam ko tuloy ay sumilaw ang paligid dahil sa ngiti niya.

Pakiramdam ko ay lulubog na lang bigla ang araw dahil sa pag-agaw ng liwanag ng diyamante sa tainga ng lalaki. Nakatitig lamang ang lalaki sa mga mata ko. At para akong nagising sa pantasya ko. Kung ano-anong naiisip ko.

Napatikim siya nang mapansin ang pagtalim ng tingin ko. “Ah, I'm here for Lord Henry of Rivera household. Are you his...?” Nag-alinlangan pa ito sa katanongan.

“Wife.” Hindi ko maunawaan ngunit kay ganda sa pakiramdam ang sabihin 'yon sa kaharap. Lalo na nang nawala ang ngiti sa labi nito. Typical character sa libro na hindi naibigan ang kasagutan ng kausap. Ngunit bakit naman hindi nito naibigan ang kasagotan ko?

“Oh, wife,” bulong nito at inayos ang sarili. “Hindi ko alam na nag-aasawa na pala ang Henry, I mean the lord. I have never had any idea. My bad, my bad,” halos hanging lumabas sa bibig nito at muli ay sumilaw ang paligid sa pagngiti nito. Nakikita kasi ang diyamanteng nasa tainga nito lalo na at umiiwas siya ng tingin habang ginagawa 'yon at pinagbigyan ang diyamanteng sumisilip sa paningin ko.

Pinanliitaan ko lamang siya ng mata at tumuwid ang tayo. “That's fine but...who are you anyway?”

“It's Mario Marquez!” pakilala niya bigla at parang nahihiyang nilahad ang kamay. “Lord of Marquez household, not so faraway from here. You can visit anytime...”

Pinigilan kong irapan siya, ni pansinin ang biro niyang hindi ko maunawaan. Visit him? Why? 

“So what is it your business with my...my husband?” tanong ko, hindi napansin ang halos pagpigil ng tibok ng puso ko. 

Muli ko siyang minamata, ayos naman siya, mukhang hindi basta-basta. Ngunit hindi ko maunawaan, kakaiba ang pakiramdam ko sa kaniya. Kung makatitig, parang pinag-aralan niya ang buong pagkatao ko, may pangiti-ngiti pa habang nagsasalita. Nababaliw ba siya?

“I said, anong kailangan mo sa...sa kaniya?” Ulit ko at muli ay parang mawalan ng hininga. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit hindi ko masabi-sabi ang katagang 'yon?

“Ah, my business with him!” Napalunok ang lalaki at nanghihinayang na binawi ang nakalahad na palad. “Nariyan ba siya?”

Napatindig pa siya nang tuwid nang muli ko siyang pag-aralan, para pa niyang pinagmamalaki ang tangkad niyang umaabot 'ata sa langit, o sadya 'yong imahinasyon ko lamang? Sobrang taas kasi, makapangyarihan nga. Hindi ko mapigilang paganahin ang imahinasyon ko, pakiramdam ko perfect ang lalaki para sa naudlot kong pangarap.

“Done checking me?” Halatang nagbibiro ito ngunit halos mamula ang pisngi ko. Hindi ko alam ngunit sumagi sa isip ko ang mga bilin ng Ina.

Ano na lang ang isipin ng lalaki na ang asawa ng bahay na binisita nito ay nalilimutan ang pagiging mabuting babae?

“I'm sorry, mister,” napayoko ako, “b-but I'm not checking you!” Napalunok ako, paano kung malaman ng Ina ang pangyayaring ito?

Nang bumalik ang tingin ko sa lalaki ay tulala ito. Nang mapansin ang tingin ko ay parang muling nabuhayan. Napatikhim bago nagsalitang muli, “Let him know that a very known lord from central town is here for a visit. And-” Lumihis ang tingin niya. “-I'm just joking. No need to apologize.”

Nakahinga naman ako ng maluwag. Lalo na at bumalik sa isip kong wala kami sa bayan. Malayo ang lugar at duda akong may nagmamanman sa paligid para sa aming dalawa ni Dan.

Naalala kong hindi ko pa nasagot ang katanongan ng lalaki. Ngunit hindi ko alam kung anong iisipin niya sa pag-entertain sa kaniya habang wala naman ang kuno ay asawa ko. Ngunit kailangan niyang malamang wala nga rito si Dan.

Nalihis ko ang tingin bago sinabing,

“Wala siya rito.” 

“Really?” Tiningnan niya ako na para bang hindi siya makapaniwala. Bakit nga ba hindi ko agad sinabi sa kaniya at nang hindi na humaba ang pag-uusap namin? 

Wala akong nagawa kundi ang magpaliwanag. Paano na lang kung isang usisero ang lalaki? 

“I mean he's in his own business,” sabi ko at pinapakitang wala lamang sa akin ang kakaibang mga tingin niya. “And I don't mind that business of his anyway,” mahinang dagdag ko pa.

That's true though, I never really care what he want in his life. If he want to leave on his own, then whatever. I just have to be good in anything and be his wife. Maybe I can find the way without his promise.

Bago pa man magsalita muli ang lalaki ay agad ko siyang pinigilan. “And don't bother asking, I don't know where he is,” sabi ko nang bumukas-sara ang bibig niya, na para bang gusto pang magdagdag ng katanongan. Napakamot na lamang ako nang mapangisi lamang siya.

“You are-”

Nagdududang tiningnan ko siya. I am what? “Don't you bother say a thing-”

“-unique?” 

Halos matigil ang tibok ng puso ko at napayoko na lamang. Naalala ko na lamang bigla kong paano sa simpleng kaibahan nagbago ang lahat.

“Unique?” bulong ko na halos magpadilim sa mukha ko. Nagtaas ako nang tingin at napansin ko ang pagkunot ng noo niya, nagtataka sa biglang pagbago ng ekspresyon ko. “It's a curse to be something different from majority. And I understand very well if you find me that way.”

Dahan-dahan siyang napaatras. “I'm just saying that...you're just amazing.” 

Maya-maya pa ay napakaway na ito nang mapansin ang lalong pagsama ng mukha ko. “It's nice meeting you anyway. I know...” Pabitin pa siya. “...we'll meet again.”

Lalong nanliit ang mata ko sa kaniya, pinipilit ko mang isantabi ang biglang pagsama ng pakiramdam ay hindi ko napigilang irapan siya. 

“I don't want to see you, sorry. And next time...know the time when my husband can be in his house.”

Hindi niya 'yon pinansin. “See you, too!” Nang nasa sasakyan na siya ay sumilip pa siya at matamis na ngumiti. Nagpaalam, “Next time, let me know how can I address you properly. Okay? Bye!”

Halos mangilabot ako sa hindi ko malamang dahilan.

“What a weird man,” bulong ko. Didn't I told him I am a wife of this household? 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status