Share

Kabanata 2

"Mabuti naman at dumating na kayong dalawa." kaagad na salubong sa amin ni Ma'am Betina noong makauwi kami galing sa pag-grocery.

Mukhang kanina pa kami, inaantay ni Ma'am Betina kaya ito nasa pinto ng mansyon.

"Pasensya na po Ma'am Betina, medyo natagalan din ako sa pag-abot ng files kay Madam, at mahaba din ang pila sa supermarket." si Lita habang bitbit ang ilan sa mga pinamili namin.

Bitbit ko din ang iba at nag-patulong na din kami kay Kuya Tasyo dahil sa dami naming binili. Mukhang nga may importanteng okasyon dito sa mansyon mamaya kaya napaka-rami namin pinamili.

Inisa-isa ni Ma'am Betina ilabas ang mga pinamili namin ni Lita."Kailangan nating mag-handa dahil dadating ang mga business partners at ilang kamag-anak ni Madam at Sir Leandro ngayon."

I knew it!

May bisita nga sila, ilang kamag-anak at mga business partners nila . Siguradong malaking pagsa-salo ito.

"M-Mga kamag-anak at business partner po? Sa mansyon po ba sila mag-stay lahat?" curious na tanong ko.

Oo malaki ang mansyon pero kung masyado silang marami ay hindi sila kayang i- accommodate lahat. Lalo pa't kung maraming kamag-anak sila Madam, at may mga business partners pa.

Sumagot si Ma'am Betina ng hindi tumitingin sa akin dahil busy na ito sa pagha-handa ng lulutuin. "Hindi siguro lahat ng kamag-anak mag-i stay lalo na yung malapit lang ang bahay dito, ganun din yung ibang business partners nila. Pero sure ako na dito mag-i stay si Sir Conrad."

Sir Conrad?

Oh my gosh! so totoo nga na kaya pina-linis ang kwarto niya ay dahil mag-i stay siya dito.

So, that's mean makikita ko na siya!

Nag-katinginan kami ni Lita, at mukhang pareho kami ng iniisip na dalawa dahil na rin sa pinag-uusapan lang namin ito kanina.

"Kaya naman, bilis-bilisan niyo ang kilos at sa may garden natin ihahanda ang mga lulutuin natin. Pinaayos ko na kila Adonis ang lamesa at upuan." paliwanag ni Ma'am Betina.

Nag-umpisa na kaming mag-handa para sa mga lulutuin namin para sa hapunan. Mga 7pm daw kasi ang dating ng mga bisita kaya dinner na ang hina-handa namin. Iba't-ibang klase ng pagkain ang ini-luto namin para sa mga bisita mamaya. Naka-ayos ang malaki at mahabang lamesa sa garden na inayos pa nila Betty at Adonis- mga kasambahay din ng mansyon. May mga plato, baso, at iba't-ibang klase din ng kubyetos ang naroon na at naka-handa.

Hayst!

Natapos rin, sa wakas.

Mag-a alasais na kami ng gabi natapos mag-handa, nakauwi na rin sila Madam at Sir Leandro galing opisina at nagbi-bihis dahil maya-maya lang din ay dadating na ang mga bisita nila. Sinabi ni Ma'am Betina na mamaya na lang ilalabas ang mga pagkain na niluto namin kapag andyan na ang mga bisita.

Ako, si Lita, Betty, Ma'am Betina, at si Mary isa rin sa mga kasambahay ang naatasan na mag-serve mamaya ng mga pagkain kapag dumating na ang mga bisita.

Naligo ako ng mabilisan, nag-ayos ng sarili, at nag-palit ng bagong uniform. Orchid housekeeping black dress, with flattering waistband and mandarin collar with white apron on the waist. Medyo sakto lang sa fit ng katawan ko ang uniform namin dito sa mansyon.

"Ay palaka!" nagulat ako ng bigla na lang pumasok si Lita sa loob ng kwarto ko. Kakatapos ko lang din mag-bihis at inayos ko lang ang buhok ko na naka-bun para di makalat sa mukha ko.

Ang babae na ito talaga, hindi man lang nagawang kumatok.

Naupo ito sa kama ko at kakatapos lang din mag-ayos. "Eto naman, palaka agad? Aba, may ilang bisita na ang dumating. Kailangan na tayo doon, para mag-asikaso."

Ayun lang naman pala kung maka-punta naman akala ko kung ano na!

"Oo, eto na nga e tapos na. Lalabas na nga ako e." palabas na ng silid ng pigilan ako ni Lita.

Lumapit ito at bumulong. "Ngayon mo lang makikita si Sir Conrad, siguraduhin mo lang na mahigpit ang kapit ng panty mo. Baka mamaya kapag nakita mo lang siya malaglag yan." naka-ngisi pa ito.

Huh?

Oo gwapo si Sir Conrad base na rin sa nakita kong larawan niya.

Pero ang OA, naman siguro nung makalaglag panty na ka-gwapuhan di ba?

"Tse! tigilan mo 'ko Lita, tara na at baka madami na sigurong bisita doon." aya ko sa kanya at sumunod naman siya ng naka-ngiti.

"Sus! ganda mo e." sabi nito at sinabayan pa ng tawa.

Naiiling na lang ako sa kaharutan ni Lita, paano ko ba yun naging kaibigan?

Tama nga ang hinala ko, dahil marami na nga ang tao sa garden. Halos lahat siguro ng inaasahang bisita ni Madam ay naroon na. Paisa-isa na ring nilalabas nila Ma'am Betina at Betty ang pagkain, kaya naman tumulong na kami ni Lita. Bitbit ang pagkain na ilalagay sa lamesa ay nakita ko ang mga bisita ni Madam at Sir Leandro. Base sa mga suot nito, ay masasabi ko na maya-yaman ang mga taong naroon. Hindi rin pamilyar sa akin ang mga taong naroon dahil na rin bago pa lamang ako, kaya di ko alam kung sino ang mga kamag-anak ni Madam at kung sino ang business partners nila.

Inilibot ko din ang paningin ko sa mga taong naroon, nakita ko ang iba ay nag-uusap. May kausap din sila Madam at Sir Leandro, nakita ko din na ang iba ay nasa akin ang paningin, mapa-lalaki man o babae pero mas lamang ang tingin ng mga lalaki.

May dumi ba ako sa mukha?

Nag-pulbos naman ako kahit papaano kanina, sinigurado ko na maayos ang itsura ko bago ako humarap sa kanila.

Ayoko din namang mapa-hiya, gusto ko presentable pa rin akong tignan.

Hindi ko alam kung ano ang iniisip ng mga lalaki sa akin, may iba kasi na hindi makikitaan ng reaksyon sa mukha. Ang mga babae naman ay naka-tingin sa akin habang naka-taas ang kilay, na animo'y kinikilatis ako. Nang ma-ihatid ko na ang ibang pagkain doon ay bumalik na rin ako sa kusina, naabutan ko doon sila Lita. Tapos na rin naman kami mag-hatid ng pagkain at inumin.

May pag-uusapan rin kasi sila doon sa may labas habang kumakain tungkol sa negosyo, kaya sa kusina na lang muna kami at kapag tinawag na lang ay tsaka lamang pupunta roon.

"Lita!" tawag atensyon ko dito.

"O, bakit? E, wala pa naman si Sir Conrad doon. Mamaya ituturo ko sa'yo kapag andyan na." nangi-ngiting buong nito.

Inirapan ko siya. "Hindi siya, y-yung mga tao sa labas. Iba kasi yung tingin nila sa akin e. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nila sa akin. Okay naman yung itsura ko di ba?"

Kunot-noo akong tinignan ni Lita."Paanong tingin? Insecure ba? Jusko! hindi lang okay ang mukha mo, ang ganda mo kaya. Baka insecure lang yun. Dahil hindi sila maka-paniwala na ang gaganda nating mga kasambahay dito sa mansyon."

Insecure?

Paano? Bakit?

Una sa lahat dapat ako yung ma-insecure, hello? Ano ba ako? Isang hamak na katulong lang naman hindi katulad nila na mayaman at may ipagmamalaki sa buhay.

"Hindi naman siguro insecure, siguro baka hinu-husgahan ako ng mga yun. Kaya ganun na lang kung maka-tingin, kaya nga ayoko ng lumabas doon e."

"Sus, wala yun wag mo na lang intindihin. Maganda ka, kaya ganun na lang sila kung maka-tingin. Isa pa, bago ka kasi kaya hindi ka lang nila kilala. Wag ka ng mag-over think diyan." si Lita na tinapik pa ang braso ko. Umalis din ito saglit dahil tinawag ni Ma'am Betina.

Ay, bahala na nga sino ba sila?

Tsaka nagta-trabaho lang naman ako dito, bahala na kung ano ang isipin nila sa akin.

"Rara!" tawag ni Ma'am Betina sa akin.

"Doon muna tayong lahat sa may labas at baka may kailangan ang ibang bisita, kailangan may mag-aasikaso sa kanila." saad ni Ma'am Betina, tumango ako at sumunod na sa kanya.

Nakita ko na mas dumami pa ang mga tao sa garden, mukhang dumating na rin ang ibang mga bisita. Nasa gilid kami nila Mary, Betty, Lita, at Ma'am Betina. Kapag kasi may mga bisita at may kailangan silang inumin o kainin ay kami ang kumukuha sa loob ng opisina.

Ang ibang bisita na sa tingin ko ay halos ka-edad lang namin ni Lita, babae at lalaki ay naka-tayo na lamang habang may hawak na baso na may wine. At may kanya-kanyang usapan, may iba naman na nakita ko na din kanina ang tumi-tingin din sa akin ulit.

"Ganda mo talaga, gurl...jusko! yung tingin ba kamo sayo? Aba tingin yan na may pag-hanga." kini-kilig na saad ni Lita mukhang napansin na rin ang tingin ng mga lalaki sa akin.

Huh? Maganda?

At tsaka pag-hanga, e bakit naman?

Ito talaga si Lita, kung ano-ano iniisip, iba iba ang interpretasyon sa mga tingin ng tao dito.

Nag-uusap pa rin kami ni Lita at pilit niyang sinasabi sa akin na tinitignan ako ng mga tao doon especially mga lalaki dahil naga-gandahan daw ang mga ito sa akin. Ngunit, hindi ako naniniwala at hindi ako mapakali sa tingin nila naiilang kasi ako e.

Patuloy lang kami ni Lita sa pag-uusap sa gilid ng may biglang umagaw ng atensyon ko. Nakita ko ang walang emosyong si sir Conrad habang nagla-lakad palapit kila Madam.

Oh my gosh!

Ang gwapo!

Gwapo na ito sa picture pero iba pa rin pala ang itsura nito sa personal.

Mukhang kagagaling lang nitong trabaho dahil sa suot nitong white long sleeve shirt na naka-tupi hanggang siko at ang ilang butones ay naka-bukas. Black pants and shoes.

He's so damn hot!

Yung katawan niya ay yung alam mong batak sa kaka-exercise, grabe yung pag-flex ng muscles niya kahit nagla-lakad pa lang siya.

Tinignan din ni Lita kung sino ang tinitignan ko."Oh my gosh! Andito na pala si sir Conrad kaya naman pala naka-nganga ka diyan e. Ang gwapo 'nu?"

Napa-kurap kurap ako dahil hindi ko namalayan na matagal pala ang ginawa kong pag-titig sa binata. "H-Hindi kaya, tsaka anong naka-nganga tigilan mo nga ako, Lita." pagmamaang- maangan ko pa ako kahit totoo naman ang sinabi ni Lita.

Kasalukuyang kausap ng binata ang magulang niya at ang ibang mga tao na naroon.

"Ay sus! nag-deny pa nga. Halata ka gurl, pero okay lang naman na ganyan yung reaksyon mo. Haha! ganyan din naman ako nung una kong nakita si sir." natatawang saad nito.

Hindi ko na lamang pinansin ang pang-aasar sa akin ni Lita ng bigla akong tawagin ni Ma'am Betina. "Rara, kumuha ka ng panibagong plato, baso at kubyertos. Dalhin mo kay sir Conrad at kaka-dating lang. Ikaw naman, Lita kumuha ka ng tubig at salinan mo ang mga baso ng bisita." utos nito na parang ayaw kong sundin.

Pwede naman kami mag-palit ni Lita.

Bakit kasi ako pa ang napili ni Ma'am Betina na kumuha ng plato para kay sir?

E, nahihiya na nga ako e.

At hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan! E, si sir lang naman yun. Isa pa, hindi pa naman niya ako kilala kaya bakit bigla akong kinabahan.

Bahala na nga!

"Good luck gurl! Haha, hindi ka naman kilala ni sir kaya okay lang yan. Kaso lang...." sinadya niya pang bitinin ang nais sabihin niya para asarin ako.

"Kaso ano? kung mag-palit na lang kaya tayo. Ako na magsa-salin ng tubig sa mga bisita." suggestion ko.

"Ayoko nga, sayo inutos yun e. At isa pa hindi ka kilala ni sir pero baka magka-interes yun na makilala ka kapag nakita ka niya." maka-hulugang sabi nito.

Di ko na lamang yun pinansin dahil alam ko bini-biro at nang-aasar lang sa akin si Lita. Nauna na itong lumabas para sundin ang utos sa kanya, samantalang ako naman ay naka-ilang buntong-hininga habang papalabas mula kusina habang dala ang inutos ni Ma'am Betina.

Pinilit kong wag kabahan at naglakad pa-palapit sa pwesto ni sir Conrad upang ilagay ang plato niya. Gumana ang pag-iipon ko ng lakas ng loob dahil nakalapit na ako kay sir at inaayos na ang plato, baso, at kubyertos niya. Nararamdaman ko din ang pag-sulyap ni sir Conrad sa gilid ko at ang tingin ng ibang tao na naroon habang inaayos ko ang mga iyon pero nanatili ang walang emosyon kong mukha.

Makaka-alis na sana ako sa lugar na iyon ng narinig ko na magsalita si sir Conrad. "You're new here?" baritone voice of sir Conrad made my breath hitch.

Hindi ko alam kung ako ba ang kausap niya dahil nanatili lamang akong naka-yuko at hindi sila tinitignan. Ayoko naman sumagot dahil baka di naman ako yung kausap at mapa-hiya pa ako.

Tapos na ako sa pag-lalagay ng kubyertos ng sumagot si Madam."Yes son, she's new here. Isang linggo pa lang siya dito."

So, ako nga ang tinatanong ni sir Conrad?

Oh my god! Nakakahiya!

Di man lang ako tumingin sa kanya at sumagot!

Hindi ko narinig ang naging tugon ni sir pero nararamdaman ko pa rin ang titig niya sa akin hanggang sa naka-alis na ako doon. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko dahil kanina ko pa pala yun pinipigilan habang nasa labas ako.

Bakit di ko ma-kontrol yung nararamdaman ko?

Bakit ako nagkaka-ganito?

Mabuti na lang at hindi ako napahiya doon, dahil mas gugustuhin ko na lang lamunin ng lupa kapag nangyari yun.

Nang mag-alas dies na ng gabi ay umuwi na ang ilang mga bisita at tanging iilang kamag-anak na lang ang natira. At yun yung mga taong kanina pa ako tinitignan. Kasalukuyan naman sila ngayong nasa pool area at doon umiinom kasama si sir Conrad. Si Lita ang nag-aasikaso ng pulutan at inumin nila. Habang ako ay naiwan sa garden at inili-ligpit ang ibang gamit.

Mabuti na lamang at hindi na naisipan ni Ma'am Betina na ilagay ako doon. Dahil baka di ko lang matagalan ang mga tingin nila sa akin.

"Nakaka-intimidate kasi sila e!"

"Who?" tanong ng taong nasa likod ko. Nagulat ako dahil hindi ko alam na nasabi ko pala ang mga katagang dapat nasa isip ko lang.

Nakakahiya!

Unti-unti akong humarap at binalot muli ng kaba ng bumungad sa akin ang gwapong mukha ni sir Conrad at kaagad din naman akong nag-iwas ng tingin.

Bakit siya andito? At siya pa talaga ang naka-rinig sa mga sinabi ko?

Lupa, kainin mo na 'ko ng tuluyan!

"Who makes you feel intimidated?" tanong ulit nito sa matigas na boses. Kahit ang pagsasalita nito ay ang manly pakinggan.

"W-Wala po s-sir." kinakabahang sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya at inaabala ang sarili sa ginagawa.

"You're able to speak, but why didn't you answer when I asked you earlier?" tanong nito at nararamdaman ko na malapit lang siya sa akin.

Yung tinu-tukoy niya ay yung tinanong niya ako kanina. Malay ko ba na para sa akin pala yung tanong na 'yon.

"S-Sorry po sir, akala ko kasi hindi ako ang kausap niyo. Pasensya na po." hindi pa rin ako humaharap sa kanya. Aalis na sana ako doon ng hawakan niya ang braso ko, kaya napa-tigil ako.

Napatingin ako sa kamay niya na naka-hawak sa braso at unti-unti akong napa-angat ng tingin sa kanya. Hindi ko mapigilan na humanga dahil mas nakikita ko ng malapitan ang itsura ni Sir Conrad.

Nang makita ni sir Conrad ang tingin ko sa kamay niya na nasa braso ko ay kaagad din niya itong binaba."I'm sorry."

"M-May kailangan po ba kayo sir?" tanong ko.

Umiling lamang ito at tuluyan ng umalis doon, mukhang pupunta na ito sa mga kamag-anak nilang nasa pool area.

Napa-hawak ako sa dibdib ko dahil hindi matigil ang kaba at pag-tibok ng puso ko.

Rara! ano bang nagyayari sayo?

Si sir Conrad lang yun, bakit ka nagkaka-ganyan!

Kung ganito palagi ang tibok ng puso ko sa kaba mas mabuti pang iwasan ko na lang si sir Conrad habang andito siya sa mansyon. Siguro naman hindi naman siya mag-i stay ng matagal dito....

********************

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status