Share

Kabanata 5

"Hayst! Anong oras na ba?" napa-tayo ako mula sa pagkaka-higa upang silipin ang oras sa aking cellphone.

It's already 4am, sobrang aga pa kumpara sa gising ko na 5am dahil kailangan ng mag-asikaso nun ng pang-agahan. Hindi ko alam kung maaga lang ba talaga ako nagising o hindi talaga ako naka-tulog. Hindi kasi mawala sa isip yung narinig ko kahapon, at hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang isipin 'yun.

Ano naman sayo Rara kung may relasyon nga sila?

Isa pa buhay yun ni sir Conrad at nasa tamang edad na siya para magka-relasyon.

At kung si Ate Mia nga iyon, ano naman sayo?

Nasa tamang edad na rin si Ate Mia at wala namang masama kung magkaroon man sila ng relasyon ni sir Conrad.

Upang mawala ang pag-iisip ko tungkol doon ay nag-pasya na lamang ako lumabas upang mag-jogging dahil paniguradong hindi na rin naman ako makakatulog pang muli. Saktong pag-balik ko mamaya ay maghahanda na ako ng umagahan at baka gising na rin si Ma'am Betina.

Madilim pa ang kalangitaan ngunit alam kong safe naman sa labas kaya nag-patuloy ako sa pag-labas ng mansion tanging ako pa lamang ang gising dahil mamaya pa ang gising ng ibang kasambahay.

Wearing a jogging pants and white v-neck t-shirt. Also a white rubber shoes na gamit ko pa noong Grade 12 ako tuwing p.e namin ay sinimulan ko ng tumakbo. Nag-paalam pa ako kay kuya guard na lalabas lang saglit upang mag-jogging sa malapit na park.

Hindi ko alam pero, feeling ko may naka-sunod sa akin.

Actually, nararamdaman ko na siya kanina pa, simula pa lang noong nasa mansyon ako. Pero, wala pa namang tao kanina. Kaya impossible 'yun e

Hayst! baka naman guni-guni ko lang yun.

"Medyo, marami din palang tao ng ganitong oras."

Katulad ko ay nag-jogging din sila at ang iba ay sakay ng bicycle, sa may malapit na park ako pumunta medyo nakaramdam na rin ako ng pagod kaya naman huminto ako doon saglit upang mag-stretching.

"Bakit ngayon ko pa nakalimutan mag-dala ng tubig." hingal kong sabi at umupo sa isa sa mga bench sa park.

Sa pagmamadali ko kanina ay nakalimutan ko pang mag-dala ng tubig. Wala pa namang bukas na tindahan malapit dito.

Kaloka!

"Do you want water, Miss?" tanong ng isang lalaki at inilahad sa akin ang dala niyang bottle water.

Napa-angat ako ng tingin sa lalaki at ganun na lang ang gulat ko at pag-hanga sa gwapong lalaking nasa harap ko. Naka-ngiti ito sa akin habang naka-lahad pa rin ang kamay at inaabot ang dala niyang tubig.

Hindi ko maiwasan pag- compliment sa lalaki.

Gwapo. Mestizo. At parang hindi nagka-kalayo ang edad naming dalawa. Siguro nasa apat o limang taon lang ang agwat naming dalawa.

Napa-lunok ako bago tinanggap ang tubig na inaalok niya. "A-Ah salamat!" sabay lagok ng tubig dahil sa labis na uhaw.

Hindi ko na nga inintindi ang itsura ko dahil talagang uhaw na uhaw na ako.

Ngayon pa ba ako mahihiya?

E, hindi ko naman siya kilala.

"Mukhang uhaw na uhaw ka, a. Bakit kasi hindi ka nag-dala ng tubig? Baka ma-dehydrate ka niyan." saad ng lalaki at umupo pa sa tabi ko.

Pinunasan ko muna ang aking bibig bago bumaling sa kanya."Oo e, nakalimutan ko kasi mag-dala. Salamat dito."sabay taas ko ng bottle water na ibinigay niya na halos na-kalahati ko ang laman.

"You're welcome. It's a good thing I had extra water with me. At saktong nakita kita dito, kaya naman ibinigay ko 'yan." saad nito na nasa mga taong nag-e exercise naka-tingin bago muling bumaling sa akin. "By the way, I'm Lucas." sabay lahad ng kamay sa akin.

Kaagad ko naman itong tinanggap."Rayne Kristen."

Gagi! Ang lambot ng kamay.

Nakakahiya naman yung sa akin, baka magaspang na 'yun dahil sa pagta-trabaho.

Nakita ko ang amusement sa kanyang mukha ng tinanggap ko ang pakikipag-kamay niya at noong sinabi ko ang pangalan ko. Mukha naman siyang mabait at base sa itsura mukhang may kaya ito sa buhay.

Wala naman sigurong masama kung makipag-kilala ako sa kanya.

Tsaka siya yung unang nag-approach sa akin, nakakahiya naman kung hindi ko ie-entertain.

"Hmmm, too long yet beautiful name." bago bitawan ang pagkaka-hawak sa kamay ko.

Ngumiti ako."Pwede mo naman, akong tawaging, Rara."

Naka-ngiting tumango ito."Rara? It's that your nickname, at your house?"

Tumango ako.

"Since you're already called by that name, can I call you Kristen instead?"

Kristen?

My second name.

Napa-ngiti ako, siya lang ang katangi-tangi na tumawag sa akin sa second name ko. Mas sanay kasi ako na tinatawag na Rara o di naman kaya ay Rayne.

Pero siya.....

Alright! Rara, wag kang kiligin.

Pangalan lang 'yun!

"O-Oo naman, although hindi lang ako sanay since mas sanay ako na tinatawag na Rara." di ko maiwasan mag-stutter sa harap niya.

Ang gwapo kasi!

Pero mas gwapo pa din si sir Conrad.

Bakit ba siya biglang napasok dito?

Matapos naming magpa-kilala sa isa't-isa ay nag-kwentuhan pa kami ng maikli tungkol sa mga buhay namin. Nabanggit ko sa kanya na nagta-trabaho ako bilang kasambahay. Akala ko nung una matu-turn off siya pero pinuri niya ako sa pagiging masipag ko at mapagmahal sa pamilya. Hindi gaya ng inaakala ko na may kaya lang siya sa buhay, dahil sobrang yaman nito.

Imagine at the age of 24, ay siya na ang nagma-manage ng business na iniwan ng parents niya. He is the owner of word class materials used in building houses. Graduate din siya ng engineering.

Sana all po.

Dapat talaga akong mahiya sa kanya.

Imagine, hindi mo mahahalata sa itsura niya na isa siyang bilyonaryo.

"Mauuna na ako sa'yo, thank you nga pala sa tubig kanina." paalam ko dahil nakita kong nagli-liwanag na baka gising na ang mga tao sa mansyon.

Hindi ko namalayan na matagal na rin pala ang pag-uusap namin.

"Let's have breakfast first, my treat." alok nito.

Gustuhin ko man pero kailangan ko ng bumalik ng mansyon. "Next time na lang siguro, Lucas baka kasi hina-hanap na rin ako sa mansyon."

Naka-ngiti itong tumango kahit nakikita ko sa mata niya ang lungkot. "Sige mag-iingat ka. I hope, magkita ulit tayo."

Tumango ako at umalis na sa park, nagma-madali na akong tumakbo kahit na malapit lang naman ang mansyon.

Hindi ko rin alam kung bakit ako kinakabahan?

Panigurado naman na hindi naman ako papagalitan ni Ma'am Betina kung sakali dahil nag-jogging lang naman ako.

Pero hindi ko pa rin maiwasan na kabahan.

Pagka-pasok ko sa mansyon ay tahimik ang loob, akala ko ay tulog pa ang lahat. Nagda-dahan dahan pa ako sa pag-pasok sa loob.

"Saan ka galing?" umalingaw-ngaw ang tanong ni sir Conrad.

Nagulat ako ng makita siyang nasa sala, at mukhang kanina pa gising. Nakakahiya baka gusto na niyang mag-breakfast o ano man.

"S-sir Conrad, nag-jogging lang po saglit. Gusto niyo na po bang kumain? Ipaghahanda ko po kayo." kinakabahan ako sa harap nito.

Hindi ko alam kung para ba sa akin yung matalim na tingin ni sir Conrad. Pero wala naman akong kasalanan kaya bakit ganun siya maka-tingin.

Bigla akong na-ilang dahil tinignan ako ni sir Conrad mula ulo hanggang paa. Wala naman sigurong mali sa suot ko di ba?

"Tsk!" singhal nito bago tumayo at umakyat sa ikalawang palapag.

Anong problema nun?

Bakit ang sungit niya? Wala naman akong ginawa, a?

Bumalik na lang ako sa kwartong inuukopa ko, mabilis na naligo at nag-bihis bago tumungo ng kusina.

"Rara, pwede mo ba akong samahan ngayon sa opisina?" nanlaki ang mata ko na humarap kay Madam dahil sa tanong nito.

Malakas ang loob ko na mag-serve ng breakfast sa araw na 'to dahil wala si sir Conrad. Maaga siyang umalis kanina papasok ng company at hindi na nagawa pang mag-almusal.

Mukhang bad mood.

Halata naman sa itsura niya kanina.

"A-Ako po Madam?" kinakabahang tanong ko. Pwede naman kasing si Lita na lang pero kanina ko pa siya hina-hanap hindi ko siya makita.

Saan kaya pumunta yung babae na 'yun?

Tumango ito. "Absent kasi yung personal assistant ko dahil nagka-sakit siya. Nautusan naman ni Betina si Lita kaya hindi siya ang maisa-sama ko."

Kaya pala, wala si Lita.

"Sige po, Madam." nag-paalam upang makapag-palit ng damit.

Nang makarating sa palapag kung saan ang opisina ni Madam ay hindi ko maiwasan tignan ang opisina ni sir Conrad. Dahil bukas ang glass window blinds ng kanyang opisina ay nakita ko siya. Mukhang busy ito sa harap ng kanyang computer at may binabasa pang mga files.

Iniiwas ko sa kanya ang aking paningin, ng bigla siyang tumingin banda sa amin ni Madam. Naramdaman ko ang paningin niya sa akin ngunit kaagad din itong nawala ng pumasok na ako sa loob ng opisina ni Madam.

Sana hindi niya ako nakita na naka-tingin sa kanya.

Nakakahiya!

May pina-arrange lang sa akin si Madam na mga files, at kapag may mga meeting siya sa conference room ay sinasama niya ako para ipa-take note sa akin ang mga details sa meeting. Ganun lang tumakbo ang araw ko sa opisina ni Madam, may pagkakataon na ipinagti-timpla ko siya ng kape at inuutusan niya akong bumili ng lunch sa cafeteria sa baba.

Kapag lumalabas ako ng opisina ni Madam ay talagang iniiwasan ko ang sarili ko na tumingin sa opisina ni sir Conrad.

Bakit hindi di ba?

Mabuti na lang at kapag may meeting sa conference room ay wala sir Conrad, kaya nakaka-kilos ako ng maayos ng hindi kinakabahan.

Nag-paalam si Madam saglit na pupuntahan lang si Ma'am Lily ang HR head para kausapin at ibinilin sa akin ang pag-sort ng mga files na ipinadala sa kayang opisina.

Habang nag-so sort ako ng files na inutos sa akin ni Madam na gawin. Biglang bukas ang pinto ng opisina ni Madam at iniluwa nun si sir Conrad. "Ma?"

"S-sir Conrad?" gulat na saad ko at tumayo pa.

Mukha din namang nagulat si sir Conrad dahil hindi niya inaasahan na andito pa ako. Hapon na rin kasi akala niya ay umuwi na ako.

"Where's Mama?" casual na tanong nito.

"Pinuntahan lang po saglit si Ma'am Lily." hindi maka-tingin sa kanya.

"Okay!" simpleng sagot nito.

Ang akala ko ay umalis na ito ngunit ng tumingin ako sa pinto ay nagulat ako ng naroon pa rin si Sir Conrad at parang may gustong sabihin ngunit hindi nito masabi.

"May kailangan pa po ba kayo sir?" tanong ko.

Nag-aalinlangang tumingin ito bago sumagot."Nag-meryenda ka na ba?" out of nowhere at medyo nahihiya pang tanong nito.

Ayun lang pala. Akala ko kung ano na.

"Bakit sir, papa-meryendahin niyo ba 'ko?" huli ng ma-realize ko na ang dapat na nasa isip ko lang ay naisa-tinig ko pala.

Jusko naman, o!

Narinig ko ang mahinang paghalakhak ni sir Conrad dahil sa sinabi ko. Marahil hindi niya inaasahan na iyon ang isasagot.

Kahit ako naman, hindi ko rin inaasahan na ganun ang isasagot ko.

Lupa kainin mo na lang ako, o.

"B-Biro lang po yun sir, pasensya na po." naka-yuko dahil hiyang hiya sa pinagsa-sabi ko.

"No, I can order snacks my treat."

Tatanggi pa sana ako pero naka-tuon na si sir Conrad sa kausap nito sa cellphone at nag-order ng pagkain. "I already order snacks for you, ipapahatid ko na lang dito."

For me?

Hindi ba siya nag-order para sa kanya.

Nakakahiya naman kung ako lang ang kakain.

"K-Kayo po sir? Hindi po ba kayo magme-meryenda?" curious na tanong ko.

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ngunit nakita ko ang simpleng pag-taas ng sulok ng labi ni sir dahil sa sinabi ko."Nope, I already eat. Inalala lang kita baka nagu-gutom ka na."

Wait!

Tama ba ang rinig ko?

Naalala ako ni sir? Na baka akala niya gutom na ako.

Erase! Erase! Bawal kiligin.

Baka ganun siya sa mga empleyado niya.

Tumango na lamang ako at nagpa-salamat dahil baka kung ano na naman ang masabi ko. Umalis din naman kaagad si sir Conrad at sinarado ang pintuan.

"Haaaaay!" buntong hininga ko. Hindi ko alam na kanina ko pa pala pinipigilan ang pag-hinga dahil sa kaba.

Masasarap ang mga pagkain na inorder ni sir Conrad para sa akin. Halos naubos ko ang mga ito habang tinatapos ang aking ginagawa. Akala ko ay saglit lang si Madam ngunit natapos ko na lamang ang aking ginagawa ay wala pa rin siya.

Nagli-ligpit na lang din ako dahil baka biglang dumating si Madam ngunit wala pa rin siya.

"Ang tagal naman masyado ni Madam?"

Sa curious ko ay lumabas ako ng kanyang opisina. Dumako pa ang tingin ko sa opisina ni sir Conrad pero naka-sarado na ang window blinds kaya hindi ko makita kung nasa loob ba siya.

Bumalik ako sa loob ng opisina ni Madam upang mag-banyo at mula doon ay narinig ko ang tunog ng takong. Mukhang andiyan na si Madam.

Nang makalabas ako ay walang Madam akong nakita sa loob ng opisina.

Kaninong heels yun?

Hindi kaya isa sa mga empleyado at pumunta sa loob ng opisina ni sir Conrad?

Nawala ang pag-iisip ko ng pumasok si Madam sa loob ng opisina."Pasensya na, medyo napa-haba ang usapan namin ni Lily."

"Okay lang po, Madam."

"You're done with the papers?" tanong nito pagka-upo sa swivel chair.

Tumango lamang ako.

Humarap ito sa akin may ini-abot na folder."Paki-bigay mo nga ito kay Conrad para mapirmahan." kaagad kong kinuha ang inilahad nitong folder at kahit kinakabahan ay sinunod ko pa rin ang utos niya.

Ilang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago nag-lakad sa opisina ni sir Conrad. Ngunit hindi pa man ako nakaka-katok ay naka-rinig na ako ng halinghing.

"Ahhh!" rinig kong d***g ng babae.

Nakita ko mula sa maliit na pagkaka-bukas ng pinto ang naka-talikod na si sir Conrad habang nakalagay ang magka-bilang kamay sa bewang at pinapatakan ng halik ang leeg isang babae.

Na kaagad ko din na-mukhaan ng makita ko ito-- si Ate Mia.

Mukhang sa kanya yung yabag ng heels na narinig ko kanina.

Napa-atras ako ng makita ko ang naka-pikit na mukha ni Ate Mia habang naka-upo sa lamesa ni sir Conrad at patuloy silang nagha-halikan. Gusto ko man na bumalik sa opisina ni Madam ay baka mag-taka pa ito na hindi ko naibigay kay sir Conrad ang papeles na ipinapa-bigay niya.

Baka siya pa ang pumunta sa opisina ni sir Conrad at baka malaman pa ni sir na nakita ko sila ni Ate Mia, kaya hindi ako tuluyang pumasok sa opisina niya.

Mas lalong nakakahiya yun.

Huminga muna ako ng malalim bago ko dahan-dahan sinarado ang pagkaka-awang ng pintuan at kinatok ito ng parang wala akong nasaksihan.

Naka-tatlong katok ako bago narinig si sir Conrad."You may come in."

Pinanatili ko ang mukha ko na walang ekspresyon, ng buksan ko ang pinto nakita ko na naka-upo na si sir Conrad at may hawak na papel habang naka-tukod ang dalawang siko sa lamesa. Hindi ko nakita doon si Ate Mia, hindi ko alam kung nasaan ito. At wala na din akong balak na alamin kung nasaan ito.

Dumiretso na lamang ako sa table ni sir Conrad at inabot ang folder sa kanya. "Pinapa-bigay lang po ni Madam, sir Conrad." pinilit kong maging pormal sa harap niya at nag-tagumpay naman ako.

Nakita ko ang gulat sa mata ni sir Conrad hindi siguro niya inaasahan na ako yung kumatok."Just put it here." turo niya sa kanyang lamesa na kaagad ko namang sinunod.

"Aalis na po ako, sir. Thank you po." hindi ko na inintay na sumagot siya at dumiretso na ko palabas ng pinto.

Hindi pa man ako nakaka-labas ng magsalita si sir Conrad. "Did you like the food I ordered?"nahihimigan ko ang lambing sa boses nito.

Lambing?

In your dreams, Rara!

Gumising ka na nga!

Naka-ngiting humarap ako at tumango."Yes po sir, salamat po."

Mukhang nabuhayan ito at ngumiti sa akin.

Nang tuluyan na akong lumabas sa opisina ni sir Conrad ay unti-unting nag-laho ang ngiti sa aking labi.

Hindi ko alam, kung bakit ganito yung nararamdaman ko pero....

Mali e!

Mali talaga!

Hindi pwede.....

Hindi ako pwedeng masaktan lalo pa't ngayong tama ang hinala ko.

Na may relasyon sila Ate Mia at Sir Conrad....

****************

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mary Joy Galiza
full story pls,,,,
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status