Share

Kabanata 4

"Oh, iho hindi ko alam na dito ka pala umuwi kagabi. Are staying for good?" tanong ni Madam kay sir Conrad habang nag-a almusal sila.

Dahil gabi na dumating si sir Conrad ay hindi nakita nila Madam ang pag-uwi nito. Akala rin siguro ng mga ito na uuwi si sir Conrad sa condo nito.

Saglit na tumingin si sir Conrad sa kanyang ina bago ibinalik sa pagkain."Maybe." simpleng tugon nito.

Nakita ko ang ginhawa sa mata ni Madam, parang mas gusto niya na dito na talaga mag-stay si sir Conrad dahil na rin sa hindi na nila ito nakakasama. Isa pa nag-iisang anak lang si sir Conrad kaya nalulungkot sila dahil hindi pa nila ito kasama.

"That's good to hear, son. Why?....Are you getting bored living alone?" sabad sa usapan ni Sir Leandro na parang may gustong ipaka-hulugan sa huli nitong tanong.

Nakita ko ang pag-igting ng panga ni sir Conrad at hindi sinagot ang kanyang ama. Mukhang napansin ito ni Madam. "Ang gusto lang sabihin ng papa mo ay, wala ka pa bang balak mag-asawa? Son, you are not getting any younger. Also, we want to have a grandchild."

Apo?

Sa bagay, nagtataka rin ako kung bakit wala pa rin asawa sir Conrad, sa edad niya dapat may asawa at anak na siya e.

At bakit, kailangan mong mangi-alam?

Huh? Rara! Wala kang say, sa buhay at sa desisyon na gagawin ni sir Conrad.

Dahil nasa gilid lamang ako at nag-iintay kung may iba pa silang gusto nakita ako ang simpleng pag-tingin ni sir sa akin bago ibinalik ang paningin sa magulang. "Ma, Pa we already talked about this didn't we? Right now, I have no plans on getting married. I hope you understand."

Baka may inaantay pa na babae na gustong pa-kasalan.

Or, maybe gusto pang enjoyin ang pagiging binata.

Ayaw pang magpa-tali.

Nalungkot si Madam sa itinugon ni sir Conrad habang wala namang emosyon si sir Leandro sa sinabi ng anak. Mukhang gusto na nila Madam na magkaroon ng apo para may aalagaan na sila. Sabagay, hindi rin naman sila bumabata pang dalawa.

"If that's what you want, but I hope mag-stay ka na dito sa mansyon for good. Ilang years ka din naming hindi nakasama, kaya sana dito ka muna ulit umuwi sa mansyon." si Madam hinihintay ang sagot ng anak.

"That's, definitely my plan." sagot ni sir Conrad na nasa akin ang paningin. Nailang ako sa uri ng tingin ni sir Conrad, kaya pa-simple na lamang akong yumuko.

What!

He's staying for good.

Jusko! Paano ko siya maiiwasan kung nasa iisang lugar lang kami?

At lagi pa kaming magkikita.

Nararamdaman ko pa rin ang tingin ni sir Conrad sa akin kaya napabaling na rin si Madam sa akin. "Why, son? Do you need anything from Rara?" nanlalaki ang mata na napabaling ako kay Madam sa tanong nito.

Bakit ako?

Hindi ba pwede si Ma'am Betina na lang?

O si Mary? Bakit ako pa!

Kainis naman kasi itong si sir Conrad, kung bakit ba naman tingin ng tingin. E, ilang na ilang na nga ako.

"Rara." baritonong tawag ni sir Conrad sa akin.

Ewan ko,kung ako lang pero iba ang paraan niya ng pagkaka-bigkas ng pangalan ko.

Kinakabahang itinuon ko ang aking paningin kay sir. Nararamdaman ko rin ang tingin ng mga taong naroon sa amin ni sir Conrad. "B-Bakit po sir?"

"I want coffee." simpleng utos nito.

Kape na naman?

Tumango ako. "With creamer po ba sir?" sinigurado kong hindi ako mau-utal.

Nakita ko ang pa-simpleng pag-silay ng ngiti nito."No, gusto ko yung timpla mo, kahapon."

Y-Yung timpla ko kahapon?

Akala ko ba, mas gusto niya ang kape niya with creamer.

Kahit naguguluhan ay tumango ako."U-Uhm okay po sir." maikling saad ko at sinunod ang utos ni sir Conrad.

"With creamer po ba sir?" sinadya ni Lita na artehan ang pagkaka-bigkas ng salita na binanggit ko kanina.

Napa-irap na lamang ako sa ginagawang pang-aasar sa akin ni Lita, tampulan kasi ako ng tukso nila Mary dahil sa simpleng pag-utos ni sir Conrad para ipag-timpla ko siya ng kape.

Wala doon si Lita kanina, pero dahil sa dakilang chismosa ito ay kaagad niyang nasagap ang balita patungkol doon.

Ewan ko ba?

Wala lang naman yun, pero nilalagyan na kaagad ng malisya.

Talaga ba? Para sa kape lang.

"Lita, pwede ba tigilan mo na ang pang-aasar sa akin." saad ko habang naghu-hugas ng plato. Nasa tabi ko naman si Lita at walang ginawa kundi asarin ko.

Mahinang kinurot ni Lita ang bewang ko."Oh my gosh, Rara! kini-kilig kasi ako sa inyo ni sir e." nangi-ngiting saad nito at sapilitang pinaharap ako sa kanya. "Umamin ka, may nilagay ka sa kape ni sir 'nu? Ginayuma mo siya 'nu!"

Napa-irap ako sa sinabi ni Lita, hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang pinagsa-sabi niya pero baliw na ata ang babaeng 'to.

Talaga bang maiisip niya ang ganoong bagay, samantalang nasa modernong mundo na kami. Hindi naman yun uso ang gayuma dito.

"Ba't mo naman iniisip yan, aber! Kape lang yun, Lita wag mo ngang lagyan ng malisya."

Napaka-issue sa kanya nun, mamaya ma-misinterpreted pa nung kung sino mang makaka-rinig.

Nakakahiya kay sir Conrad.

Lalo pa't mukhang dito na siya mag-i stay for good, kailangan mas galingan ko pa ang pag-iwas sa kanya para di na mag-tagpo ang landas naming dalawa.

"Oo na, 'to naman di mabiro." pinag-krus pa nito ang braso, tila nag-iisip. "Alam mo ba, nagtataka ako kung bakit nag-stay na ulit dito si sir Conrad sa mansyon. Samantalang, dati naman ayaw niya dito. Kahit anong pilit ni Madam sa kanya na manatili rito."

Baka naman nami-miss niya ng kasama ang parents niya. Gaya ng sabi ni sir Leandro kanina, baka bored na itong mag-isa lang sa condo kaya naisipan umuwi.

Nag-kibit balikad ako at ipinagpa-tuloy ang ginagawa."Aba, malay ko. Baka nga bored na tumira mag-isa sa condo niya."

Umiling-iling ito."Hindi e, hindi talaga. I know, may iba pang reason e. Baka naman, dahil andito ka?" naka-ngising tudyo nito.

Nahampas ko si Lita sa balikat dahil sa patuloy niyang pang-aasar sa akin. Kahit kailan talaga, walang tigil ang bibig nitong babae na 'to.

Imposible naman na dahil sa akin, kaya naisip ni sir Conrad na mamalagi na ulit sa mansyon.

Nang mag-tanghali pagkatapos ng aking ginagawa ay pumunta na ako sa kusina upang tumulong. Alam ko kasi after ng breakfast kanina ay umalis na ulit sila Madam at Sir Leandro para pumunta ng company nila. Hindi ko rin nakita si sir Conrad, kaya baka sumabay na din ito noong pumunta sila Madam sa opisina nila.

"Tapos ka na ba sa ginagawa mo?" kaagad na tanong ni Ma'am Betina nang makapasok ako sa kusina.

Tumango ako bilang tugon. "May i-uutos pa po ba kayo sa akin?"

Nakita ko ang simpleng pag-tango nito habang ang paningin ay sa nasa pagla-lagay ng pagkain sa tray.

Para naman kaya kanino yun?

E, wala naman akong nakitang bisita kanina sa sala.

"Para kanino po iyan, Ma'am Betina?" curious na tanong ko. Nang maka-lapit ako sa ginang ay nakita ko na pang-isang tao lamang ang pagkain na iyon.

Inilahad nito ang tray na kaagad ko namang kinuha. "Dalhin mo yan sa kwarto ni sir Conrad, kakauwi niya lang at nagpa-pahatid ng lunch niya sa kwarto."

Hindi ko na nasundan ang sinabi ni Ma'am Betina dahil tila na-bingi ako ng marinig ko ang pangalan ni sir Conrad.

Andito siya?

Ang akala ko nasa opisina pa siya. Ano ba naman! mabuti na lamang at hindi ko na bitawan ang hawak kong tray dahil kundi lagot ako kay Ma'am Betina.

Paano na yung plano kong iwasan siya?

Wala na akong nagawa ng madaliin ako ni Ma'am Betina gusto ko pa man tumanggi ngunit baka ano pa ang isipin ng ginang. Tsaka isa pa ihahatid ko lang naman yung pagkain ni sir Conrad sa taas hindi ko naman kailangan mag-tagal pa doon.

Huminga muna ako ng malalim ng nasa tapat na ako ng kwarto ni sir Conrad. Inilapag ko muna sa isang table doon ang pagkain ni sir Conrad bago kumatok. "Sir? Sir Conrad? Andito na po yung pagkain niyo?"

Nag-intay pa ako ng ilang segundo ngunit wala pa ring sumasagot. Sinubukan kong pihitin ang door knob at bukas naman iyon.

Nasaan kaya si sir Conrad?

Tuluyan na akong pumasok sa loob dala ang pagkain ni sir Conrad. Naka-rinig ako ng lagaslas ng tubig mula sa banyo, mukhang andun si sir Conrad at naliligo. Kaya nag-pasya ako na iwan na lang doon ang pagkain niya.

Pag-lagay ko ng tray sa bedside table. "Oh, you're here."

"Ay kiki!" nagulat ako sa baritonong boses ni sir Conrad sa likod ko.

Natampal ko ng mahina ang bibig ko dahil sa salitang nabitawan ko. Magugulatin kasi talaga ako e!

At ayun pa yung nasabi ko sa harap ni sir Conrad.

Nakakahiya!

"What did you say?" tanong nito.

Humarap ako kay sir Conrad upang sumagot na sana ay hindi ko na ginawa dahil tanging tuwalya lang ang naka-takip sa bewang ni sir Conrad.

Kaagad akong nag-iwas ng tingin kay sir Conrad at tumalikod."P-Pasensya na po sir, hindi ko po sinasadya. Promise po, wala po akong nakita."

Narinig ko ang paghalakhak ni sir Conrad sa huling sinabi ko.

Oh my gosh!

Rara naman e, bakit mo sinabi yun nakakahiya!

Parang gusto ko na lang magpa-lamon sa lupa dahil sa labis na kahihiyan.

"P-Pasensya ka na po talaga sir, nagulat lang po ako....kaya nasabi ko yung kanina....H-Hinatid ko lang p-po talaga yung pagkain niyo." hiyang-hiya pa rin sa ginawa ko. Hindi ko na inintay pa ang sasabihin ni sir Conrad at nagma-madali na akong lumabas ng kwarto niya ng hindi siya tinitignan.

Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya dahil sa labis na kahihiyan.

Mas lalo ko lang dapat iwasan si sir Conrad dahil sa nangyari.

Kaya naman pagkatapos nun ay talagang iniiwasan ko na sir Conrad kahit na alam kong nasa iisang lugar lang kami ay tinitiyak kong hindi magku-krus ang landas naming dalawa. Kapag breakfast ay hindi na ako ang nag-aasikaso dahil na rin sa andyan naman sila Betty at Mary. Inaabala ko na lamang ang aking sarili sa ibang bagay upang di mag-taka si Ma'am Betina. Mabuti na ring hindi ako hina-hanap ni Madam kaya naman naiiwasan ko sir Conrad.

Kapag alam kong magkaka-salubong kami ng landas ay ako na ang umiiwas dahil hiyang-hiya pa rin ako sa nangyari.

Tatlong araw ang lumipas simula ng iwasan ko si sir Conrad, mabuti na lamang at hindi na nagtatanong sila Lita. Hindi ko rin naman nabanggit sa kanya ang nangyari.

Simula ng makita ko ang half-naked na sir Conrad ay hindi ko maiwasan na uminit ang mukha. Kasi naman, first time kong maka-kita ng halos hubad na katawan. Although, naka-kita naman na 'ko ng mga ganun sa internet at magazine pero iba pa rin sa personal.

Yung mala-Adonis na pangangatawan, as in perfectly sculpted body. Alam mong alaga sa pag-gi gym, sa madaling sabi yung katawan ni sir Conrad ay batak. Akala mo active siya sa MMA.

He's so hot!

Ano ba! Bakit ko ba naiisip yun?

Rara! Boss mo siya at empleyado ka lang hindi mo dapat siya pinagna-nasaan.

Lumabas ako ng kwarto dahil alam kong tulog na din ang lahat. Kailangan ko kasing maka-usap sila Riri dahil natanggap ko na ang sahod ko kahapon at balak kong padalhan na sila. At syempre para na rin kamustahin sila, ilang araw ko na din silang hindi natatawagan.

"Bakit di sinasagot ni Riri? Masyado na bang gabi?" hindi ko kaagad na tignan ang orasan akala ko ay nasa 10pm pa lang kaya matatawagan ko pa si Riri. Ngunit ng makita ko ang oras sa cellphone ko ay nakita ko na 11:30 na mukhang tulog na nga sila Riri.

"Di bale, may bukas pa naman."

"Gabi na a, what are you doing here?." ani ng baritonong boses sa likod ko.

"Ay kiki!" gulat na saad ko.

Natampal ko na naman ang bibig ko dahil sa sinabi ko."P-Pasensya ka na sir, hindi ko po alam na nariyan pala kayo."

My gosh! Ilang beses pa ba akong mapapa-hiya sa harap ni sir?

Hindi ko man lang naramdaman ang ang presensya niya.

Nakita ko ang amusement sa mukha ni sir Conrad."Hindi ko alam na magugulatin ka pala. It's late already, what are you doing here?" kunot-noong tanong nito.

"A-Ah sir, sinubukan ko lang pong kontakin yung kapatid ko. Pero mukhang late na kaya naman bukas ko na lang tatawagan." simpleng sagot ko. Naka-yuko sa kanya dahil di ko matagalan ang titig niya.

Nakahalukipkip at may pagtataka na tumingin sa akin si sir Conrad. "Bakit kasi ngayon mo lang naisipan na tawagan sila? Ang akala ko nga tulog ka na e. Isa pa hindi na din kita madalas makita kahit na nasa iisang lugar lang tayo."

Saglit akong tumingin kay sir at umiling.

Nabigla ako sa sinabi ni sir Conrad, nahalata niya bang iniiwasan ko siya?

Hindi ko naman pwedeng sabihin na umiiwas ako sa kanya dahil panigurado magtatanong siya kung bakit.

At ayoko ng balikan kung ano man ang kahihiyan ko.

"Iniiwasan mo ba 'ko?" hindi ko inaasahang tanong ni sir Conrad sa akin kaya kaagad akong napabaling sa kanya.

Umiling ako."H-Hindi po sir."

Matiim ako nitong tinitignan na akala mo ay hinu-huli kung nagsi-sinungaling ako. Iniiwas ko ang aking mukha at yumuko upang di niya mahalata na nagsi-sinungaling nga ako.

Isa pa, ano na lang iisipin niya 'nu?

Kapag sinabi ko ang totoo na talagang iniiwasan ko siya dahil di ko matagalan ang presensya niya.

Mas maganda talaga noong doon pa siya sa condo niya naka-tira e. Hindi ngayong ilang na ilang ako kapag nagki-kita o nagkaka-lapit kaming dalawa.

"Yeah right, bakit mo nga naman ako iiwasan? Baka nga lang talaga hindi tayo nagta-tagpo ng landas kaya hindi tayo nagki-kita." may diin at mahihimigan ang pagka-dismaya sa boses ni sir Conrad.

Bakit frustrated si sir Conrad?

Dahil ba nag-sinungaling ako sa kanya?

O dahil sa hindi kami nagta-tagpo ng landas kaya hindi kami mag-kita.

I think it's the first one, bakit naman siya di ba madi-dismaya kung hindi kami mag-kita. E, ang dami niya namang pwedeng utusan kung sakali. Hindi palagi kailangan ako, dahil marami din kaming kasambahay dito.

Nang hindi ako sumagot ay naramdaman ko ang pag-alis ni sir Conrad. Nakita ko ang papalayong si sir Conrad papasok ng mansyon.

May nagawa ba akong mali?

Wala siguro di ba?

Ay bahala na, kung ano ano na naman ang iniisip ko. Basta hangga't kaya kong iwasan si sir Conrad, ay gagawin ko.

Nang sumunod na araw ay parang ka-kampi ko ang tadhana dahil sang-ayon ito sa kagustuhan ko na iwasan si sir Conrad dahil na rin sa madalas ay naging busy ito sa trabaho kaya naman hindi na rin kami talaga nagki-kita. Ngunit habang nag-lilinis ako sa katabing kwarto ni sir Conrad ay narinig ko ang boses niya na may kausap sa kanyang cellphone. Dahil nasa veranda si sir Conrad ng kanyang kwarto kaya naririnig ko siyang may kausap.

Hindi ko maintindihan kung bakit parang may sariling buhay ang tenga ko at pinakinggan ang usapan nila sir Conrad. Para kasing ibang tao si sir Conrad sa paraan ng pagkikipag-usap niya. Dahil hindi ko marinig ang boses ng kausap niya ay hindi ko alam kung babae ba ito o lalaki.

Pero sa lambing at kung paano mag-salita si sir Conrad ay mukhang babae ang kausap niya.

"Sige Mia, magkita na lang tayo sa opisina ko." tanging huling sabi ni sir Conrad bago pinatay ang tawag at pumasok na ulit sa kanyang kwarto.

Na-confirm ko ang hinala ko na babae ang kausap ni sir Conrad dahil sa binanggit nitong pangalan.

Pero ang tao bang kausap ni sir Conrad at ang taong kakilala ko ay iisang tao lamang?

Si Ate Mia ba ang kausap niya?

May relasyon ba silang dalawa?.....

****************

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status