Share

Kabanata 16 - Siya ang daddy ko.

Eloise's Point of View

Nakangiti ako habang naglalakad patungo sa aking sasakyan. Naalala ko ang gulat na gulat mukha ni Elijah nang halikan ko ito.

Nakita kong lumabas ng sasakyan si Nicole at tila may hinahanap. Nagtataka itong lumapit sa akin.

"Ate, hindi ba kayo nagkita ni Avery?" Nagtatakang tanong ni Nicole. Mag-isa lang kasi ang kanyang amo at hindi nito kasama si Avery.

Nangunot naman ang aking noo kay Nicole. "Anong ibig mong sabihin, Nicole? Nasaan si Avery?" Kinakabahan kong tanong dito.

Napatingin ako sa loob ng sasakyan wala doon ang aking anak. Sinamaan ko nang tingin si Nicole.

Kakamot-kamot naman sa kanyang ulo si Nicole.

"Ah, eh! Nainip ho kasi si Avery sa kahihintay sa'yo, kaya sabi niya susunduin ka na lang daw ho niya. Pinayagan ko naman kasi alam naman niya kung nasaan kayo kanina. H-Hindi nyo ho ba nakita?"

"H-Hindi ko siya nakita." Saglit naman akong natigilan. Oo nga pala, sa gilid ng mall ako dumaan, hindi sa mismong harapan kaya hindi ko napansin ang akin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status