Share

Kabanata 15 - Gusto kita

Eloise's Point of View

Lumipas ang ilang araw at malamig pa rin ang pakikitungo sa akin ni Elijah. Mas pabor sa akin iyon para magawa ko nang maayos ang aking trabaho.

Maaga akong nagising upang ipaghanda ng almusal ang aking anak, subalit naabutan ko ito sa kusina na tumutulong sa pagluluto kay Nicole.

"Good morning, honey." Bati ko sa aking anak. Naghugas muna ito ng kanyang kamay bago lumapit sa akin at yumakap.

"Good morning, mommy! Kami na po ni Ate Nicole ang naghanda ng pagkain." Nakangiting saad naman ni Avery. Kapag tumatawa ito ay lalong nagiging kamukha siya ng kanyang ama. Napasimangot naman ako nang maalala ko ang lalaki.

"Okay ka lang, ate? Bakit bigla ka na lang sumimangot diyan?" Nagtatakang tanong ni Nicole. Hindi niya maintaindihan ang mood ng kanyang amo.

"Okay lang ako, may naalala lang akong nakakainis na tao." Tugon ko naman kay Nicole. Nahihiya akong tumingin sa akin anak dahil ang ama nito ang tinutukoy ko.

"Sino naman siya, ate. Gwapo ho ba?" Usisa naman ni Ni
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status