Share

Chapter 3

Takot

Napapiksi ako sa lakas ng pagsabog ng tubig nang tumalon si Xander mula sa malaking bato. I laughed at him when his face turned red from the impact of his dive.

This is what he meant when he said he'll make it up to me - ang mag-picnic sa talon na pagmamay-ari ng pamilya niya.

Malawak ang lupain na pagmamay-ari ng mga Del Rio. They also own the biggest Food Manufacturing company of the whole province. Mula pa ang mga lupaing ito sa mga ninuno niya na matagal nang naninirahan dito.

I heard his ancestors were not well off back then during the war. Pero nagawa nilang umasenso mula sa isang maliit na negosyo na pinalago ng kanyang lola, Donya Esmeralda Zalduaga Del Rio.

I don't really know his family's history. At ang mga alam ko ay ang mga naririnig ko lang kina mama at papa. Ever since my family moved here, naging malapit na nilang kaibigan ang mga Del Rio. At bilang din nag-iisang anak, mula noon naging malapit na ako sa pamilya nila.

Tita Alondra and Tito Thomas are very fond of me. Wala kasi silang anak na babae at hindi na nasundan pa si Xander. She even packed our food for today's outing, kahit kaming dalawa lang naman ni Xander ang gagala.

"Magaling na ba si Gustave?" I asked referring to his brown stallion.

I wiped the dirt off the blanket and started unpacking the food. Tinabig ko ang kamay niya na akmang kukuha ng pagkain. Tinawanan niya lang ako.

"He's fine now."

"Really?!" I exclaimed with excitement.

Ibig sabihin nito matuturuan niya na akong mangabayo!

Matagal ko nang request iyon sa kanya kaya lang nagkataon na nagka-injury si Gustave. Ayoko naman sa ibang kabayo dahil hindi kasimbait ni Gustave. He's gentle and kind unlike their other horses.

"Yup."

"So matuturuan mo na akong mangabayo?"

I blinked my eyes fast with excitement. Alam kong pag ginawa ko iyon hinding-hindi niya ako matatanggihan.

"Ugh, fine. After this," ngisi niya.

"Thank you!"

Nayakap ko siya sa excitement na siyang ikinatawa niya lang. Sana pala iyon agad ang ginawa namin. Oh well, mabuti na rin ito at kaming dalawa lang naman ang nandito. I can spend a long time with him, alone.

"I heard you got into a fight at school," maya-maya ay seryosong aniya.

Natigil ako sa akmang pagsubo at nag-angat ng tingin sa kanya.

"Where did you hear that?"

Pigil ang galit kong tanong sa halip na bigyan siya ng diretsong sagot. Unti-unting bumangon ang galit sa sistema ko.

"Hindi na importante iyon."

"It is," I cut him off. "So I'll know whom to get angry with for being nosy with other people's business."

"Cianna."

"Oh! Let me guess. It's that friend of yours, right? Ano nga bang pangalan niya... Santi? Tama ba? Siya ang nagsabi sa iyo?"

He sighed. Hindi rin siya sumagot na lalong nagpaigting ng galit ko. His silence confirmed my speculations!

I don't give a damn if other people see me in a dark light. Their opinions of me doesn't matter. Iyon ang nasa isip ko. Pero ang makita ang kaisa-isang taong pinagkakatiwalaan ko na mas pinaniniwalaan ang sinasabi ng iba kaysa sa kung ano ang pagkakakilala niya sa akin, it hurts - a lot.

"Let me guess again. Sinabi niyang ako ang nagsimula ng gulo? Na ako ang unang nang-away, ganoon ba?" I smirked angrily.

"No."

"Then what did he freaking tell you?"

"He just said what he saw, okay?"

"You know what, I don't really care. At wala na ring saysay kung ipapaliwanag ko ang sarili ko dahil wala rin namang maniniwala. You know me, I am not the type to stoop so low just to prove a point."

"I know. I'm just saying na dapat umiwas ka nalang sa susunod. You're the newbie kaya lahat ng tao sa school babantayan talaga ang mga kilos mo. Some of them may even have unfair prejudices of you because they don't really know you. They might misunderstand your actions and words. I just want you to be careful next time."

Nag-iwas ako ng tingin. I breathe hard just to get rid of the lump on my throat. He's got a point. Wala naman talaga iyan sa isip ko. Pero ngayong sinasabi niya sa akin ito, lalo lang iyong naging malinaw sa akin.

Reality is, I can never please everyone. Especially that I am straightforward and rude sometimes. But I don't really care what other people think of me. That's why I don't bother explaining myself. I'll just think of them as narrow-headed people and judgmental.

Iwinaglit ko nalang sa isip ang mga bagay na iyon at nag-enjoy sa pagligo sa talon. I shivered when the cold waters embraced me. Halos mangatal ang mga labi ko sa sobrang lamig.

Xander challenged me for a swim which I gladly obliged. We went through few laps at siyempre hindi rin ako nagpatalo. In the end, he let me win the game.

Sunod naman naming ginawa ay nag-dive. Huge rocks decorated well the side of the falling waters which made it seem like a wall. It was beautifully and naturally decorated with big rocks. This waterfall remained untouched sa ilalim ng pangangalaga ng mga Del Rio.

Hindi ako hinayaan ni Xander na tumalon mula sa mataas na mga bato. I laughed with how he dived. Bahagya siyang nadulas kaya hindi maganda ang pagkaka-dive niya. He caught me underwater as I laughed myself out.

"That was so not cool!" Tawa ko.

Napakapit ako sa braso niya nang kilitiin niya ako sa tagiliran. I couldn't help myself from laughing when I think of how epic his dive was.

"Ang sama mo, pinagtatawanan mo pa talaga ako."

He stopped tickling me and I had to stop laughing when I felt his skin touched mine. Lumakas ang kabog ng d****b ko habang nakatitig sa kanya.

My eyes fixed on his face, on his reddish lips particularly. Beads of water flowed from his damp hair down to his face which made him hotter in my eyes. I wondered how would it feel to have his lips against mine. Would it be soft like how it looked?

Hindi ko namalayan ang sariling dahan-dahang lumalapit sa kanya. I was taken aback when he pushed me lightly away from him. Doon lang ako tila nagising mula sa malalim na panaginip.

"I thought you wanted to learn how to ride a horse? Mabuti pa bumalik na tayo sa mansiyon para maturuan kita," he smiled.

Wala akong nagawa kundi ang tumango nalang, I still couldn't get over the fact that I almost kissed him. I almost did, kung hindi niya lang ako inilayo mula sa kanya.

We were silent most of the time when we head back to their mansion. Paminsan-minsan lang kaming nag-uusap tungkol sa mga bagay na kailangan kong malaman sa pangangabayo.

"Don't worry, Gustave is a gentle one. At kilala ka na rin naman niya kaya hindi na tayo mahihirapan."

I nodded and smiled. Ilang minuto lang ay narating din namin ang malawak na bakuran ng mga Del Rio. Their huge mansion intricated with classic Spanish design is enough to beautify the whole land.

Abala ang mga tauhan nila nang dumating kami. Ang ilan ay nasa kuwadra at ang iba naman ay labas-masok sa bulwagan na may dalang mga papeles.

One of the men on the horses' stable was Santi. My brows furrowed at the sight of him. He's wearing faded jeans and black v-neck t-shirt.

"What is he doing here?" My voice stern with supressed anger.

"Who?"

Sinundan ni Xander ang tinitingnan ko at nagulat din siya. He was about to say something when we heard tita Alondra's voice from the entrance.

"Xander! Your father is asking for you," tita Alondra smiled. "Cian, hija!"

Nakangiti akong bumaling kay tita at naglakad palapit sa kanya.

"Susunod na po ako, ma. May kakausapin lang."

Tita Alondra's gaze turned to me. Marahan niya akong hinawakan sa kamay.

"Cianna, did you enjoy your picnic?"

"Yes po, tita."

"I'm glad."

Sabay kaming lumingon nang marinig ang mga yapak ni Xander palapit. Agad ding nagpaalam si tita nang makalapit si Xander.

"Your father is waiting in the study."

"Susunod po ako."

Tita Alondra smiled at me at tuluyang nagpaalam. Nalusaw ang ngiti ko nang makita kung sino ang nasa likod ni Xander na lumapit din pala.

"Cian, I'm really sorry pero hindi kita masasamahang mangabayo. May deliveries kasi na dumating at sa akin pinapaasikaso ni Papa."

Bahagya akong nanlumo sa narinig. Wala rin naman akong magagawa dahil ang Papa niya mismo ang may utos niyon. So that explains why everyone's seem so busy. I smiled at him.

"It's fine. Sa susunod nalang," I said.

He looked reluctant kaya nilakihan ko ang ngiti. He doesn't have to feel guilty, really.

"Actually, Santi offered to teach you instead. Wala na rin daw kasi siyang ibang gagawin pagkatapos madiskarga ang mga mangga kaya..."

Matinding pagtutol ang naramdaman ko. I looked at Xander knowingly, bakas sa mukha ang disgusto sa ideya.

"No! It's fine. Sa susunod nalang kung busy ka ngayon."

I took a glance on Santi. Seryoso niya lang akong tinitigan habang nakahalukipkip na nakasandal sa barandilya. I looked away angrily. Sariwa pa sa ala-ala ko ang mga sinabi at ginawa niya, kaya salamat nalang.

Paano kung hayaan niya akong mahulog habang nangangabayo? Or worse sadyain niyang ihulog ako? The mere thought of it fuelled my anger even more.

"It's fine if she doesn't want to, Xander. Baka natatakot siya."

Parang nag-panting ang tainga ko sa sinabi niya.

"What?" I spat angrily.

Akma na akong susugod sa kanya nang pigilan ni Xander ang mga braso ko.

"Stop, stop it you two."

"Oh bakit? Hindi ba?" Naghahamong aniya.

"Ba't naman ako matatakot? I just don't trust the likes of you that's why," I looked at him insultingly.

"Eh di takot ka nga."

"Of course not!"

Ngumisi lang siya na lalong ikinainis ko. 

Before I could even think straight, nagmartsa na ako papunta sa kwadra kung saan alam kong nandoon si Gustave.

To be continued...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status