Share

Chapter 2

Brat

Maaga ako kinabukasan dahil maaga rin magsisimula ang klase ko. Xander texted me that he couldn't pick me up early dahil mamayang hapon pa naman ang klase niya. I decided to drive my own car on my way to school. Hindi na rin naman ako mahihirapan kasi kabisado ko na.

I shivered when the cold wind kissed my skin. Mukhang magsisimula na ang tag-ulan dahil malamig na ang simoy ng hangin.

The streets are still filled with fog kahit na mag a-alas siyete na ng umaga. I slowed down when I couldn't clearly see the road because of it. Ngunit maya-maya ay nawala rin iyon.

I noticed a figure walking on the streets. Nakasuot iyon ng uniform ng school namin. My brows furrowed when I tried to see who it is. It was that man from yesterday. Iyong Santiago Lopez. Naglalakad siya habang nasa bulsa ang dalawang kamay.

I suddenly remembered what happened at the sight of him. Hanggang ngayon nagngingitngit pa rin ang loob ko sa pagkapahiya dahil sa ginawa niya. I was just trying to be polite to him at iyon pa ang nakuha ko. Mahirap na nga, suplado pa.

I rolled my eyes and focused on the road instead. Tuluyan ko rin siyang nilagpasan at ilang minuto lang ay narating ko ang school.

My phone rang when I was about to go out of the car. Napangiti ako nang makita ang pangalan ni Xander.

"Hi!" Masigla kong bati.

He chuckled. Mukhang kagigising niya pa lang base sa napapaos niyang boses.

"Good morning, Cian. Nasa school ka na?"

"Yup, papasok pa lang. Why?" Nangingiti kong tanong.

I bit my lower lip para pigilan ang kilig.

"Good to hear that. Akala ko naligaw ka," halakhak niya.

Natigil ako sa paglalakad dahil sa biro niya. Gosh, he's teasing me again. Alam niyang hindi ako makakaganti kasi hindi kami magkasama.

"I told you, I'm not a kid anymore."

Tumawa lang siya. Ilang sandali pa kaming nagkuwentuhan hanggang sa marating ko ang classroom for my first class. Mangilan-ngilang estudyante pa lang ang naroon dahil maaga pa naman.

"Cian, can you do me a favor please?"

"Of course, what is it?"

"I forgot to get some files from Santi yesterday. Kailangan ko ang mga iyon para bukas. Pwede mo bang kunin sa kanya?"

Natigil ako sa pagsasalansan ng mga libro sa sinabi niya. I was thinking if I heard him right at sinabi niya ba talaga iyon.

"Why don't you just get it from him later? Palagi naman kayong magkasama, hindi ba?"

I tried so hard not to sound displeased with the idea. Isipin ko pa lang na kakausapin ko ang lalaking iyon, naiirita na ako. I want to help him of course, kung hindi lang tungkol sa supladong iyon.

"Iyon nga rin sana ang gagawin ko. Kaya lang nakalimutan kong wala siyang klase mamayang hapon."

"Ipahatid mo nalang diyan sa bahay niyo mamaya pag-uwi niya."

"His house is far from mine tsaka naglalakad lang siya papuntang school at pauwi. Hindi niya rin madadaanan pauwi. Ayoko namang abalahin pa siya lalo ngayong kailangan niya mag-harvest ng mangga pagkatapos ng klase."

Hindi ako nakasagot. Wala na akong maisip pa para lang matanggihan siya sa pakiusap niya. Hindi ko rin alam kung bakit sobrang labag sa loob ko ang gawin ang pakiusap niya. Kailangan ko lang naman kunin ang kung anumang file na iyon. It won't take long.

"Please?"

I sighed, defeated.

"Fine. Just tell him I'm getting it. At saan ko ba siya makikita?"

"Nice! Thank you so much, Cianna! I owe you this one. Sasabihan ko siya na magkita kayo sa school grounds since doon malapit sa inyong dalawa. Thank you talaga."

"It's not for free. Kailangan mong bumawi sa akin," biro ko.

"Anything for you, Cian."

Hindi rin nagtagal ay dumating sina Maisie at Elize. We chatted for a moment hanggang sa dumating ang prof.

"Ano ba iyan, quiz agad?" Reklamo ni Maisie.

I shook my head as I listen to her rants. Marahan naman siyang sinaway ni Elize. Iilang bulung-bulongan din ang narinig ko mula sa iba naming kaklase.

It felt like the longest two-hour class. Mabagal ang paglipas ng oras. The thought of meeting that man made me thankful time went painfully slow. Pero bumalik din agad ang irita ko nang sumapit ang ala diyes at kilaingan ko nang umalis.

"You girls go ahead. May kailangan lang akong puntahan sandali. Susunod din ako sa cafeteria," I said as I arranged my things.

Taka nila akong tiningnan.

"Saan ka pupunta?" Si Elize.

"Sa school grounds. May ipinapakiusap si Xander."

They both nodded. Nauna akong lumabas para magtungo roon.

It was not long though before I got there. Mag-isa siyang nakaupo sa isa sa mga benches sa lilim ng isang malagong puno. His wide shoulders got emphasized with the tight cloth of his uniform. Nakatalikod siya kaya hindi niya napansin ang pagdating ko.

I went in front of him and blocked his view of the field. His brow shot up the moment our eyes met. I tried so hard not to roll my eyes to show my annoyance. Wala pa man siyang ginagawa at sinasabi naiirita na ako.

"Where is it?" I lend my hand out for the file.

Kunot-noo niyang binuksan ang kanyang bag at kinuha mula roon ang isang folder. Pahablot ko iyong kinuha at tumalikod na para umalis.

"Tss," singhal niya na nagpatigil sa akin.

"What?" I spat when I turned to look at him.

He smirked. Taas-kilay niya akong tinitigan na lalong nagpairita sa akin.

"Nothing. I was curious how a brat would act. Ngayon alam ko na."

"Ano'ng sabi mo?" Nanggagalaiti kong tanong.

I think I heard him wrong. O tama ba ang pagkakarinig ko? Tinawag niya akong brat? The hell?

"How dare you call me that? You don't even know me," ang galit ay hindi ko na napigilang ipakita.

"Your words and actions tell it all. I don't have to know you to see if you're a brat or not."

Matinding pagpipigil ang ginawa ko sa sarili para lang hindi ibalik sa kanya ang insulto sa mga sinabi niya. No, I won't.

I won't stoop down their level. There's no use defending myself to people like him. And people like him doesn't deserve any explanation from me. Sino ba siya sa akala niya para pag-aksayahan ko ng panahon?

I smirked kahit sa loob-loob ko'y para na akong sasabog sa sobrang galit.

"You know what? I don't give a damn what you people think of me. You can all go to hell for all I care."

I rolled my eyes and walked out. Malakas ang kabog ng d****b ko sa sobrang galit.

I slid the folder inside my bag as I continue to stride my way towards the cafeteria. Natigil lang ako sa paglalakad nang may humarang sa daraanan ko. Three girls blocked my way. Papasok na ako sa cafeteria nang humarang sila.

"Siya ba iyong nang-agaw sa boyfriend mo, Trina?" The girl on the left asked.

I stared at them with nothing but indifference. What nonsense are they spewing? Ako? Nang-agaw ng boyfriend? Stupid.

"Oo siya nga. Someone saw her talking to Lance the other day."

Lance? Montenegro?

I was about to go the other way when the girl called Trina blocked my way. Ngayon hindi ko na napigilan ang galit. It's past 10 and I still have a class. Hindi na nga ako nakapag-snack dahil doon sa favor ni Xander tapos mukhang mali-late pa ako dahil sa mga babaeng ito.

"Di ba siya rin iyong kasama ni Xander ng araw na iyon? Ano iyan, tino-two time niya si Lance at Xander?" The other girl laughed.

"What do you want? I don't have time for this."

"Cianna Juarez, right?"

"So?" I asked.

The girl in the middle smirked.

"Wala naman. We just want to warn you. Stay away from Lance while we're being nice to you. And mind you, hindi porke't kilala ang pamilya mo at mayaman kayo, matatakot kami sa iyo. Not us darling."

I rolled my eyes. Gosh, this is so dramatic. Are thry seriously trying to bully me? Ako talaga ah?

I chuckled at mukhang nainsulto sila lalo. I tilted my head as I look at them from head to foot. Lalo silang nagalit sa ginawa ko.

"Why don't you tell your man to stay away from me instead? Hindi ako ang lumapit, siya. At hindi ko na kasalanan iyon kung nagsawa na ang boyfriend mo sa iyo," I looked at her in the most insulting way I know. "I can clearly see why."

Her cheeks burned with embarassment and glared at me. Maraming estudyante na ang nakapansin sa nangyayari at ang ilan ay nanatili talaga para manood. Mukha naman silang natauhan nang makitang marami nang estudyante sa paligid. I smirked.

They were just brave because I was alone. Ngayong maraming estudyante ang nanonood ay parang mga asong biglang umamo. Except the girl called Trina.

"You, bitch!"

Nanlaki ang mga mata ko nang patakbo siyang sumugod sa akin. And as a reflex I pulled my body to the other side. Nawalan siya ng balanse at napasubsob sa semento. While I'm still shock from what she did. Nagsinghapan din ang lahat ng nakakita ngunit maya-maya ay tinawanan siya.

Her friends didn't move an inch. Lumapit ako sa kanya. Nanatili siyang nakaluhod habang galit na galit na nakatitig sa akin. I went closer to her and smirked.

"Don't try to mess with me. Mapapahiya ka lang," I whispered. "And one more thing. I*****k mo sa baga mo iyang boyfriend mo nang hindi makawala."

"What the hell are you doing?!"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang galit na boses na iyon. I lifted my gaze only to see Santi's angry eyes directed at me. Wala pa man ay nasa mga mata na niya ang sisi para sa akin. Trina got up and went to him, umiiyak.

What a two-faced bitch.

"Santi," hagulgol niya.

Umayos ako ng tayo at hindi nagpatinag sa galit na ipinupukol niya sa akin. Trina went near him and cling to his arms. Lalo lang nagngitngit ang loob ko.

Ano bang karapatan niyang husgahan ako gayong hindi niya naman nakita ang buong nangyari? I glared at him more. Pinantayan ko ang galit na nakikita sa mga mata niya.

I remained silent. Kung inaakala niyang mag-eexplain ako at ipagtatanggol ang sarili ko, nagkakamali siya. I don't need his validation. Wala akong kasalanan sa nangyari at wala rin akong pakialam sa kung ano'ng iisipin niya sa nakita niya.

"Being rich doesn't give you the right to hurt other people. Lalo na sa mga taong mababa ang antas ng pamumuhay sa iyo," pigil na pigil ang galit na aniya.

I gritted my teeth at what he said. Ano bang gusto niyang palabasin? Na porke't mayaman ako ay basta-basta nalang akong nananakit. Hah! I can't believe his nonsense.

Ibinaling niya ang tingin sa Trina'ng iyon.

"Ayos ka lang ba?"

Trina nodded and turned to look at me. Takot at maamo ang mukha. Napasinghal nalang ako. I can't believe what I'm seeing.

"Believe in whatever you want to believe. I don't give a damn," gigil kong sabi nang hindi na nakatiis.

I turned my back on them. Sinalubong naman ako nina Maisie at Elize. They looked worried.

"Are you okay?"

I nodded. Muling bumalatay ang pait sa aking sistema nang maalala ang nangyari. Magsama silang lahat na puro makikitid ang utak.

"Of course. Ako pa ba," I said as I swallow the lump on my throat.

To be continued...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status