Share

CHAPTER 4

Chapter 4

"Dahil sa Pagliligtas ni Matt kay carmela',Mararanasan na niya ang hagupit ng pag-iisa.

Iniwan siya ni Daniel pati narin ang kanyang ina ay pumanaw na rin,Lahat ng iyon ay isinisisi niya sa lalaking nagligtas sa kanya sa kamatayan.

'Kung hindi mo ako iniligtas sa kamatayan hindi ko na sana mararamdaman ang sakit at pighati sa aking buhay ngayon!

'Alam mo ba kung anong ginawa mo huh!

Sino kaba sa akala mo' para tulungan ako! ang galit na sigaw ni carmela sa kanya.

'Tahimik lang si matt,pinapakinggan lang ang mga masasakit na salitang lumalabas sa bibig ni carmela.

Ramdam na ramdam rin ni matt ang lungkot at sakit nanararamdaman ni carmela dahil nangyari narin iyon sa kanya ang mamatayan siya ng pinakamamahal na ina.

"Akmang aalis na si matt sa silid ni carmela nang tawagin siya ng dalaga.

"IM SORRY SA MGA NASABI KO' ang sabay sabi rin nito sa lalaki habang nakatalikod na ito sa kanya.

Tuloy tuloy parin ang pagdaluy ng luha ni carmela sa mga sandaling iyon' habang humihingi siya ng dispinsiya sa lalaki.

"Okay lang,Sorry din kung nakialam ako sayo ang sabi naman ng lalaki kay carmela.

Maiwan na muna kita upang makapagpahinga ka ng maayos at maka uwi kana sa inyo,hinihintay kana ng inay mo,Ang huling saad ni matt kay carmela.

---Samantala Masayang nagtatawanan ang tatlong magkakaibigan habang nakasakay sila ng kotse pauwi sa kanila---

Grabe'!! Ang swerte mo Daniel 'Virgin pa ang babaeng nabiktima mo! ang galing mo'ang sabi ng kanyang mga kaibigan habang pinagmamasdan nila ang larawan ni carmela.

Oyyy! na send niyo naba yan kay carmela'tiyak kung hindi na iyon magpapakita pa sa akin sa oras na malaman niyang may larawan ako sa kanya.

Hindi na siya maghahabol sa akin!

Hahahahah malas lang niya at pumatol siya sa akin!

"PAANO NAMAN ANG IPINANGAKO MO SA AMIN?

Kayo na bahala kung pumayag siya sainyo na galawin niyo siya idi maganda hahaha!ang natatawang sabi ni daniel sa dalawa.

"Ang Daya nito! Bahala ka hindi mo makukuha ang pustahan natin,

'Its okay' nanalo naman ako sa babae,grabe ang sar*p niya sobra. Sainyo nalang yung pusta ko ang nakangising saad ni daniel halata parin sa mukha nito ang masayang sandali nila ni carmela sa beach.

--kasalukuyan sa ospital kung saan naroon si carmela--

"Maghapong nakahiga si carmela sa ospital Iniisip ang mga nangyari sa kanya tulad nalang sa nangyari sa kanyang ina,"At sa kanila ni daniel'

"Nasaan na kaya si daniel ngayon?

Bakit wala pa siya hanggang ngayon!

Hindi ba niya talaga ako mahal at bigla nalang niya akong iniwan'Wala ba siyang pakialam sa akin kaya bigla bigla nalang niya akong iniwan sa ganitong sitwasyon! (ang malungkot na may halong galit sa kanyang isip.

'Maya maya pa nagpasya nalang itong umuwi at ayusin ang libing ng kanyang ina,kahit sobrang hirap at sakit ang sabay na nangyari sa kanyang buhay pipilitin kung kayaning mabuhay bata pa ako at makakahanap pa ako ng iba.

"Hindi lang siya ang lalaki sa mundo!!

Ang naluluha parin niyang sabi habang inaayos ang bayarin sa ospital para makauwi na ito.

"BAKIT GANITO KALAKI ANG BAYARIN KO SA OSPITAL!

Wala naman akong sapat na pera pambayad!

Anong gagawin ko? Gusto ko nang umuwi sa bahay para maayos ang libing ng aking ina! 'Bakit ba nangyayari sa akin ang bagay na ito!

Saan ako kukuha ng pambayad ko ngayon! ang naiiyak parin niyang sabi.

"Nurse' ako na ang magbabayad sa bayarin niya rito sa ospital pauwiin niyo na siya ang saad boses ng isang gwapong lalaki sa kanyang likuran.

"Napalingon si carmela sa nagsalita at ang lalaking iyon ay ang lalaking nagligtas sa kanya sa kamatayan.

"Maraming salamat' ang tanging nasabi lang ni carmela na may halong hiya sa kanyang mukha.

"Pasensiya kana talaga kanina hindi ko sinasadyang nasigawan kita! ang dami dami ko kasing problema' ang malungkot niyang sabi.

"Okay lang naiintindihan kita,"Sige na mag-ayos kana at pwede kanang umuwi ako na ang bahala rito,umuwi kana para maayos mo na ang lamay ng inay mo.

"Hinihintay kana niya sa inyo ang malungkot na sabi ni matt kay carmela.

"Bago umalis si carmela ay nagpasalamat ulit si carmela sa kanya ,Bago tuluyang umalis sa pangasinan.

"Sumakay na ito ng bus patungo sa maynila"

--DANIEL : POV--

Hapon na ngunit hindi mapakali si daniel naiisip niya si carmela na kahapon lang ay kasama niya.

"Bakit ba naiisip ko ang babaeng iyon! tapos na ako sa kanya "wala na akong paki-alam sa kanya ngayon! ang saad ni daniel sa kanyang sarili.'Kung kaya't naisipan niyang lumabas para libangin ang sarili sa ibang babae.

"habang umaandar ang kanyang sasakyan ay napagawi siya sa bahay nila carmela ng hindi niya namamalayan.

"Bakit sarado ang bahay nila?

At anong nangyari dito?

Bakit napakaraming tao kahit sarado ang carmela foodyss'?ang maang na tanong ni daniel sa kanyang sarili,'Saka niya napagtanto kung bakit naroon siya sa lugar na iyon.

"Ayyy' Kaasar!

Bakit ba ako narito! Ang saad nito,,Sabi ko maglilibang ako! ang saad nito at tuluyan na siyang umalis sa lugar.

"Sakto namang pagdating ni carmela sa kanila'

"Hindi na pinansin ni carmela ang maraming taong naroon dahil alam na niya ang dahilan kung bakit maraming tao sa kanila.

"Ang mga taong naroon ay ang mga taong nagmamahal at mga matagal na niyang customer,nakikidalamhati sa pagpanaw ng kanyang ina.

"Pagpasok palang ni carmela sa kanilang bahay ay tumutulo na ang luha nito habang unti unti siyang napapalapit sa bangkay ng kanyang ina.

"Nakakabaong na ito at pinaglalamayan na nung dumating siya,inayos na pala ni aling marta ang lamay ng kanyang pinakamamahal na ina.

"Nang makalapit na siya sa kanyang ina"

"Inay'Bakit ngayon pa kayo nawala?

Bakit ngayon niyo pa ako iniwan?

Alam niyo po ba inay' na may masamang nangyari sa akin ngayon?

Kanino ko pa sasabihin ang problema ko ngayon?

"INAYyyyyyyyy!!!!! Ang sakit sakit paano na ako ngayon!!

Ang umiiyak niyang sabi habang nakayakap sa kabaong ng kanyang ina.

Agad siyang dinamayan ni aling marta dahil pakiramdam ni carmela ay matutumba na siya sa kanyang kinaroroonan!

"Hija'! Kumain kanaba?

Ang tanong ni aling marta kay carmela,baka sakaling kumalma ang pakiramdam ni carmela.

"ALING MARTA! PAANO NA PO AKO NGAYON SINO NA ANG MAGPAPATAKBO NG KANTEEN NAMIN NGAYON?

ang tanong ni carmela habang umiiyak ito.

"Tahan na hija'Ang malungkot na sabi ni aling marta.

--Lumipas ang ilang araw ng lamay ng kanyang ina ay inihatid na sa huling hantungan ang bangkay ng kanyang ina--

"Inayyyy !!! Inayyyyy!!! koooooooo!!!

Isama mo narin ako sa pupuntahan mo,Ang naluluha niyang sabi.

Habang nakaagapay sa kanya si aling marta na halos magluksa narin ito sa sobrang paghihirap na nakikita niya sa dalagang si carmela.

"Totoo naman bata pa si carmela,Paano na siya ngayon hindi ko naman siya pwedeng kupkupin sa amin dahil panay lalaki ang mga anak ko!

At isa pa hirap din kami sa buhay.Ang saad ni aling marta sa kanyang sarili.

--Lumipas ang ilang oras" naihatid narin nila sa huling hantungan ang ina ni carmela--

"Pagkatapos ng libing ay nagsi-uwian na ang lahat,Tanging naiwan nalang sa puntod ay si carmela.

"ALAM MO NAY! MUNTIK NA AKONG SUMUNOD SA INYO"Buti nalang at may lalaking nagligtas sa akin sa mga oras na iyon,kung hindi dahil sa kanya baka magkasama na sana tayo ngayon inay."Ang kwento ni carmela sa puntod ng kanyang ina habang umaagos ang luha nito sa kanyang mukha.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
xavrinth ganda
nakakaiyak naman huhuhu
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status