Share

CHAPTER 6

PAINFUL LOVE

CHAPTER 6

'Dahil sa pagbisita ni daniel kay carmela,Naging masigla ulit ito pero hindi na tulad nang dati.

"Nakalimutan kung itanong kung binura naba niya ang mga larawan kung h*bad sa kanya. Ang nag-aalala niyang sabi.

Lumipas ang dalawang linggo,Bumalik na si carmela sa kanyang pag-aaral. Susubukan niya ulit bumangon nang siya lang mag-isa,Nakahanap narin ito ng sideline na trabaho para sa pang-araw araw na gastusin nito.

"Kinaumagahan pumasok nang umaga sa school upang maaga rin itong makauwi at makapagtrabaho pa ito ng hapon.

"Hoy, Siya ba yan yung babaeng naka post sa social media? Ang tanong nang isang estudyante habang ang karamihan ay pinagtitinginan siya nang lahat, na para bang isa itong artista at ano mang oras ay dudumugin na siya ng mga tao.

Anong problema nila, bakit lahat sila nakatingin sa akin?

Ang iba naman nagtatawanan,Ano bang nangyayari ang maang na tanong ni carmela sa kanyang sarili.

Nang biglang may tumapik sa kanyang likuran si vilma ang matalik niyang kaaway sa school na pinaka mayamang babae sa kanilang school.

"Sikat kana ngayon carmela,Hahaha, Pinagtitinginan kana ng lahat, Masaya kanaba at sikat na sikat kana ngayon! Ang sabay tawanan ng lahat nang nakakarinig sa kanila.

"Tatalikod na sana siya nang makita niya si daniel na papalapit sa kinaruruonan nila.

Laking gulat ni carmela nang tawagin siya ni vilma.

"Daniel, my love, Bakit ngayon kalang', Ang masayang bati ni vilma kay daniel na may kasama pang yakap sa lalaki.

Lets go, ang bungad naman ni daniel kay vilma na parang hindi niya nakita si carmela na naroon.

Hoy! carmela, nakita mo naba ang larawan mo sa social media? Pinagkakaguluhan ka ng lahat. 'Ang sabi ni trisia ang kanyang kaibigan.' Anong ibig mong sabihing larawan? Ang nag-aalala na niyang sabi.

Agad namang ipinakita ni trisha ang larawan at nakita nga niya ang buong katawan niyang nakahiga at walang saplot.

Ano ito! bakit may ganito, Ang naiiyak na niyang sabi habang pinagmamasdan niya ang mga estudyanting nagtatawanan at kinukutya na siya.

Napatakbo si carmela sa kanyang nalaman,Hindi na niya alam ang kanyang gagawin,Subrang nadurog ang kanyang pagkatao nang makita niyang kumalat na ang kanyang larawan sa buong mundo.

Habang tumatakbo ito,Tumutulo ang kanyang mga luha na parang bumalik nanaman ang nangyaring sakit sa kanya nung nakaraang tatlong linggo.

Nang bigla niyangabangga ang isang lalaki,Ngunit hindi pinansin iyon ni carmela patuloy parin siya sa pagtakbo.

Miss, yung wallet mo naiwan mo! Ang sigaw na tawag ng lalaking nabangga nito.

Ngunit patuloy parin si carmela sa pagtakbo marating lang agad ang kanilang bahay upang doon ibuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman nanaman niya ngayon.

"Sino ba ang babaeng iyon?

At bigla bigla nalang tumatakbo ng hindi tinitignan ang dinadaanan nito. Pagbuklat niya sa wallet ni carmela ,Naalala niya ang babaeng iniligtas niya sa beach.

Ano! siya nanaman,Anong ibig sabihin nito?

May problema nanaman ba siya at bigla bigla nalang tumatakbo tulad nalang nuong nasa beach siya!

Kaylangan ko nanamang ibalik itong wallet niya, Saan ko kaya siya hahanapin,'Wala namang adress na nakalagay sa wallet niya,No choice ako kundi habulin nanaman siya.

"Takbo parin ng takbo si carmela,hanggang sa magawi siya sa unang tagpo nila ni daniel,Napatigil ito sa pagtakbo at pumasok sa lugar na iyon.'Habang patungo siya roon ramdam na ramdam niya ang dating pagmamahal na ipinapkita sa kanya ni daniel."Na isa lamang palang kasinungalingan,'Maya maya pa nakarating din si matt kung saan naroon ang dalaga

Hey, miss ' Carmela, Ang malumanay niyang saad sa dalagang nakatalikod sa kanya.

Ngunit sa sobrang kahihiyang ginawa ni daniel ,akala niya ang lalaking nasa likuran nito ay mga taong nakakita na sa hub*d nitong larawan.

"Umalis kayo! Tantanan niyo ako, Ang sigaw niyang sabi sa lalaking nasa likuran nito.

"Miss, okay kalang ba? Ang ulit na tanong ni Matt.

Na halata na ni matt na malaki nanaman ang problema nito."Hindi ako narito para awayin ka o ano pa man, 'Gusto ko lang ibalik ang wallet mo na nahulog mu kanina habang tumatakbo ka. Ang paliwanag ni Matt kay carmela.

Napalingon ng dahan dahan si carmela sa lalaki, 'Luhaan ang kanyang mga mata halata sa mukha niya ang masalimuot na problema."Pero kaylangan ko pabang alamin ang problema niya?' Baka kung ano nanaman ang sabihin niya sa akin,Ang nahihiya niyang sabi sa kanyang sarili habang iniaabot ang wallet kay carmela.

Parang namumukhaan ko ang lalaking ito,'Siya nga kaya, Ang lalaking tumulong sa akin sa beach nung sinubukan kung magpakamatay? At ngayon, narito nanaman siya tadhana ba ang may kagagawan ng lahat ng ito? Ang palaisipan ni carmela."Agad naman niyang kinuha ang wallet sabay pasalamat ito sa kanya.'At tuluyan na siyang umalis pagkatapos niyang magpaalam sa lalaki.

"Sana hindi na magtagpo ang landas namin ng babaeng iyon,'At sana kapag pagtatagpuin kami hindi sa ganitong pagkakataon,Ang napapangiwi nitong sabi, Ano ba naman itong nasa isip ko, Hahaha nagkataon lang siguro na nagkita kami ulit, Ang nakangiti niyang sabi at umalis narin ito.

"Bakit pinagtagpo nanaman kami ng lalaking iyon?

Ang naguguluhan na niyang sabi," Pero parang naging Matured siya ngayon." Sandaling nawala sa kanyang isip ang kahihiyang nakita niya sa social media. Habang papalapit na ito sa kanilang bahay, Napansin niyang pingtitinginan siya ng lahat, Dahilan para pumasok na agad ito sa loob ng kanilang bahay.

Samantala pinagkakaguluhan parin si carmela sa kanilang school, ngunit hindi alam ni daniel na ang larawan ni carmela ang pinagkakaguluhan ngayon ng lahat.

Nang makita iyon ni daniel agad niyang tinawagan sina jomar at ricky ,Tinanong kung sino ang may kagagawan ng pagkalat ng larawan ni carmela.

Ngunit walang nalamang sagot si daniel.

Makalipas ang ilang oras, May numerong tumawag sa phone ni carmela.

"Sinagot naman agad ni carmela ang phone habang pinupunasan ang kanyang luha.

Sino ito?

"Carmela, kumusta kana?

Nakita mo naba ang larawan mong nakahub*d! Ang png-aasar na sabi ng lalaki sa kbilang linya,Dahilan para mapasigaw ito.

"Hay*p ka!! Sino kang ga*o ka na ikalat ang larawan ko!

Burahin mo iyon! Ang galit na utos ni carmela, Ngunit tumawa lang ang lalaki at sinabi.

"Hahahahah! Wag kang mag- alala, buburahin ko rin naman ang larawang iyon basta ba pumayag ka sa gusto kung mangyari! Ang saad ng lalaki sa kabilang linya.

"Anong gusto mong gawin ko, Para burahin mo ang larawang iyon? Tatawagan kita ulit at sasabihin ko ang nais ko. Sabay patay na ng phone sa kabilang linya.

"Hello !! Hello!! ang paulit ulit na sigaw ni carmela sa phone ngunit matagal nang wala sa kabilang linya ang lalaki na kanina lang ay kausap nito.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status