Share

CHAPTER 7

PAINFUL LOVE

CHAPTER 7

Ilang linggo na ang lumipas, Simula nung nagpunta sina carmela at daniel sa San fabian kasama ang mga tropa niya ng hindi alam ni carmela. Hanggang sa nakilala niya ang isang estrangherong lalaki na nagligtas sa kanya at ngayon pinagtagpo nanaman sila ng tadhana.

"Kasalukuyang nasa Wave pool si Matt ng tawagan siya ng kanyang kaibigan na sa maynila narin nakatira sa tinagal tagal ng panahon ngayon lang ulit sila magkikita ng kanyang kaibigang si Daniel.

"Hoy! Matt long time no call, Narito kanaba sa maynila ngayon?

Ang masayang bati ni Daniel sa kabilang linya.

'Oh, Daniel himala at napatawag ka ngayon? Tinawagan kita kasi nakita kita ngayon, Narito kami sa wave pool Bro, hindi kaman lang nagparamdam narito kanapala sa maynila, Ang sabi ni Daniel sa kabilang linya.

"Ahh pasensiya kana, abala kasi ako sa pagtratrabaho nawala na sa isip ko ang tawagan ka. Buti kapa at hindi mo na kaylangan magtrabaho Yaman ng family mo. Ang sagot ni Matt sa kabilang linya, Nasaan kaba ngayon nasaang part ka ng wave pool?

Dito, Tingin kalang ng diretso bro,Makikita mo na ako, At ginawa naman iyon ni Matt ,Nakita niyang kumakaway sa kanya si daniel.

Haynaku,Diparin pala siya nagbabago ,babae parin ang inaatupag niya hanggang ngayon. Ang saad nito sa kanyang isip habang papalapit na ito sa kinaroroonan daniel.

"Aba, tignan mo nga naman, Sa tagal nating hindi nagkita napakalaki na ng pinagbago mo.

Mas gwapo kanang tignan ngayon di tulad dati, hahahahah ang sabay tawa ng dalawa.

Kanina paba kayo rito?Ang tanong ni Matt.

'Hindi naman mga nasa isang oras na siguro, by the way siya nga pala ang girlfriend ko si Kath, Ang pakilala ni daniel kay matt. Ikaw brod may syota kanaba? Baka hanggang ngayon Virgin kaparin, Ang pabirong sabi ni daniel kay matt.

Hahahahha! Ang tanging sagot lang ni Matt, nga pala ,kaylangan ko nang bumalik sa trabaho ko,Pano mamaya, kwentuhan tayo sabay inuman narin, Tagal kaya nating hindi nagkita.

"Tumango lang si matt at umalis na ito.

Samantala ,Tuluyan nang hindi pumasok ng school si carmela. Maspinili nalang niyang maghanap ng trabaho ,baka sakaling makalimutan niya ang lahat ng masasakit na alala sa kanyang buhay.

"Pero paano ako magsisimula ngayon?, Baka pagtatawanan lang nila ako, o dikaya ay pagsamantalahan nila ako dahil sa picture na yon! Kaylangan kung makipagkita sa lalaking nag upload ng aking larawan upang mabura na iyon.

Pero anong gusto niyang mangyari, Anong balak niya ,Bakit hanggang ngayon ay hindi pa siya tumatawag ulit.Paano kung ang nais niya ay ang pagkababae ko dahil sa nakita niyang larawan!

Anong gagawin ko ngayon?

Naputol ang pagiisip ni carmela nang makita niyang may tumatawag sa phone nito.

"Hello, lets met at the wave pool, hihintayin kita rito ang saad ng boses lalaking lasing na.

"Basta ang usapan burahin mo ang larawan pagkatapos nating pag-usapan ang nais mo.

Yes,miss carmela ang saad ulit nito.

Anong oras ako pupunta?Ang tanong nito,

Ngayon na mismo,sakto pagdating mo rito tawagan mo ako kaagad,Bye ,ang sabay sabi ng lalaki at pinatay na ang tawag.

"Nagpalit na si carmela ng kanyang damit inayos ang sarili at umalis na ito,nagsuot siya ng sumbrero at nakamash din itong lumabas upang hindi siya makilala ng mga taong nakakita na sa kanyang hub*ad na katawan.

Makalipas ang ilang minuto nakarating na si carmela sa Wave pool,kung saan nabibilang lang ang tao ngayon doon,gawa nang weekend.

Pumasok si carmela sa loob ,bago niya tinawagan ang lalaki.

Hindi naman nakaligtas sa mga mata ni matt ang pagdating ni carmela sa lugar na kanyang pinagtratrabahuan.

"Bakit narito nanaman siya,wag niyang sabihing magpapakamatay nanaman siya at dito pa talaga, Nakakaluka talaga tong babaeng ito. Ang saad nito habang pinagmamasdan niya si carmela kung saan ba ito patungo.

"Hello, narito na ako, nasaan ka? Ang saad ni carmela sa phone.

Narito ako sa taas,tingin ka rito ang saad ng lalaking lasing.

Agad iniangat ni carmela ang kanyang paningin at nakita niya roon si Daniel na may kasamang babae at dalawang lalaki,Hawak naman ni daniel ang phone at siya mismo ang kausap.

Ano ba to! Pinaglalaruan mo lang ba ako daniel! Hindi kapaba nagsasawa sa ginawa mo sa akin! Ang galit niyang sabi sa phone habang nakatingalang nakatingin kay daniel.

Akmang aalis na sana ito nang magsalita si daniel. Nais mo bang mabura ang mga larawan mo sa phone ko?

Kung nais mo iyon ,umakyat ka rito at may ipapagawa ako sayo! Ang saad ni daniel na halatang lasing na lasing na,pati ang kanyang kasintahan ay lasing narin at lupaypay nang nakayuko sa lamesa.

"Ano bang nais mo! ang sigaw ni carmela.

Umakyat ka rito kung nais mong malaman!

Ang sigaw naman ni daniel.

Habang naguusap ang dalawa napag-alaman na ni Matt na si carmela ay bisita ni daniel.

Bakit parang nag-aaway ang dalawa?

ang saad ni matt habang pinagmamasdan sila sa Cctv.

"Agad binaba ni carmela ang phone at mabilis na umakyat sa taas upang comprontahin si daniel.

Pag-akyat na pag-akyat palang ni carmela ,ay kaagad nang sinampal ni carmela si daniel.

Na ikinagulat ng kanyang mga barkada.

Lint*k kang babae ka! ang galit na sigaw ni daniel.

"Bw*sit karin! Kung hindi dahil sayo hindi sana ako ganito ngayon. Kasalanan ko paba! Kasalanan mo yan! malandi ka kasi,tama ba nabang pumatol ka kaagad sa kakakilala mo lang!Ang sigaw ni daniel kay carmela ng harapan.

"Hay*p ka talaga,sabay pinagsusuntok ni carmela ang dibdib ni daniel,na hinawakan naman kaagad ni daniel at pinaghahal*kan siya sa kanyang labi, na ikinagulat ng mga nakakakita ,lalong lalo na si Matt na parang may kumirot sa kanyang puso sa nakikitang kalagayan ng babae sa piling ni daniel.

Habang pinagmamasdan ni Matt ang ginagawang pambabastos ni daniel sa kawawang babae. Nais niyang puntahan at tulungan ito, Ngunit hindi iyon kasama sa trabaho niya.

Lakad dito lakad doon ang ginagawa ni Matt,Hindi ito mapakali hanggang sa makita niyang binitawan na siya ni daniel.

Nakikiusap ako daniel, burahin mo na ang larawan ko,Gusto ko nang mabuhay ng masaya. Ang pagmamakaawa niyang sabi.

"Pag-iisipan ko pa! Ang sabay niyang sabi.

Ang sar*p parin ng mga labi mo carmela,ibang iba sa mga babaeng nakikilala ko.

Next time magkita tayo at ikaw na mismo ang bumura ng larawan mo sa phone ko pati na sa social media burahin mo narin.

Kahit papaano ay nakahinga ng malalim si carmela sa sinabing iyon ni daniel.

Mahal parin niya si daniel,sinasabi ng kanyang isip na layuan na siya,ngunit pilit paring sinasabi ng kanyang puso na may pagtingin pa ito sa lalaki kahit sinaktan na siya ng sobra.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
xavrinth ganda
maganda rin ung takbo nang kwentos..sana matapos ko
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status