Share

Chapter 3

Chapter 3: The Only Rule

"Hi, morning," bati niya sa'kin noong bumaba ako galing sa kwarto na pinahiram niya sa'kin.

"Good morning." Bati ko rin sakanya pabalik at tipid na ngumiti.

"How's your sleep?" Tanong niya noong tuluyan na akong makababa. "I bet it's good. Compare to your house, that room is much bigger and better, right?" May pagkamayabang ang boses nito dahilan para umagang-umaga ay mapairap ako.

Pagkatapos niya kasi akong tulungan kagabi ay inalok niya ako na sa bahay niya na ako matulog dahil unang-una wala na akong pera para kahit man lang sana mag-hotel, wala ako kahit pang pamasahe man lang kasi yung 50k na down payment niya sa'kin ay kinuha lahat ni Auntie. Nanghihinayang ako. Yung 25k na ititira ko sana ay sobrang laki pa at madami pa akong magagawa roon, pwede pa nga siguro ako magnegosyo.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago tumingin ulit kay Khalil na nakatingin na pala ngayon sa'kin. Nakataas ang kilay nito sa'kin.

"Bakit?"

"You're not listening!" Inikutan niya ako ng mata bago tumayo at naglakad palapit sa'kin. "My shirt suits to you huh? You're like a wife who burrowed her husband's shirt." 

"Mamaya pala aalis ako. Doon muna ako sakanila ng kaibigan ko makikituloy, tawagan mo nalang ako kung kailangan mo na ako," pag-iiba ko kasi hindi ako naging komportable sa sinabi niya.

"Pwede ka naman dito, Sol. You're going to be my wife..."

"Huh?" Kunot noong tanong ko.

"You're going to marry me remember? That's part of our agreement. You're going to be my wife, a legal wife." Literal na napanganga ako dahil sa sinabi niya.

Oo, sinabi niya na iyon pero hindi ko naman inaakala na totoong kasal. Akala ko ipapakilala niya lang ako na asawa niya ako pero hindi yung magpapakasal talaga kami, na dadalhin ko talaga yung apelyedo niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at iginaya ako paupo sa sofa noong hindi agad ako nakapagsalita. Tumabi rin siya sa'kin at doon uminom ng kape niya. Hindi parin ako makapagsalita, hindi agad nag-sink-in sa utak ko yung sinabi niya. Hindi ko inaasahan iyon. 

"What now Solene? Tatahimik ka nalang d'yan?" Basag niya.

"Hindi ko alam na totoong kasal pala ang gusto mo," 

"That's what my Mom's want. A wife and not a girlfriend. Hindi rin naman magtatagal iyon kasi again, once I get my daughter, we're going to have a divorce. Hindi naman natin seseryosohin ito." Sagot niya naman.

"Ilang taon na ba anak mo? Bakit ayaw siya ibigay sa'yo? Partida, nanay mo na iyon tapos ayaw pa sa'yo ibigay ang anak mo," humarap ako sakanya at mukhang hindi niya inaasahan ang magiging tanong ko.

"Asking me some personal things isn't part of our agreement Sol."

"Ano ba 'yan! Syempre hindi ba ihaharap mo ako sa nanay mo, edi dapat may alam man lang ako bakit hindi ba? Aba malay ko rin baka ayaw ibigay sa'yo kasi sinasaktan mo," sinamaan niya ako nang tingin dahil doon kaya inangat ko ang dalawa kong kamay, sumusuko. "Kalmahan mo lang kasi nagtatanong lang naman ako." Ngumuso siya.

Nacurios tuloy ako. Bakit kaya ayaw ibigay sakanya yung anak niya? Asaan yung nanay nung bata? Bakit nasa nanay niya yung bata? Nakapawalang kwenta niya namang ama. Siguro may ginawa siya kaya ayaw ibalik sakanya ang anak niya. Pareho siguro sila ng nanay nung bata kasi kailangan desente raw yung ihaharap niya, e. 

"Okay you have a point. You need to know something about my daughter baka naman isipin ni Mom na kumuha pa talaga ako ng babae na ihaharap sakanya para lang makuha rin ang anak ko kasi wala kang alam," napangiti ako roon sa sinabi niya. "So her name is Jana, she's 5 years old. The reason why Mom don't want to give her to me because of what happened years ago. I am a party boy, I love to party. One night, I am with my girlfriend that time to celebrate her graduation. Nalasing kami and you know what happened next. After months we broke up because she told me about her pregnancy, that's the reason of our break-up,"

"Sama mo naman! Binuntis mo—"

"Ugh! Shut up. Hindi pa ako tapos magkuwento. So, after she gave birth ay iniwan niya sa'kin ang bata, her parents didn't know that she got pregnant and she gave birth kasi sobrang liit lang ng tyan niya. Ayon nga iniwan niya sa'kin ang bata but I'm not yet ready about the responsibility that's why binigay ko ang bata kay Mom," nalukot ang mukha ko dahil sa sinabi niya.

Bigla akong nalungkot kasi parang ganoon din yung nangyare sa'kin. Iniwan ako ng parents ko sa Lola at Lolo ko pero ang pinagkaiba ngalang sigurado naman ako na maayos yung pakikutungo nung nanay ni Khalil sa apo nito.

"That's why I wanted to take my daughter back. Gusto kong bumawi sakanya pero ayaw siya ibigay sa'kin ni Mom kaya dapat tulungan mo ako," dahan-dahan kong naramdaman ang kamay niya sa kamay ko. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon.

Agad kong binawi iyon. "Oo, tutulungan nga kita!" Lumayo ako sakanya at inirapan siya.

Tutulungan ko siya sa pera, papakasalan ko siya para sa pera. Iyon ang iniisip ko habang nasa kwarto ako. 

Buong maghapon akong nakahilata sa taas. Umalis kasi si Khalil kaya wala akong nagawa kundi ang humilata roon sa taas. Wala rin akong pera pamasahe papunta sa kaibigan ko kaya mas pinili ko nalang na manatili roon sa loob ng bahay. Hapon narin noong bumaba ako at kumain, iyon kasi ang sinabi niya sa'kin na kapag nagutom ako ay kumuha lang ako ng pagkain sa baba.

Kakatapos ko lang kumain. Nakatingin ako ngayon sa isang malaking shelf ng ibat-ibang klaseng mga alak. Napatingin pa ako roon sa isang bote at nakalagay roon ay Alegro.

"That's one of my businesses. Alcholic drinks." Nilingon ko ang nagsalita.

Nakasuot siya ng business attire at may hawak-hawak na mga paper bag. Inilahad niya agad iyon sa'kin noong mapansin na nakatingin ako roon. Kinuha ko naman iyon at tinignan. Mga damit, sapatos at bags ang laman. Napatingin pa ako sa pumasok at may mga dala rin na paper bags. Inilapag niya iyon sa harapan ko bago ayusin ang suot niyang eye glass.

Tipid akong ngumiti sakanya kasi mukhang mataas din ang antas nito sa buhay. Sa tindig, pananamit at amoy alam mo na mayayamin din.

"So, this my friend, Lucas." Pagpapakilala niya sa lalaking kasama niya. "I already told you who is she, I don't want to repeat it." Dugtong nito na ikinairap ko.

"Good afternoon po," medyo may edad na siya. Sa tingin ko ay nasa 50's or 60's siguro.

Tipid siyang ngumiti sa'kin bago naglabas ng papers. Binigay niya iyon sa'kin kaya binasa ko naman habang laglalakad ako papunta sa sala. Umupo ako roon at pinagpatuloy ang pababasa. Hindi ko pa man natapos basahin iyon ay binigyan na ako ni Khalil ng isang ballpen.

"Pirmahan mo." Tipid na sabi niya.

"Hindi ko pa tapos basahin—"

"Pirmahan mo nalang! It's a marriage contract, okay? Pirmahan mo na para makaalis na si Lucas." May halong inis ang pagkakasabi niya kaya agad kong inilapag ang papers sa lamesa at pinirmahan iyon kagaya nang sinabi niya.

Pagkatapos kong pirmahan ay kinuha niya iyon at binigay roon kay Lucas. Lumayo sila ng kaonti at doon nag-usap habang ako ito, nakatunganga. Pwede pa ba ako mag-back-out? Ano ba naman kasing buhay itong meron ako oh!

Pagkatapos nilang mag-usap ay lumabas na yung Lucas si Khalil naman ay naglakad papunta sa'kin. Umupo ito sa tabi ko at ngumiti. Isang ngiti na hindi ko mawari kung totoo o pilit.

"Akala ko yung kasal na ibig mo na sabihin ay 'yong sa simbahan," 

"Iyon ba ang gusto mo?" Tinaasan niya ako ng kilay kaya agad akong napa-iling-iling. "Give me your hand," Nilahad niya ang kamay niya kaya napatingin ako roon.

Dahan-dahan kong ipinatong ang kamay ko at hinaplos niya naman iyon. Pinasok niya ang isang singsing sa daliri ko bago bitawan ang kamay ko. Napatingin ako sa singsing, kumikinang iyon at sobrang ganda. Halata rin na sobrang mahal iyon.

"Ang mga pinamili ko ay dapat iyon ang gagamitin mo kapag pupunta tayo roon sa bahay ng mother ko. I want my wife to look elegant and decent," napalunok ako noong sabihin niya iyon, my wife. "And when you introduce yourself I wanted you to say this, 'I am Khalil's wife, Solene'. It's much better than your full name." Sama ng ugali nito.

"Masama ba ugali ng nanay mo?"

"Kinda, that's why I'm going to teach you what are you going to say or answer to her. She will ask you if when and where did we met so you're going to answer it '2 years ago and because you applied as my secretary'," tumango-tango ako roon sa sinabi niya. "She will going to ask you also about our marriage. Noong nag-usap kasi kami ang sabi ko magpapakasal na kami ng girlfriend ko and I know itatanong niya bakit ang bilis natin magpakasal and you will answer it—"

"Sasabihin ko nalang na ayaw sa'yo ng parents ko kaya minadali natin yung kasal para hindi na sila makatutol pa," Suggest ko.

"Your suggestion is much better. Okay iyon nalang ang isasagot mo. Since mukha ka namang matalino, I think kaya mo na 'yan. Just please ayusin mo lang." Tumango ako roon sa sinabi niya.

"Kailan ba tayo pupunta sainyo?"

"Maybe this week? Yah, this week. Kaya magpractice ka na. Isipin mo yung mga possible question and mag-isip ka na nang isasagot mo roon. Mausisa siya." Tumango ulit ako sa sinabi niya. "May sasabihin ka pa ba o itatanong, Sol?"

Umiling-iling ako. Wala naman kasi talaga akong naiisip na pwedeng itanong. Ayoko narin na pahabain itong usapan namin. Medyo nahihiya ako. Hindi ako komportable habang iniisip ko na itong katabi ko ngayon ay asawa ko na, na asawa ako ng gwapong nilalang na 'to. Kahit naman na ginagawa lang niya naman ito para sa anak niya at ako naman ay ginagawa ko ito para sa pera ay hindi ko parin lubos maisip na itong mga nangyayare, ayaw parin mag-sink-in sa utak ko ang mga nangyayare.

"Okay, now let's proceed to the only rule." Lumukot ang noo ko roon sa sinabi niya. May rule pa? Para saan naman iyon? 

"Dami mong dama," bulong ko sakanya at alam kong narinig niya iyon kasi malapit lang naman siya sa'kin.

"May reklamo ka ba?"

"Aba, syempre, wala! Ikaw naman Khalil hindi ka mabiro. Ano na yung rule na sinasabi mo?" Pilit akong ngumiti sakanya.

"There's only one rule, Sol. You're not allowed to love me for real. Ang ipapakita mong pagmamahal sa'kin sa harap ng mother ko ay isang agreement lang." 

"Asa ka naman. Ginagawa ko lang din ito para mabuhay ako, kailangan ko ng pera at ito nalang din ang magagawa ko para magkapera. Madali lang din naman ang gusto mo at kapag nabawi na natin ang anak mo pwede na ako umalis."

Medyo ang kapal ng mukha niya roon sa sinabi niya. I mean oo pogi siya. May itsura siya at magandang pangagatawan pero sobrang layo na magkagusto ako sa isang katulad niya. Sa estado palang namin sa buhay ay sobrang layo na nga, e. Hindi pwede ang mahirap at mayaman kaya malabo rin na magkagusto ako sa tulad niya. Pera lang talaga ang kailangan ko at hindi ang pag-ibig na 'yan.

"I'm serious about the agreement. Kaya nga ikaw ang pinili ko kasi wala kang gusto sa'kin. Kaya mo naman iyon hindi ba? Kaya mo na hindi mahulog sa'kin?" Tinaasan niya ako ng kilay bago inilapit ng kaonti ang mukha niya sa'kin.

Tinulak ko siya palayo. "Syempre! Ayan lang, e. Kahit naman hindi mo sabihin iyan ay alam ko na ang gagawin ko. Imposible rin na magkagusto ako sa isang katulad mo 'no," 

"Yeah, whatever. Basta malinaw ang isinabi ko. We have a rule and that is don't fall." Tumayo na siya sa pagkakaupo niya at ginulo ang buhok ko bago maglakad papalayo.

Pinanood ko siyang umakyat, pupunta siguro siya sa kwarto niya. Tumigil ito noong nasa taas na siya. Nagbaba ito nang tingin sa'kin kaya tinaasan ko siya ng kilay, nagtatanong. Umiling-iling lang siya at napanguso.

"My surname suits to you huh." Aniya bago naglakad papunta sa kwarto niya.

Napairap ako roon. Hindi parin ako makapaniwala na kasal na ako. Kasal na ako sa isang lalaking kakakilala ko palang. Hindi pa nga kami umabot ng isang linggo pero kasal na agad kami. 

Suminghap ako ng hangin. Naisip ko yung sinabi niya ilang minuto palang ang nakakalipas.

"Solene Alegro," tipid akong ngumiti pagkatapos kong banggitin iyon. "Hindi naman pala ganoon ka sama." Dagdag ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status