Share

Chapter 2

Chapter 2: Down Payment

"Ano?!" Nabigla ako roon sa naging tanong niya. "Funny mo ha!" Mahina ko siyang hinampas sa braso kasi nasa harapan ko lang naman siya.

"I'm freaking serious. I need a woman who I can introduce to my Mom just to get my child," hinagod niya ako nang tingin mula ulo hanggang paa at pagkatapos ay napangiti. "And don't you get it? You have a problem and I was the one who almost hit you earlier, me who has a problem also, see? We're meant to meet to help each other." Dagdag pa niya.

"Akala ko sasabihin mo meant to be," bulong ko.

"May sinasabi ka?" Tinaasan niya ako ng kilay kaya agad akong umiling-iling. "So, are you in? Malaking halaga makukuha mo don't worry. I can assure you that, kung gusto mo pwede na agad kitang bigyan ngayon palang, down payment, gano'n."

Nakagat ko ang labi ko habang nakatingin sakanya. Nakangiti ito na parang kahit hindi ako sumagot e alam niya na kung ano ang isasagot ko sa tanong niya. Hindi siya nagsalita at hinihintay parin ang magiging sagot ko roon.

Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga bago nag-iwas ng tingin. Napakamot ako sa ulo ko. Oo, gusto kong pumayag sa alok niya kasi sinabi niya na malaking halaga ang makukuha so ibig sabihin pwede ko iyon na ipang-bayad kay Auntie Sandra para pagkatapos ay pwede na akong umalis doon, sila lang naman kasi ang nagbibigay ng problema sa'kin at kapag umalis ako roon edi wala na akong problema. Pwede ko na gawin ang mga gusto ko ngayon pa na pwede akong makakuha ng pera sa isang 'to.

Ibinalik ko ulit ang mga mata ko sakanya. Sa pormahan niya palang ay mahahalata mo na talaga na meron siyang pera. Sa tindig at mukha niya malalaman mo talaga iyon. Siguro nga isa pa itong modelo. Gwapo siya at maganda ang katawan.

"Sige, go ako sa gusto mo." Mas lalong lumawak ang ngiti niya. "Yung sinabi mong down payment, pwede ko makuha ngayon? Like ngayon talaga. Kailangan ko lang talaga iyon."

"Of course, pero pwede ba pumasok na muna tayo? Nangangawit na yung paa ko kakatayo rito." Inikutan niya ako ng mata bago naunang maglakad papasok sa loob.

Sumunod din naman agad ako. Inilibot ko ang mga mata ko sa loob. Sa labas palang ay halatang maganda na ang loob ng bahay pero hindi ko parin ini-expect na ganito kaganda ang loob. Sobrang lawak ang loob ng bahay pero parang ang lungkot kasi walang tao. Sobrang lungkot siguro tumira rito? Pero mas nakakalungkot yung wala ka na ngang kasama wala ka pang bahay.

"Umupo ka." Napatingin agad ako sakanya noong nagsalita siya. Galing siguro siya kusina kasi pagbalik niya ay may dala na siyang dalawang baso at isang bote ng alak. "You want?" Inalok niya pa ako noong umupo siya sa malaking sofa pagkatapos niyang magsalin ng alak sa baso.

"Hindi ako umiinom," sagot ko at dahan-dahan na naglakad papunta sa sofa at umupo sa dulo. "Mukhang mayaman ka naman, may itsura ka rin at sinabi mo na kanina na hinahabol ka ng mga babae edi ibig sabihin madaming nagkakagusto sa'yo. Hindi mo na kailangan magbayad kung ganoon."

"Ayoko ng ganoon." Deretsong sagot niya.

"Bakit? Siguro kasi natatakot na mahulog sakanila kaya ayaw mo 'no?" Ngumisi ako.

"Of course not. What I mean to what I've said earlier is a lot of them just want to have a one night stand to me, gets mo ba? That's why I need someone who's decent like what my Mom's want," seryosong sagot niya sa itinanong ko.

"Hindi ba uso sa'yo joke time? Seryoso mo masyado sa buhay ha," nagpakawala ako ng isang mahinang tawa.

"Coming from you who wanted to end her life because of money huh? Ikaw yung masyadong seryoso sa buhay, miss. Seryoso ka nga kanina." Pinukol ko siya ng isang matalim na tingin at alam kong nahalata niya iyon kasi napangisi siya bago sumimsim ng alak sa baso na hawak niya.

Inirapan ko lang siya bago magbaba nang tingin. Pinagdikit ko ang dalawa kong paa bago napanguso. Palagi ko iyong ginagawa kapag nakakaramdam ako ng hiya o inis. Naiinip narin ako. Hinihintay ko kasi na ibigay niya sa'kin yung down payment na sinabi niya. Uuwi pa ako para ibigay iyon sa Auntie ko tapos pupunta pa ako sa bahay ng kaibigan ko para makitulog. Bukas naman ay aalis ako para maghanap ng bahay sakaling may natira pa sa pera na ibibigay niya.

Ilang minuto pa kaming natahimik bago niya inilapag ang baso niya sa lamesa na nasa harapan namin. Tumayo siya at naglakad, sumunod naman ang mga mata ko sakanya hanggang sa umakyat siya sa taas at hanggang sa nawala na siya. Noong bumalik siya ay may dala siyang maliit na pouch.

"Here," inilapag niya iyon sa lamesa at tinignan ako. "50k, I think that would be okay for you? It's just down payment. Once I get my daughter mas malaki pa ang makukuha mo." 

Namilog ang mga mata ko dahil sa laki ng pera. Napalunok ako bago ngumiti sakanya at kinuha ang pouch na inilapag niya roon. Ito palang yung pinakamalaking pera na natanggap at nahawakan ko.

"Just make it sure that you're going to help me to get my daughter because after this, if you're going to run and hide after you got the money, I swear, maybe double or triple ang babayaran mo kapag nahuli kita." Tinaasan niya ako ng kilay pero hindi ko alam bakit kahit konting takot man lang sa sinabi niya ay wala akong naramdaman.

"Oo na nga, e! Pa-ulit-ulit ka? Nagbigay ka ng paunang bayad kaya syempre g na ako offer mo," tumayo na ako at inirapan siya ulit. Balak ko na umuwi para maibigay ang kalahati ng pera na binigay niya sa'kin kay Auntie Sandra. "Sige, aalis na ako. Bukas pupunta nalang ako rito para ibigay sa'yo ang phone number ko kapag nakabili na ako ng phone, o hindi kaya, bigyan mo nalang ako ng number mo para ako na tatawag sa'yo,"

"You don't have a phone? Tao ka pa ba? Even my child have a phone, madaming tao ang may cellphone tapos ikaw wala?" Mahina siyang natawa pagkatapos niyang sabihin iyon.

"Nakakatawa iyon?"

"Yah, a little." Pinagpatuloy niya ang pagtawa niya, pinanood ko lang siya hanggang sa tumigil siya at magseryoso. May kinuha siya sa bulsa niya at inilahad iyon sa'kin. "Here, take my phone. I will call you tomorrow and after that you need to be here right away. Mahal ang oras ko, okay?"

"Ayoko, nakakahiya na 'to, bibili nalang ako bukas." Pagtanggi ko sakanya.

"Just take it." Agad kong kinuha ang cellphone sakanya noong tumaas ang boses niya.

Inilagay ko iyon sa loob ng bag ko kasabay ng pouch na ang laman ay pera. Nag-angat ako nang tingin para tignan siya at para narin sana magpaalam at nahuli ko siyang nakatingin sa'kin, seryoso siyang nakatingin sa'kin na parang sinusuri ako. Yung mga tingin niya ay halos tumagos sa kaluluwa ko.

Tipid akong ngumiti na ang ibig sabihin ay nagpapaalam bago tumalikod at humakbang palabas. Bago pa man ako makalabas ay nagsalita na naman siya kaya napatingin ako sakanya.

"I'm Khalil, miss?" Pagpapakilala niya sa sarili niya. "You didn't introduce yourself, woman. What's your name?" Tanong niya.

"Solene, I'm Solene Saldevias." Ngumiti ako sakanya bago tuluyang lumabas.

Nagpakawala ulit ako ng isang malalim na buntong hininga bago magsimulang maglakad palabas. Insakto noong paglabas ko sa gate ay may dumaang taxi kaya sumakay na ako. Hindi ko pa mapigilan ang sarili ko na huwag mapa-isip sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung tama ba itong ginawa ko pero wala na akong pakealam pa. Mas mabuti na ito kesa sa wala. Madali lang naman yung pinapagawa niya e. Tutulungan ko lang siya na makuha ang anak niya at pagkatapos no'n ay malaya na ako.

Noong bumaba ako sa sasakyan ay agad kong nakita sa labas si Auntie kasama ang asawa niya. Halata pa sa mukha niya na hindi maayos ang araw niya kaya medyo kinakabahan ako sa sasabihin ko sakanya.

Noong itinagilid niya ang ulo niya at dumapo ang mga mata niya sa deriksyon ko ay nagsalubong ang kilay nito. Nagmartsa siya palapit sa'kin at agad na hinablot ang buhok ko papasok sa loob ng bahay.

"Anong oras na bakit ngayon ka lang? Hindi pa kami kumakain! Nagugutom na ang mga anak ko!" Agad na sigaw niya kaya napayuko ako.

"Tinanggal na po ako sa trabaho," mahinang sabi ko.

"Ano? Anong sabi mo, Sol? Tinanggal sa ano?"

"Wala na akong trabaho." Sagot ko sakanya bago mag-angat nang tingin. 

"Walang trabaho?" Ulit siya na siyang dahan-dahan kong

Nakita ko kung paano dumaan ang inis sa mga mata niya bago dumapo ang kamay niya sa pisnge ko. Isang malakas na sampal ang inabot ko sakanya. Andoon lang din sila Lola at Lolo na nakatingin at hinayaan na gawin iyon, hindi man lang sila tumayo para pigilan o suwayin man lang si Auntie. Naramdaman ko rin ang mga mata ng tao sa labas.

Dahil sa dikit-dikit lang ang bahay ay mabilis lang sakanila makarating ang nangyayare sa bahay ng isa't-isa. Nasanay narin ako dahil sa dito ako lumaki. Walang araw na hindi ako napapagagalitan, nasisigawan o nasasaktan.

"Paano na 'yan? Paano kami? Paano kami kakain, Sol?!" Bulyaw nito sa'kin.

Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang pouch. Kinuha ko ang kalahati ng pera bago binilang iyon at noong kulang ng ilang libo para maging 25 thousand pesos ay kumuha ulit ako roon bago iabot kay Auntie Sandra. Ang kaninang inis sa mga mata niya ay nawala at napalitan ng ningning noong makita ang pera. Agad niya iyong kinuha sa'kin at binilang.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang luha ko. Ito yung rason bakit nawawalan ako ng gana mabuhay. Kapag wala akong pera nasasaktan ako kapag binibigyan ko naman sila kahit isang salamat wala akong naririnig. 

"Ayan narin pala yung bayad ko Auntie. Pagkatapos nito, aalis na po ako rito." Naglakas loob akong sabihin iyon habang deretso ang tingin sakanya.

Nag-angat agad siya nang tingin. "At sa tingin mo Sol papayag ako? Kulang pa nga ito. Sinong nagpakain sa'yo noong bata ka pa? Sinong nag-alaga sa'yo hindi ba ako?"

"Bayad narin po siguro ako kasi ako yung nagtatrabago para may pangkain kayo, ilang taon narin ako nagtatrabaho para sainyo, sa Lola at Lolo at mga anak ninyo— Auntie!" Hindi ko pa man natatapos ang sinasabi ko ay agad niyang hinablot sa'kin ang pouch. Sinubukan kong kunin ulit ang pouch kung saan andoon ang natitirang pera pero agad niya iyong inilayo.

"Hindi, Solene, dito ka lang." Hinablot niya na naman ang buhok ko at plano sanang hatakin ako papasok sa kwarto ko noong may maramdaman akong pumigil.

Hinawakan niya ang kamay ni Auntie at kinuha iyon. Hindi ko alam kung sino iyon dahil sa tuwing sinasaktan naman ako ni Auntie ay walang pumipigil, kahit si Bri ay hindi niya kayang awatin si Auntie kasi natatakot na baka pati siya madamay kaya nagulat nalang ako dahil sa biglang may tumulong sa'kin at noong nilingon ko iyon ay napakunot agad ang noo ko.

"At sino ka naman? Bakit ka andito sa bahay namin?" Tanong ni Auntie kay Khalil. Kahit ako ay naguguluhan bakit siya andito.

"I'm her fiancè." Namilog ang mga mata ko dahil sa naging tugon niya. "What about you? Sino ka para saktan ang mapapangasawa ko?"

"Ano? Fiancè? Mapapangasawa? Nasisiraan ka na siguro, bitawan mo nga ang pamangkin ko—" sinubukan akong hawakan ni Auntie pero agad akong hinatak ni Khalil palapit sakanya at tinabig ang kamay nito.

"Ano tutunganga ka lang? Magtawag ka roon ng tambay, aba! Akala ng lalaking ito? Nasa lugar ka namin kung ako sa'yo bitawan mo 'yang pamangkin ko at umalis ka na bago ka pa man magulpi," ani Auntie Sandra.

"I can also call my guards." Mahinang natawa si Auntie dahil sa naging sagot nito.

"Guard mo mukha mo! Solene sino ba 'yan? Yabang, ah. Baka nagdadamit mayaman lang 'yan, nag-eenglish kasi akala maniniwala ako at hayaan ka na—"

Hindi niya pinatapos ang sinasabi nito. Naglahad siya ng isang card.

"Khalil Alegro, owner of Alegro Real Estate, the second top company in the country." Kahit ako ay halos malaglag ang panga noong sinabi niya iyon. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. "Now, I just want to excuse ourselves." Lumabas siya at muntik ko na makalimutan na hawak niya pala ang palapulsuhan ko kaya agad din ako na sumunod.

Nagpatianod ako sa mga hatak niya sa'kin. Ang mga kapitbahay namin ay grabe kung makatingin sakanya, kahit ako. Hindi ko inaakala na ang lalaking nag-alok sa'kin ay nagmamay-ari pala ng isang kompanya. Iyong 50k na binigay niya ay wala lang iyon para sakanya kaya naman pala ganoon ang paunang bayad niya.

Pinasok niya ako sa sasakyan niya. Kanina ay ibang sasakyan ang gamit niya, hindi iyon tinted pero ngayon ay tinted na. 

"I followed you." Aniya noong makapasok siya sa sasakyan.

"Wala kang tiwala sa'kin 'no?"

"Slight," agad na tugon niya. "Lucky you I followed you. Hindi ka sana makakaalis doon kung hindi dahil sa'kin." Dagdag niyo.

"Thank you." Mahinang sabi ko.

"You shouldn't thank me. I did that because of our agreement. A decent woman, that's what my Mom wants. Ayokong iharap ka sakanya na puno ng galos ang mukha. She might think that I am not a good husband, ayokong isipin niya iyon." Seryosong sabi niya bago pinaharurot ang sasakyan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status