Share

Chapter 32

Chapter 32: End

"Shit," tuluyan na naglaglagan ang luhang pinipigilan ko pagpasok ko sa loob ng kwarto. Nag-lock ako bago ko inilunod ang sarili ko sa kama.

Wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak nang umiyak, ang magmura nang magmura. Iba yung sakit na nararamdaman ko kesa sa mga unang naramdaman ko. Hindi lang ito basta selos— naghalo-halo na. Selos, galit, at pagkalungkot. Hindi ko na alam kung kaya ko pa. Sobra na iyong sakit na nararamdaman ko ngayon. Ang sakit nang narinig ko, ang sakit nang nakita ko.

Wala akong ibang ginawa ng gabing iyon kundi ang umiyak. Natulugan ko na ngalang din. Noong magising ako kinaumagahan ay agad na pumasok sa isip ko ang narinig at nakita ko kagabi.

"Kailan pa ba matatapos ito?" tanong ko sa sarili ko. "Kung alam ko lang na ito pala yung mangyayare edi sana pala hindi na ako pumayag sa gusto ni Khalil. Sana mas pinili ko nalang na manatili kela Auntie at ha

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status