Share

Chapter 5

Chapter 5: Mom

"Hoy! Wala sa usapan 'yong dito tayo titira!" Mariing bulong ko kay Khalil noong naglalakad na kami papunta sa kwarto ng anak niya.

"Do you think alam ko 'yon? Hindi ko rin naman alam na ganoon ang gusto niya!" Mariin din ang pagkakasabi niya noon at pabulong.

"Ano na? Paano 'yon? Dito talaga tayo titira? Maganda naman yung bahay niyo, e. Kahit sino siguro gustong tumira rito pero ano ba naman 'yan Khalil, hanggang kailan?" Sinamaan niya ako nang tingin kaya napabuntong hininga ako.

Hindi ko alam kung makakaya ko na tumira rito kasama ang nanay niya. Ang sama pa naman ng aura niya, parang suplada. Ano naman ang ibig niya sabihin kanina na kailangan ko patunayan ang sarili ko? Totoo naman talaga iyon at hindi lang puro salita. Kung sakali na girlfriend ako ni Khalil sa totoong buhay tatanggapin ko talaga si Jana kasi parang mabait naman siya na bata. Ang sweet niya.

Huminto kami sa isang room sa taas. Naunang pumasok si Khalil habang si Jana naman ay hinawakan ang kamay ko kaya nagbaba ako nang tingin sakanya at ngumiti. Matamis siyang ngumiti sa'kin. Makikita mo sakanya na masaya siya.

"Let's go. I will show you my room and my toys," sabay kaming pumasok sa loob.

Agad kong inilibot ang mga mata ko sa loob. Malaki ang kwarta niya na halos ikalaglag ng panga ko. Iba talaga kapag mayaman ang isang tao. Sobrang laki ng kwarto niya. Mas malaki pa siguro ang cr niya kesa sa kwarto ko. 

"Dada? Will you going to sleep with me here tonight?" Tanong ni Jana habang hatak-hatak ako papunta sa kama niya. 

"No, baby. Maybe for the next days? Yes, for the next days I'm going to sleep with you... together with her." Tinuro niya ako kaya namilog ang mga mata ko. "Right, Solene?"

"Yeah, of course... I mean if you want? But if you just want to sleep with your dad it's really okay for me," ngumiti ako sakanya.

"Yes! You know what Mommy Solene, I really want to sleep with my Mom and Dad beside me," ngumuso siya na parang nalungkot bigla pero bigla rin ngumiti. "I missed you Mommy!" Nagulat ako noong bigla niya akong niyakap.

Nagulat ako sa tinawag niya sa'kin at nagulat ako sa biglang ginawa niya. Kitang-kita mo sakanya na uhaw siya sa pagmamahal ng isang ina kaya niyakap ko rin pabalik at hinalikan ang ulo niya.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot dahil sa pinakita at isinabi niya. Ramdam ko ang nararamdaman niyang lungkot. Ramdam ko ang pagka-uhaw niya sa pagmamahal ng isang ina. Ramdam ko kung anong sakit yung lumaki ka na walang ina sa tabi mo. Parang nahulog ang puso ko.

"Don't leave me again..." Mas humigpit ang yakap niya sa'kin kaya nakagat ko ang labi ko bago napatingin kay Khalil.

"I will not leave again." Sagot ko.

"Did you heard that Dad? She won't leave again. I will stop worrying." Nakatingin ako sa mukha ni Khalil habang sinasabi iyon ng anak niya.

Nakita ko yung lungkot na dumaan sa mga mata nito habang sinasabi iyon ni Jana. Ngayon medyo naiintindihan ko na kung bakit gusto niya nakuha ang anak niya. Hindi niya lang gusto bumawi kundi gusto niya rin punuin ito ng pagmamahal na hindi nito naramdaman sa sariling ina.

Naka-upo si Jana sa hita ko habang nakasandal ang likod sa dibdib ko. Kasalukuyan siyang binabasahan ng bedtime story ni Khalil. Sa'ming dalawa ni Jana ay mukhang ako pa 'yong nagkakainteres sa binabasa ni Khalil dahil wala siyang ginawa kundi ang mag-angat nang tingin at ngumiti sa'kin.

"Khalil," tawag ko sakanya kaya napatigil siya sa pagbabasa ng kuwento.

"What? Istorbo, nagbabasa 'yong tao, e."

"Wow naman 'no? Sa sobrang pagbabasa mo r'yan hindi mo na namalayan na tulog na si Jana. Kung magbasa ka parang nagbabasa ka lang ng report, walang ka puso-puso," komento ko.

"Say by the who looks sleepy now? Parang inantok ka nga dahil sa pagbabasa ko rito tapos sasabihin mo na walang ka puso-puso?" Inikutan ko lang siya ng mata. "She fell asleep. Bigay mo na siya sa'kin, ako na maglalapag sakanya sa kama niya—"

"Mommy..." Balak niya na sanang kunin ito pero biglang niyakap ni Jana and braso ko.

"Or maybe not? Pakilapag naman siya sa kama niya, pwede?" Ngiti lang ang naging sagot ko sakanya.

Inayos ko sa pagkakabuhat si Jana bago dahan-dahan na naglakad papunta sa kama niya. Dahan-dahan ko siyang nilapag at kinumutan. Inayos ko rin ang buhok niya na nagulo.

"I won't sorry nor be thankful to you because of what you did. It's part of the agreement, you will get paid of it. Dadagdagan ko nalang yung pera na ibabayad ko sa'yo dahil dito." Nakapamulsa na sabi niya.

"Alam mo ang sama talaga ng ugali mo 'no?" Inikutan ko siya ng mata bago ko dinampot ang heels ko sa gilid ng sofa.

"Masama talaga ugali ko so you must be thankful kasi mabait pa ako sa'yo," 

"Nakakahiya naman talaga Khalil Alegro. Mabait ka sa'kin? Wow, salamat naman," mahina siyang tumawa.

"Ikaw mabait ka." Nagulat ako roon. "Dahil mabait ka naman bakit hindi ka na mauna sa langit? Mabait ka, right? Una ka na roon." Dagdag pa niya bago ako iwan doon.

Halos malaglag ang panga ko roon sa sinabi niya. Hindi ko alam na may side siya na ganoon. Sinabi niya na tapos binawi pa. Akala ko ba serious type of person siya? Ano 'yon? Ibang pagkatao niya 'yon? Siraulong lalaki 'yon.

Sumulyap muna ako kay Jana bago ako lumabas sa kwarto niya. Doon ko nakita si Khalil na labas, nakasandal sa pader at nakapamulsa. Parang ang lalim nang iniisip niya. Sobrang lalim ng iniisip niya. Napaayos lang ito noong maramdaman siguro ang presensya ko. 

"Let's go?" Naglahad siya ng kamay sa'kin at tinanggap ko naman iyon. "My daughter looks happy with you. Akala niya ikaw 'yong mother niya. Akala niya binalikan na siya ng mama niya."

"I feel her pain," mahina akong natawa noong maalala kung anong buhay ang binigay sa'kin.

"What you've said earlier... is true? Iniwan ka talaga ng parents mo? Akala ko gawa-gawa mo lang 'yon," ani pa nito.

"Oo, sa Auntie ko nga ako lumaki kasama yung Lola at Lolo ko."

"So that's why iba 'yong tingin mo sa anak ko kanina? You pity her because you remembered yourself to her?"

"Hindi lang awa 'yong naramdaman ko sakanya. Kung hindi pa kasi kayo ready sa obligasyo ninyo magproteksyon kayo. Kung kailan andyan na, may nabuo na, doon niyo naman iiwan. Pero infairness naman sa'yo, mabuti at naisip mo na bumawi sa anak mo? 'Yong nanay ba non sa tingin mo wala?" 

Matagal siya bago nakasagot. "I don't know? Wala naman akong pake if babalik siya o hindi. I can provide my daughter. Pwede ulit ako mag-asawa, maghanap ng asawa para magkaroon siya ng isang ina. Madaming babae r'yan na puwedeng magmahal sa'kin at sa anak ko."

"Take note: hindi lahat ng babae na mamahalin ka ay pwede rin mahalin ang anak mo. Hindi sakanila 'yong bata, e. Anak mo 'yon. Kaya kung maghahanap ka 'yong maayos ha? Your daughter deserves to be loved." Ngumiti ako pagkatapos kong sabihin iyon habang siya naman ay natahimik at hindi na sumagot pa.

Naabutan namin sa ibaba 'yong mama niya kaya nagkatinginan kami ni Khalil bago pinagpatuloy ang paglalakad. Nagtungo kami sakanya at tipid naman siya na ngumiti bago kami inalok na umupo.

"So, hija, ayokong madaming tanong pa, gusto ko malaman kung ano at paano mo nagustuhan ang anak ko." 

Napalunok ako roon. Hindi ko naisip na puwede niya iyong itanong. Hindi ko rin alam paano ko siya sasagutin. Kailangan ko nalang na magsinungaling. 

"Khalil is a good man—"

"No he's not."

"Mom!" Parang isang bata na inagawan ng candy si Khalil dahil doon.

"Maybe for the others? Oo, para sainyo but for me? He's not just a good man,  for me, he's perfect. He treats me so well. Madaming meron sakanya na wala sa iba. Yes, maybe hindi pantay ang estado namin sa buhay but he still accept me," tumingin ako kay Khalil at hinawakan ang kamay nito. "Hindi ko nakikita sakanya 'yong sinasabi ng iba na masama ang ugali, arogante at bastos." Kabaliktaran iyon, lahat ng sinabi ko kabaliktaran. "Hindi ko rin siya minahal dahil lang sa mayaman siya. Hindi niya pinapakita iyon sa'kin, hindi niya iyon pinaparamdam  na magkaiba ang estado namin sa buhay. Pinaparamdam niya sa'kin na pantay lang kami."

Hindi ko siya mabasa. Magaling siya pagdating sa panloloko na kahit ako ay maniniwala talaga na may gusto siya sa'kin dahil sa mga tingin niya.

"Oh my goodness! Tumindig ang balahibo ko," naputol ang pagtitinginan namin ni Khalil noong biglang sumigaw ang nanay niya. "I like her Khalil! I really like her. This is the kind of woman I like for you and for Jana. But, both of you still need to prove to me that you can be a good parent to Jana."

Pagkatapos noon ay umuwi narin kami sa bahay niya. Walang umimik sa'min mula pagsakay namin sa sasakyan niya hanggang sa makarating kami sa bahay niya. Nakangiti lang din siya na parang may naiisip na maganda.

Paakyat na sana ako sa hagdanan papunta sa kwarto ko noong bigla siyang magsalita.

"He's not just a good man, he's perfect." Pag-ulit niya sa sinabi ko kanina.

"Heh!" Inikutan ko lang siya ng mata bago siya iwan sa baba.

Hindi ko alam paano ako nakatulog ng gabing iyon. Sari-saring emosyon 'yong nararamdaman ko; andoon 'yong kaba, saya, inis at awa. Nagkahalo-halo na yung nararamdaman ko na halos hindi ko narin alam pa ang mararamdaman ko.

Muntik na akong mapatalon noong biglang lumubog ang gilid na parte ng kama ko. Naramdaman ko rin na may umangat ng kumot ko at... kamay? May naramdaman akong kamay sa bewang ko. Hinatak niya ako palapit sakanya. Kasunod noon ang mabangong amoy na naglaro sa ilong ko kaya iminulat ko na ang mga mata ko.

"Anong ginagawa mo rito?! Bakit wala kang damit?!" Itinulak ko siya palayo sa'kin pero agad niya rin na hinuli ang kabilang kamay ko at hinatak ako palapit ulit sakanya.

"Shut up!"

Balak ko sanang sumigaw kaso bigla niyang tinakpan ang bibig ko at pinukol ako ng isang nakamamatay na tingin.

"My Mom and Jana is here! Kailangan makita ni Mom na natutulog tayo sa isang kama kasi nga we're married remember?! Kasal tayo, mag-asawa, kailangan niya itong makita para maniwala siya!" 

"Ano—"

"Basta!" Pinatalikod niya ako at niyakap. Naramdaman ko ang hininga niya sa batok ko. Ramdam ko ang katawan niya sa likod ko. 

Balak ko pa man sana siyang itulak pero narinig ko na bumukas ang pintuan. Kasabay noon ang sunod-sunod na yabag papasok sa loob kaya ipinikit ko ang mga mata ko.

"Dada!" Sigaw ni Jana.

"Oh, hey? Morning," nagkunwari siyang bagong gising at kuhang-kuha niya talaga ang boses ha. "Hi baby, hey Mom? Ang aga pa, a. What are you doing here?"

"Oh please put something to wear, Khalil. Jana let's go out muna," narinig kong sagot nito sakanya. "It's too obvious that both of you enjoyed last night." Napamulat ako roon at mabuti nalang din dahil sa palabas na sila sa kwarto.

"Aw!" Mahinang d***g ni Khalil noong hampasin ko ang braso niya. "Bakit ba nananakit ka?!" Bulong pa nito.

"Kung ano-ano yung inisip niya siraulo ka!"

Ngumisi siya. "What? Mabuti nga na iyon ang naisip niya. Alam naman natin na hindi natin ginawa kaya h'wag ka na umano unless gusto mong gawin talaga natin?" Itinulak ko siya palayo at bumaba na sa kama.

Nauna akong lumabas at iniwan siya roon sa kwarto. Pagbaba ko ay tumakbo kaagad si Jana papunta sa'kin at niyakap ako. Hinalikan niya pa ang pisnge ko kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na huwag mapangiti. Ang sweet niya! Ang sweet na bata pero bakit kaya iniwan at hindi siya binalikan ng nanay niya?

"Umiyak siya pagkagising niya. Bakit daw wala ka sa tabi niya kaya dinala ko nalang siya rito," iyon ang sinabi ng Lola niya.

"You said that you won't leave me again!" Mahina kong pinisil ang pisnge niya.

"I already told you Jana, inayos lang nila ang gamit nila kasi lilipat na sila roon." singit ng Lola niya.

"When?" Tanong nito pabalik.

"Ngayon," namilog ang mga mata ko. Seryoso naman akong tinignan ng nanay ni Khalil bago ako taasan ng kilay. "Right, Solene? Lilipat kayo sa bahay ngayong araw?"

"Yes po, ngayong araw." Patay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status