Share

Kabanata 9

"Pwede ba tayong dumaan sa mall?"

Napatingin siya akin nang nakakunot ang noo. Magkahawak-kamay kami habang palabas ng hotel.

"Why?"

"May bibilhin lang," maikli kong sagot.

Tumango naman siya at hindi na nagtanong pa. May ipong pera naman ako sa wallet ko ngayon.

Buti nalang at matipid ako, may pang-gastos sa mga oras na ganito.

Mag-aalas kwatro na sa hapon. Uwian na kaya marami kaming nakakasalubong na mga ka-schoolmate ko. Hindi kalayuan dito ang pinapasukan ko.

Malapit lang ang mall sa hotel kaya nilakad nalang namin ito. Habang naglalakad kami ay napapatingin ang mga ito sa aming dalawa pagkatapos ay magbubulungan.

Napairap ako sa kanila. Tila napansin naman iyon ni Lazarus kaya mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Don't mind them." sabi niya at saka nagpatuloy lang sa paglalakad.

Napangiti ako habang tinitignan ang gwapo niyang mukha. Wala akong pakialam sa kanila. Ang importante sakin ngayon ay si Lazarus. Akala ko hindi ako papansinin nito eh.

Ang da
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status