Share

Chapter 5.1

Matinding pananakit nang ulo ang gumising kay Angenette kinaumagahan matapos ang kanilang reunion party. Nakapikit niyang kinapa ang kaniyang cell phone sa bedside table subalit nagtaka siya nang mapagtantong walang mesa sa tabi ng kan'yang kama. Unti-unti niyang idinilat ang mga mata at laking gulat niya nang mapagtantong nasa ibang kwarto siya.

Maraming nagkalat na mga lata at bote ng beer sa sahig.

Tila binuhusan ng malamig na tubig si Angenette nang makita niya ang kan'yang bag, itim na dress at underwear na nakakalat sa sahig. Saka niya lamang napansin na wala pala siya ni isang suot na damit sa katawan at tanging ang puting kumot lamang ang nakabalot dito.

Unti-unting bumalik sa kan'ya ang mga nangyari nang nakaraang gabing. She was with Gilbert.

Napalingon siya sa kabilang panig ng kama at doon ay natagpuan niya ang nahihimbing pa ring si Gilbert.

Tinakpan niya ang kan'yang bibig at napaiyak sa napagtanto. Hindi siya makapaniwala na isinuko niya ang sarili rito.

Naaalala niya ang mga nangyari sa kanila nang gabing iyon at alam niyang mali iyon. Subalit dahil sa init na nararamdaman at pagiging mapusok nila ni Gilbert dahil sa kalasingan ay nagawa niya ang kataksilang iyon.

"Ano 'tong ginawa ko?"

Agad siyang nagbihis at nagmamadaling nilisan ang apartment ni Gilbert. Hanggang sa makasakay na siya ng taxi ay hindi pa rin maawat ang pag-agos ng kan'yang mga luha. Mas lalo pa siyang napaiyak nang makita ang maraming nag-aalalang text message mula kay Isaac.

"I'm sorry, Isaac. Hindi ko sinasadya."

*****

"Hey, Angenette."

Natigil sa pag-iisip si Angenette nang hawakan ni Isaac ang kamay niya. Binisita siya nito sa nurse's station para itanong kung saan niya gustong kumain mamayang hapunan.

Ilang linggo na ang nakararaan matapos ang nangyari sa kanila ni Gilbert pero hindi pa rin iyon mawala sa isip niya. Sa tuwing nakikita niya si Isaac ay hindi niya mapigilang ma-guilty sa nagawa niyang pagtataksil dito.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Isaac nang mapansin ang pamumutla niya. Napansin din nito na medyo may nag-iba sa kaniya nitong mga nakaraan. "Namumutla ka."

Agad na pinahid niya ang namuong pawis sa noo. "Okay lang ako. Ano nga ulit ang sinasabi mo?"

"I was asking kung saan mo gustong mag-dinner mamaya?" ulit ni Isaac.

Matamlay na nginitian niya ito. "Ikaw na'ng bahala," sabi niya na lang. Bigla naman siyang napahawak sa kan'yang sentido nang bigla siyang nahilo.

"Are you sure you're okay? Magpa-check-up ka na kaya, sasamahan kita."

"Ayos lang ako, Doc." Pilit siyang ngumiti.

"Talaga ba?" hindi kumbinsidong sabi ni Isaac.

Bahagya siyang tumawa. "Oo nga."

"Good morning!" Bigla na lang sumulpot si Gilbert sa tabi ni Isaac.

Gulat na gulat namang tinitigan ni Angenette ang nakangising si Gilbert.

Mukhang nahalata rin ni Isaac ang pagbabago sa ekspresyon ng mukha niya dahil may pagtatakang napakunot ito. "Do you know him?" tanong nito sa kaniya.

"Ako nga pala si Gilbert, Doc." Iniabot ni Gilbert ang kamay kay Isaac. "I'm Angenette's_."

"Classmate! Magkaklase kami noong high school," putol niya sa sinasabi ni Gilbert. "I made him an appointment with Dr. Perez."

Kunot-noong napatangu-tango si Isaac. Kinamayan naman nito si Gilbert. "Nice to meet you, Gilbert."

Nakangising binasa ni Gilbert ang pangalan ni Isaac sa suot nitong ID, "Dr. Isaac Monteverdi... The pleasure is mine."

Natatarantang lumabas sa station si Angenette at pasimpleng hinila si Gilbert palayo kay Isaac. "Tara na, Gilbert. Late ka na sa appointment mo kay Dr. Perez."

Naguguluhang tiningnan ni Isaac si Gilbert nang naiiling itong tumawa habang nakatitig kay Angenette. Hindi maganda ang pakiramdam nito rito.

"Let's just have dinner at your place later," sabi ni Angenette kay Isaac, saka nagmamadaling hinila palayo si Gilbert na hindi pa rin maalis-alis ang makahulugang ngisi sa labi.

"Ano'ng ginagawa mo rito?!" galit na tanong ni Angenette nang makalabas na sila ni Gilbert ng gusali.

"Ano sa tingin mo? I'm here because I miss you." Akmang yayakap sa kaniya si Gilbert subalit marahas niyang tinulak ito. Natawa ito at muling tumingin sa entrance ng ospital. "Siya ba 'yong boyfriend mo? Gwapo ah. Mukhang mayaman pa."

"Ano ba'ng kailangan mo?" deretsahan niyang tanong.

"Yan ang gusto ko sa'yo, Angenette! Wala kang paliguy-ligoy, straight to the point!" bulalas naman ni Gilbert, saka inilapit ang bibig sa tainga ni Angenette. "I want you back."

"Sira na ba 'yang ulo mo?! May boyfriend akong tao, Gilbert!"

Ngumisi si Gilbert at may panunuya siyang pinagtawanan. "Huwag ka ngang umastang malinis, Angenette. Nakalimutan mo na ba ang nangyari sa 'tin?" Pinasadahan nito nang malagkit na tingin ang kaniyang katawan. Kung pwede lang siyang mahubaran dahil sa mga titig nito ay kanina pa siyang naka h*b*'t h*b*d doon. "Isinuko mo sa akin ang sarili mo nang gabing iyon at ang nakamamangha pa... Ako pala ang una mo!" Humagalpak ito nang tawa.

Agad na nanubig ang mga mata niya sa alaalang iyon. "That was just a mistake."

"Wala akong pakialam, Angenette. Ang gusto ko lang ay bumalik ka sa akin, magsimula tayo ulit."

"Kahit kailan hinding-hindi na kita babalikan, Gilbert!"

"Huwag kang magsalita nang tapos, Angenette. Sa tingin mo, ano'ng magiging reaksyon ng Isaac na 'yon oras na malaman niya ang ginawa mong pagtataksil sa kan'ya? Tingin mo ba tatanggapin ka pa rin ng lalaking 'yon?" kuwestiyon ni Gilbert na nakapagpatahimik sa kaniya. Natatakot siya na mangyari ang sinasabi nito.

Hindi niya na napigilang mapaiyak. "Umalis ka na."

Itinaas ni Gilbert ang mga kamay bilang pagsuko. "Okay, I'll leave you alone for now..." Tumawa ulit ito subalit mahina na lamang. "Pero ito ang tandaan mo, Angenette. Babalik ka rin sa akin."

"Just go!" sigaw niya.

Ngumisi si Gilbert habang tinitingnan ang luhaang si Angenette. Ilang sandali lang ay tinalikuran niya na ito habang pasipol-sipol. Nakakailang hakbang pa lang ito nang may bigla itong naalala. "Oh, one more thing. I suggest you should check your phone," anito at saka iniwan si Angenette na naguguluhan.

Mabilis na bumalik si Angenette sa nurse's station nang nawala na sa kaniyang paningin si Gilbert. Kinuha niya ang kan'yang cell phone sa drawer at nalaman na mayroon pala siyang unread message mula rito.

"No." Nanlalambot ang mga tuhod na napasalampak siya sa sahig nang makita ang laman niyon.

From: Gilbert

Just a remembrance of our wonderful night.

Kalakip ng mensahe nito ay ang ilang malalaswang larawan nila noong gabi sa bahay nito. Sa halos lahat ng larawan ay wala siya ni isang saplot sa katawan.

Nanginginig ang kan'yang mga kamay nang i-dial niya ang numero ni Gilbert.

["Hey, miss me already?"] tinig ni Gilbert sa kabilang linya.

"Please... Delete these pictures."

["Bakit naman? You look so perfect on those pictures."]

"Please, tigilan mo na 'to!" pagmamakaawa niya.

["Okay, madali lang naman akong kausap. I will delete these kung susundin mo ang gusto ko."]

"Hindi nga pwede ang gusto mo!"

["Then, wala akong magagawa..."] He chuckled.

["Iniisip ko lang kung ano'ng magiging reaksyon ng Isaac na 'yon at ng mga tao oras na kumalat na itong litrato mo sa social media. Aii, oo nga pala! Okay na ba ang puso ng lola mo? Magaling na ba siya?"] paninindak pa nito sa kaniya.

Paulit-ulit niyang minura si Gilbert sa sobrang galit habang walang tigil sa pag-iyak. Ilang sandali lang ay naramdaman niya ang biglang pagbaliktad ng kan'yang sikmura kaya dali-dali na siyang tumakbo sa banyo at nagsususuka.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status