Share

Chapter 6

"Please don't forget to deliver those flowers to this address. Kailangang makarating ang mga bulaklak na 'yan sa tamang oras," mahigpit na bilin ni Isaac sa babaeng empleyado sa paboritong flowershop ni Angenette. Muli niyang nilingon ang iba't ibang klase ng mga imported na bulaklak na nakalagay sa mga basket, sa tabi ng glass wall. "You see, I'm going to propose to my girlfriend tonight kaya gusto kong maayos ang lahat."

"Naku, para pala ito sa isang espesyal na okasyon. Huwag kang mag-alala, Sir, sisiguraduhin kong maayos ang lahat," magiliw na tugon ng babae.

Napangiti naman siya at pinasalamatan ito.

Nagbabayad na si Isaac ng bill nang may panibagong costumer na pumasok sa loob ng shop. Kitang-kita niya kung paano kumislap ang mga mata ng kaharap niyang empleyado habang nakatingin sa bagong dating. Nilingon niya ang kapwa costumer at napangiti nang makilala niya kung sino ito. Si Zeke.

"It's you again," wika niya.

Alanganin namang ngumiti si Zeke sa kaniya at hinubad ang suot na sunglasses. "Pasensya na pero magkakilala ba tayo?" naguguluhang tanong nito at tinitigan siya nang maigi.

Habang tinitingnan naman ni Zeke si Isaac ay naisip niyang pamilyar din ito sa kan'ya subalit hindi niya lang sigurado kung saan niya ito nakita. Artista rin ba ito sa agency nila? May hitsura rin kasi ito at artistahin din ang dating.

"Not really, but I know you're Hope's manager," sagot ni Isaac kay Zeke pagkatapos, inilahad ang kamay rito upang makipagkamay. "I'm Isaac."

Nagulat si Zeke nang matuklasang si Isaac pala ang kaharap niya. Kaya pala pamilyar kasi ito ang karibal niya kay Hope!

Saglit niyang tinitigan lang muna ang kamay ni Isaac at nang makabawi na sa pagkabigla ay kinamayan niya na ito. "Zeke."

"So, are you here to buy your girl flowers?" tanong naman ni Isaac kay Zeke bagama't alam niyang wala naman talaga itong girlfriend base sa mga kinuwento sa kan'ya ni Hope.

Ngiti na lamang ang itinugon ni Zeke kay Isaac at saka tiningnan ang tindera na kanina pa nagpa-pa-cute sa kaniya. "A boquet of pink roses, Miss," sabi niya rito bago muling nilingon si Isaac. "Paborito ni Hope ang pink rose... Actually, kahit naman ano'ng bagay basta kulay pink ay gusto niya," sabi niya kay Isaac. Natigilan siya nang maisip kung bakit niya ba sinasabi iyon dito. Pakiramdam niya ay para siyang isang bata na nakikipagkompetensya rito. Parang gusto niyang ipamukha na higit na mas kilala niya si Hope kaysa rito kahit pa alam niyang wala naman talaga itong pakialam dahil sabi nga ni Hope sa kaniya ay may iba na itong girlfriend.

Napatangu-tango naman si Isaac. "Kilalang-kilala mo talaga siya ano?"

"You can say that," nakangiting tugon niya na lamang at saka binalingan ang mga in-order na bulaklak ni Isaac. Bagama't curious kung bakit ganoon karami ang mga binili nito ay hindi na siya nagtanong. May kutob na rin naman kasi siya kung para saan ang mga iyon.

*****

"Himala at bigla mo yata akong dinalaw," sabi kay Hope ng kan'yang Mommy Hilda habang nakatutok ang mga mata sa screen nang malaki nilang telebisyon sa salas. Wala pa rin itong kasawa-sawa sa panonood sa mga pinagbidahan niyang pelikula.

Nakahilata ngayon si Hope sa mahabang sofa suot-suot ang paborito niyang pink pajamas. Hindi pa rin ito nagpapalit ng damit kahit pa tanghali na.

Dahil sa bagot na bagot at nalulungkot siyang mag-isa sa kaniyang apartment kahapon ay nagpasya siyang magpahatid kay Zeke kagabi sa bahay ng kan'yang Mommy sa pag-aakalang mababawasan ang bigat na kaniyang nararamdaman.

Napansin naman ng Mommy Hilda niya na hindi na siya mapakali sa sofa. Panaka-naka kasi kung magpalit siya ng pwesto ng pagkakahiga.

"Huwag kang masyadong malikot, Hope. Nahihilo na ako kamamasid sa'yo," saway nito sa kaniya. Dahil do'n ay tuluyan nang nawala ang konsentrasyon nito sa panonood.

Bumuntong-hininga siya at bumangon. "I'm bored, Mommy."

Inilapag ng Mommy Hilda niya ang bowl ng chips na hawak sa maliit na mesa at tiningnan siya. "Be honest, sweetie. What's bothering you?"

"Nothing," pagsisinungaling niya.

Sinimangutan siya ng mommy niya. "You can't lie to me, Hope. I know you. Kahit amoy ng utot mo ay alam ko ang ibig sabihin."

Napangiwi siya at nandidiring tinitigan ito. "Mommy, that's gross!"

"Ano nga kasi ang iniisip mo?"

Muli, bumuntong-hininga siya habang nakatuon ang mga mata sa sahig. "Iniisip ko lang po si Isaac."

Napangiti naman si Hilda sa sinabi ng anak. "What about Isaac? Bothered ka ba roon sa napag-usapan namin ng Tita Lorna mo about sa gusto namin kayong ipakasal?"

Sa halip na sumagot ay bumuntong-hininga lang ulit si Hope.

"Bakit? Ayaw mo ba kay Isaac?"

"Hindi naman po sa gano'n."

Tumayo si Hilda at tinabihan si Hope sa sofa. Hinawakan niya ang kamay nito at nginitian. "Sweetie, kung ayaw mo, hindi naman kita pipilitin. I just like the idea of you marrying Isaac kasi kilala ko na siya. He is kind and gentle. Bukod do'n responsable rin siya at sa tingin ko naman ay hindi siya katulad ng Daddy mo. Pero siyempre kung hindi mo naman siya gusto bakit ko ipipilit, di ba? After all, ikaw ang makikisama sa kan'ya, hindi naman ako."

Bagsak ang mga balikta na tiningnan ni Hope ang ina. Kung alam lang sana ng Mommy niya kung gaano niya kagustong pakasalan si Isaac.

Tiningnan niya ang ina at nginitian ito nang pilit. "Nabanggit mo na lang naman po si Daddy... Pwede ko ba silang dalawin ni Tita Yvette?" pag-iiba niya ng topic.

Nasa highschool na si Hope nang maghiwalay ang kan'yang mga magulang dahil mas pinili ng kan'yang Daddy ang babae nito na si Yvette. Noong umpisa ay masama ang loob niya sa naging desisyon nito subalit ayaw niyang manatiling galit dito lalo pa't alam niyang walang mabuting maidudulot ang pagtatanim ng galit. Sa paglipas ng panahon ay natutunan niya na lang din tanggapin ang set up ng kanilang pamilya at nagpatuloy siya sa kan'yang buhay.

Umismid ang Mommy niya dahilan para matawa siya. Mukhang ito na lang kasi ang hindi pa rin nakaka-move on sa mga nangyari noon dahil napaka-bitter pa rin nito sa tuwing nababanggit niya ang kan'yang Daddy at ang bago nitong asawa.

"Wala naman akong magagawa. Sa ayaw at sa gusto ko, daddy mo pa rin 'yon," naiinis na tugon nito.

Mas lalo pa siyang natawa. Hihiritan niya pa sana ito nang biglang may nag-doorbell.

Tumayo si Hope at siya na ang nagbukas ng pinto. Pagkabukas niya ay bumungad sa kan'ya si Zeke na may bitbit na dalawang box ng paborito niyang Hawaiian pizza at boquet ng pink roses.

"What are you doing here? Wala kang trabaho ngayon?" takang tanong niya rito.

"It's my day-off, limot mo na agad?" sagot sa kaniya ni Zeke nang makapasok na ito ng bahay. "Hi, Tita Hilda." Humalik ito sa pisngi ng Mommy niya, saka ipinatong sa mesa ang mga box ng pizza.

"Hi, Zeke! Mabuti naman at nakabisita ka!" masiglang bati ng Mommy niya. "Aba! Talagang nagdala ka pa ng mga paborito ni Hope!"

Nakanguso siyang naupo sa sofa. Tinabihan naman siya ni Zeke at basta na lang iniabot sa kan'ya ang mga bulaklak.

"Wala kang work ngayon?" tanong niya dahilan para pagtawanan siya ni Zeke at ng Mommy niya. Ano'ng nakakatawa sa tanong niya?

"Kasasabi ko lang, di ba? Day-off ko ngayon."

"Talaga? Hindi ko maalalang sinabi mo 'yan," nakasimangot niyang sabi. Hindi niya talaga maalala na sinabi nito iyon.

"Hay naku! Kabata-bata mo makakalimutin ka na agad!" bulalas ng Mommy niya. "Nakapagtataka kung paano mo na-me-memorize ang mga lines mo sa pelikula."

Pabiro niyang inirapan ito at pinagkrus ang kaniyang mga braso. "We call that talent, Mommy."

Pareho naman siyang pinagtawanan ng Mommy niya at ni Zeke.

"Anyways, para saan 'tong mga bulaklak?" tanong niya kay Zeke sabay amoy sa bigay nitong mga rosas. "Ano'ng okasyon?"

Nginitian siya ni Zeke at ginulo-gulo ang kan'yang buhok. "Walang okasyon. I just want to cheer you up, lady!"

Kaagad naman siyang napangiti. Isinandal niya ang ulo sa balikat nito at kumapit sa braso nito. "Ano na lang ang mangyayari sa'kin kung wala ka, Zeke?"

"You'll be in a total mess," tila nagyayabang na tugon nito sa kaniya. Tumayo ito at pinasadahan siya ng tingin. "Magbihis ka, may pupuntahan tayo."

"Alam mo ang bastos mo. Hindi mo pa nga ako ipinapaalam kay Mommy eh," mataray niyang sabi.

"Kailangan ko pa bang gawin iyon e alam ko namang malakas ako kay Tita." Nilingon ni Zeke ang Mommy niya at kinindatan.

"Hay, naku! Mabuti pa nga't kunin mo na 'yang si Hope, Zeke. Masyado niya lang akong ginugulo rito sa bahay," pabirong tugon ng Mommy niya. "Hay, bahala na kayo rito sa baba. Magpapahinga na muna ako sa taas," anito, bago tumungo sa silid nito.

Tiningnan siya ni Zeke. "Ano pa ang hinihintay mo? Mag-ayos ka na."

*****

Nakatutok ang mga mata ni Zeke sa screen ng kan'yang cell phone at kinakabisa ang schedule ni Hope sa mga susunod na linggo. Saka lamang nalihis ang kan'yang atensyon nang marinig niya ang pagtawag nito sa kan'ya.

"Zeke, look!" Tumatakbong lumapit sa kan'ya ito na abot tainga na naman ang ngiti. Naroon sila ngayon sa isang sikat na salon kung saan halos lahat ng costumer doon ay mga sikat na artista. Naupo sa kan'yang tabi si Hope at ipinakita sa kan'ya ang bagong manicure na kuko.

Dahil sa malungkot si Hope nitong mga nakaraan ay dinala ito ni Zeke roon. Sa ilang taon na nakasama niya ito ay kabisadong-kabisado na niya ang pag-uugali at ang mga bagay na makapagpapasaya rito. Alam niya kasi na hindi ito basta-bastang makakabawi sa heartache nito na dulot ni Isaac.

Bahagya siyang natawa nang makita ang kulay pink na naman nitong kuko. "Pink na naman? Hindi ka ba nagsasawa sa kulay na 'yan?"

"Oh my gosh, Zeke! Are you blind?" Pinandilatan siya nito. "Hindi lang ito basta pink. Look o! May mga maliliit na parang diamond na nakadikit," anito na tila ba isang bata na nagpapasikat.

Naiiling siyang tumawa. "Tapos ka na ba? Kung wala ka nang gagawin, mag-dinner na tayo. Nakapagpa-reserve na ako sa paborito mong restaurant."

"Really? that's great kasi gutom na talaga ako," excited na sabi ni Hope at saka nilingon si Christian na mas kilala sa tawag na Christy. "Hey, sissy! Thank you for my nails. I love them!" pasasalamat nito bago sila tuluyang umalis.

*****

Mabilis na narating nina Hope at Zeke ang restaurant na kanilang kakainan. Pababa na sana sila ng sasakyan nang biglang may tumawag kay Zeke mula sa kanilang agency kung kaya't nauna na si Hope na pumasok sa loob.

Dahil sa ilang beses nang nakakain doon, hindi na nagpa-assist si Hope sa mga usher ng restaurant. Siya na lang mismo ang kusang naghanap sa pina-reserve na room ni Zeke.

Nang marating niya ang dining room nila ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pang pumasok sa loob. Subalit sa unang hakbang niya pa lang papasok ay nagulantang na siya kaagad at napagtantong maling silid ang pinasok niya.

Puno ng iba't ibang klase ng mga bulaklak ang silid. Sa sahig naman ay may mga nakahanay na kandilang wala pang sindi at nagkalat din ang petals ng red roses.

Higit na nakapukaw sa atensyon niya ang lalaking nasa unahan ng silid. It was Isaac. Nakatalikod ito sa kan'ya at abala sa pagdidikit ng mga larawan nito kasama si Angenette sa dingding. Sa sobrang pagka-busy nito ay hindi man lang nito napansin ang presensya niya.

Kaagad na nanlambot ang mga tuhod niya nang makita ang isang maliit na kulay pulang kahon sa ibabaw ng mesa. Tiyak na niya kung ano ang laman n'on.

Humahangos at nagmamadali siyang lumabas ng silid at isinara na ang pinto bago pa siya makita ni Isaac. Nanghihina siyang sumandal sa pinto at hindi na naawat ang kan'yang mga luha sa pagpatak.

Simula nang nalaman niya ang relasyon ni Isaac kay Angenette, alam niyang wala na siyang tsansa rito at handa naman siyang tanggapin iyon. Subalit dahil sa nasaksihan niya ngayon, saka niya lamang napagtanto ang reyalidad kung gaano pala kasakit na tanggapin na sa ibang babae mapupunta ang lalaking pinangarap niya simula pa noon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status