Zeke's Point of View Napatitig ako sa repleksyon ko sa salamin. Dumaloy mula sa hubad kong katawan ang mga butil ng tubig.I tried reminiscing everything. Dumaloy sa isip ko ang mukha niya nakangiti habang kausap ang waitress. Sariwa pa sa alaala ko kung gaano kasimple ang suot niyang blouse at skirt noon. Bumalik din sa alaala ko ang sandaling binigyan niya ako ng blangkong expression at ang pagpasok niya sa taxi na parang hindi niya ako kilala. "I am not your wife."Napapikit ako ng mariin.Sinabi nga niya noon na hindi siya ang asawa ko. Ilang beses din niyang sinabi iyon. That's maybe the reason why she usually says 'your wife' or 'asawa mo' because she is really referring to other person. Naalala ko rin ang pagtatanong niya noon sa katulong kung nasaan ang comfort room. That's it! Hindi niya alam iyon dahil hindi naman talaga siya ang asawa ko.Napasabunot ako sa sarili ko.Argh! How stupid! Hindi ko man lang na-realize iyon. Napabuga ako ng hangin. Dapat noon pa ako naghinal
Third Person's Point of View Umalingawngaw ang malutong na tawa ni Kenneth sa buong silid. Sapu-sapo pa nito ang kanyang tiyan na sumakit dahil sa pagtawa. "Stop laughing or else you'll see. Tatahiin ko 'yang bunganga mong 'yan." Pinalo siya sa dibdib ng babaeng kaharap. "Sorry! I just can't help it." Pinigil nito ang sarili sa pagtawa. "Mukhang natauhan na ang utu-u***g si Alora." Nakangising itong umiling-iling. "And it's all your fault! Kung hindi mo sinabing iharap niya sa'yo si Fuentares, hindi niya maiisipang gawin iyon! You bullshit! Sinira mo ang plano!" "Napaaga lang naman ah. Doon rin naman papunta ang plano mo." Naglakad ito patungo sa balkonahe at agad naman siyang sinundan ng kausap. "How can I be so sure that she will get hurt and be punished by Zeke Xavier? Masyado pang maaga para dito!" Agad namang siyang liningon ni Kenneth. "Nakita mo naman kung paano siya umiyak at maghabol sa'kin. Hindi pa ba siya nasaktan sa lagay na 'yon?" "Kulang pa 'yon! Kulang na kula
Hinintay ni Zeke ang pagpasok ng dalawa. Kalmante itong umupo at humalukipkip. Diretso lang ang tingin nito sa dalawang babae. Parehong-pareho sila ng hulma ng mukha. Gayunman ay agad ding mapapansin ang pagkakaiba ng dalawa. Bukod sa istilo ng pananamit, mas balingkinitan ang pangangatawan ng sopistikadang babae. "Do I still need to introduce myself?" Nakaarko ang kilay nito habang nakatingin kay Zeke. Nanatili lamang silang nakatayo, tila wala silang planong patagalin ang usapan. Hindi naman umimik ang lalake, nanatili lang itong nakatingin sa kanya. Sa loob niya ay tinitimbang ang kanyang damdamin sa babaeng dati niyang kinasama. "Alright! I am Leinarie Melendrez. And I am your real wife." "As far I know, I am legally married to Alora Leigh Andrada." Pinanatili ni Zeke Xavier na huwag magpakita ng emosyon. Kahit na ang totoo ay nagsisimula na siyang kainin ng labis na pagkamuhi. Animo'y bumalik ang sakit ng panloloko at pang-aabandonang ginawa sa kanya noon ng babaeng kanyang
Nagpalinga-linga si Zeke sa hapag kainan ngunit wala roon ang gusto niyang makita. "Where is Alora, manang?" Muli itong nagpalinga-linga. "Nasa kuwarto po niya, sir." Inilapag nito ang hawak niyang mangkok sa mesa katabi ng iba pang pagkain. "What? Sinabihan ko naman siyang hintayin ako dito." Hindi naitago ni Zeke ang pagkairita sa boses nito. Matapos kasi ang pag-uusap nila kanina sa library ay parang naging awkward na ang atmospera sa paligid kaya naman iniba na niya ang usapan at sinabihan niya itong bumaba na at hintayin siya sa kusina para sa agahan. "Naku, intindihin mo na lang, sir. Siguradong masama pakiramdaman niya. Hindi rin naman kasi biro ang sakit ng unang karanasan." Napaubo naman si Zeke sa sinabi nito. Parang gusto niya tuloy magsisi na hinayaan niya ito na makita si Alora sa gano'n kalagayan. "Ngayong bumalik na ang totoo mong asawa, ano na ang mangyayari sa kanya? Aalis na ba siya dito?" Nabanaag niya ang lungkot sa tono at mukha ng mayordoma. "Dapat ko ba s
Daddyyyyy!" Umalingawngaw ang pagtawag ni Neil sa kanyang ama. Napailing na lang si Franc. "Let's continue this tomorrow." Tinapik niya ang balikat ng kausap. Tinanungan naman siya nito. Alam na agad iyon ng lahat sa loob ng Melendrez Corp. Alam nilang handang ipagpalit ni Franc ang lahat para sa kanyang anak. "Daddy! Daddy!" Agad hinarap ni Franc ang anak. "Daddy, let's go to the mall. I want to buy a new toys." "But daddy is working, son." Agad namang nalukot ang mukha ng bata. Sumimangot at saka humalukipkip ito habang direstso ang tingin ng nanlilisik niyang mata sa kanyang ama. "Manang-manang ka talaga sa nanay mo." Naiiling na lamang na naisaisip ni Franc Belmonte. "I want to go to the mall, now!" Pumadyak-padyak pa ito.Alam na ni Franc na ipipilit at ipipilit na naman nito ang kanyang gusto. Bagay na nakuha niya sa kanyang ina. Napabuntong-hininga na lamang si Franc. "Alright! Wait for me here." "Yeheyyyy!" Nagtalon-talon pa ito sa labis na tuwa. Para namang hinap
Matamis ang ngiting pumasok ni Alora sa mansion. Binati pa nga siya ng guwardiya na si mang Mado. Nginitian pa nga siya ni Jessa nang madaanan niya ito sa living area. Nawala lang ang ngiti niya nang tumapat ang paa niya sa kwarto ni Zeke. Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib. Lumipas ang limang araw pero ni wala lang itong paramdam sa kanya. "Siguro masaya siya sa Japan kasama si Miss Ravina." Ang usal ng kanyang isip. Napabuntong-hininga na lamang siya. Ilang araw na rin siyang napapatanong kung ano nga bang plano ni Zeke Fuentares sa kanya. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad at agad na tinungo ang kanyang kwarto. Agad lumapat ang kamay niya sa malamig na doorknob. Ngunit natigil siya nang makaramdam siya ng presensya sa kanyang kanan. Liningon niya iyon at agad nagtama ang kanilang mga mata. "Nakauwi na pala kayo." Pinilit ngumiti ni Alora. Agad namang lumapit sa Richelle Ravina sa kinaroroonan niya. "Yes po, kauuwi lang namin, ma'am." Isinuksok nito ang kamay sa kanyang bulsa.
Agad napansin ni Alora na wala na ang suot niyang bracelet. Kaagad niya iginala ang kanyang paningin. Ilang sandali lang ay natagpuan niya iyon malapit sa kama. Gumuhit ang pag-aalala sa mukha niya nang makitang napigtas na iyon. "Nasira mo yata 'tong regalo ni Miss Ravina sa'kin." Malumanay ang pagkakasabi niya na para bang wala sa sariling nasabi niya iyon. Ni hindi niya tinapunan ng tingin ang kasama. Nanatili sa bracelet ang atensiyon nito. "Let me see." Agad namang lumapit sa kanya si Zeke. Hindi namang umimik si Alora. Nanatili siya sa ginagawa nitong pag-ayos sa bracelet. Hinawakan ni Zeke ang kamay niya dahilan para mapatingin ito sa kanya. Nang magtagpo ang kanilang mga mata ay kinuha nito ang bracelet na hawak ni Alora. "Ipapaayos ko 'to bukas." Hindi na niya hinintay na makasagot ang kabiyak. Mabilis niyang inilagay sa bulsa nito ang polseras. "Tara na, siguradong ready na ngayon ang dinner sa rooftop." Inihad pa nito ang kamay niya sa kanyang misis. Puno ng pag-aala
Sinipat ni Zeke ang sarili mula sa salamin. Nakasuot siya ng kulay abong V-neck shirt at saka pinatungan niya iyon ng leather jacket. Tinernuhan niya iyon ng pantalon at rubber shoes. Simple lang ang kanyang suot ngunit hindi maitatangging mamahalin ang mga iyon. Sinipat niya ang kanyang napakagwapong mukha sa salamin bago humakbang palabas ng kanyang silid at tinungo ang kwarto ng kanyang asawa. "Alora?" Kumatok ng tatlong beses si Zeke sa pintuan ng kwarto ng kanyang asawa. Ilang sandali lang ay bumukas naman ang pinto. Bumungad sa kanya ang napaka-among mukha ng kanyang misis. Nakasuot ito ng kulay asul na blouse na tinernuhan niya ng pantalon at kulay puting rubber shoes. "Let's go?" Gumuhit ang ngiti sa labi nito. "Huwag na muna tayong lumabas ngayon, Zeke." Agad namang nawala ang ngiti ni Zeke. Lumipas na rin ang mahigit dalawang linggo mula nang mangyari ang tagpo sa rooftop. At napagkasunduan nila na kikilalanin nila ang isa't-isa. Kaya naman sa mga lumipas na araw, pagka