Share

Chapter 11

Hinintay ni Zeke ang pagpasok ng dalawa. Kalmante itong umupo at humalukipkip. Diretso lang ang tingin nito sa dalawang babae. Parehong-pareho sila ng hulma ng mukha. Gayunman ay agad ding mapapansin ang pagkakaiba ng dalawa. Bukod sa istilo ng pananamit, mas balingkinitan ang pangangatawan ng sopistikadang babae.

"Do I still need to introduce myself?" Nakaarko ang kilay nito habang nakatingin kay Zeke.

Nanatili lamang silang nakatayo, tila wala silang planong patagalin ang usapan.

Hindi naman umimik ang lalake, nanatili lang itong nakatingin sa kanya. Sa loob niya ay tinitimbang ang kanyang damdamin sa babaeng dati niyang kinasama.

"Alright! I am Leinarie Melendrez. And I am your real wife."

"As far I know, I am legally married to Alora Leigh Andrada." Pinanatili ni Zeke Xavier na huwag magpakita ng emosyon. Kahit na ang totoo ay nagsisimula na siyang kainin ng labis na pagkamuhi. Animo'y bumalik ang sakit ng panloloko at pang-aabandonang ginawa sa kanya noon ng babaeng kanyang
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status