Share

Chapter 24

Napunta ang tingin ni Zeke sa screen ng kanyang laptop. Mula roon ay nakikita niya si Alora. Mahimbing pa ang tulog nito.

Muling ibinalik ni Zeke ang tingin sa papeles na kanyang kaharap. Makalipas ang ilang sandali ay muli niyang ibinalik ang tingin sa kanyang laptop. Natuon ang buong atensiyon niya roon nang makita niya ang pagkilos ni Alora. Ilang sandali nitong iginala ang paningin sa loob ng silid na kinaroroonan niya bago ito bumangon. Katatayo pa lamang nito sa kanyang kama nang mapatakip ito bunganga.

Awtomatiko ring napatayo si Zeke nang tumakbo si Alora sa banyo. Naramdaman niya ang pamumuo ng pawis nito sa kanyang noo.

Nang magsuka si Alora sa sink ay lalo siyang naalarma. Kumilos ang kanyang paa pahakbang. Natigil lamang siya nang makita niya ang paglapit ng mayordomang si Linda sa kanyang misis.

Saka lamang siya nakahinga ng maluwag nang makita niyang hinagod niya ang likod nito. Muli siyang bumalik sa pagkakaupo nang makita niyang inakay na ng katulong si Alora palaba
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status