Share

4

Ilang araw na ang nakalipas mula ng huli kaming magkita ni Franz, sa totoo lang gusto kong makausap ito at magpaliwanag ngunit halata dito na umiiwas ito at 'yon ang ikinalulungkot ko.

Kahapon nga ay nilakasan ko na ang loob ko na puntahan ito sa office n'ya ngunit hindi ito ang nakita ko at nakausap kundi ang kapatid nitong si Mico.

Sa totoo lang kilala ko si Mico, dahil sa mga sabi-sabi na playboy ito kaya ilang ako dito ayokong ma involve sa lalakeng papalit-palit ng babae. Nasa gano'n akong pag iisip ng marinig kong nag-bell na kaya naman pagkatapos na pagkatapos ng klase ay agad akong dumeretso sa locker ko upang kuhanin ang mga gamit ko, excited na akong makita si Franz ito ang unang pagkakataon na tinawagan ako nito matapos nitong malaman ang totoo.

Nag-tapat din ako dito at sinabi kong nagawa ko 'yon dahil nagustuhan ko agad siya.

Tama nagtapat ako dito na gusto ko ito. Pero after kong magtapat dito ay lalo itong lumayo sa akin.

Akala ko nga ay 'di na ako nito papansinin kaya naman laking pasasalamat ko ng makita ko sa screen ng cellphone ko ang number at pangalan ni Franz.

Tumawag ito sa akin para sabihin na pumunta 'daw ako sa may hallway dahil may ibibigay daw ito. Sa totoo lang halos lumundag ang puso ko sa sobrang saya ng makausap ko ito.

Kaya naman eto ako ngayon nasa tapat ng salamin ng locker ko. Nag-apply lang ako ng konting pulbos at lip-gloss, ayoko kasing nag me-make up dahil hindi maganda sa mukha ang over sa make-up, buti sana kung sasali ako sa beauty pagent 'di ba?

Nasa gano'n akong pag-iisip ng maramdaman kong may nasa likuran ko kaya naman agad akong lumingon para tignan kung sino ito.

Pero halos mapalundag ako sa kinatatayuan ko ng malaman ko kung sino ang nasa likuran ko. Walang iba kundi si.

''Mico?'' Nabiglang sabi ko dito.

Pero 'di ako nito pinansin bagkos nakatingin lang ito sa akin na parang may ibang tumatakbo sa isip nito. Lalo na ng tignan ko ito mata sa mata.

Hala ka, anong kasalanan ko sa lalaking ito? Bakit ganito ito makatingin sa akin? kahapon pa ito para akong gustong lapangin.

bulong ko sa sarili ko lalo na ng tila papalapit ito ng papalapit sa akin.

Hanggang sa maging

5 inch

4 inch

3 inch

2 inch

At 1 inch

Hala ka anong gagawin n'ya? Bakit lumalapit s'ya sakin? Kaloka naman.

Tanong ko na-naman sa sarili ko lalo na ng makita kong umangat ang kamay n'ya patungo sa may ulunan ko na agad kong ikinapikit.

Susuntukin ba n'ya ako?

Jusko wag naman sana. Kung galit ito dahil pakiramdam n'ya niloko ko ang kuya niya 'wag siyang mag-alala handa ko naman itong panagutan. Tili ko sasarili ko. Hinintay kong may dumapo sa mukha ko na kung ano pero lumipas na ata ang 5 segundo wala naman akong naramdamang kung ano kaya unti unti kong idinilat ang mga mata ko nakita ko agad ang dib-dib nito na halos nakadikit na sa mukha ko. Dahan-dahan kong Itinaas ang tingin ko sa mukha nito at nakita ko ang mukha nito na nakatingin sa may ulunan ko habang hawak nito ang bukas ding locker.

Ibig sabihin kanya yung locker na matagal ko ng iniisip kung kanino? Mula kasi nang mag umpisa ang klase ay di kopa nakitang may nagbukas nito.

''Sa~sayo yung locker na yan?'' tanong ko dito pero di ito sumagot basta may kinuha lang ito na kung anong notebook sa loob ng locker tapos sinara na agad at inilock.

Tumingin ito sa akin sandali at saka walang anu anong tumalikod..

Grabe huh! nice talking gusto kong sabihin dito lalo na ng lumayo na ito sa akin.

Kaya naman sa sobra kong inis dito ay ini amba kong ipapalo dito ang payong na hawak ko, pero syempre di ko naman itutuloy, pero sa kamalas malasan saktong sakto itong lumingon at huling huli ako sa aktong papaluin ito.

Patay! Nag peace sign agad ako

Pero kinunutan lang ako nito ng noo saka dahang dahang lumapit muli sa akin.

Haru jusko anong gagawin ko? Impit kong d***g sa sarili ko.

''plano mo bang ipalo sa ulo ko ang payong na hawak mo?'' baritonong tanong nito na nagpaumid ng dila ko.

As in walang lumabas na kahit anong salita mula sa labi ko. Hindi ko alam kung bakit pero isa lang ang alam ko nakakapang lambot pala ng tuhod pag natitingan ka ng mga mata nito. Ngayon alam ko na kung bakit madaming nahuhumaling dito.

pero teka bakit ba para akong takot na takot sa kanya?

Wala naman akong ginagawang masama huh?

Sasagutin kona sana ito pero bigla namang may tumawag sa pangalan ko.

''Meixie.'' tawag ng isang tinig sa akin, hindi ko pa ito nalilingon pero alam kona agad kung kaninong boses iyon.

At tama nga ako, dahil ng lingunin ko 'yung tumawag sa akin, nakita ko agad ang seryosong anyo ni Franz sa akin habang nakatayo sa 'di kalayuan namin ni Mico.

Agad sumilay ang ngiti ko para dito pero hindi nito tinugon ang ngiti ko.

lalapitan ko na sana si Franz pero bigla akong hinarangan at binulungan ni Mico sa may punong tenga ko dahilan para mag-tayuan ang mga balahibo ko sa braso.

Kinilabutan talaga ako ng maramdaman ko yung mainit na hininga ni Mico sa batok ko. pati na rin ng malanghap ko ang kakaibang pabango nito.

''Pantayin mo muna 'yang pulbos mo bago ka lumapit sa kuya ko.''' bulong ni

mico sa akin na ikinataranta ko. kaya agad akong tumalikod dito at lumapit muli sa locker ko para tignan ang mukha ko sa harap ng salamin.

Pero mukhang napag-tripan lang ako nito dahil tama lang naman ang pagkakapantay ng pulbos ko sa mukha ko.

''Sira ulo..'' biglang sabi ko na ikinapula ng buong mukha ko. Wala na kasi si Mico sa kinatatayuan nito kanina, bagkos si Franz na ang nakatayo doon.

Habang si Mico ay nag-lalakad na palayo pero bago ito tuluyang lumayo sa amin lumingon muna ito sa akin at saka ako nginisihan na parang nakakaloko.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Estela Matucad
Please update...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status