Share

3

Pakiramdam ko ay nasa langit na ako. Tumingin ako sa paligid ngunit tanging kulay puti na paligid lang ang nakikita ko. Muli akong pumikit at dumilat pero talagang nasa isang tahimik na lugar na ako.

''Nasaan ako?'' tanong ko sa sarili ko bago ako dahang-dahang umupo. Pero bago ako tuluyang maka-upo ay napahawak ako bigla sa ulo ko.

''Aray.'' mahinang d***g ko ng biglang.

''Masakit ba ang ulo mo?'' tinig ng isang lalaki na agad kong tinignan ang pinanggagalingan ng baritonong tinig. Nanlaki ang mata ko at pakiramdam ko ay nagising ang lahat ng ugat ko sa katawan ng makita ko si Franz nakatapis at walang pang itaas.

''Anong nangyari? Bakit ako narito? At ikaw bakit ka narito?'' maraming bakit ako na itinanong dito pero isang mahinang pagtawa lang ang narinig ko mula dito.

'' 'Wag kang tumawa. Ang tanong ko ang sagutin mo. At saka bakit ganyan ang itsura mo? Naligo ka? Pero bakit? At saka bakit wala akong damit? Anong ginawa mo sa akin umamin ka.'' medyo malakas na ang tinig ko dahil gusto ko ng malaman agad ang sagot.

''Huminahon ka. 'wag kang mag alala hindi ako nakikialam ng isang babae ng walang permiso.'' sabi nito kaya nakahinga ako ng maluwag. Ligtas pa ang bataan ko. Sabi ko sa sarili ko.

''Pero teka nasaan ba ako? At saka sino nagbihis sa akin?'' tanong ko nanaman dito ng biglang may pumasok sa kwarto isang matandang babae.

'' 'Wag kang mag-alala ineng ako ang nagpalit ng damit mo. Puro kasi suka ang damit mo kanina, at kaya naman ganyan ang itsura ni Sir kasi sinukahan mo lang naman po s'ya. Biglang sabi ng matanda habang iiling iling. Napatingin tuloy ako kay Franz na may kahalong nakakalokong ngiti. Pero nawala ang ngiti na iyon ng biglang hampasin ng mahina ni Manang si Franz.

''Aba Sir baka gusto mo ng magbihis? Kailangan na rin niya mag-bihis.'' sabi ni Manang dahilan para agad itong lumabas.

''Pagpasensyahan mona si Franz. Wag kang mag-alala hindi ang tipo ng batang 'yon na manamantala ng babae.'' muling sabi nito na tinanguan ko nalang bago ko tinanggap ang iniabot nitong mga damit ko nakatiklop na ito at nalabhan na.

''Maraming salamat po.'' sabi ko dito at ngumiti naman ito.

''Alam mo ba na ikaw pa lamang ang nadadalang babae ni Sir dito mula noon at hanggang ngayon na bumalik s'ya. Hindi kasi ito masyadong malapit sa babae.'' sabi ng ginang.

''Naku po! Bakla po s'ya?'' nanlalaking mata ko ng tanungin 'yung matanda. Pero imbes na ito ang sumagot ay 'yung tinig ni Franz ang narinig ko.

''Sinong bakla ang tinutukoy mo? Gusto mong halikan kita kahit pa kaharap si manang?'' may bantang sabi nito sa akin saka ito ambang lalapit ngunit agad siyang hinarang ni manang at inawat.

''Ay nakung bata ka Franz, lumabas kana sa sala at do'n kana mag hintay. Magbibihis pa si? Humintong sabi nito habang hinihintay nito na dugtungan ko ng pangalan ko ang salita nito.

''Meixie po ma'am.'' sabi ko dito na agad nitong tinanguan. Nakita kong iiling iling si Franz ng lumabas ito ng kwarto.

''Magandang pangalan bagay sa'yo. O s'ya mag-bihis kana hihintayin ka namin sa baba para makahigop ka ng sabaw, nakapag-hain na ako kayo nalang ni Sir ang kulang

Nang makababa ako ng tuluyan ay sinalubong agad ako ni manang at iginiya papaupo sa lamesa. Tumambad sa paningin ko ang napakaraming pagkain. Medyo naparami ang kain ko dahil aaminin ko masarap ang pagkakaluto ni manang. Hanggang sa tumayo na ako at nag-paalam.

''Marami pong salamat sa pagkain manang at sa'yo din Franz.'' nakangiti kong paalam dito bago ako tumayo sa lamesa.

''Franz, pasens'ya na pero nakita mo ba ang bag ko? Sa sobrang kalasingan ko kasi hindi kona nalaman kung saan ko ito naiwan. At saka kung hindi mo sana mamasamain pwede ko bang malaman kung bakit tayo nagkasama? Ang alam ko kasi kami nila Feay at Cassey ang magkasama kagabi.'' medyo nahihiya kong tanong dito.

''Wala ka ba talagang maalala kagabi?'' Tanong nito imbes na sagutin nito ang tanong ko.

''Malamang wala akong maalala kasi nagtatanong ako eh.'' medyo pilosopo kong sabi dito. Nakita ko ang pasimple nitong ngiti bago ito tumayo sa kinauupuan n'ya.

''Follow me.'' sabi nito na agad kong sinunod ng makita kong lumakad ito paakyat muli ng kwarto nito. Napatingin ako kay manang nakita ko itong ngumiti at sumenyas na sumunod na ako.

''Anong gagawi natin sa kwarto mo?'' tanong ko dito.

''Di 'ba tinatanong mo ako kung nasaan ang bag mo? Kaya sumunod ka ng malaman mo. Sabi nito saka pumasok sa kwarto nya.hindi na ako nito inalok na pumasok. Mukha naman kasing ini-expect nito na papasok at papasok din ako sa loob. Nang makapasok ako naramdaman ko na tila may kakaibang aura akong naramdaman. Pag sara ko kasi ng pinto ay nakita ko si Franz nasa center table n'ya at dinampot ang paper bag.

''Narito ang bag mo Meixie.'' sabi nito kaya dali-dali akong lumapit sa mesa. Pero bago ko tuluyang maabot iniiwas nito ang paper bag pataas kaya hindi sinasadyang napahawak ako sa dibdib nito.

''Ayyy...''

''Hindi mo ba matandaan ang mga ginagawa mo sa akin kagabi?'' tanong nito lalayo na sana ako pero biglang may nag pop-up sa isip ko.

*****************

''Hoy lalake, alam mo bang gusto kita?'' bigla kong sabi sa lalake na tila magpapaalam na. Pero dahil sa sinabi ko ay bigla itong napatingin sa akin.

''Hoy kayong dalawa, Feay and Cassey umuwi na kayo at sasama ako kay Franz.'' sabi ko saka ako lumapit kay Franz at yumakap sa batok nito at naglambaras.

''Hoy Meixie, walanghiya ka, anung sasama ka sa lalakeng 'yan? Gusto mo bang konyatan kita ng magising ka sa kagagahan mo.'' sabi ni Cassey saka akmang hihilahin ako nito palayo kay Franz. Pero bago ako tuluyang maalis sa pagkakakunyapit kay Franz ay nawala na ako sa aking sarili at walang sabi-sabi na hinalikan ko ito.

*******************

Lulugu-lugo akong dumiretso sa campus habang inaalala ko ang mga ginawa ko kagabi. Hindi ko lubos maisip na nagawa kong manghalik ng isang lalaki na unang kita pa lamang.

''Grabe ka Meixie hindi kana nahiya sa pinag-gagagawa mo.'' inis kong sabi sa sarili ko ng bigla kong napansin na pinagtitinginan ako sa loob ng campus.

''Anong meron sa mukha ko?'' tanong kopa sa sarili ko na agad din naman nasagot ng bigla akong hilahin ni Feay.

''Ano bang nangyayari Feay bakit pakiramdam ko may ginawa akong malaking pasabog? 'yung mga marites kanina kopa nakikitang nagbubulungan habang nakatingin sa akin. Ano bang latest na topic sa akin?

''Manahimik ka gaga. Alam mo ba ikaw ang hot topic ngayon dito? Hindi mo ba alam kung sino 'yung lalakeng kausap natin kagabi?''

''Aba malay ko kung sino 'yun.

''Baliw ka talaga. Alam mo ba ito ang anak ni Mr. Zorego. Bukod 'don alam mo ba na napakarami kumakalat na picture n'yo ni Mr. Zorego matapos mo itong halikan kagabi? Ano bang gulo ang ginawa mo friend.

Franz Zorego

Tahimik kong binabagtas ang hallway patungo sa opisina ko ng makita ko si Mrs. Lopes na tumatakbo patungo sa kinaroroonan ko.

''Mrs Lopes anong dahilan at nagmamadali kayo.'' tanong ko pa dito.

''Sir. Tignan n'yo po ito.'' sabi nito saka sabay lahad ng cellphone para tignan ko. Nakita ko ang aking sarili sa litrato habang kahalikan ko si Meixie.

''Saan n'yo nakuha ang larawan na 'yan?''

''Kumakalat na po ito sa buong campus. Alam n'yo po bang ang batang 'yan ay estudyante dito?'' tanong nito na ikinakunot ng noo ko. Twenty years old na ito paanong dito siya nag-aaral.

''Twenty years old na ang babaeng 'yan.''

''Sir sixteen pa lang po si Meixie Tan. At kasalukuyan po siyang grade twelve.'' sabi ni Mrs. Lopez na ikinabigla ko. Lalo na ng makita kong tumatakbo rin patungo sa kinaroroonan ko ang babaeng inakala kong nasa tamang edad na. Ngunit ngayon ay tumatakbo na habang nakasuot ang uniform ng paaralang pag-aari ko. Halata sa mukha nito ang matinding gulat ng makita nito ang mukha ko.

''Franz?'' narinig kong tawag nito.

''Ano sa tingin mo ang ginawa mo?'' may tinig ng galit na tanong ko dito dahilan para mapayuko ito. Maya-maya pa nakikita ko na rin na tumatakbo si Lance patungo sa kinaroroonan namin at ng makalapit ito ay agad itong napatingin sa akin. Ganun din kay Meixie.

''Hala pare totoo nga, estudyante pa lang 'yung babaeng kasama natin kagabi?'' namamanghang sabi nito na ikinabuntong hininga ko.

''Maski rin ako hindi ko ini-expect ang bagay na ito.'' napapapikit kong sabi kay Lance at kay Mrs. Lopez.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status