Share

2

Mico's Point Of View.

Nakakainip mag hintay kina Jam, bakit ba ang tagal ng mga 'yon? Inis na maktol ko sa sarili ko nang biglang may pumasok sa opisina ko. Tama may sarili akong opisina dito. Hindi ako papayag na si Kuya lang ang may opisina sa school na ito.

Napadako ang paningin ko sa pinto ng pumasok si Tita sa loob. Ito ang Vice president ni Daddy, pero anong ginagawa nito dito?

''May kailangan po ba kayo?'' tanong ko dito na agad akong pinukpok ng journal sa ulo.

''Aray naman po, pumasok kayo dito para lang paluin ako ng lintik na journal na ito? Ano bang kasalanan ko huh?'' tanong ko dito saka padabog na umupo.

''Dumating na ang Kuya mo, wala ka manlang bang planong puntahan ito at batiin huh?'' mahinahong sabi nito habang naka cross arm.

Grabe binigyan talaga ito ni Dad ng three percent share sa paaralang ito? Haisst kainis nang mawala si Mom parang ito na ang pumalit kay Mommy o mas malala pa yata.

''T'saka ko na pupuntahan si Kuya, Tita may lakad ako ngayon.'' sagot ko dito na siningkitan ako ng tingin.

''Siguraduhin mong pupuntahan mo ang Kuya mo. Dadalawa na nga lang kayong mag-kapatid mag usap naman kayo at nang magkasundo na kayo. O s'ya aalis na ako.'' sabi nito sabay talikod at labas ng opisina ko.

Meixie

Panay ang sipat ko sa malaking salamin pero hindi ko pa rin talaga maisip kung ano ang kulang sa nakikita ko. Alam kong maganda at kaakit-akit na ako sa paningin ng iba pero talagang hindi ko pa rin nagugustuhan ang nakikita ko pero dahil atat na atat na sina Feay na umalis ay wala na akong nagawa kundi ang bumuntong hininga at ayain na ang mga ito na umalis.

''Okay tara, nakakainis ang pagmamadali n'yo.'' sabi ko sa mga ito na agad nagpa ngisi sa mga ito. Pero agad din nawala ang ngisi ng mga ito ng marinig namin mula sa ibaba ang malakas na sigawan nila Untie and Uncle. ''Nag-aaway nanaman sila nakakainis na talaga.'' inis na sabi ko bago ko kinuha ang handbag ko at mabilis na lumabas ng kwarto. Pero hindi pa nakakailang hakbang ay agad akong nilapitan ni Uncle at hinaklit sa braso.

''Saan na-naman ang punta mong bata ka? hindi ka ba nahihiya sa itsura mo? At kayong dalawa bakit ganyan ang mga itsura n'yo?'' sita ni Uncle kina Cassey at Feay na agad nagpakaba sa mga kaibigan n'ya.

''Uncle, pupunta lang kami ng party para mag saya. kasi kung laging dito ako sa bahay makukulta lang ang utak ko kakaintindi sa inyong dalawa ni Untie kung sino sa inyo ang tama.'' pangangatwiran ni Meixie saka dirediretsong naglakad palabas ng pinto. Pero hindi pa kami tuluyang nakakalabas ay muli nanaman akong hinaklit ni Uncle at walang ano-anong sinampal ako nito sa kanang pisngi. Agad kong nahawakan ang pisngi ko saka ako napatingin kay Uncle.

''Alam n'yo kayong dalawa ni Untie puro mga problema n'yo lang ang mga gusto n'yong lutasin. Wala na kayong pakialam sa kung ano na ang meron sa akin at kung kamusta na ba ako. Nag-papasalamat naman po ako sa inyo na kayo na ang nagpalaki sa akin. Pero bakit palaging mga hirap n'yo lang ang iniintindi n'yo pero 'yung pag-hihirap ko kada araw na naririnig ko kayong nagbabangayan at nagsusumbatan sa isa't isa inintindi n'yo manlang po ba?.'' puno ng hinanakit na sabi ko kay Uncle saka ako walang ano-ano na lumabas ng bahay. Hindi kona hinintay pang sumunod sina Feay sa akin dahil pakiramdam ko pag nagtagal pa ako sa bahay ay mamamatay na ako sa sama ng loob sa aking mga kinilalang magulang. Agad akong pumara ng taxi at dali-daling pumasok sa loob. Pagkapasok ko nakita ko sina Feay na tumatakbo palapit sa taxi na pinara ko.

''Manong paki hinto po, kasama ko po ang dalawang 'yan.'' sabi ko sa matanda na agad namang huminto at hinintay makapasok sa kotse sina Feay.

''Grabe ang bilis mo maglakad. Parang may gulong dire-diretso.'' sabi ni Cassey.

''Pasensya na kayo.'' paghingi ko ng paumanhin sa mga ito na agad naman nilang tinanguan at sabay sabing.

'' 'Wag kang mag-alala sana'y na kami kay uncle na masungit.'' sabi ni Cassey sabay ngiti. Ilang sandali pa ay narating na namin ang

Billiard's Bar at sabay-sabay na pumasok. Sa totoo lang hindi ko alam kung naloko ba talaga namin sila para isiping nasa tamang edad na kami o sadyang sinadya nila na hindi nalang pansinin ang edad namin.

Pag-pasok palang sa bar ay usok na ng samo't saring sigarilyo at vape ang malalanghap mo sa loob. Halo-halong amoy ng mga mamahaling pabango at alak ang mamumutawi sa ilong mo. Pero kahit gano'n ang amoy dito, ang amoy na ito ang pinakapanatag sa pakiramdam kaysa sa bahay na maaliwalas tignan pero puno ng karumihan at baho ng mga kinilala kong magulang ang namumutawi sa bawat araw at oras na mag-aaway sila.

Pumunta na kaming tatlo sa bakanteng mesa pero hindi pa tuluyang nag iinit ang mga pwet namin ay may dalawang lalake na ang lumapit sa amin at inaya kaming sumayaw. Tumanggi ako kaya naman naiwan ako na mag isa sa mesa ng biglang lumapit ang waiter at may dalang wine glass at isang bote ng champane.

''Hindi pa ako omoorder.'' maigsi kong sabi na agad tumingin sa ibang dereksyon at itinuro ang dalawang lalake sa 'di kalayuan. Nang makita ko ng maige ang isang lalake ay napagtanto ko na ito 'yung lalakeng nakita niya kanina sa school.

''Sila po ang omorder Ma'am.'' sabi ng Waiter saka ngumiti at nag-paalam. Sa totoo lang hindi ko akalain na dito ko makikita ang lalaking nakita ko kanina. Hindi kasi ito ang tipong happy go lucky, ang tingin ko dito ay isang kagalang galang na lalaki. Maya-maya pa ay nakita kong tumayo ang isa at lumakad palapit sa kinaroroonan ko.

''Hi! I'm Lance.'' pakilala nito na tinanguan ko lang. Hindi siya ang gusto kong makilala. Kaya naman pagka pakilala nito ay agad akong tumayo at nagpunta sa gitna ng floor at doon nagsasayaw. Nakita kong napailing ang lalaki ng makita nito na wala akong interes sa kanya. Lumipas pa ang ilang minuto habang pinapagod ko ang sarili ko sa kakasayaw sa gitna mismo ng stage. Ay nakaramdam ako ng pagod kaya bumalik ako sa mesa ko. Nakita ko sina Feay at Cassey na masaya kaya naman hinayaan kona lang ang mga ito na mag-enjoy. Maya-maya pa nakita kong umilaw ang cellphone ko at doon ko nakita ang pangalan ni Untie sa screen ng cellphone ko.

''Tsii!!! Si Untie, malamang umalis na-naman si Uncle. Kaya kukulitin ako nito na umuwi.'' inis kong bulong sa sarili ko. Bago ako muling lumagok. Hindi ako galit kay Untie pero 'di ko maiwasan na isipin na masyadong mabait si Untie kaya sinasamantala ni Uncle ang kabaitan nito. Naisip ko nga minsan na na adopt ko siguro ang ugali ni Uncle, kasi masyado rin matigas ang ulo ko at aminado ako sa bagay na 'yon.

''Bakit po Untie?''Tanong ko kay Untie ng sagutin ko ang cellphone ko at gaya nga ng nasa isip ko na mangyayari para itong bata na nagsusumbong dahil iniwan na-naman ito ni Uncle.

''Untie! Uuwi po ako mamaya okay? D'yan na po tayo sa bahay mag-usap.'' sabi ko dito na agad nitong sinang ayunan dahil agad din itong nagpaalam. Matapos kong ibaba ang cellphone ko muli akong nag-salin sa wineglass at saka ko inisang inom. Maya-maya pa ay may lumapit na-naman sa akin dalawang lalaki mga lasing na ito at pinipilit akong sumama sa kanila akma ko na sana na pilipitin at basagin ang mukha ng lalaki. Nang biglang may umakbay sa balikat ko dahilan para tumingala ako at ng tignan ko kung sino ang pangahas na lalaki. At ng makita ko ang lalaki ay bigla akong natameme. Ang kaninang parang susugod sa gera na aura ko ay biglang naging maamong pusa. Ito 'yung lalaking nag-papakaba sa kanya mula pa kanina, ang lalake kanina sa school.

''May problema ba?'' tanong ng lalaki na agad nagpailing sa mga ito at sabay paalam. Napatingin ito sa akin.

''Salamat.'' sabi ko dito na ikinangiti nito.

'' 'Wag kang masyadong mag-lasing para maayos kang makauwi.'' bilin nito saka akmang tatalikod para bumalik sa kanyang mesa. Pero ng palakad na ito ay bigla ko itong hinawakan sa braso. Nagulat ako sa kapangahasan ko pero huminto naman ito at nilingon ako.

''May problema ba?'' tanong nito na inilingan ko

''Gusto ko lang sana malaman ang pangalan mo.

''Ako si Franz Zorego.'' sabi nito sa mabaritonong boses. Saka inilahad ang kamay.

''Ako naman si Meixie Tan.'' sagot ko dito, pakiramdam ko lumulutang ang pakiramdam ko

At kinikilig ako. Napaka gwapo nito.

''Pwede ba akong umupo? Tutal magkakilala na tayo?'' paalam nito na tinanguan ko naman syete tatanggi pa ba ako? Kilig na sabi ko sa sarili ko. maya-maya pa ay hindi kona napansin ang oras at napaparami na ang inum namin dalawa.

Napansin kong nakatingin ito sa akin kaya bigla akong nailang sa mukha ko.

''May problema ba ang mukha ko?'' tanong ko dito na agad nitong inilingan. Naiilang kasi ako sa paraan ng mga tingin nito lalo pa ng sabihin nito na.

''Nagagandahan lang ako sa mukha mo.'' sabi nito dahilan para makaramdam ako ng pagkailang. '' Ilang taon kana nga pala?'' tanong muli nito sa akin na agad nagpatahimik sa akin. Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko pero sa bandang huli ay naisip kong mag sinungaling tungkol sa edad ko.

''Twenty na ako.'' pagsisinungaling ko dito na tila ikinagulat nito. Napansin kaya nya ang tunay na edad ko?

''Talaga? Akala ko nasa eighteen ka palang. Masyadong bata ang mukha mo.'' sabi muli nito kaya bahagyang napakagat labi ako.

''Ako naman twenty six na. May boyfriend kana ba?'' Tanong nito.

''Naku wala.''

''Pwede mahingi ang number mo?'' Tanong nito na agad ko din ibinigay. Nasa gano'n kaming usapan ng biglang dumating sina Cassey at Feay.

''Ehem!!'' ubo ubuhan na parinig ni Feay. Dahilan para mapatingin kaming parehas kina Feay.

''Nand'yan na pala kayo?'' tanong ko sa mga ito pero mapanudyong tingin ang ipinukol sa akin ni Feay.

''S'ya 'yung kanina di 'ba?'' napaka hinang tanong ni Feay na bahagya kong tinanguan. Ilang saglit pa ay nag-pakilala na sïla sa isa't isa. Bago umupo sina Feay at Cassey at uminom.

''Kung alam ko lang na itong si Franz ang type mo kausap sana pala itinulak ko na siya sa'yo kanina.'' sabi ng isang tinig sa likuran ko. Kaya agad akong lumingon ito 'yung lalake kanina na kasama ni Franz si Lance.

''Hindi naman sa gano'n nagkataon lang na wala ako kanina sa mood makipag-kwentuhan. Pasens'ya na.'' sabi ko dito saka namin ipinag-patuloy ang pag-iinom.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status