Share

Chapter 5

Ilang buwan narin simula ng naihatid ako ni Sir sa bahay. Mabuti na lang at tulog na sila Tita at mga bata noong gabi na yon.

Almost 5 months na rin ako nagtatrabaho sa kanya at alam ko na may improvement na ako at ganun din si Sir sa'kin.

Hindi na siya madalas magalit sa'kin at mahinahon na rin siya kung mag utos sa'kin, minsan napapaisip ako kung anu ngaba nakain ni Sir at mukhang bumabait na. Lahat ng sinabi niya ay sinunod ko kahit na piniilit ako lagi nila Trina at Nathalie na magparty ulit ay di ko na talaga ginawa, pati na sa pananamit ay sinunod ko siya.

Malaking bagay talaga ang naitulong sa'kin ng trabaho ko, nailalabas ko na ang mga anak ko at nabibili ko ang mga pangangailangan nila, nakakapagbigay na rin ako kila Tita. Sa loob ng ilang buwan ko dito madami na tlaga ang nabago sa buhay ko. Madami rin ang gustong manligaw sa akin pero di ko sila binibigyan ng motibo dahil ayoko ng pumasok sa isang relasyon, kung papasok man ako sisiguraduhin ko na tanggap pati na ang mga anak ko.

Naging close din silang dalawa ni Rafa katunayan niyan lagi nalang ito nasa office at kinukulit siya, at kapag dumadalaw ito lagi nalang galit ang boss niya. pero hindi niya alam na nagseselos ito.

Isang umaga kakarating lang niya sa office pag pasok niya nagulat siya dahil may bulaklak sa mesa niya. Kanino kaya ito galing tanong niya sa sarili, natuwa naman siya kanino kaya siya pwedeng magtanong. Pag sa boss niya baka nagsungit na naman ito, kaya itinabi nalang muna niya ito at kung iisipin niya na baka sa boss niya alam naman niya imposibleng manyari yon kasi ang alam niya may kasintahan ito, hindi pa niya nakikita pero alam niya na maganda ito. Aaminin niya na nagugustuhan na niya ng boss niya lalo't di na ito madalas magalit sa kanya.

Napapansin din niya na minsan binibigyan siya nito ng lunch, sobra daw kasi yon ang sinabi sa kanya lagi. Dumating na rin sa office ang boss niya at mukhang good mood ito ngayon.

"Good morning Sir," bati niya dito.

"Good morning too Miss Flores" sabi nito sa kanya at nakangiti pa talaga ito ngayon.

Siya naman nagulat dahil ngayon lang ito bumati ng pabalik at nakangiti pa, gusto niya magsaya pero naiisip niya hindi siya ang dahiln ng pagiging good mood nito ay unti unti nawala ang saya na naramdaman niya bago lang.

Lihim namang napangiti si Luke dahil nkita niya ang pagkagulat sa mukha ni Aye at kasama pa dahil alam niyang nagustuhan nito ang bulaklak na binigay niya, buo na ang loob niya dahil alam niya na sigurado na siya sa feelings niya para dito at sisimulan na niyng paibigin ito hindi rin naman lingid sa kanya na madaming nanliligaw dito, ipinagpapasalamat niya dahil hindi ito tumanggap ng suitors kung hindi ay baka makapag tanggal siya ng emoleyado ng dahil lang sa selos.

Samantala nagulat ako dahil biglang bumukas ang pinto at may dumating n magandang babae pang Miss Universe ang ganda nito, mabilis itong lumapit kay Luke at humalik ito sa pisngi ni Luke. "Thea why are you here? tanong ng boss niya habang nakatingin sa kanya siya naman ay lumabas muna para bigyan ng privacy ang dalawa. Pumunta nalang muna siya sa restroom ,medyo tinagalan muna niya sa loob bago siya lumabas, "sissy saan ka ba galing?,knina ka pa hinahanap ni Sir Luke," sabi sa kanya ni John na kakagaling lang din sa men's room.

"Ganoon ba? Sige balik na ako sa office, thank you ."

Binilisan ko ang lakad ko. Pagpasok nagulat ulit ko dahil nandoon parin yong Thea at nakakandong na kay Sir."Miss Flores saan ka galing? "tanong sa'kin ng boss ko.

"Sa restroom lang po Sir. May ipag-uutos po ba kayo sa'kin. "

"Please order us our lunch," utos nito sakin.

"okay Sir."

Dumating na ang order ko para sa knila at sakto din na lunch time na kaya lalabas na ako. Pero hindi pa ako nakaalis ay tinawag pa ako ng boss ko."Miss Flores join us to eat lunch," sabi nito sa'kin.

"Naku Sir sa cafeteria nalang po ako, kasabay ko po kasi sila Kevin," sabi ko dito. Biglang dumilim naman ang tingin nito sa'kin na parang may sinabi ako na di maganda.

"tssk that asshole" bulong nito na hindi narinig ni Aye. Wala kasi si Thea nasa CR kaya di rin nito narinig. Bumuntong hininga ito at sinabi sa kanya na umalis na.Kaya umalis narin siya para puntahan ang mga ito. Gustuhin man niya pero makakaabala lang siya sa lunch date ng mga ito.Dahil nagkita kita na kami sa cafeteria at kasabay namin si Kevin, naging malapit din siya sa akin, single ito at masasabi ko na may ipagmamalaki ito dahil gwapo at may kaya din sa buhay. Hindi ko pina pakinggan ang sinasabi ng iba sa'kin na may gusto ito sakin dahil hindi naman ito nagsasabi sa'kin. Baka friendly lang talaga siya kaya ganun.

Samantala sa office inis na inis naman si Luke at nawalan na siya ng gana kumain dahil badtrip siya sa Kevin na yon. Alam niya at halata sa kilos nito na may gusto ito kay Aye. Naiinis din siya dahil mas pinili pa nitong isabay yon sa pagkain kaysa sa kanya. Kaya nakalimutan na niya na nandito si Thea at panay ang salita.

"Luke what's wrong? parang galit ka? tanong nito sa binata.

"I'm sorry Thea may iniisip lang ako, let's eat " sabi nito kay Thea.

Alam ni thea kahit hindi nito sabihin alam niya na may gusto ito sa secretary nito kitang kita sa mga tingin nito kanina narinig din niya na niyaya niya ito na sumabay sa kanila. Pero tinanggihan nito at mas pinili pa sa cafeteria kasama ang ibang lalaki, siya naman ay lihim na nasasaktan dahil matagal na niya itong mahal pero wala siyang lakas ng loob na sabihin dito ang tunay niyang nararamdaman dahil natatakot siyang masira ang friendship nila. Dahil alam niyang hindi siya gusto nito. Pero ngayon naisip niya na aamin siya sa mismong birthday ng lalaki ,gagawin niya ang lahat maging kanya lang ang kanyang bff.

Buong linggo na palaging may bulaklak na nakalagay sa mesa niya tuwing umaga. Madami ang kinikilig dahil napapa sana all nalang sila sa'kin. Hanggang ngayon hindi ko pa rin kilala ang nagbibigay sakin ng mga bulaklak. Nagtataka nadin ako, need ko na bang maging detective conan para malaman kung sino ang nasa likod ng mga pabulaklak sa'kin char hahaha.Nagtataka na din si Tita at nagtatanong sa'kin kung may manliligaw daw ba ako kasi lagi akong may bulaklak at chocolate, kinikilig din naman ako dahil romantic ito kahit medyo common na yong style ng panliligaw niya. May card din pero ang nakasulat ay " You look beautiful everyday," di ba siya nagsasawa araw araw yon ang nakalagay sa card.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Cherry Liza M. Cariño
kilig to d bonez c gurl,haba ng hair
goodnovel comment avatar
Ms.Ivymadrama
Alam naahh.. dapat kapag Mahal mo Luke si Ms. Caye.. ay maging totoo ka na.. hahaha.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status