Share

Chapter 6

Isang buwan na ang lumipas pero hanggang ngayon hindi ko parin alam kung saan galing ang mga bulaklak ko araw araw. Ganun ba ito ka torpe para idaan nalang sa pabulaklak ang lahat. Ang laki na ng nagagastos niya sa kakabigay lang ng bulaklak sa'kin.

Naging okay na rin ako sa trabaho ko sanay na sanay na ako sa boss ko. Pero napansin ko na isang buwan na itong mabait sa akin, kaya hinayaan ko nalang ang pinagbubuti ko ang trabaho ko. Naginh busy ang kompanya ngayon dahil sa mga product launching kasama na rin ang maghahanda sa birthday ng boss namin.

Turning 31 na pala ito pero wala pa atang balak na mag asawa, lagi din pumupunta si Miss Thea sa office, super sweet nila lagi at tingin ko baka mag propose na rin siguro si Sir kay Miss Thea at alam ko na malapit na.

Tungkol naman sa mga anak ko tuwang tuwa ako dahil ang gagaling nila sa school , kakaganang magtrabaho para sa kanila.Kaya pinagbubutihan ko talaga palagi ,kapag may time na pwede akong mag overtime ginagawa ko para makadagdag sa ipon ko para future nila.

Abala ang lahat ng department ng kanya kanya nilang pakulo dahil may pa talent show sila ,ako naman dahil wala naman akong department ay tamang nood nalang siguro ako nito. Ang birthday niya ay gaganapin na sa sabado ,wala naman theme ngayon kaya kahit ano pwede mung isuot ang bawat department naman ay may kanya kanyang color coding.

Wednesday ngayon at nagpaalam ako sa boss ko na maghalf day lang ako dahil susunduin ko ang mga ito sa school, pupunta din kami sa mall para bumili ng regalo ko para sa boss ko, bibili narin ako ng regalo ko para sa kanya.

"Hi babies ni mama, kamusta ang school niyo nag behave ba kayo doon? "

"yes po!  mama,  let's go na pupunta tayo sa mall ngayon. "

"yehey!!!  mama bili mo po ako ng barbie, sabi ng bunso ko, ako naman po mama coloring materials po."

"Okay po! meryenda muna tayo bago mamili okay?"

Kumain kami sa fastfood chain, masaya sila dahil favorite nila ito. Tuwing sahod ko bumibili talaga ako, para sa akin sobrang saya na ng puso ko kapag nakikita ko sila na masaya.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta muna kami sa bookstore para sa coloring materials ng panganay ko. Pagkatapos pumunta na kami sa department store para maghanap ng damit, laruan kasama na rin ang regalo ko para sa boss ko. Nagsusukat ako ng damit, yong dalawang bata pinaupo ko muna sila doon. Pero laking gulat ko na yong bunso ko tumatawa at may kalaro at guess what yong boss ko ang kalaro nila ngayon. Ngayo. niya lang ito nakita na tumawa, napaisip din siya kung mahilig ba ito sa mga bata.Samantala yong panganay ko tahimik lang sa tabi nila. "Good afternoon Sir"

"Hi Miss Flores anong ginagawa mo dito? "

"Namili lang po kami Sir."

"Sinong kasama mo?" sabay kuno't ng noo nito.

"Sila po Sir," sabay turi ko sa mga anak ko.

"They are your kids? sabay ngiti nito.

"Yes Sir."

"babies say Hi to my boss. "

"Hi po daddy, sabi ng bunso niya. "

"baby hindi po siya ang dddy mo kasi si daddy nasa heaven na diba?, siya yong boss ni mama kung saan ako nagwowork siya yong owner non,  paliwanag ko sa anak ko. "nakita ko din kung paano ito biglang nalungkot.

"Miss Flores it's fine they can call me daddy if they want. " sabi nito habang nakangiti, ang totoo talaga niyan masaya talaga ito dahil hindi na siya mahihirapan na makuha ang loob ng mga bata.

Siya naman ay biglang natuwa pero agad din namang nalungkot at nahiya sa boss niya, kaya ngumiti nalang siya ng tipid dito.Nagtataka siya kung bakit nandito yong boss niya samantalang ang mga gamit nito ay luxury brands at pang mayaman talaga, nasagot nag tanong niya ng biglang lumabas sa dressing room si Miss Thea.

"Luke, what do you think of this, maganda ba? " tanung nito sa boss niya.

"yeah of course you look nice"

Siya naman ay nakatingin lang sa mga ito.

"Hi po Miss Thea"

"Hi Miss Caye, nandito din pala kayo, mga anak mu ba sila?, ang cute at ang gaganda nila. "nataponan kasi yong dress ko kaya napabili ako dito.

"opo sila po, at thank you po mana po sa mama nila hahaha, joke lang po" sabi niya dito.

"Mama uwi na po tayo" sabi sa kanya ng panganay niya na kanina pa tahimik.

"Sir, Miss mauna po kami sa inyo, bye po!. paalam ko sa kanila.

"ihatid na namin kayo" alok nito sa kanya. hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang pagsimangot ni Miss Thea. "naku Sir wag na po, Ayus lang po kami.

Gustuhin man niya pero hindi naman siya manhid para di magets na ayaw sa kanila ni Miss Thea.

Nakauwi na sila sa bahay pero hindi parin nagsasalita ang panganay niyang anak, kaya pinuntahan niya ito sa kwarto nila at nakita niya ito na nag drawing ng family picture nila, marahil ay namimiss nito ang ama nila ,malapit kasi ito sa kanilang papa.

"Ate! tawag niya dito, tumingin ito sa kanya. "Mama namimiss ko na po si papa ,mama" sabi sa kanya ng anak sabay iyak., niyakap niya ito at pati narin siya ay napaiyak narin. "Kahit si mama ,ate namimiss na rin ang papa niyo. lagi mong tatandaan na binabantayan tayo lagi ni papa niyo mula sa malayo, kaya wag kana umuyak ate.

"sorry po mama namiss ko lang po si papa, at ayoko po na may pumalit sa papa ko dahil para sa akin siya lang ang papa ko. " sabi nito sa kanya.

"tahan kana po ate sshh! opo ate siya lang po ang papa mo kaya smile kana po diyan. " I love you ate kayo ni bunso ang buhay ni mama. "

Ngumiti naman yong anak niya kaya gumaan din ang dibdib niya. " i miss you love" sabi niya sa isip niya.

May mga times talaga na nararanasan nila ito dahil nasanay sila na laging nandiyan ang asawa niya sa tabi nila kaya hanggang ngayon nahihirapan pa silang umusad.

Mga Comments (8)
goodnovel comment avatar
Wenz Mabato
Pa unlock pls
goodnovel comment avatar
Nithz Mirasfurton
bagay cla ng boss nya,, mag pag tingin pla sa kanya ang boos ny
goodnovel comment avatar
Lelanie Devecais
pa unlocko po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status