Share

Chapter 4

Isang linggo na ang lumipas simula ng nagtrabaho ako dito sa Blake Company so far maayos naman ang araw ko nasasanay nadin ako sa pasigaw sigaw niya sa akin. Kasalanan ko din naman kasi minsan nakakalimutan ko kaya napapadalas ang pagsigaw niya sa'kin.

Need ko pa talagang matuto pa sa trabaho ko.

Malapit ng mag lunch tinatapos ko ang  lahat ng mga papers, at gusto ko sumabay kila Nathalie ngayong maglunch, sinabi na rin sa akin ni Sir Luke na pag oras ng lunch lumabas nalang daw ako kahit hindi na ako magpaalam pa sa kanya. Pag labas ko sa office"Hi sissy lunch na tayo,"aya sa'kin ni Trina.

"Ok sissy let's go daanan na natin si sissy Nathalie," sabi ko sa kanya.

"Sissy Nat halikana punta na tayo sa canteen," sigaw ni Trina dito.

"sissy wag kang sumigaw magagalit mamaya ang head namin hahaha,"sabi nito sabay tawa.

Sa isang linggo ko dito sila na yong lagi kong nakakausap tuwing lunch time naging close narin kami kasama si John. Masaya at magana kami sa pagkain nagkukwentuhan din kami tungkol sa buhay buhay.

"Sissy ba't di tayo mag night hangouts mamaya pa welcome natin kay sissy Aye " sabi ni John, nagulat naman ako. "sissy wag na gastos lang yon at di ako pwede dahil alam niyo na may mga junakis na ako"  ani ko sa kanila.

"Alam mo sissy wala namang masama na mag enjoy ka naman paminsan minsan oo doon na tayo sa may anak kana pero kailan ka ba nagkaroon ng 'me time'? "

"sige itry kung magpaalam sa tita ko tska hindi ko umiinom guys ,pwedeba na juice lng inomin ko doon? "

"ok na sissy dadaan muna tayo sa condo ni Nat para makapagpalit ng mga bonggang outfit natin" sabi ni John.

" Don't worry sissy bibigyan tayo ni Nat,  hindi lang halata pero mayaman talga yan hahaha. "

"thankie guys! sa pagwelcome sa akin dito," sabi ko sa kanila.

Natapos na ang lunch time namin kaya bumalik na kami sa kanya kanya naming mga trabaho. Nagtext na lang ako kay tita Nene na baka malate ako ng uwi kaya okay lang naman daw sabi niya. Sumapit na ang umuwian kaya sabay sabay kaming pumunta sa condo ni Nathalie para magbihis.

Ayyy bonga mo day!  sabi nila sakin"

"sissy di ata bagay sa'kin ito" sabi ko sa kanila.

"At sinong may sabi ikaw, kailan ka ba huling gumimik sis? "

"Sa totoo lang sis hindi pa ako nakapunta sa disco bar,"ani ko sa kanila.

"Talaga! at dahil ito yong first time mo kailangan mo magsaya talaga.Hayaan mu gagawin nating memorable ang gabi mo,"sabay ngisi nila sakin ng sabay sabay.Bakit parang iba yong feeling ko sa pinapakita niyo sa'kin dapat na ba akong kabahan?

"hahahaha,"sabay naming tawa lahat.

Nakarating na kami sa disco bar at bumungad sakin ang madilim pero madaming iba't ibang uri ng ilaw na papalit palit ng kulay na sumasabay sa beat ng tugtugin.

Naghanap na kami ng table at doon kami umupo, nag order na rin sila ng drinks at ako juice lang. Masaya naman ako dahil napapasabay ako sa beat ng music, di man halata pero music lover ako. Nagkukwentuhan din kami.

Samantala nasa isang sulok ng disco bar nandoon din si Luke kasama ng mga friends niya at si Rafa nandoon din. Hindi niya napansin na nandoon din ang kanyang secretary. Kanya kanya sila ng babae at nag iinuman sila.

Sissy let's go sayaw tayo hila nila sakin. kaya wala akong choice kundi sumama nalang sa kanila. Noong una naiilang pa akong sumayaw pero nakisabay na lang din ako.

Enjoy na enjoy sila sa pagsasayaw ng may biglang humipo sa kanyang puwetan ng lingunin niya may lalaking lasing na at nakangisi sa kanya. Sa inis niya bigla nalang niya ito nilapitan at sinampal "bastos ka" .

"sissy what happened?" tanong sa'kin ni Nat.

"itong lalaking to hinipuan ako ang bastos"

"bakit miss hindi mo ba nagustuhan, mas higit pa ba doon ang gusto mo? " sabi ng sira ulong lalaki.

Nilapitan niya ito ulit at sinampal. "Bastos kang tarantado ka"

Hindi nila namalayan na nagkukumpulan na yong mga tao para maki usyuso sa kanila.

" wow!  palaban I like that" akmang lalapit sa kanya yong lalaki ng bigla niya itong sinipa hindi lang isa kung hindi ilang beses pa. Hanggang natumba nalang ito at nawalan ng malay.

Ang hindi alam ni Aye nakita ng boss niya yong nanyari at di siya makapaniwala na secretary niya yon ano ba ang meron doon hahahaa naisip niya na kung galitin kaya niya ito ano kayang mangyayari sa kanya. Magiging katulad din kaya siya ng lalaki.

"sissy ang galing mo naman, sabi ni Trina" ginalit kasi niya ako ang bastos sabi ko sa kanila.

Nag aalis na sana sila pero hinawakan siya ng mga bouncer hindi daw siya pwedeng umalis. "kuya hindi naman ako yong nauna ipinagtanggol ko lang po ang sarili ko."

sorry po ma'am pero need po namin kayo dalhin sa manager namin.

okay po let's go,,sabi ko sa kanila para walang gulo.

"Let her go " boses ng isang lalaki ,

wait lang parang familiar sa kanya yong boses na yon. Nilingon niya ito at nanlaki ang mata niya ng nakita niya ang boss pala niya at kasama si Rafa at mga friends siguro nito. Biglang dumako ang tingin niya sa braso nito na may nakahawak na babae, hindi niya alam pero bigla nalang siya nainis dito.

Kayo po pala Sir Luke,  kakilala niyo po ba siya ginulpi po kasi niya yong isang VIP dito Sir.

Alam ko at nakita ko lahat  at si Bernard na  ang bahala doon.

Okay po Sir.

Nagulat ako ng may humablo't bigla sa braso ko at kinaladkad ako palabas, tumingin ako sa sa mga kasama ko pero halatang takot sila sa boss namin.

"What are you doing here Miss Flores?" tanong niya sa akin.

Sir sinama lang po nila ako ,sorry po.

"wag kana pumunta ulit sa ganitong lugar kung hindi mo kayang makisabay sa trip nila"

"Pero Sir binastos po ako kaya ipinagtanggol ko lang po ang sarili ko." sabi ko sa kanya.

"You didn't know kung gaano kalaki ang trouble na pinasok mo, let's go I'll take you home."

"Pero sir yong mga kasama ko po nasa loob pa"

Hayaan mo sila dahil kaya na nila ang mga sarili nila.

Pumunta na kami sa parking lot habang magkahawak kamay ,hindi niya binibitawan ang  kamay ko,nakakahiya dahil ang lambot ng kamay niya.Pinagbuksan din niya ako ng pinto ng kotse niya, "Sir magcocommute nalang po ako, Kaya ko naman po ang sarili ko" sabi ko sa kanya.

"No! ihahatid na kita sa ayaw at sa gusto mo " sabi niya sa'kin.

Comments (4)
goodnovel comment avatar
Lyn Lansangan
oo in love na siya Kay aye
goodnovel comment avatar
Anna Valderama
ui demending naman syado si sir hahaha
goodnovel comment avatar
Ms.Ivymadrama
may pag- ibig na si luke sure na kay ms, Flores
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status