AODIE“ARE you sure you are okay?” tanong ni Bryan habang inaayos nito ang gamit ko sa duffle bag na pinaglalagyan ng mga gamit ko.Napanguso naman dahil sa tanong niya. Hindi ko na mabilang kung ilang ulit niya akong tinanong niyan ngayong araw!“Oo nga… it's been two weeks since I woke up, sa bahay na ako magpapahinga at magpapagaling,” tugon ko habang marahan na umuupo sa kama ko.Sa totoo lang ay okay naman na ako. May mga nararamdaman pa pero normal naman na siguro iyon para sa isang tao na matagal na natulog, nakalatay sa kama. May pamamanhid pa akong nararamdaman sa katawan ko dahil doon pero… mas okay na akong sa bahay magpahinga kesa dito dahil para lang akong nagkakasakit lalo.Nakita ko namang marahan na ibinaba ni Bryan ang hawak niyang damit ko na nililigpit at naglakad papalapit sa akin. Agad nitong iniyakap ang braso niya sa sa balikat ko habang ako naman ay iniyakap din ang mga braso sa kan’ya.Sa totoo lang ay sobrang namiss ko siya. Simula nang magising ako, wala ata
BRYAN“SO you two are now engaged huh! Congratulations!” usal ni Kuya Lester habang nandito kami kila Kean.The party of Nhia is already done and some of our relatives have already left while we– we decided to stay.Kumustahan lang naman ang naisip naming gawin lalo na sa amin ni Aodie. She really wants to be with the girls dahilatagal niyang hindi nakita ang mga ito pati na sila Jaila at Kalvin.Ngayon nga ay nasa loob silang lima para magkumustahan habang kami namang mga lalaki ay nandito at umiinom ng alak.“Yes, we are and the wedding will be in 2 weeks,” usal ko na ikinataas ng kilay nila.“Kuya naman! Ako muna dapat! Nagmamadali ka ba?” usal ni Kean na ikinataas lang din ng kila ko habang sila Nathan naman ay natawa lang sa pag-iinarte niya.He already proposed to Dhia naman but they will wait Dhia to give birth to their 2 monster kaya naman uunahan ko na. Besides, sobrang simple lang naman ng wedding namin ni Aodie.We both decided not to make it fancy. We plan it to be very sim
AODIE"Aodilaida! Ihanda mo na ang mga gamit mo, ihahatid na kita kay Don Marcelino," madiing utos ni Mama sa akin habang nakaluhod ako sa harap n'ya at umiiyak."Ma! Plese.. wag po, tutulong ako sa pagbabayad sa utang natin, wag mo lang ako ibigay kay Don Marcelino," nagmamakaawa kong tugon sa kan'ya.Nakita kong naiiyak na din si Mama pero pinipigil n'ya marahil ay ayaw naman talaga niya akong ibenta o ipambayad sa utang na iniwan sa amin ng namayapa naming ama.Marahas na pinunasan ni Mama ang mga luha n'ya bago ako muling hinarap. "Laida! Makinig ka sa akin, hindi na rin kita kayang buhayin kasama ng mga kapatid mo, kung titira ka kay Don Marcelino, doon maraming pagkain at magagandang damit. Makaka kain ka nang maayos at masasarap na pagkain," pangungumbinsi n'ya sa akin pero umiling lang ako."Okay lang kahit walang maayos na pagkain o masarap. Ayoko doon!" nagwawalang usal ko.Hinawakan ni Mama 'yong mukha ko at marahas na pinunasan ang mga luha ko. "Gusto mong makatulong sa ak
7 Years LaterAODIENakatingin ako sa mga tauhan ni Leo dela Vega gamit isang x4 scope na nakakabit sa aking GOL- Sniper Magnum, kitang kita ko ngayon kung gaano sila naka bantay sa kotseng sasakyan ng kanilang amo."Mga bobo, walang kamalay malay na hindi lang iisang grupo ang nag aabang sa kanilang amo," nakangisi kong saad.Agad kong inilipat ang tingin ko sa itaas ng building kung saan nandoon ang target ko.Nakikita kong nagpapakasasa pa ito sa itaas ng babaeng binayaran n'ya para paligayahin s'ya sa kakarampot na oras.Agad kong isinentro ang tutok ng sniper kong hawak habang nakikita kong malapit na itong makapunta sa ikapitong langit na gusto n'yang puntahan, hindi n'ya alam ngayon din ang araw ng pagpunta n'ya sa impyerno!Kinalabit ko ang gatilyo ng aking hawak na baril nang makita kong paangat na ang kan'yang ulo na muling nahulog dahil sa pagtama ng bala ng aking hawak."Mission Done!" nakangising saad ko at mabilis na inayos ang ginamit ko.Mabilis kong kinalas ang mga pa
AODIEIsang itim na sasakyan ang pumutol sa pagbabalik tanaw ko dito sa balcony ng kwarto ko.'sino naman kaya ang dumating na iyon?' tanong ko sa aking isipan.'Di ko naman maiwasan na hindi titigan ang kotse na iyon dahil alam kong mamahalin at pang marangya ang model. Pumarada na ito kaya naman inaantay ko na lang din na mabuksan iyon at makita kung sino ang nasa loob.'di naman nagtagal lumabas ang isang lalaking nakaitim na naka navy blue t-shirt na nababalutan ng itim na leather jacket, itim na pants, itim na leather shoes. Clean cut din ang gupit ng buhok nito. Nakadagdag din ng lakas ng dating n'ya ung shades n'ya.Napansin ko na biglang nag silapitan ang mga tauhan ni Don Marcelino at binabati s'ya, tanging tango lang naman ang sinasagot n'ya.Tuluyan na silang pumasok sa loob ng mansion kasunod ang iba't ibang mga tauhan nito."Aodie! Let's eat!" rinig kong sigaw ng isang kasamahan namin kaya muling naputol ang pag iisip ko."Coming!" balik kong sigaw dito 'ska tumayo at nag
AODIENakahiga na ako nang isang katok ang pumutol sa aking pagbabalak na matulog."Sino kaya ang hayop na gustong masaktan gamit ang mga kamao ko," saad ko sa sarili ko habang naglalakad papunta sa pintuan.Marahan kong inabot ang hawakan ng pintuan at binuksan iyon.Bumungad sa akin si Giovani na nakangiti at bahagya pang kumaway."Did I wake you up?" tanong nito na parang nahihiya.Si Giovani Lopez, isa sa mga pinagkakatiwalaan ni Don Marcelino pagdating dito sa Manila. Dati din siyang katulad ko na ipinambayad sa utang, pinag aral ng Don, tinuruan at inilagay sa posisyon sa grupong binuo nila.Gwapo ang binatang ito, makisig dahil sa mga training na ginagawa, makinis ang balat pero may mga peklat na paniguradong dulot ng pakikipag laban.Kung tutuusin, boyfriend material na s'ya dahil masayanin din ito, hindi ko naman maitatangi na may paghanga ako ng unti sa kan'ya. Pero syempre dahil hindi ko naman talaga alam pa ang gustong mangyari sa akin ni Don Marcelino.Kailangan kong pigi
AODIE"You are 5 minutes late," mahinahon at malamig na turan nito habang nililinis ang baril na hawak n'ya.Mahinahon naman ang pag kakasabi n'ya pero pakiramdam ko, katapusan na ng buhay ko.Nalate kasi ako ng gising dahil anong oras na ako nakatulog kakaisip ng mga pwedeng training ko! Papahirapan n'ya ba ako o magiging brutal ba s'ya sa akin!"What are you looking at me? Start running, woman! Since you are 5 minutes late, 50 laps!" saad nito at binalingan ako ng tingin na halos ikanginig ng katawan ko.Matapang naman ako pero babae pa din ako at nakakatakot ung titig n'ya.Inayos ko iyong buhok ko at damit ko habang naglalakad papunta sa umpisa ng tatakbuhan ko.50 laps?! Sinong tao ang kakayanin ang 50 laps?! Nagawa na ba n'ya iyon para sabihan ako ng gano'n! Tsk! Ikaw naman kasi Aodilaida! Bakit late ka na nagising?!"Tatakbo ka ba o tatanga ka na lang d'yan?""Tatakbo na," tugon ko at mabilis na tumakbo para makalayo sa yelong boses ng lalaking pinaglihi ata sa North Pole ng n
AOIDE"Kumusta? Balita ko tuloy na pagbalik n'yo sa probinsya sa susunod na araw ah," rinig kong usal ni Benjie."Oo, sabi ni Don Marcelino kailangan naming umuwi doon dahil marami s'yang ipapasanay sa akin. Hindi ko naman alam kung ano iyon," tugon ko habang hawak ang kutsilyong binigay n'ya sa akin.Napagpasyahan na kasi ng Don na umuwi na kami ng probinsya dahil tapos na din naman ang mission na ginagawa namin dito.Naraid na namin lahat ng mga warehouse ng mga kalaban sa negosyo ng Don kaya naman pwede na kaming umuwi. Namimiss ko na din sila mama at ung mga kapatid ko."E! Kumusta naman ang training mo kay Cold?" tanong nito kaya naman natigilan ako at napatingin sa tanawing tanaw dito sa veranda ng kwarto ko.Hindi pa din mawala sa isip ko ung paghihinala ko kay Cold, minsan na din akong nagtanong kung kilala ba talaga ng iba si Cold pero ang tanging nakuha ko lang nasagot ay s'ya ang pinagkakatiwalan ng Don pag dating sa negosyong illegal sa ibang bansa.Walang nakakaalam ng ib