Share

Chapter 3

CHAPTER 3

Third person point of view*

" Euka, where the hell do you think you're going?" Inis na tanong ni Don Vasco sa anak niyang kakalabas lang ng kwarto nito.

" Mall, dad." Mahinang tugon ni Euka.

" No! Just stay on your fucking room." Usal ni Don Vasco.

" But dad, I'm staying in my room for so long. I wanna go out, please let me!" Inis na asik ni Euka.

" Shut up!" Galit na saad ni Don Vasco at hinila si Euka papasok sa kwarto nito.

Nang makapasok na si Euka sa kwarto niya ay lumabas na rin si Don Vasco at tinawag ang mga tauhan niya.

" Boss, ano pong kailangan mo?" Tanong ng matabang lalaki.

" How's the transaction? Naayos niyo na ba?" Sunod-sunod na tanong ni Don Vasco.

" Yes boss. Successful," tugon naman ng lalaking naka-shade.

" Okay. May lakad tayo bukas at walang maiiwan dito sa bahay. Baka may kakilala kayong pwede nating gawing bodyguard."

" Bakit boss? May guard naman na kayo rito ah," saad ng matabang lalaki.

" No, I mean--guard para kay Euka. Ayukong lumabas ng bahay ang batang 'yon kaya kailangang may magbabantay sa kaniya." Sagot ni Don Vasco.

" Pero bakit kailangang bantayan si miss Euka, boss? Dalaga na siya, hindi na siya bata." Usal ng lalaking naka-shade.

" That's the point, Tarek. Dalaga na siya, marami ng umaaligid sa kaniya kapag lumalabas siya. At 'yan ang hindi ko hahayaan." Seryosong saad ni Don Vasco.

" Pero natural lang naman 'yan sa mga ganiyang edad, boss." Singit naman ng kakarating lang na tauhan ni Don Vasco.

" Just shut your mouth dipshit. Gawin niyo ang inutos ko. Huwag puro kuda!" Galit na asik ni Don Vasco at umalis sa harap nila.

Sa kabilang dako, sumakay ng bus si Marcos mula sa daungan. Kanina pa ang byahe nila at unti-unting naubos ang mga pasahero dahil bumaba na ang iba.

Hindi niya alam kung saan siya bababa o saan siya pupunta. Pakiramdam niya'y matagal na siyang nakasakay lang.

" Oh, Bulacan. Sinong gustong bumaba?" Nang marinig ni Marcos ang sinabi ng konduktor ay agad niyang hinila ang kaniyang bag at tumayo.

" Ako, boss. Bababa ako," saad ni Marcos at dali-daling bumaba ng bus.

Naglalakad si Marcos sa highway ng hindi alam kung saan tutungo. Nang may nadaanan itong maliit na karinderya ay huminto siya para kumain.

Pagkatapos niyang kumain ay naglalakad ulit siya. Hinayaan na lang niya ang kaniyang mga paa kung saan siya nito dadalhin.

Ngayon lang niya na-realize na ang hirap pala talaga kapag dumayo ka sa ibang lugar na wala kang kakilala.

Hapon na at kailangan niyang maghanap ng matutuluyan kaya binilisan niya ang kaniyang mga hakbang habang ang paningin ay nasa mga kabahayang dinadaanan niya.

Lakad-takbo ang ginawa ni Marcos Jax habang naghahanap ng pwede niyang matutuluyan. At dahil hindi siya tumitingin sa kaniyang dinadaanan ay muntikan na siyang mabangga. Napahinto siya habang tiningnan ang sasakyan sa harap niya. Nang may bumaba mula rito ay kinabahan siya bigla. Lalo na no'ng makita niyang tatlo ang bumaba at naka-itim lahat.

" Kalma lang bata, hindi ka namin gagalawin." Sarkastikong usal ng lalaking naka-shade.

Tahimik lang si Marcos habang tiningnan ang tatlong lalaki na papalapit sa kaniya.

" Hindi ka pamilyar ah, bago ka pa ba dito?" Maangas na tanong ng isang lalaki.

" A-ah oo." Maikling tugon ni Marcos.

" Saan ka uuwi?" Curious na tanong ng matabang lalaki.

" Kakarating ko lang 'di ba? Wala akong matutuluyan kaya ako naghahanap. Kung makipag-chismisan lang kayo sa akin, paumanhin pero aalis na ako." Seryosong saad ni Marcos.

" Huwag kang ganiyan, bata. Alam mo bang pwede ka naming despatsahin ngayon na walang makakaalam?" Pananakot ng lalaking naka-shade.

" Huwag niyo akong takutin, masasayang lang ang laway niyo." Saad naman ni Marcos.

Nainis ang lalaking naka-shade kaya sinugod nito si Marcos at sinapak ngunit naka-ilag si Marcos at umikot para sipain ang lalaki. Natumba ang lalaki at namimilipit ito sa sakit.

" Tama na, tama na." Awat ng matabang lalaki. " Saktong-sakto, bata. Naghahanap ang boss namin ng bodyguard sa anak niya. Baka gusto mo?" Nakangiting dagdag nito.

" Bakit naman ako maniniwala sa inyo? Hindi ko kayo kikala," maangas na saad ni Marcos.

" Tarek, tumayo ka nga riyan. Tawagan mo si boss," saad ng mataba at tinulungang makatayo ang lalaking naka-shade.

Tinawagan ng lalaki ang kanilang boss at sinabing may nahanap na sila.

" Narinig mo ba? Tanggap ka na raw, pogi." Saad ng matabang lalaki.

At dahil wala ng ibang choice si Marcos, tumango na lang siya. Mas mabuti na nga para may matutuluyan siya. Sumakay siya sa kotse kasama ang tatlo. Kitang-kita rin niyang matulis ang tingin ni Tarek sa kaniya, ang lalaking natumba kanina dahil sa malakas niyang sipa.

" Sandali, pogi. Kapag kausap mo na si bossing, huwag mo munang ilabas iyang angas mo. Baka hindi ka na makalabas na buhay," pananakot ng matabang lalaki.

" Ano palang pangalan niyo? At anong pangalan ng boss niyo?" Sunod-sunod na tanong ni Marcos sa kanila.

" Welmar," Saad ng isang matangkad.

" Tarek nga," inis na saad ni Tarek.

" Bogart," saad naman ng mataba. " Eh, ikaw?" Dugtong nito.

" Marcos Jax," maikling tugon ni Marcos. " Eh, ang boss niyo--anong pangalan?" Dugtong niya.

" Don Vasco Knewtleg, pogi. Kaya makinig ka sa amin, huwag mong ilabas 'yang angas mo kapag kausap ka niya--dahil paniguradong tigok ka." Seryosong saad ni Bogart.

Kahit kinabahan si Marcos ay hindi niya ito pinahalata at tumango na lang.

Ilang minuto ang nakalipas, nakarating na sila sa malaking bahay ni Don Vasco. Sabay silang bumaba at sumunod lang si Marcos sa tatlo habang naglalakad papasok sa malaking bahay.

" Welmar, Bogart, diretso raw kayo sa opisina ni boss." Bungad ng guard.

May sariling opisina si Don Vasco sa bahay niya. Doon madalas gaganapin ang meeting nila tungkol sa mga businesses nito. Minsa'y doon rin gugulpihin ang mga taong may atraso rito.

Sumunod lang si Marcos Jax sa tatlong lalaki habang ang kaniyang mga mata ay pasulyap-sulyap sa kabuuan ng bahay.

" Katukin mo muna, Welmar." Utos ni Bogart kay Welmar nang sila'y nasa tapat na ng opisina ni Don Vasco.

" Ikaw na lang, Tarek." Seryosong saad ni Welmar.

Napalingon sa kanila si Marcos at parang sinusuri kung ano ang nangyari sa tatlo kung bakit ito nagturuan kung sino ang kumatok.

" Ako na," seryosong usal ni Marcos at diretsong kumatok sa pinto.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status