Share

My Pleasure Mi Lady
My Pleasure Mi Lady
Author: RHEA JAY

Chapter 1

CHAPTER 1

Marcos Jax's point of view*

" Sigurado ka na ba talaga, brad?" Tanong sa'kin ng kaibigan kong si Jomar.

" Oo, brad. Gusto ko munang lumayo eh," tugon ko sa kaniya.

" Pero brad, wala kang kakilala roon. Baka may mangyari sayo eh. Wala kami roon, wala kang back up." Saad ng isang kaibigan kong si Jake.

" Ano ba kayo, ayos nga lang ako. Gusto ko talagang maka-move on sa pagkamatay ni mama." Sabi ko sa kanila.

Namatay ang ina ko dahil sa leukemia. Palagi lang kasi siyang nagmukhang malusog sa paningin ko kaya hindi ko namalayang may sakit na pala siyang dinadala. Masakit para sa akin pero wala na akong magagawa. Tingin ko sa sarili ko ay isa akong walang kwentang anak. Pero alam kong hindi matutuwa si mama kapag sisihin ko ang sarili ko. Kaya ngayon, gusto ko munang lumayo rito sa Davao at pupunta akong Maynila, o kung saan man ako dadalhin ng tadhana.

" Mangako ka sa amin na tatawagan mo kami, ha?" Singit naman ng kaibigan kong si Baron.

Ganito sila sa akin at ganoon rin ako sa kanila. Palagi naming inaalagaan ang bawat isa kahit ang tingin ng mga tao sa amin ay mga palaboy na walang kwenta.

" Oo naman. Kapag swertehin, dadalawin ko ulit kayo rito." Saad ko sa kanila.

" May pamasahe ka ba?" Biglang tanong ni Jake.

" Meron brad, may naipon naman ako." Sagot ko sa kaniya.

" Eh, para sa pagkain mo? Sa tutuluyan mo, may pang-upa ka ba?" Sunod-sunod na tanong ni Jomar.

" Magagawan ko ng paraan 'yan. Huwag niyo na akong alalahanin." Nakangiting saad ko.

Nakita ko si Baron na may kinuha sa bulsa niya. Nang tuluyan niya itong makuha ay binigay niya ito sa akin--isang maliit na sobre.

" Ano 'to?" Naguguluhang tanong ko.

" Para sa iyo 'yan. Huwag kang mag-alala, nag-ambagan kami." Seryosong saad ni Baron.

" Mga brad, hindi niyo naman 'to kailangang gawin sa akin. Marami na kayong nagawa mula no'ng pagkamatay ni mama." Nahihiyang saad ko at binigay ko muli kay Baron ang maliit na sobre ngunit hindi niya ito tinanggap.

" Kung ayaw mong tanggapin iyang bigay namin, isipin mo na lang na hiram 'yan. At saka mo na babayaran kapag may helicopter ka na, okay?" Natatawang usal ni Jomar.

" Impossible ata 'yan, brad." Natatawang saad ko.

" Possible 'yan, kaya tanggapin mo na. Marami ka ring nagawa para sa amin noon, kaya hayaan mong bumawi kami. Hindi sa lahat ng oras kami ang tutulungan mo, minsan--hayaan mo rin kaming tulungan ka." Saad ni Jake.

" Sige na nga! Parang sinermonan niyo ako eh," natatawang saad ko at isinuksok sa likod ko ang maliit na sobre.

" Pasensiya na brad, iyan lang talaga ang nakayanan namin." Sabi ni Jake at tinapik ang balikat ko.

" Oo nga brad, alam mo namang bago lang din nakalabas si tatay sa hospital." Dagdag ni Jomar.

" Ayos lang. Malaking tulong na nga ito sa akin, salamat sa inyo." Nakangiting saad ko.

" Alam kong kabaklaan ito, brad. Pero walang halong biro, mamimiss ka talaga namin." Ani Baron.

" Ingatan mo ang sarili mo roon, brad. Huwag kang magpapa-api. Alagaan mo ang sarili mo roon." Dagdag naman ni Jomar.

" Kapag sasaktan ka ng mga tao roon, isipin mong--narito kami at handang lumaban para sa iyo. Kung hindi mo kakayanin ang mga pagsubok doon, umuwi ka. Hihintayin ka namin," singit naman ni Jake.

Parang nalulungkot na rin ako dahil sa mga sinasabi nila. Ngayon lang ako malalayo sa mga kaibigan ko. Mula high school kami na ang quadro. Hindi kami mapaghiwalay mula noon. Ngayon lang siguro ito mangyayari.

" Pinapaiyak niyo ba ako?" Pagbibiro ko sa kanila.

" Oo nga, bakit ang drama natin? Para tayong mga bakla." Natatawang usal ni Baron.

" Hindi kabaklaan ang pagda-drama, brad Baron. Sadyang mamimiss lang talaga natin si brad Marcos. Wala ng gago sa samahan natin." Singit ni Jake.

" Baka kako wala ng gwapo," pagbibiro naman ni Jomar.

" Ano? Kung gwapo lang ang usapan, ako 'yan. Wala namang ibang gwapo sa atin, kundi ako lang." Ani Jake.

Binatukan ni Jomar si Jake at sinapak naman ito ni Baron. Nakakatuwa talaga sila ngunit kailangang mamulat kami sa reyalidad na hindi sa lahat ng panahon ay nandiyan kami para sa isa't-isa.

" Mabuti pa, umuwi na kayo. Gabi na eh, at saka kailangan ko ng mag-impake." Saad ko. Agad naman nila akong tiningnan ng matiim.

" Tutulungan ka namin," masayang saad ni Baron at kinuha ang bag ko na nakasabit sa dingding.

" Huwag na, hinahanap na kayo sa bahay niyo." Sabi ko sa kanila at hinablot ang bag ko na hawak ni Baron. Ngunit wala talaga akong nagawa para pigilan sila dahil kinuha na nila ang mga gamit ko sa maliit na cabinet.

Nagtatawanan na lang kami habang tinutulungan nila akong mag-impake. Hanga talaga ako sa mga kaibigan ko. Kahit tingin sa amin ng mga tao ay walang kwenta, ayos lang basta alam namin na mabuti kaming anak sa mga magulang namin. Ayos lang sa amin ang mga masasakit na salita mula sa iba basta sapat na sa amin na alam ng mga magulang namin kung sino kami.

Kung hindi lang sana namatay si mama, hindi talaga ako aalis sa lugar namin. Wala akong balak pumunta ng Maynila ngunit gusto kong kalimutan muna ang pagkawala ni mama. Ayukong manatili rito sa bahay namin dahil kapag ako na lang mag-isa, maiisip ko talaga siya at maalala ko ang kaniyang mukha sa kahit saang sulok ng bahay namin. Palagi kong naalala ang mga matatamis niyang ngiti, ang galit niyang mukha sa tuwing gabihin akong umuwi. Sobrang bait ng ina ko. At dahil sa kabaitan niya, ininda lang niya ang nararamdaman niya kaya hindi naagapan dahil walang nakakaalam. Proud na proud ako sa ina ko. Dahil hindi lang siya isang mabuting ina, matapang din siya.

Namatay siyang hindi ko man lang alam kung sino ang ama ko. Pinalaki niya akong mabuti kahit siya lang. Pinalaki niya akong may respeto at may takot sa Diyos. Sobrang swerte ko sa ina ko, ngunit iniwan na niya ako.

" Tapos na!" Napalingon na lang ako kay Jomar. Matagal pala akong nakatulala lang.

" Salamat," mahinang saad ko at ngumiti sa kanila.

" Uwi na kami, brad." Biglang saad ni Baron at tumayo.

Nagpaalam na silang tatlo kaya hinatid ko sila sa pinto. Gabi na rin kasi at sigurado akong hinihintay na sila ng mga pamilya nila.

" Ingat kayo sa pag-uwi." Sabi ko sa kanila. Napa-atras na lang ako dahil bigla nila akong niyakap.

" Group hug!" Sigaw ni Jomar.

Nang binitawan na nila ako ay sabay na silang lumakad papalayo.

" Ingat ka bukas," pahabol na saad ni Jake at kumaway.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status