Share

Chapter 2

CHAPTER 2

Marcos Jax's point of view*

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata dahil parang may nakamasid sa akin. At hindi nga ako nagkamali--nang minulat ko ang aking mga mata ay nakita ko ang tatlong kaibigan ko na nakatayo habang nakatingin sa akin.

" Good morning," sabay nilang bati sa akin.

" Bumangon ka na, mahal na hari." Pagbibiro ni Jomar.

" B-bakit kayo narito?" Tanong ko sa kanila.

" Ihahatid ka namin sa pier," saad ni Baron. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Ihahatid nila ako sa pier? Ito talagang mga kumag na ito.

" Malapit lang iyong daungan, brad. Bakit naisipan niyong ihatid ako?" Seryosong usal ko.

" Dahil pogi ako," mahinang saad ni Jake.

" Anong connect?" Asik ni Jomar at binatukan si Jake.

" Bumangon ka na riyan, brad. Baka maiwan ka ng barko," saad naman ni Baron.

Bumangon ako at diretsong tumakbo sa banyo upang maligo. Nang matapos akong maligo ay dali-dali akong nagbihis at lumabas na ng banyo.

" Ito, agahan mo. Binaunan ka ni nanay," sabi ni Jomar at hinagis sa akin ang munting supot. Ngumiti lang ako sa kanila at kinuha ko ang bag ko na may lamang damit.

" Tara na," nakangiting saad ko.

" Kainin mo muna iyang agahan mo," seryosong saad ni Jake.

" Sa barko na lang. Tara na, baka maiwan ako." Sabi ko sa kanila at hinila sila.

Lumingon muna ako sa bahay namin bago tuluyang umalis. Tinapik naman ako ng tatlong kaibigan ko kaya ngumiti na lang ako at tuluyang naglakad papalayo sa bahay namin.

Ngayon na ang huling araw ko rito sa Davao. Ano kayang mangyayari sa akin kapag nandoon na ako sa Maynila?

Naunang naglakad ang mga kaibigan ko kaya tiningnan ko sila ng palihim. Kapag naroon na ako sa Maynila, sisikapin kong makahanap ng kaibigang kasing-luko ng mga kaibigan ko. Kahit naman mga luko-luko sila pero mababait rin naman.

" Hoy!" Nagulat ako dahil bigla akong binatukan ni Jake. Naabutan ko na pala sila. Akala ko'y nasa unahan pa rin sila. " Anong iniisip mo?" Dagdag pa ni Jake.

" Siguro--nag-iisip ka na kung paano makakahanap ng magandang dilag, no?" Singit ni Jomar.

" Hindi, alam ko ang iniisip niya. Siguro, ngayon lang niya na-realize na ako ang pinakagwap--Aray!" Hindi natapos ang sinasabi ni Baron dahil binatukan siya ni Jake.

" Kung managinip ka, mamayang gabi na. Huwag ngayon, masyadong maaga." Pagbibiro ni Jake.

" Totoo naman ang sinasabi ko ah," usal na naman ni Baron.

" Kapag talaga hindi ka mananahimik diyan, Baron. Bibitayin kita ng patiwarik." Inis na saad ni Jomar. Ang dali lang talaga nitong mapikon.

" Inggit lang kayo dahil mga dugyot kayo!" Asik na naman ni Baron.

" Sinong dugyot?!" Sabay naming singhal kaya napa-atras na lang si Baron.

" Biro lang," mahinang sabi niya at naka-peace sign pa.

Mamimiss ko talaga ang ganitong mga bonding namin. Ang mga asaran namin, ang mga batukan at singhalan namin. Kahit sabihin pang kabaklaan ito, pero totoo ang nararamdaman kong pagka-miss sa kanila. Hindi pa nga ako nakalayo sa kanila nalulungkot na ako.

Nang makarating kami sa daungan, sakto ring umandar na ang barko kaya tumakbo kami palapit.

" So, alis na ako? Mag-ingat kayo rito ha," malungkot kong saad. Nakita ko si Baron na pinunasan ang luha niya. " Huwag kayong umiyak, parang tanga naman!" Dagdag ko.

" Ingat ka ah," sabi ni Jake. Tumango ako sa kanila at nag-group hug kami. Mukha kaming mga teenager na magbabarkada. Pero hindi niyo naman kami masisisi dahil ngayon lang talaga kami magkakahiwalay lahat.

" Sige na," mahinang saad ko at dahan-dahang umatras papalayo sa kanila.

Nang makita kong nalulungkot sila ay umakyat na ako sa barko. Nakita ko pang kumaway sila bago ako tumalikod.

Habang umaandar ang barko ay nakatingin lang ako sa mga alon sa dagat.

Ganoon talaga ang buhay, kahit sanay kang sumabay sa alon nito--kailangan mo talagang baguhin ang direksiyon ng buhay mo. Hindi sa lahat ng panahon, sasabay ka lang sa alon ng buhay--minsan kailangan mo ring tahakin ang ibang direksiyon.

Nakakalungkot lang dahil wala akong kakilala kapag nandoon na ako. Hindi ko naman pwedeng ibulsa iyong mga kaibigan ko dahil may sarili silang buhay. Hindi sa lahat ng oras kasama ko sila, may mga oras na kailangan kong mag-isa.

Sana hindi ako mahihirapan sa Maynila. Sana madali lang akong makahanap ng trabaho. Kahit anong trabaho basta may trabaho lang ako. Kailangan kong kumayod at harapin ang bagong buhay ko--pagdating ko roon.

Kinain ko na lang ang baon na ginawa ng nanay ni Jomar. Lahat ng mga magulang ng mga kaibigan ko ay mabait rin sa akin. Dahil kahit sabihin ng mga tao na barumbado kami, palagi naming ginagawa ang tama. Dahil rin sa gabay ko sa mga kaibigan ko. Mga luko-luko talaga sila pero kapag sasawayin ko ay umayos naman. Kaya natutuwa rin ang mga magulang nila. Tinuturing na rin nila akong anak. Nakakatuwa lang! Mabuti pa iyong hindi ka-dugo namin. Iyong mga pamilya ng mama ko, hindi ko alam kung nasaan sila. Ang alam ko lang ay taga probinsiya si mama--nang mabuntis ay pinalayas siya kaya siya napunta sa lugar kung saan niya ako niluwal. Nakakalungkot dahil hindi ko man lang nabigyan ng magandang buhay si mama bago siya namatay. Pero wala na akong magagawa. Alam kong masaya na si mama ngayon sa piling ng Diyos.

" Ah, hijo. Kanina ka pa riyan nakatulala, anong problema mo?" Napalingon ako sa ginang na katabi ko. Ganoon na ba ka lalim ang iniisip ko?

" A-ah wala po," nahihiyang tugon ko.

" Ito, tubig." Saad niya at inilahad sa akin ang isang boteng mineral water.

" Salamat po," masayang sabi ko sa ginang.

" Walang anuman. Napakagwapong bata, anong pangalan mo?" tanong na naman niya. Nakakahiya naman.

" A-ah Marcos Jax po," nahihiyang saad ko.

" Huwag kang mahiya. Pasensiya na, naalala ko lang sayo iyong anak ko. Namimiss ko na si Jansin," mahinang usal niya. Halatang malungkot siya.

" Nasaan pala ang anak mo, ma'am?" Mahinang tanong ko.

" Wala na siya, hijo. Na-aksidente siya eh, isang taon na ang nakalipas." Malungkot niyang saad.

" Pasensiya na po ah," nahihiyang saad ko. Bakit ko pa kasi tinanong.

" Ayos lang, hijo. Nakakatuwa ka talaga," nakangiting sabi niya. Natutuwa naman ako sa kaniya dahil para siyang si mama. Namimiss ko tuloy ang ina ko

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status