Share

Chapter 3

Habang kumakain sila ay sinabi ni Angela ang tungkol sa boyfriend ng mommy niya na akala niya ay ka-edad lang nito ngunit hindi naman pala. Umawang ang mga labi ni Jenna nang sabihin niya 'yon.

"Talaga? Guwapo ba 'to? Ano'ng hitsura niya?" hindi makapaniwalang tanong ni Jenna sa kanya. Uminom muna ng tubig si Angela bago sumagot sa kaibigan niya.

"Kung hitsura ang pag-uusapan natin ay may hitsura ang boyfriend ngayon ng mommy ko na mahigit twenty years ang age gap nila. Mukhang ka-edad siguro natin 'yon, eh. Hindi ko naman inaalam ang edad ng lalaking 'yon pero sigurado ako na ka-edad lang natin siya. Guwapo ang boyfriend ng mommy ko. Hindi lang guwapo," sagot ni Angela kay Jenna na interesado na malaman ang tungkol sa guwapong boyfriend ng mommy niya.

"Kung hindi lang 'yon guwapo, eh, ano pa siya? Malaki ang katawan? Hot ba siya? Makalaglag panty ba?" tanong pa nito sa kanya. Mabilis naman na tumango si Angela sa kanya para kumpirmahin 'yon.

"Lahat ng mga sinabi mo sa akin ay totoo. Iyon ang sasabihin ko sana sa 'yo kaso nga lang ay sinabi mo na. Ayaw ko naman na ulitin 'yon, eh," sagot ni Angela sa kaibigan niya na nanlalaki ang mga mata hindi dahil sa pagkagulat kundi sa nalaman niya na ganoon pala ang boyfriend ng mommy niya.

"Oh, talaga ba?" namamangha na tanong nito sa kanya. Angela shook her head and said, "Oo. Gusto mo ba siya na makita?"

"Of course yes. Gustong-gusto ko siya na makita. Gustong-gusto ko na masilayan ang taglay na kaguwapuhan at kakisigan ng lalaki na tinutukoy mo na boyfriend ng mommy mo. Ano ba'ng pangalan ng lalaking 'yon, huh?" nakangising tugon ni Jenna kay Angela.

"His name is Edward," malumanay na sagot ni Angela sa kanya.

"What a handsome name is that. Pangalan pa lang ay masasabi mo na masarap," sabi ni Jenna na humagalpak ng tawa. Loka-loka rin talaga ang kaibigan niya. "Alam mo napakasuwerte ng mommy mo dahil sa edad niyang 'yan ay talagang nakabingwit pa siya ng bata at hot na guwapong boyfriend. Nakakainggit naman ang mommy mo. Daig pa tayong dalawa, Angela. May asim pa talaga ang mommy mo. Sa kanya pa rin talaga ang korona," sabi pa ni Jenna kay Angela na tumatawa.

Napangiwi lang si Angela matapos marinig 'yon niya na sinabi ng mommy niya.

"Hayaan na natin siya na may boyfriend siya pero hindi ko lubusang tanggap na—"

"Na ano? Na may boyfriend siyang mas bata pa sa kanya? Iyon ba ang ibig mong sabihin, huh?" usisa ni Jenna sa kanya.

"Oo. Parang ganoon na nga. Imagine, mahigit twenty years ang age gap nilang dalawa. Parang anak na nga lang niya 'yon, eh. Puwede pa siguro kung ka-edad lang niya ay matatanggap ko nang maluwag sa kaloob-looban ko. Alam ko naman na age is doesn't matter pagdating sa pag-ibig pero hindi ko talaga matanggap 'yon. Naiintindihan ko naman siya kahit paano pero hindi ko—"

"Wala ka naman na magagawa pa dahil gusto 'yon ng mommy mo. Nagmamahalan naman siguro sila, 'no? Maging masaya ka na lang para sa kanya. Nakakainggit talaga ang mommy mo, Angela. I wish I could find someone like him. Kahit hindi ko pa nakikita ang lalaking 'yan ay laglag na ang panty ko," ani Jenna sa kanya. Napakibit-balikat si Angela at nagsalita, "I don't know. Siguro nga ay nagmamahalan sila."

"Kailan na naman po ba pupunta dito sa bahay natin ang boyfriend mo po?" tanong ni Angela sa mommy niya isang gabi habang tinutulungan niya ito na maghanda ng kanilang dinner. Tumigil muna ang mommy niya sa ginagawa nito para humarap sa kanya at sagutin ang tanong niyang 'yon. May ngiti sa mga labi ng mommy niya nang humarap ito sa kanya. Ramdam niya na in love na in love ang mommy niya. Naiirita tuloy si Angela lalo na naiisip niya na ang guwapong si Edward ang boyfriend ng mommy niya. Hindi lang siya naiirita. Muli siyang nakakaramdam ng pagkakainggit sa mommy niya na hindi lang basta pagkainggit 'yon. There's something she couldn't describe that triggers her to feel that irritation towards them.

"Hindi ko alam sa kanya kung kailan naman siya pupunta dito sa bahay natin. Depende sa kanya kung may oras siya ay puwede siyang pumunta dito sa bahay natin. Busy rin kasi siya, eh. May trabaho kasi siya," sagot ni Dina kay Angela na nakaawang ang mga labi.

"Ano po ba'ng trabaho niya?" tanong ni Angela sa mommy niya. Gusto niyang malaman kung ano ang trabaho nito.

Bumuntong-hininga muna ang mommy niya bago sumagot sa kanya.

"He's working as a call center agent. He's twenty five years old. Magka-edad lang kayong dalawa. Parang anak na rin ang turing ko sa kanya, eh," nakangising sagot ni Dina sa kanya.

"Kaya pala naging boyfriend mo po siya ay dahil sa parang anak mo na rin ang turing sa kanya. Ganoon po ba 'yon?" nakangiwing sagot ni Angela sa mommy niya na umasim ang mukha sa sinabi niyang 'yon.

"Hindi naman ganoon. Naging boyfriend ko siya dahil sa kanya muli tumibok ang puso ko. Iyon ang dahilan kaya boyfriend ko siya, hindi dahil sa anak na ang turing ko sa kanya," paliwanag ni Dina sa anak niya na si Angela. Napipilitan na tumango si Angela sa kanya.

"E, kung ganoon nga po ay saan po ba kayong dalawa nagkakilala?" usisa pa niya sa mommy niya. "Hindi mo pa po kasi sinasabi sa akin kung saan kayong dalawa nagkakilala. He's working as a call center agent at imposible naman na magtagpo ang landas n'yong dalawa."

Napalunok muna ng kanyang laway si Diana bago sinagot ang tanong niyang 'yon.

"Nagkakilala kami ni Edward na boyfriend ko sa loob ng isang mall. Palabas na ako sa mall na nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Wala akong dalang payong kaya hinintay ko muna na tumila ang ulan para tumungo sa parking lot na nasa labas ng mall na 'yon kaso mag-iisang oras na ngunit hindi pa rin tumitila ang ulan. Napansin niya siguro akong kating-kati na tumungo sa parking lot kahit umuulan kaya ay nilapitan niya ako. May dala siyang kulay asul na payong. Tinanong niya ako kung saan ako kung pauwi na ako. Sinagot ko naman siya na pauwi na ako ngunit hindi pa ako makakauwi dahil malakas pa rin nag buhos ng ulan. Nasa labas ng mall nakaparking ang kotse ko kaya hindi ako makapunta dahil wala akong dalang payong. Matapos niyang marinig ang sinabi ko sa kanya ay nagpresenta naman siya na ihatid na niya ako kung saan nakaparking ang sasakyan ko. May payong siyang dala kaya pumayag naman ako na makisukob sa kanya. Tatanggihan ko pa ba siya? E, gusto ko nang makauwi ng mga oras na 'yon kaya hindi na ako nag-atubili pa. Kaysa ma-stuck pa ako doon ay pumayag na ako. Sumukob na ako sa kanya. Hinatid niya ako sa kotse ko. Tinanong ko siya kung pauwi na rin siya at sumagot naman siya na pauwi na rin siya ng gabing 'yon. Dahil gusto ko na suklian ang kabutihan na ginawa niya sa akin ay pinasakay ko na lang siya sa kotse ko. Pumayag naman siya sa akin. Hinatid ko na lang siya. Umuulan naman sa labas. Nagpakilala kaming dalawa sa isa't isa. Nalaman ko ang pangalan niya. Nalaman rin niya ang pangalan ko. Naging tahimik kaming dalawa sa loob ng kotse ko matapos ang maikling pag-uusap namin. Bago siya bumaba ay hiningi niya ang cell phone number ko at doon na nagsimula ang lahat hanggang sa ligawan niya ako. Sinagot ko naman siya dahil hulog na hulog na ang damdamin ko. Mahal ko na rin siya, eh," kinikilig na kuwento ni Dina kay Angela na para bang isang teenager na kailanma'y hindi pa naranasan ang ganoong bagay. Hindi natutuwa si Angela habang kinukuwento 'yon ng mommy niya sa kanya.

"Ah, kaya pala kayo nagkakilalang dalawa dahil sa wala kang dalang payong at umuulan ng malakas pagkalabas mo sa mall na 'yon," tugon ni Angela sa mommy niya na hindi niya pinapahalata ang pagkainis.

Mabilis naman na tumango si Dina sa kanya na kilig na kilig pa rin habang inaalala ang mga tagpong 'yon na nagkakilala silang dalawa ng boyfriend niya na si Edward.

"Oo. Palagi naman akong nagdadala ng payong, eh. Hindi ko lang talaga malaman kung bakit hindi ko nadala ang payong ko. Siguro ay itinakda talaga ang gabing 'yon para sa pagkikita naming dalawa. Nakatadhana kaming paglapitin na dalawa kaya nangyari 'yon," sabi pa ni Dina sa harapan ng anak niya na si Angela. "Bakit mo ba tinatanong kung kailan siya pupunta dito sa bahay natin? Gusto mo ba ulit siyang makita o makasama?"

Humugot ng malalim na buntong-hininga si Angela bago sumagot sa mommy niya.

"Hindi naman po. Tinatanong ko lang naman po, eh. Boyfriend mo na po siya, 'di ba? E, palagi na siya n'yan na nandito sa bahay natin lalo na kung papuntahin mo siya," giit ni Angela sa mommy niya.

Dina nodded immediately.

"Yeah, I know that. 'Pag hindi siya busy o kaya ay day-off niya ay puwede siyang pumunta dito sa bahay natin kapag nandito tayo. May mga trabaho tayong lahat, 'di ba? Puwedeng weekend pumunta siya dito dahil nandito tayo pero depende pa rin naman 'yon sa kanya kung may trabaho siya. Kapag nagkataon na wala ay makakapunta siya dito. Gusto ko na magkakilala kayong dalawa para mapalapit ka na sa kanya. Boyfriend ko siya. Anak kita at gusto ko na maging maayos kayo sa isa't isa," paliwanag ni Dina sa kanya. Pilit na tumango-tango si Angela pagkasabi ng mommy niya.

"Nag-sex na po ba kayong dalawa ng boyfriend mo na si Edward?" biglang tanong ni Angela sa mommy niya. Hindi niya malaman kung bakit bigla na lang naitanong niya 'yon.

Napaawang ang labi ng kanyang mommy sa tanong niyang 'yon. Medyo nagtataka ito sa naging tanong na 'yon sa kanya ni Angela. She should answer it. Huminga muna siya ng malalim bago sinagot ang tanong na 'yon.

"Hindi pa. Hindi pa namin ginagawa 'yon, eh. Bakit mo ba ako tinatanong tungkol sa bagay na 'yon, huh? Gusto mo na ba na mag-sex kami ni Edward na boyfriend ko? Hindi naman na ako mabubuntis n'yan kahit gawin 'yon namin, eh, pero kailangan pa rin 'yon lalo na lalaki siya. May mga needs siya about d'yan, 'di ba? Alam mo 'yan, Angela," tanong tuloy ni Dina sa kanya kung bakit nagtatanong siya kung nag-sex na nga sila ng boyfriend niya na si Edward. Hindi pa naman nila ginagawa 'yon, eh. Pero gagawin nila 'yon soon.

Nagkibit-balikat si Angela sa harap ng mommy niya bago sumagot dito.

"Wala lang po. Gusto ko lang naman pong malaman, eh," mahinang sagot niya sa mommy niya na hindi na rin naman na nag-usisa pa sa katanungan niyang 'yon. Pinagpatuloy na lang nito ang ginagawa para makakain na sila ng dinner. Nagugutom na rin naman silang dalawa. Sapat na rin muna ang nalaman niya mula sa mommy niya. Pinagpatuloy muli niya ang pagtulong sa mommy niya sa paghahanda ng dinner nila.

Kumain na sila ng dinner matapos 'yon. Tahimik lang sila habang kumakain. Wala naman silang kailangan na pag-usapan pa na tatagal ng ilang minuto.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status