Share

Chapter 2

Tumungo na silang tatlo sa kusina para kumain ng meryinda na niluto ng mommy niya. Hindi maiwasan na makaramdam ng pagkadismaya si Angela sa nakikita niya sa harap niya. Akala niya ay may edad na rin ang boyfriend ng mommy niya ngunit nagulat na lang siya ng makita ang guwapong si Edward na mukhang ka-edad lang niya. Napakalayo ng age gap nito. Hindi niya maintindihan kung bakit 'yon ang boyfriend ng mommy niya. Napapangiwi na lang siya habang nakatingin sa mommy niya na nilalagyan ng pagkain ang plato ni Edward. Tahimik lang siya ngunit nagpo-protesta ang buong sistema niya sa nakikita niya sa harap niya.

Habang kumakain sila ng meryinda panay ang sulyap ni Edward sa kanya na ipinagtataka niya. Kapag kinakausap ito ng mommy niya ay para bang napakalayo ng mga sagot. Palagi siya nitong gusto na isali sa usapan ng dalawa. Matapos nilang kumain ng meryinda ay nagpaalam na muna siya sa mommy niya na pupunta sa kuwarto niya. Pinayagan naman siya ng mommy niya.

Hindi maalis-alis sa isipan ni Angela ang mga tagpong magkaharap silang dalawa ni Edward simula nang ipakikilala siya ng mommy niya dito hanggang sa kumakain sila ng meryinda. She could feel something towards him, but she doesn't even know what it is. Napakabilis pa rin ng tibok ng puso niya. First time niya na naramdaman 'yon kanina nang unang makita niya ang boyfriend ng mommy niya na mas bata pa dito. Sigurado siya na ka-edad lang niya ang boyfriend ng mommy niya.

Humiga siya sa kanyang malambot na kama at ipinikit ang mga mata baka sakaling mawala sa isipan niya si Edward ngunit kabaliktaran ang nangyari. Mas lalong naging laman ng isipan niya si Edward. Hindi maalis-alis sa isipan niya ang guwapong mukha nito at matatamis na ngiti na nagdudulot ng kakaibang ligaya sa kanya. Iminulat tuloy niya ang kanyang mga mata at bumangon mula sa pagkakahiga sa kama. Umupo siya at kinusot-kusot ang mga mata. Humugot siya nang malalim na buntong-hininga at kinurot-kurot ang magkabilaang pisngi. Napamura tuloy siya.

"What the hell is going on with me? Ba't ako nagkakaganito? Nagkita at nakilala ko lang siya ay nagkakaganito na ako ngayon. Ano'ng ibig sabihin nito? I can't get him out of my mind. Fuck! What's happening to me?" tanong niya sa kanyang sarili. Hindi mapakali si Angela sa loob ng kuwarto niya. Tatayo. Uupo. Hihiga. Tatayo. Uupo. Hihiga. Iyon ang tanging nagawa niya sa loob ng kuwarto habang nasa isipan si Edward.

Makaraan ang ilang minuto ay nagpasya siyang lumabas sa kuwarto niya upang tumungo sa baba. Pababa pa lang siya sa hagdanan ay tanaw na tanaw na niya ang mommy niya at ang boyfriend nito na si Edward na naghahalikan sa sala. Babalik pa sana siya sa taas nang makita siya ng mommy niya kaya tinawag siya nito. Napalingon naman si Edward sa kanya. Alam niya na nakita silang dalawa na naghahalikan. Pinunasan kaagad niya ang labi niya gamit ang ilang daliri niya na hindi nakikita ni Dina.

Nakaramdam tuloy ng hiya si Angela sa kanila. Alam niya na nakita siya ng mommy niya habang naghahalikan ito sa boyfriend na si Edward.

"Saan ka pupunta? Samahan mo na kami dito sa sala. Babalik ka pa ba sa kuwarto mo? Wala ka naman na gagawin doon, eh," wika ng mommy niya sa kanya.

Mabilis naman na ginawaran niya ng pekeng ngiti ang mommy niya bago niya nagawang sumagot dito.

Pinagpatuloy ni Angela ang paglalakad palapit sa kinaroroonan ng mommy niya kasama ang boyfriend nito na sa kanya nakatingin. Nahihiya siyang sulyapan ito. Hindi na naman niya maipaliwanag ang pagtibok ng puso niya na para bang hinahabol siya ng mga kabayo.

Umupo siya sa tabi ng mommy niya. Tahimik lang siya na nakikinig sa usapan ng dalawa. Hindi naman siya maka-relate sa usapan ng dalawa. Naiinip lang siya.

"Uuwi po ba siya ngayon?" tanong ni Angela sa mommy niya. Tinatanong lang niya kung uuwi ang bisita nito na boyfriend. Dumidilim na kasi ang paligid.

Pumunta ng restroom si Edward kaya nagawa niyang itanong 'yon. Silang dalawa lang ang nag-uusap doon.

"Hindi ko alam sa kanya kung uuwi siya ngayon. Nakadepende pa rin sa kanya kung uuwi siya. Wala namang problema kung dito siya matutulog. Malaki naman ang kama ko. Wala rin naman akong katabi matulog sa kuwarto ko. Boyfriend ko naman siya, 'di ba? Wala namang masama na matulog kami na magkatabi dahil boyfriend ko naman siya," sagot ni Dina kay Angela na anak niya na napakunot-noo sa narinig na sagot niya.

Napakagat ng kanyang labi si Angela.

"Mommy, may sasabihin lang po ako sa 'yo. 'Wag ka lang na magagalit sa akin please," dahan-dahan na sagot ni Angela sa mommy niya na seryosong tinitigan siya sa kanyang mga mata.

"Ano'ng sasabihin mo sa akin, baby? Hindi naman ako magagalit sa mga sasabihin mo, eh. Wala naman sigurong dahilan upang magalit ako sa sasabihin mo, 'di ba?" sabi ng mommy niya na hinimas-himas pa ang magkabilaang pisngi niya gamit ang kamay nito.

Bago sinabi ni Angela ang sasabihin niya sa mommy niya ay bumuntong-hininga muna siya at sinubukan na ikalma ang sarili niya.

"Wala na ka po bang puwede na gawin na boyfriend mo po? Mahigit twenty years po siguro ang agwat n'yo sa isa't isa. Sigurado ka po ba na mahal ka niya? Parang anak n'yo na lang po siya, eh," tanong ni Angela sa mommy niya na napangiwi sa tanong na 'yon.

Dina let out a deep sigh and slowly opened her mouth to speak to her daughter. Ramdam niya ang pag-question nito sa kanya tungkol sa boyfriend niya na mahigit twenty years ang age gap.

May punto naman si Angela sa sinabi sa kanya na parang anak na lang niya ito. Mukhang ka-edad pa ito ni Angela na nag-iisang babae na anak niya. Hindi naman siya nagalit sa katanungan na 'yon ni Angela ngunit hindi maiwasan na makaramdam siya ng pagkapahiya sa harap nito.

"Baby, naiintindihan naman kita kung bakit ganoon ang mga naitanong mo sa akin. Naiintindihan ko kung ano ang pinangagalingan mo. Alam ko na mas matanda ako sa kanya. Mahigit twenty years ang pagitan ng mga edad namin ngunit mahal ko siya. Mahal rin niya ako. Mahal namin ang isa't isa. Iyon ang totoo. 'Di ba sabi nila na hindi naman basehan ang edad sa pagmamahal? Hindi naman 'yon ang basehan dahil kapag tumibok ang ating mga puso ay wala tayong magagawa kundi sundin ang tinitibok nito. Sa pag-ibig ay wala tayong kawala. Kahit itago man ang puso ay magmamahal pa rin ito. Mahal namin ang isa't isa, baby. Wala kang dapat na ikabahala o ano pa tungkol sa aming dalawa. Edward is a good man and you could trust him too. Alam ko na nag-iisa lang sa puso mo ang daddy mo ngunit hindi naman nangangahulugan na may boyfriend na ako ay kakalimutan na natin siya. Hindi 'yon ganoon. He's still be in our hearts forever. Gusto ko lang na magkaroon man lang ng partner in life na makakasama ko kahit ano'ng oras dahil alam ko na mag-aasawa ka na rin n'yan soon. Mag-isa na lang ako sa buhay n'yan. Ayaw ko naman na maging malungkot," paliwanag ni Dina kay Angela na kahit ano'ng gawin na paliwanag nito sa kanya ay para bang hindi lubusang tinatanggap ng buong sistema niya.

Gabi na nang umuwi si Edward na boyfriend nga ng mommy niya. Inihatid ito ng mommy niya sa labas ng bahay nila habang siya ay nakasilip lang sa bintana. Nakakunot ang noo niya habang pinagmamasdan ang dalawa sa labas ng bahay nila. Nang tuluyan nang makaalis ang boyfriend ng mommy niya ay isinara na niya ang bintana ng kuwarto niya at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Pumasok na rin sa loob ng bahay nila ang mommy niya.

"You have an appointment this afternoon, sir. Should we cancel it or not?" paalala ni Angela kay Mr. Dominik Ramos na boss niya. She's working as his secretary for almost two years. Thirty years old na ang boss niya ngunit wala pa rin itong asawa.

Her boss sighed deeply before he speaks to her. "No. We shouldn't cancel it. Ayaw ko na mawala ang ibang investors natin kapag hindi ko itinuloy 'yon. Tuloy pa rin ang appointment ko sa kanila," sagot nito sa kanya na mabilis naman niya na tinanguan.

"Ah, okay po, sir," sagot ni Angela sa kanya. "Nire-remind ko lang po kayo baka po kasi nakalimutan n'yo na o kaya ay ipapa-cancel n'yo 'yon."

Mr. Dominik gave her a wide smile on his face and said, "Thanks for reminding me, anyway. Tuloy pa rin ang appointment ko with them. Still, I'm hoping for a good partnership with them. They're good friends too. I couldn't lose them all. They're very important to our company. Ihanda mo na ang kailangan, okay?"

Angela nods quickly at him. "I got it, sir. Thank you for it. Now I know what I should do next. Pinaghahanda ko na po ang lahat kanina pa po, sir," sagot ni Angela sa boss niya na kung makatingin ay para bang hinuhubaran siya. Matagal na niyang napapansin 'yon sa boss niya kaya siya na lang ang nag-iiwas dito. Pinagpatuloy na ni Angela ang ginagawang trabaho.

"Hindi ka pa ba kakain ng lunch?" tanong ni Jenna kay Angela na kaibigan niya.

Nagpakawala muna si Angela ng malalim na buntong-hininga bago nagsalita kay Jenna na kaibigan niya.

"Kakain na ako ng lunch pero kaunting hintay lang dahil may pini-print pa ako. Kailangan kasi ito mamayang hapon," sagot niya sa kaibigan niya na tumango naman kaagad sa kanya.

"I see. Take your time, Angela. Akala ko kasi ay wala ka nang balak na kumain pa, eh. I'll wait for you here," sabi ni Jenna na kanya. Angela nods her head quickly.

"Ah, okay. Thank you for understanding me, Jenna. Maupo ka na muna d'yan sa couch. Ilang minuto lang naman 'to, eh, hindi naman tatagal ng isang oras 'to na ginagawa ko," nakangising sagot ni Angela sa kaibigan niya.

Umupo muna si Jenna sa couch habang hinihintay matapos ang kaibigan niya sa ginagawa nito. Makalipas ang ilang minuto ay natapos na nga siya. Kaagad naman na tumungo sila sa labas para kumain ng lunch. They still have forty-five minutes para kumain ng lunch.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status