Share

Chapter 5

"Good morning too," she greeted him in return. Edward accepted her greeting. He smiled at her again. "Kanina ka pa nandito?" tanong nga niya kay Edward na bago sumagot ito sa tanong niya ay nagpakawala muna ng malalim na buntong-hininga.

"I think mga thirty minutes na akong nandito, eh," sagot ni Edward sa kanya. Tumango-tango naman si Angela pagkasagot ni Edward sa kanya.

"Ah, ganoon ba? Akala ko kasi ay wala ka na, umuwi ka na," sagot ni Angela sa kanya.

"Hindi pa naman, eh. Maupo ka muna. Mag-usap muna tayong dalawa," nakangising sagot ni Edward sa kanya.

Angela bit her lips and said, "Nag-uusap na nga tayong dalawa, 'di ba? Ano pa ba ang ibang matatawag sa ginagawa natin na 'to, huh?"

She has a point naman sa sinabi niya pero ang ibig lang sabihin ni Edward ay mag-usap pa silang dalawa kaya pinapaupo niya ito sa kaharap na upuan na inuupuan niya kanina. Nakatayo pa rin naman siya. Hindi pa siya umuupo muli sa upuan na 'yon. Kaagad naman na nagsalita si Edward sa kanya para ipaliwanag ang Ibig sabihin niya na mag-usap muna silang dalawa. Naintindihan naman na 'yon ni Angela matapos magpaliwanag ni Edward sa kanya.

"Maupo ka muna, please..." sabi pa ni Edward sa kanya kaya naman ay umupo na siya sa kaharap na upuan nito. "Where is your mom, anyway? Nagluluto pa ba siya?"

Angela quickly nods her head and said, "Oo. Nagluluto pa rin siya ngayon. Gusto ko nga siyang tulungan pero tumanggi siya sa akin. Boyfriend ka niya, 'di ba? Dapat tinutulungan mo siya." Napangiwi si Edward matapos sabihin 'yon ni Angela sa kanya. Napabuntong-hininga siya muli bago nagsalita sa harap nito.

"Yeah, I know that, but just like you, she didn't let me help her. Instead of helping her, I went here," sagot ni Edward sa kanya.

"Is that so?" mataray na pagkakasabi ni Angela sa kanya.

"Yes. Kung gusto mo para maniwala ka ay puntahan mo siya ngayon at tanungin mo about it. Mukhang hindi ka naniniwala sa sinasabi ko sa 'yo, eh," sagot ni Edward sa kanya at siya naman ngayon ang napangiwi.

"Hindi ko na kailangan na gawin 'yon," sabi niya kay Edward na nakataas ang dalawang mga kilay. Napangiti tuloy si Edward sa kanya. "Bakit ko naman gagawin pa 'yon? At saka tinatanggap lang naman kita, eh. Wala akong sinasabi sa 'yo na hindi ako naniniwala sa 'yo. Sa tingin mo ba ay hindi ako naniniwala sa 'yo kung gagawin ko 'yon, huh? Of course ay gagawin ko 'yon. You're wrong, Edward," mataray pa na sagot ni Angela kay Edward na muling napangiwi pagkasabi niya.

Edward gasped for air.

"Ibig mong sabihin sa sinabi mo ay naniniwala ka sa akin? So mali ako ng inaakala ko sa 'yo?" tanong ni Edward sa kanya bilang paninigurado nito.

Mabilis naman na tumango si Angela pagkatanong ni Edward sa kanya.

"Oo! Naniniwala ako sa sinasabi mo, Edward. D'yan ka nagkakamali sa sinasabi mo," sarkastikong pagkasasabi ni Angela sa kanya. "Akala mo siguro ay hindi, eh."

"Yeah, tama ka sa sinasabi mo, Andrea. Akala ko kasi hindi ka naniniwala sa sinasabi ko sa 'yo, eh. Sorry kung nasabi ko 'yon sa 'yo. Ang taray mo naman sa akin ngayon. Umagang-umaga ay tinatarayan mo naman ako," sagot ni Edward sa kanya na medyo nakangising nakatingin sa kanya.

Wala munang naisagot si Angela kay Edward. Wala kasi siyang maisip na sasabihin dito matapos na magsalita ito sa kanya. Umiwas siya ng tingin sa guwapong si Edward.

"How old are you?" tanong ni Edward sa kanya makalipas ang ilang minuto na pananahimik nilang dalawa at saka lang muling tumingin si Angela sa kanya.

"I'm twenty five years old. How about you, huh?" walang emosyon na tanong ni Angela sa kanya. He smiled again.

"Magka-edad lang pala tayong dalawa, Angela. I'm twenty five years old, too," nakangising sagot ni Edward sa kanya. Hindi na nagulat si Angela matapos niyang marinig ang edad ni Edward. Alam naman niya 'yon.

"I know..." she said. "I have a question to you."

"What is it?"

Angela bit her lips and sighed deeply before she speaks to him again. Seryosong tinitigan siya ni Edward habang naghihintay ito sa itatanong niya.

"Ano ba ang nagustuhan mo sa mommy ko, huh? Alam mo naman siguro ang age gap n'yong dalawa, 'di ba? More than twenty years ang age gap n'yong dalawa. Ang daming puwede mong gawin na girlfriend mo ngunit ang mommy ko pa ang niligawan mo," tanong ni Angela kay Edward na muling napabuntong-hininga pagkatanong niya.

Edward is expecting that question since from the start kaya alam na niya ang isasagot niya.

"Aware naman ako sa age gap namin ng mommy mo. And you're right na more than twenty years ang age gap namin. I like your mom..." sagot ni Edward sa kanya na hindi inaalis ang pagkakatitig sa mga mata niya.

"Talaga ba? Iyon lang ba ang dahilan kaya mo siya nagustuhan kahit more than twenty years ang gap ng mga edad n'yong dalawa?" tanong pa ni Angela sa kanya.

Edward nods quickly.

"Oo. Mabait ang mommy mo kaya ko siya gusto," sagot pa ni Edward sa kanya ngunit hindi siya kumbinsido sa sinasabi nito sa kanya. She could feel something na hindi niya magawa-gawang paniwalaan. Pakiramdam pa niya ay may ibang dahilan ito kaya niligawan ang mommy niya. Ang naiisip niyang posibleng dahilan kaya niligawan nito ang mommy niya ay dahil sa pera. Pera ang habol nito sa mommy niya. Karamihan kasi sa mga nalalaman at naririnig niya na pumapatol sa matanda ay pera lang ang habol.

Alam ni Angela na hindi tamang mag-isip ng ganoon lalo na kung walang patunay ngunit 'yon ang naiisip niya, eh. Masisisi ba niya ang sarili niya kung ganoon ang naiisip niya? Hindi naman siguro. Kahit ganoon ang naiisip niya at narinig niyang sagot ni Edward sa kanya ay hindi niya pinahalata na may pagdududa siya dito. Kailangan niyang pag-aralan ang bawat galaw nito.

Bilang isang anak ay ayaw naman niyang may gawin itong hindi maganda sa mommy niya lalo na kung pera lang ang habol nito. Ayaw niyang magtiwala dito nang buong-buo.

"Kung ganoon nga ay ito lang ang masasabi ko sa 'yo..." seryosong sagot ni Angela sa kanya. Umawang ang mga labi nito pagkasabi niya.

"Ano? Ano'ng masasabi mo sa akin?"

Angela cleared her throat and sighed deeply.

"Huwag na 'wag mong sasaktan ang mommy ko. 'Pag sinaktan mo siya ay ako ang makakabangga mo. Akala mo ba ay hindi kita kayang banggain, huh?! Kaya ko! I have connections, tandaan mo 'yan. Huwag mong lokohin ang mommy ko!" mahigpit na paalala ni Angela kay Edward na napangisi lang sa sinabi niya. May kasamang pananakot ang sinabi niya. Gusto lang niya na takutin ito dahil kung sakaling may binabalak itong masama sa mommy niya lalo na sa kanilang dalawa ay huwag na nitong ituloy.

"Hindi mo na kailangan na sabihan ako ng ganyan, Angela. Hinding-hindi ko gagawin 'yon sa mommy mo, okay? Hindi ako ganoon na tao na may binabalak na hindi maganda," he reassured her. "Kung may gagawin sana akong hindi maganda ay noon pa dapat. Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano na hindi maganda towards me dahil wala akong intensiyon na hindi maganda."

"Siguraduhin mo lang na totoo ang sinasabi mo sa harap ko, Edward," matigas na sagot ni Angela sa kanya.

"Totoo ang sinasabi ko sa 'yo, Angela. I promise you that. Wala kang dapat na ipag-alala, okay? Mabuting tao ako," sagot pa ni Edward sa kanya.

"Lahat naman puwedeng sabihin na mabait sa una kahit hindi naman talaga para lang makuha ang pakay nilang hindi maganda, 'di ba?" sabi pa ni Angela kay Edward na napatango-tango pagkasabi niya.

"Sumasang-ayon ako sa sinabi mo sa akin, Angela. May mga tao talagang ganoon pero hindi ako ganoon, okay? My intention is good and pure and you should know that," sabi ni Edward sa kanya na nakangisi pa rin sa kanya.

"Ilang porsiyento ba ang pagmamahal mo para sa mommy ko, huh?" tanong pa ni Angela sa kanya.

"One hundred percent," he said. "Wait lang ha, bakit ganyan ang mga tinatanong mo sa akin, huh? Daig mo pa ang nagi-interview sa isang TV show."

"Gusto ko lang naman na magtanong, eh. Kaya ako nagtatanong sa 'yo ay dahil gusto ko na may malaman. Hindi naman siguro ako magtatanong sa 'yo kung wala akong gustong malaman, 'di ba?" sagot pa ni Angela sa kanya.

Hanggang doon na muna ang pag-uusap nilang dalawa dahil tinawag na sila ni Dina. Tapos na itong magluto ng kanilang breakfast. Pumasok naman kaagad silang dalawa sa loob. Pinaunang maglakad ni Edward si Angela. Nakasunod lang siya dito. Tahimik lang silang tatlo na kumakain ng breakfast. Makalipas ang ilang minuto ay binasag na ni Dina ang katahimikan na namamagitan sa kanilang tatlo.

"Mukhang seryoso ang pinag-uusapan n'yong dalawa doon sa labas kanina, huh?" wika niya sa dalawa na sina Angela na anak niya at Edward na boyfriend niya. Nagkatitigan muna sina Angela at Edward.

"Hindi naman po masyado, eh," mahinang sagot ni Angela sa mommy niya. "Akala ko po ay umuwi na siya ngunit nandoon lang pala sa labas."

Dina smiled at her and slowly opened her mouth to speak to her daughter Angela.

"Mamaya pa 'yan si Edward na boyfriend ko uuwi, eh. Hindi ko naman siya pauwiin sa kanila na hindi pa kumakain ng breakfast. Kung uuwi na nga siya ay kumain na muna siya ng breakfast," sagot ni Dina kay Angela. Sinulyapan naman niya ang boyfriend niya na si Edward na tahimik lang. Nginitian pa nga niya ito. Tumango naman si Angela pagkasabi ng mommy niya.

"Akala ko lang po kasi dahil hindi ko naman siya nakikita kanina pagkagising ko kaya akala ko ay umuwi na talaga siya ngunit hindi pa pala," sagot ni Angela kay Dina na mommy niya na nakangiwi.

"Akala mo lang 'yon, Angela," nakangising tugon nito sa kanya. "Baka nga dito ko na siya patirahin sa bahay natin n'yan, eh."

Namilog ang dalawang mga mata ni Angela nang marinig niya ang sinabing 'yon ng mommy niya na baka patirahin na niya sa bahay nila si Edward.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status