Share

Chapter 40 Ang Panggagalaiti ni Janiz

KANINA pa pinipigilan ni Janiz ang kanyang emosyon – ang matinding poot para kay Yvette, kailan lang niya ito nakilala pero parang gusto na niya itong patayin. Ito kasi ang nag-iisang hadlang para mapalapit siyang muli kay William Arguelles III.

Matinding galit ang ipinakita sa kanya ng lalaki dahil sa pagsampal niya sa 'matandang mangkukulam na iyon. Napamura siya nang maisip niyang iba na nga pala ngayon ang hitsura ng babaeng iyon. Dahil doon mas nakaramdam siya ng panggigigil sa kasinungalingan nito.

Umasam kasi siya na milya-milya ang lamang niya sa babaeng iyon kung pisikal na hitsura ang pag-uusapan pero mali siya, maling-mali siya dahil napakaganda pala ng babaeng tinatawag niyang matandang mangkukulam. Maganda at seksi naman siya pero nakakaramdam siya ng insecurity sa babaeng iyon. Hindi lang dahil sa asawa ito ng lalaking dati'y patay na patay sa kanya kundi dahil sa bukod na mala anghel itong kagandahan ay hindi ito tulad niyang bilasa na.

Marahas na buntunghininga ang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status