"I'M getting married!" Malakas na sabi ng boses na kilalang-kilala ni Liam kaya napahinto siya sa pagpirma sa mga papeles. Tapos ay namilog ang kanyang mga mata. Hindi lang dahil sa nabigla siyang makita si William Arguelles Jr. sa loob ng kanyang opisina kundi dahil sa sinabi nito. Mistulan iyong granada na sumabog sa kanyang pandinig. Siya naman si William 'Liam' Arguelles III, ang nag-iisang anak ng lalaking nasa kanyang harapan pero sa hitsura nito ngayon ay dinaig pa ang teenager. "What?" Manghang bulalas niya. Bigla itong tumawa na parang kinikiliti ng mga duwende bago inulit ang sinabi. "Magpapakasal na ako," marahang-marahan pang sabi nito na parang gustong itaktak pa sa kanyang isipan ang sinabi. Hindi agad siya nakakibo. Kahit kasi pangalawang beses na niyang narinig iyon buhat sa bibig ng kanyang ama, parang hindi pa rin niya kayang paniwalaan iyon. Una, 60 years old na ang kanyang ama. Pangalawa, mahal na mahal nito ang kanyang ina. Kaya, gusto niyang isipin na nagpapa
ITO na lang ang paraan, mararahas na buntunghininga ang pinawalan ni Yvette bago siya bumaba sa taxi at umakyat sa condo unit beng kanyang pinakamamahal na boyfriend. Yes, mahal na mahal niya ang kasintahang si Henry Falcon kaya lahat at gagawin niya para maipaglaban ang kanilang pag-iibigan. Unang kita pa lamang niya rito ay parang tinadyakan na ng kabayo ang kanyang puso, pumintig iyon nang mabilis na mabilis. Napakaguwapo naman kasi nito. Mala–Piolo Pascual. Sabi kasi ng Mama niya nu'ng nabubuhay pal ove at first sight daw ang naramdaman nito sa kanyang Papa kaya naman kita niya hanggang sa huling hibla ng hininga ng kanyang Mommy ay wala na itong ibang mahal kundi ang kanyang Papa. At alam niyang ganoon din ang nararamdaman ng ama niyang si Alfredo Villafuerte dahil kahit na sampung taon ng patay ang kanyang Mommy na si Amanda, hindi pa rin ito magawang palitan ng kanyang ama. Kapag sinasabi niya ritong okay lang sa kanyang magkaroon ito ng pangalawang asawa, tinatawanan lang s
DAHIL sa ayaw ni Yvette na tanggihan siya ng lalaki, dinakma niya ang pagkalalaki nito. Alam kasi niyang kapag nanigas iyon ay hindi na siya mahihirapan pang mapasunod ito sa bawat gustuhin niya. Ngunit, ang tipo ba ng lalaki ang magiging sunud-sunuran?Maaaring hindi niya personal na kilala ang lalaki pero ang hitsura nito ay nagsasaad ng kapangyarihan at karangyaan kaya't nakapagtatakang makita niya ito sa lugar na iyon. Mistulan nga itong prinsepe na naligaw sa bar na iyon. Lasing na nga yata siyang talaga dahil ganoon ang tingin niya sa lalaki. Kahit naman naka coat and tie ito at parang katawa tawang makita sa lugar na iyon ay sadyang nangingibabaw pa rin ang hitsura nito. Kaya naman hindi na siya magtataka kung sa pagtingin niya sa paligid ay maraming mata ang nakatingin dito, partikular na ang mga kababaihan. Ewan niya kung bakit nakaramdam siya ng panggigigil sa kaisipang iyon."Damn," wika nito. Halatang hindi nito inasahan ang kanyang ginawa kaya napadaing ito ng husto.
PAKIRAMDAM ni Yvette ay para siyang nagkaroon ng amnesia. Agad niyang nakalimutan ang sakit na nararamdaman dahil sa 'ginawa' niya kasama ang estranghero na iyon. Shucks, wika niya. Oo nga nagawa niyang makalimutan agad si Henry pero hindi naman mabura-bura sa kanyang isipan ang nangyari sa kanila ng estranghero na iyon. Mga nangyari, pagtatama pa niya sa kanyang sarili.Hindi lang kasi isang beses may nangyari sa kanila. Kung dati'y takot na takot siyang mabuntis kung may mamamagitan sa kanila ni Henry, ngayon naman ay para pang tagprice na nakatambay sa kanyang isipan ang lahat ng nangyari sa kanila estranghero na ito. Basta ang alam niya nagàwa siya nitong paakyatin sa langit. Hindi nga niya tiyak kung normal nga ang kanyang mga mata dahil parang walang ginawa iyon kundi tumirik habang hinahalikan nito ang bawat parte ng kanyang katawan. Nananakit din ang kanyang lalamunan dahil panay ang sigaw at ungol niya habang pinaliligaya siya nito. Ang lakas tuloy ng pagsinghap niya pag
ANG goal ni Liam ay huwag magpakasal ang ama sa sinumang babae, tulad ng ipinangako niya sa kanyang ina. Kaya naman ang ibig niya ay makilala niya ng husto ang babaeng kinalolokohan ng ama. Si Yvette Villafuerte. Ayaw niyang maniwala na kaya nito pakakasalan ang kanyang ama ay dahil mahal nito ang kanyang Papa. Tiyak niyang pera ang dahilan kaya pumayag itong magpakasal sa lalaking halos lolo na nito. Kaya't sabi niya sa sarili, kailangan niya itong kilalanin ng husto. Dahil nga sa limpak-limpak na pera na mayroon siya ay mabilis niyang nakuha ang resulta na gusto niya. Kumunot lang ang noo niya nang malaman niyang galing din ito sa mayamang pamilya at nag-iisang tagapagmana. Ngunit hindi lang iyon ang di niya napaghandaan. Hindi niya kasi talaga inasahan na ang babae palang gusto ng kanyang ama ay napakaganda. Mala-Diyosa. Hindi tuloy niya magawang alisin ang tingin dito. Sabi niya sa sarili, walang sinumang babae ang kukuha ng kanyang atensyon pero nagawa ni Yvette Villafuer
"ANONG kalokohan ang sinasabi mo?" Manghang tanong ni Yvette sa lalaki. Hindi niya alam kung sino ito pero kilalang-kilala ito ng kanyang katawan. Hindi nga niya napigilan ang mapalunok ng kung ilang ulit dahil may alaalang nagpupumilit sumiksik sa kanyang utak. "Hindi ka pa ba napapagod?" Humahagikgik na tanong ni Yvette. Gumagala kasi ulit ang kamay nito sa kanyang katawan. Napa-shucks naman siya dahil nagsimula na namang mag-init ang kanyang katawan. "Nope," wika nitong pinapungay pa ang mga mata. Sa tingin niya ay sinadya nitong gawin iyon para mapasunod siya sa gusto nito. Ang mga mata kasi nito ay parang nangungusap na sundin niya ang gusto nito. "Pagod na ko," kunwa'y sabi niya. Hindi naman kasi maaaring mag-yes na lang siya palagi. Kailangan din namang magpakipot siya. Ngumisi ito. "I will let you rest for a while." Ngunit kahit sinasabi ng katawan niyang gusto niyang magpahinga, parang hindi pa rin niya kaya. Ang nais lang niya maramdaman ang presensiya ng lalaki sa
"A-AKALA ko ba siya si William Arguelles?" Naguguluhang tanong ni Yvette. Itinuro pa niya ang matandang lalaki na sinasabing si William Arguelles. “Jr,” wika nito. “Ho?”lito pa rin niyyang tanong. Sa pagkakatitig niya sa matandang lalaki na sa tingin niya ay nasaa 60 anyos na rin ang edad ay masasabi niyang malakas din ang appeal nito nu’ng kabataan nito. Marahil nga, naranasan din nitong habulin ng mgha chikababes.“Äko si William Arguelles Jr. Ang pinakasalan mo ay si William Arguelles III. Hindi mo alam ang pangalan ng lalaking pinakasalan mo, iha?” naapapantastikuhang taanong nito pero ngiting-ngiti nnaaman. Siya naman ay hindi malaman ang sasabihin o gagawin. Hindi rin niya alam kung ano ba ang kanyang ikakatwiran. “Kung marami ka naman palang hindi alam sa napangasawa mo,” mariing sabi ng matandang lalaki habang nakatingin sa anak nito, “Maigi pang huwag na iparehistro pa ang kasal ninyo.”“Too late,” wika naman ng lalaking nagngangalang William Arguelles III. “Kasal
"HINDI mo na kailangang dalhin ang mga luma mong damit. Kahit 1 milyong damit na signature clothes kaya kitang bilhan," wika ni William Arguelles III, pasuplado. "Yabang," wika niya. Ibig niya kasing mamayani ang inis na nararamdaman niya rito dahil kung hindi'y baka humanga siya ng todo rito. Naalala niya tuloy na nu'ng una niya itong makita ay para siyang nabatubalani. Kahit nakainom siya ay guwapung-guwapo ang tingin niya rito eh di lalo ngayon na malinaw ang kanyang mata at isipan. Kahit nga rugged ang outfit nito ngayon ay malakas pa rin ang dating. Shucks, hindi niya napigilang ibulalas sa sarili. Mabuti na nga lang ay hindi iyon lumabas sa kanyang bibig. Kung nagkataon kasi ay siguradong mabubuking nito ang kanyang nararamdaman. Sa pagsulyap kasi niya kay William Arguelles III ay parang bumabalik sa isipan niya ang mga namagitan sa kanila. Hindi tuloy niya napigilan ang mapalunok. Sa isipan niya kasi ay parang natatakam na naman siyang tikman ang mainit nitong katawan na t