Share

My First Love
My First Love
Author: carmiane

Chapter 1

Habang nakatingin si Allian kila Daylon at Kiari ay bigla siyang nakaramdaman ng kirot sa kaniyang puso. Ang kaniyang mga mata ay nagsisimula nang mamasa dahil sa kaniyang luha na hindi niya mapigilang ilabas.

Sa dami nilang pinagsamahan ni Daylon, hindi siya makapaniwala na sobra siyang masasaktan sa nakikita niya ngayon. Hindi niya rin maintindihan ang kaniyang sarili kung bakit siya nagiging ganito. Kung bakit naluluha na lang siya bigla at nanlulumo ang mga binti.

Ito na ata ang palatandaan na kailangan niya nang itigil ang kahihibangan na ginagawa niya.  Hindi naman masamang sumuko hindi ba? Wala namang sinabi na kailangan ipagpilitan ang gusto para makuha ang iyong inaasam.

Sa kalagitnaan ng basketball court doon umamin ang lalaking si Daylon na pinakamamahal niya sa babaeng pinakamamahal nito. 

Siya dapat ang nasa hindi si Kiara. Siya dapat ang luluhudan ni Daylon hindi si Kiara. Siya dapat ang minamahal ni Daylon hindi si Kiara. Siya dapat ang nagpapasaya kay Daylon hindi ang babaeng pinagseselosan niya.

Sino naman ang mag-aakala na ang lalaking badboy at masungit na si Daylon ay mapapaamo ng isang babae? 

"Ako dapat 'yun," mahinang saad ni Allian at pinunasan ang luhang tumulo sa kaniyang kaliwang mata.  "Nasa akin dapat siya," dagdag pa nito at pagkatalikod niya doon niya narinig ang boses ni Daylon.

"Will you be my girlfriend?" 

Dahil sa salitang 'yun doon siya natigilan sa paghihinga. Parang tumigil ang mundo niya at nasira. Hinahayaan niya ang mga taong nakatingin sa kaniya. kahit ang mga luha niya ay sunod-sunod ang pagtutulo sa kaniyang mukha.

"Ayus ka lang miss?"

"Bakit ka umiiyak?"

"Kailangan mo ba ng tubig?"

Lahat ng mga tanong sa kaniya ay inilingan niya lang at nilampasan ang mga lalaki dahil ayaw niya nang mapanood ang mga nangyayare sa basketball court.

Siya ang bumuo sa lalaking 'yun e.

Siya ang nagpatino.

Siya ang babaeng nagpabago kay Daylon.

Pero bakit? Siya ang bumuo, pero iba nakinabang?

Saan ba siya nagkulang? Ginawa niya naman ang lahat ng gusto ni Daylon, kaya bakit siya nasasaktan ngayon? 

"Ayusin mo nga 'yang mukha mo." Napatingin siya sa babaeng nagsalita at nakita niya ang klaniyang kaibigan na si Hillaree. may nilahad na panyo si Hillaree sa kaniya kaya kinuha niya iyon at pinunasan ang kaniyang mukha.

"Huwag kang umiyak dahil kasalanan mo naman ang lahat." Dahil sa sinabi ni Hillaree ay bigla siyang napatulala sa isang puno na hindi tumitigil sa pagsasayaw dahil sa malakas na hangin. "Kasalanan mo kung bakit ka nasasaktan ngayon, Allian," dagdag pa nito.

"Kasalanan ko dahil iyon ang kailangan kong gawin."

"Madaming paraan, pero napagdesisyonan mong palayain siya."

"Wala akong choice."

"Madami kang choice, at isa na ron ang lumaban."

"Kung lalaban ako. Hindi ko makikitang masaya ngayon si Daylon. Hindi siya mapupunta sa babaeng mamahalin niya ng totoo."

"Ikaw, ikaw ang bumuo sa kaniya, Allian. Nauna ka."

"Luma na ako, Hillaree. Isa na akong basura na tinapon ng isang tao dahil hindi niya na ako kailangan."

"Face it. Ikaw ang may gusto niyan. Pinakawalan mo si Daylon."

"Mahal ko siya, pero awang-awa na ako sa sarili ko. Gusto kong makita ang sarili ko na masaya. Katulad niya. Mas gusto kong nakikita siyang maasaya, kaysa nagdurusa kasama ako. " Narinig ni Allian na nag'tsk' si Hillaree at umalis.

Tama naman ang mga sinabi sa kaniya ni Hillaree.

Kasalanan niya kung bakit siya nasasaktan ngayon. Kasalanan niya kung bakit nawala sa kaniya si Daylon.  

Nakatulala lang siya maghapon sa puno hanggang sa maramdaman niya na nagdidilim na ang langit.

Maglalakad na sana siya palabas ng paaralan nang bigla niyang nakita si Daylon na nakatayo habang nakatingin sa kalangitan na naglalabas ng malalakas na patak ng ulan. Hndi niya rin pala naramdaman ang pagbuhos ng ulan kanina dahil sa sobrang tulala niya sa puno.

Nang makatabi siya kay Daylon ay inilabas niya ang kaniyang maliit na payong sa bag niya at inilahad ito kay Daylon.

"Hindi ko kailangan niyan," malamig na saad ni Daylon sa kaniya. napabuntong hininga na lang siya at kinuha ang kamay ni Daylon sabay inilagay ang payong doon.

"Kailangan mo niyan dahil mabilis kang dapuan ng sakit." Napangiti na lang si Allian dahil hindi na nagreklamo si Daylon.  

"Ang laki ng pinagbago mo," mahinang saad niya. 

"Salamat." Napatingin siya kay Daylon na nakatingin pa rin sa langit. "Kung hindi ka nakipagbreak sa akin. Hindi ko makikilala ng lubusan si Kiara," dagdag pa nito.

Naging triple ang sakit na naramdaman ni Allian dahil sa mga saad ni Daylon. Ang akala ni Allian ay magpapasalamat ito dahil binago niya siya, pero hindi pala. Parang pinamukha nito kay Allian na hindi siya naging mahalaga. Na dumaan lang siya kay Daylon para baguhin ito.

"Gusto kong malaman mo na minahal kita, pero binaliwala mo lang." Pagkatapos sabihin 'yun ni Daylon kay Allian ay binuksan na ng lalaki ang payong para makaalis na sa paaralan.\

Kasabay ng pagkidlat ay doon din huminto ang puso ni Allian. Huminto dahil ang lalaking nagpapatibok ng puso niya ay lumabas na roon.

"Hindi akong maniniwala na minahal mo ako dahil hindi mo 'yun pinaramdaman sa akin. Kahit kailangan hindi ko naramdaman ang pagmamahal mo." 

Hindi na hinintay ni Allian ang pagtila ng ulan. Sinugod niya ito at hinayaan na mabasa siya sa ulan. Kung magkakaroon man siya ng sakit ay wala nas iyang pakeelam dahil mas gusto niya pang makaramdam ng sakit na physical, kaysa sa emotional.

"Miss," tawag sa kaniya ng kaniyang driver, sabay pinayungan siya. "Bakit ka po nagpapa-ulan? baka po magkalagnat kayo," dagdag pa nito, pero hindi niya na lang 'yun pinansin. 

Nang makasakay siya sa sasakyan ay tinignan niya agad ang sekretarya noon ng Tatay niya.

"Meron po kayong kailangang pirmahan, Miss." Tignan niya ng walang emosyon ang babae.

"Hindi mo ba nakikitang basa ako? May mata ka naman siguro hindi ba?" Napayuko ang sekretarya at inilagay ang papeles sa folder.

"Daan tayo sa bar, Lio. Kailangan ko ng hangin."

Sino rin naman ang mag-aakala na ang isang religous na babae ay isa pa lang rebelde? 

"Yes, Miss."

"Pakibilisan, ayaw kong nakikita ang babaeng ito sa tabi ko. Nakakasira ng araw."

Ito lang ang masasabi ni Allian sa kaniyang sarili. Itatago niya ang kaniyang totoong pagkatao hanggat siya ay mawala sa mundong ito.

Ipapakita niya sa lahat ng mga taong nanakit sa kaniya na kaya niyang mabuhay ng mag-isa. Na kaya niyang ipagtanggol ang sarili na hindi humihingi ng tulong sa iba.

Ang susunod kong gagawin ay patumbahin ang mga taong kumalaban sa akin. Sisiguraduhin ko na titira sila sa kulungan hanggang sila ay mamatay.

Nagsisimula pa lang ako. Makikita niyo kung paano ko tataposin ang storyang to na hindi ako nasusugatan.

Napamulat ako ng mata nang biglang may kumalabit sa paa ko. Tignan ko kung sino 'yun isang bata lang pala at nakangiti sa akin. Kinunutan ko siya ng noo, pero nakangiti pa rin. Ang batang ito lang naman ay si Chelsea. Ang batang pinakamakulit dito sa bahay ampunan. 

Oo nasa bahay ampunan ako dahil wala naman na akong mga magulang. Ilang taon na rin ako nakatira rito. Hindi ko na rin alam kung ilang taon na ako e. Hindi ko na nga rin alam kung kailan ang birthday ko dahil hindi naman na 'yun mahalaga sa akin. Isang bangungot sa akin ang birthday ko.

Hindi ko rin kasi akalain a mangyayare sa amin 'yun. Napakasaya ng pamilya namin dahil wala namang nagtatangkang kalabanin kami dahil kami ay isa sa mayaman na pamilya sa Pilipinas. Takot ang mga kalaban namin sa business dahil hindi nila kaya ang magulang ko. Sa totoo lang magaling ako kapag business ang pinag-uusapan dahil mabilis magprocess ang utak ko pagdating sa pera.

Saka minsan sinasama ako ng magulang ko sa kompanya namin para malibang ko ang sarili ko at maturuan ako ni Daddy sa mga gan'yang bagay. Nakakamiss din ang araw na 'yun, pero mas lumalamang pa rin ang aksidente na nangyare sa amin noon.

"Where do you want to go, my little princess?" tanong sa akin ng mommy ko. Nasa front seat siya at ang daddy ko na nagdadrive.

"Yes, baby. We can go where ever you want to go. I know na palagi kaming busy ng mommy mo, pero hindi naman namin makakalimutan ang birthday mo dahil mas mahalaga ka kaysa sa trabaho namin." Nginitian ko si Daddy.

"Gusto ko pong pumunta sa lugar na madaming fish at dolphins! Hindi po ba maganda roon, Mommy? I want to go there!" 

"Really baby? You want to go there? Alright! It's settled then," sagot sa akin ni Daddy. Habang nakatingin sila sa akin ay hindi nila alam na may makakasalubong na kaming kotse. 

Pagkaharap ni Daddy sa kalsada ay agad niyang nakita ang kotse na papalapit sa amin. Naging alerto rin si Mommy dahil nakita niya na rin ang kotse. Kaya wala na silang nagawa kung hindi ang pumunta sa akin at yakapin ako.

"Ate? Okay ka lang po ba?" Tinignan ko ang bata at nginitian siya. 

"Ano ba ang kailangan mo bulinggit?"

"Ihh! Sabi ko sa'yo huwag mo akong tawaging bulinggit e. Si ate naman napakakulit!"

"Ano nga po ang kailangan mo, baby Chelsea?"

"Kakain na po kasi tayo. Late ka na naman po kasi natulog kagabi kaya alam po nila Sister na tanghali na po kayo magigising. Kaya ng apo hindi na nila kayo pinagising kanina, pero ngayon po kasi kakain na. Gusto niyo raw po kasi palagi na kasama ka namin sa hapagkainan kaya pinagising na po kayo sa akin."

"Pumunta ka nga rito sa akin. Yakapin mo ako." Sumampa siya sa kama ko at niyakap ako. 

Doon ko pinatulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko na rin kasi kaya at palagi naman akong ganito sa tuwing naaalala ko ang pagkamatay ng magulang ko.

Ako lang kasi ang nakaligtas sa aksidente na 'yun. Naalala ko pa pagkagising ko nasa hospital ako at hinanap ko agad ang magulang ko, pero wala akong nakita. Halos wala ngang tao sa kwarto ko sa hospital.

"Goodafternoon po, Sisters," bati ko sa mga nag-aalaga sa amin at niyakap sila.

"Kumusta naman ang tulog mo? Balita ko late ka na natulog dahil ang dami mong ginawa."

"Opo, ayus lang po ang tulog ko, medyo nahihilo lang po ako ng kaunti," sagot ko at umupo na sa tabi nila. "Ang dami po kasing pinagawa ng mga guro ko kaya hindi po ako nakatulog ng maaga kahapon," dagdag ko at nagsimula nang kumain. 

Ganito talaga kami sa bahay ampunan. Mas gusto naming sabay-sabay kaming kumain dahil mas marap kumain kapag madaming kasabay, pero hindi ko pa rin mawawala sa saarili ko ang mahiya.

"Ayus ka lang ba, iha? Parang hindi ata maayos ang tulog mo. Gusto mo bang kuhaan kita ng paracetamol? Para naman mawala 'yang hilo mo. Buti na lang wala kang pasok ngayon dahil Sabado. Hindi mo dapat pinipilit tapusin agad ang mga assignments mo dahil dalawang araw naman walang pasok."

"Naku, si Sister talaga. Concern na naman sa akin. Gusto ko po kasi agad tapusin ang mga assignments ko para naman makapaglaro kami hindi 'yung busy na lang ako palagi sa pag-aaral."

"Mas maganda nga 'yung nag-aaral ka e." Pilit na ngiti ang ipinakita ko sa isang madre dahil hindi naman ako maayos mag-aral. Hindi naman kasi ako matalino at mahirap ako makaintindi. Hindi ko nga alam kung bakit dahil nag-aaral naman ako ng maayos at sinusubukan ko naman intindihin ang mga tinuturo ng mga guro ko, pero hindi ko talaga naiintindihan.

"Kaya nga po e." Napakamot ako ng ulo at inubos na ang pagkain ko.

Pagkatapos namin kumain lahat, ay tinulungan ko ang mga naghuhugas sa paghuhugas. Nakakahiya kasi kung hindi ako tutulong. Pinapakain, pinapatulog, at binibihisan nila ako tapos hindi pa ako tutulong sa gawaing bahay. 

"Alam mo, habang tumatagal gumaganda ka." Nginitian ko ang babaeng katabi ko habang naghuhugas kami. "Madaming nakakapansin sa ganda mo, siguro maganda at pogi rin ang magulang mo. Tapos ang yaman yaman pa," dagdag pa ng babae.

"Salamat po, pero totoo po ang sinabi niyo. Maganda at pogi po ang magulang ko. Kaya nga po sila ang nagkatuluyan. Ang sabi pa nga po sa akin noon ng Mommy ko, ay nainlove raw ang Daddy ko dahil sa kagandahan niya lalong-lalo na raw po ang personality niya."

"Siguro kung buhay pa nila masaya ka ngayon at hindi ka nahihirapan. Nakikita ko naman sa mga mata mo na nangungulila ka pa rin sa kanila, pero may kasabihan na ang lahat nang yayare ay may dahilan at maganda ang kakalabasan, Malay mo maganda ang mangyare sa'yo sa future. Hintayin mo lang dadating din 'yan."

"Ganon po ba 'yun?"

"Oo, kaya maghintay ka alam kong may mangyayareng maganda sa future mo." 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status