Share

Chapter 32

"Puwede naman na siya umuwi, pero kailangan mo pa rin siyang alagaan dahil hindi pa siya magaling. Saka huwag mo muna siyang papapasukin ng school para hindi mabinat," saad ng Doctor sa aming dalawa ni Daylon.

Sabi na nga ba malalaman at malalaman ni Daylon na hindi pa ako magaling dahil sasabihin ng Doctor.

Tinignan ko si Daylon, pero umiwas agad ako dahil nakatingin siya ng seryoso sa akin.

Sinabi ko kasi sa kaniya na magaling na ako at gusto ko nang umuwi. Ayaw ko kasi sa hospital dahil kapag nasa loob ako ng hospital, ay naaalala ko ang pagkamatay ng mga magulang ko. Maiintindihan naman ako nila Tita kung gusto ko nang umuwi. Pero panigurado hindi ako maiintindihan ni Daylon dahil hindi naman niya alam kung ano ang pinagdaanan ko.

"Ito pala ang reseta na ibibigay ko sa inyo. Nakasulat na rin dyan kung kailan at ilan ang ipapainom mo sa kaniya. Sundin mo ang mga bilin ko sa iyo iho. Kailangan ka ng girlfriend mo dahil ikaw lang ang aasahan niya." Bigla akong nahiya dahil sa sinabi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status