Share

Chapter 15

“Nakakatakot kang kumanta,” reklamo ni Romeo kay Hezekiah. Kumanta kasi sila kanina sa videoke. E biglang sinabi ni Hezekiah na kakanta siya, hindi naman nila alam na mapangit pala ang boses ni Hezekiah.

Ewan ko ba sa mga ‘yan. Wala naman problema sa isang tao kung mapangit ang kaniyang boses o kaya wala sa tono. Sadyang naglolokohan lang ang dalawang ‘to. Ang sarap daw kasi asarin ni Hezekiah.

“Hindi mo ba alam kung gaano kataas ang kantang ‘yun? Kung ikaw kaya ang kumanta ron. Doon mo malalaman kung gaano kahirap ‘yun kantahan.” Parang isip bata si Romeo na naglakad papunta kila Neri. Habang si Hezekiah naman ay tumabi sa akin.

“Bakit pala badtrip si Daylon kanina?”

“Ano?”

“Seryoso ka ba? Hindi mo narinig ang sinabi ko?”

“Hindi.”

“Ano kako ang nangyare. Bakit badtrip si Daylon kanina no’ng dumating kayo.”

“Kanina pa tayo magkasama ahh? Bakit ngayon mo lang ‘yan tinanong?”

“Wala lang, wala kasi akong matopic ngayon kaya ‘yan na lang ang topic natin.”

“Hindi ko alam kung bakit siya b
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status