“Nakakatakot kang kumanta,” reklamo ni Romeo kay Hezekiah. Kumanta kasi sila kanina sa videoke. E biglang sinabi ni Hezekiah na kakanta siya, hindi naman nila alam na mapangit pala ang boses ni Hezekiah.Ewan ko ba sa mga ‘yan. Wala naman problema sa isang tao kung mapangit ang kaniyang boses o kaya wala sa tono. Sadyang naglolokohan lang ang dalawang ‘to. Ang sarap daw kasi asarin ni Hezekiah.“Hindi mo ba alam kung gaano kataas ang kantang ‘yun? Kung ikaw kaya ang kumanta ron. Doon mo malalaman kung gaano kahirap ‘yun kantahan.” Parang isip bata si Romeo na naglakad papunta kila Neri. Habang si Hezekiah naman ay tumabi sa akin.“Bakit pala badtrip si Daylon kanina?” “Ano?”“Seryoso ka ba? Hindi mo narinig ang sinabi ko?”“Hindi.”“Ano kako ang nangyare. Bakit badtrip si Daylon kanina no’ng dumating kayo.”“Kanina pa tayo magkasama ahh? Bakit ngayon mo lang ‘yan tinanong?”“Wala lang, wala kasi akong matopic ngayon kaya ‘yan na lang ang topic natin.”“Hindi ko alam kung bakit siya b
“Hindi pa ba tapos? Kanina pa ako nagsusukat ng mga damit na ibinibigay mo sa akin e,” inis na saad ko nang makalabas ako ng fitting room. Buti pa siya nakaupo lang sa harap ng pintuan ng fitting room at tinitignan kung bagay ba sa akin ang mga pinapasuot niya“Huwag ka na magreklamo. Kung gusto mo talagang matapos na tayo rito, ay bibilisan mo na lang diyan. Para makakain na tayo.”“Anong bilisan? Kahit anong bilis ko magbihis. Palagi mo namang dinadagdagan.” Tinignan niya ako ng masama kaya napahawak ako sa damit ko.“Ang dami mong reklamo. Buti nga ikaw ang sinama ko rito.”“Utang na loob ko pa pala ang mga ginagawa ko ngayon?”“Gawin ko na lang ang pinapagawa ko sa’yo. Ako naman ang magbabayad ng pagkain mo mamaya.” Lumaki ang aking mga mata at nilapitan siya para makasigurado ako na totoo ang sinabi nya.“Totoo ‘yan? Baka hindi ‘yan totoo ahh.”“Mukha ba akong nagbibiro? Tignan mo ako sa mata ko para malaman mo kung nagbibiro ako o hindi.” Hindi ako nagdalawang isip na tignan ang
Sinundan ko na lang siya. Sana naman mura lang ang mapasukan naming kainan dito. Ayaw kong mapunta sa mamahaling kainan. Baka maubos agad ang pera ko. Pamasahe pa lang naman ang nagagastos ko e at sana ‘yun lang ang gagastosin ko hanggang mamaya.“Nasaan tayo?” saad ko nang makapasok kami sa loob ng restaurant. Sa ayos at pamamalakal pa lang ng restaurant na ‘to. Alam ko na agad na mahal ang mga pagkain dito.“Stupid, hindi mo ba binasa kanina ang pangalan ng restaurant na ‘to, bago ka pumasok?” Tumahimik na lang ako dahil baka masabihan na naman ako ng stupid. Hidni ko naman alam na required pala ‘yung basahin muna ang pangalan ng papasukan bago pumasok.“Ilan po kayo, Sir?” saad ng isang babae kay Daylon.“Ilan ang nakikita mong kasama ko?” seryosong sagot naman niya.“Isa po.”“So, ilan kami?”“Dalawa po.” Agad na umalis ang babae dahil sa kahihiyan. Hindi naman kasi porket kung ilan ang nakikita mo na kasama ng isang tao ay ‘yun na ‘yun. Malay mo meron pa silang kasama, pero may p
“Hindi mo naman kailangan hawakan ang kamay ko. Hindi ako mawawala susundan na lang kita. Kaya bitawan mo na.”“Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na hindi ko bibitawan ang kamay mo?”“Nakakahiya kasi, ang daming tao na tumitingin sa atin. Baka akala nila magkasintahan tayo.”“Ano naman ngayon? Hayaan mo sila mag-isip ng kung ano-ano. Alam mo naman sa sarili mo na hindi kita magugustohan.” Bigla kong nagakat ang aking dila at imbis na sumigaw sa sakit ay nanahimik na lang ako.Hindi ko talaga alam kung bakit ang sakit nito magsalita.“Fvck,” mahinang saad ni Daylon nang makita niya na sobrang haba ng pila ng mga jeep at wala man lang jeep na nakapila.“Ang haba ng pila. Sigurado ka ba na makakauwi agad tayo nito?” Hindi ako sinagot ni Daylon dahil kinuha nito ang kaniyang phone at may tinawagan.“Mom, we need a ride. Walang jeep na nakapila rito. Kapag hindi niyo kami sinundo rito sa tapat ng Sm sigurado ako na matatagalan kami sa pag-uwi.”[Sweetie, hindi namin kayo masusundo ng Dad
“Stop talking, isa kang driver kaya huwag kang mangeelam sa buhay namin.” Katulad nga ng iniisip ko kanina na baka makasabi siya ng masama ay nangyare na. Tama naman kasi si Daylon, pero nagtatanong si Manong ng maayos. Hindi niya kailangan pagsalitaan ito ng bastos.“Ayus lang po ako. Huwag po kayong mag-alala.” Nakita ko si Manong na umiling at tinuon na lang ang sarili sa pagdadrive.Ang akala siguro ni manong na nag-away kami ni Daylon at magjowa kami dahil nakita niya akong umiiyak. Kasalanan ‘to ng mga magulang ko e. Bigla-bigla na lang kasi pumapasok sa utak ko. Napapaiyak tuloy ako ng wala sa orasNang makababa kami sa taxi ay hiawakan ulit ni Daylon ang aking kamay kaya nawala na naman ang kaba ko.“Next time, huwag kang iiyak sa harap ng tao. Para hindi ako pagbintangan na pinaiyak kita.” Tumungo na lang ako at naglakad. Hindi ko alam kung saan kami pumupunta. Basta ang alam ko ay madilim na sa building at halatang nakauwi na ang mga empleyado.Mukhang seryoso ata ang sasabi
“Magandang hapon, Mrs. Quinter. Ano po ang maipagllingkod namin sa inyo?” saad sa ain ng isang bakla na paang mas babae pang tignan kaysa sa akin.“Kailangan ko ng tulong mo dahil gusto kong gumanda lalo ang anak ko. Pakituruan na rin kung paano niya aayusin ang kaniyang sarili.” Tumingin ako kay Tita na ngayon ay nakangiti sa akin. Ang sarap naman pakinggan no’n. Pakiramdam ko may nanay akong kasama ngayon.Tinignan ako ng bakla at lumaki ang mga mata niya.“Hindi ko alam na meron ka pa lang anak na babae, Mrs. Quinter.”“Magiging anak ko pa lang siya.”“Fiance siya ng anak mo? Hindi ba ang babata pa lang nila?””Ano ka ba, Paulee. Siyempre mga bata pa sila kaya hindi pa sila magpapakasal. Ang ibig kong sabihin’ ay boto ako sa babaeng ‘to para sa anak kong panganay.”“Sabagay, Momshie. Ang ganda naman kasi ng babaeng ;to. Kulang lang talaga ng ayos para mas lalong gumanda.”“Ikaw na ang bahala sa kaniya, Paulee. Itext mo ako kapag tapos na siya dahil may mga bibilihin pa ako mga dami
“Hindi naman masyado, pero kasi strict siya kapag pumalpak ang trabaho ng grupo niya kaya kailangan mo maging maingat pagdating sa trabaho. Huwag mong hahayaan na pumalpak ka. Makinig ka ng mabuti sa akin. Lahat ng ituturo ko sa’yo pag-aralan mo ng mabuti.” Tumungo ako at napahigpit ang hawak sa folder.Nakakakaba naman ang sinabi ni Tita. Paano kaya kapag pumalpak ako sa trabahong ‘yun?“Tita, ano po ang sasabihin natin kay Daylon mamaya kapag nakita niya ako na ganito ang mukha?” Kinuha ni Tita ang lalagyanan ng contact lens at binigay sa akin.“Tanggalin mo na ‘yang contact lens mo. Hindi naman niya ‘yan mapapansin agad-agad dahil gan’yan pa rin ang suot mo.” Tinignan ko ang suot ko na oversized t-shirt at short.“Sana nga po, Tita. Parang mahihiya po kasi ako kapag sinagot ko siya dahil nakita po natin siya na may kasamang babae kanina.”“Huwag na natin pag-usapan ang mga ‘yan, Allianna. Umalis na tayo rito dahil madami pa tayong bibilihin na damit para sa company.”“Kailangan po
Nang makababa kami ng sasakyan ay tinulungan ko si Tita na ibaba ang mga damit papunta sa loob ng bahay.“Ako na ang bahala rito, Allianna. Sige na pumunta ka na lang muna sa kwarto mo at magbihis ng pambahay, para maayos na antin dito ang mga damit mo.”“Sigurado po kayo, Tita?”“Oo, iha. Kasama ko naman si Daylon. Siya ang tutulong sa akin tutal meron pa ‘yang kasalanan sa akin.” Hindi maririnig ni Daylon ang sinabi ni Tita dahil pumasok siya sa loob buhat-buhat ang mga paperbag.“Ako na lang po ang magluluto ng hapunan natin pagkatapos ko pong magbihis.”“Sige, tutulungan na lang kita.” Tumungo ako at pumasok na sa loob sabay deretsyo sa aking kwarto, pero pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ay napansin ko agad ang dalawang paperbag na nakalapag sa kama ko.Dahil nacurious ako binuklat ko ‘yun at nagulat nang makita ko kung ano ang nasa loob.Bakit nandito ang dress na binili namin ni Daylon noong naggala kami? Pati na rin ‘yung sapatos.Agad kong sinuot ang damit at sapatos daba