Share

Chapter 10

Nang makalabas ako sa opisina ni principal, ay hindi ko na nakita si Daylon sa labas. Saan kaya ‘yun nagpunta?

Ngayon ko lang naisip na nakakahiyang magpaturo kay Daylon dahil hindi naman kami masyadong close. Saka baka mainis lang ‘yun sa akin dahil bobo ako. Hindi ako madaling matuto. Pakikinig na nga lang sa guro namin ngayon hindi ko maintindihan e. Turo pa kaya ni Daylon?

Mag-aral na lang kaya ako mag-isa? Nakakahiya naman kung iistorbohin ko si Daylon. Siguro akong nag-aaral palagi ‘yun dahil siya ang pinakamatalino sa paaralan na ‘to, pero sino naman ang magtuturo sa akin kung hindi ako magpapaturo kay Daylon?

Habang naglalakad ako. Meron akong narinig na babae at lalaki na nag-uusap sa loob ng storage room. Nakabukas kasi ang pintuan kaya narinig ko.

“Seryoso ka ba? Hindi mo kailangan gawin sa akin ‘to,” umiiyak na saad ng babae. Hindi ko kilala ko kung sino ang lalaki dahil hindi ko nakikita ang mukha nito, pati na rin ‘yung babae.

“Kaya kong gawin ‘yun.” Napakunot ang noo ko
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status