Share

Kabanata 2

Author POV

Nagising si Z dahil nararamdaman niya ang pagtawag at paghaplos ng maliit na kamay sakanyang mukha. "Mama, bakit ka umiiyak", Tanong ng anak ni Z sakanya. Agad namang minulat ni Z ang mata para makita ang kanyang anak, nakakunot ang noo nito habang titig na titig sakanya.

"Oh.. baby.. gising napala ang anak ko, Dali hug mo nga si mommy" , agad namang binuka ni Z ang kanyang mga kamay upang yakapin ang kanyang anak lumapit naman ito para yakapin siya pero nasa mukha parin nito ang pagtataka kung bakit siya umiiyak at alam Niya na di ito titigil hanggat hindi niya nasasagot ang tanong.

"Alam mo kasi baby nanaginip c mommy inaaway daw siya ng mga monster gusto ni mommy lumaban Pero wala natalo c mama ng monster", Pagsisinungaling Niya sakanyang anak, dahil ang totoo ay binangungut naman siya ng kanyang nakaraan madalas Niya parin itong napapanaginipan kahit ilang taon na ang nakakalipas at sa tuwing naalala Niya ito ay bumabalik parin ang sakit na nararamdaman niya ng mga panahong iyon.

"Ngeek.. Diba strong ka mommy? bakit ka nagpatalo doon", inosenting tanong ng kanyang anak. "Alam mo kasi anak di alam ng monster na nakuha ko sakanya Yong napakagandang treasure Niya kaya sorry nalang siya kahit natalo man ako sakanya hindi niya naman mahawakan at makita ang treasure nayon dahil aalagaan yon ni mommy, mamahalin, at itatago sakanya" sagot ni Z sa anak. "Talaga po.. kagaya ng pagmamahal mo sa akin mommy?" ,Nakangiting tanong ng kanyang anak. "Oo anak" Patawang sagot ni Z sa anak dahil hindi nito alam na ito nga ang tinutikoy niyang treasure at ang ama at ang kabit nito ang tinutukoy na monster.

Z POV

Nakangiti ako habang tinitignan ang inosenting mukha ng aking anak. Sobrang na miss ko ito, matagal tagal din bago ako nakauwi galing trabaho at pagkatapos ng isang buwan na bakasyon ay babalik ako muli doon. Ako nga pala si Zaphiera Nicole C. Smith half American ang ama ko ang ina ko naman ay pinay at may anak na ako 5 years old, siya naman ay si Princess Sapphire Smith. Wag niyo ng itanong ang ama dahil kasama siya sa nalunod ng magkabaha sa panahon ni Noah... Hahahaha

well makikilala niyo din siya sa Tamang panahon Pero di pa ngayon kasi wala akong balak sirain ang araw ko dahil susulitin ko ang bakasyon ko kasama ang anak ko. Linggo ngayon kaya walang pasok si Sapphire kaya pupunta kami sa mall, nasasabik Kasi akong makapasok muli sa mall wala kasing mall sa trabaho ko, at para din madalaw ko ang Pag aari ko.

Yes.. Oo.. nag mamaya ari ako ng ilang branch ng mall hindi lang sa Pilipinas pati narin sa ibang bansa maliban sa mall ay may mga hotel din ako at restaurants ngunit ganoon paman ay walang nakakaalam maliban sa pamilya, malapit na kaibigan at tauhan ko. Hindi kasi ako ang nag papatakbo nito. Tanging mga pinagkakatiwalaan ko lang at tinuturing ko ng mga kapatid ang nagpapatakbo at alam ko sa sarili ko maliban sa utang ng loob ay kilala nila ako kaya ganoon nalang ang takot nila para kalabanin ako.

Alam nyo na, Pag business ang pinag uusapan maraming karibal at kalaban kaya hahanap at hahanap sila ng paraan upang pabagsakin ka. Natatawa nalang kasi ako dahil halos mabaliw na sila sa pagpapaimbestiga kung sino ba talaga ang NASA likod ng pinakamayamang tao sa Pilipinas dahil kung tuso sila ay mas higit na tuso ako. Mabait akong kaibigan Pero malupit akong kalaban kaya hinding hindi nila makikita ang mga bakas ko.

Mabaliw sila sa paghahanap dahil ako masaya ako sa trabaho ko mahirap man dahil nasasabak ako sa delikado at minsan nasa gitna pa ng gubat ay hindi ko pag papalit ang trabaho ko, dahil dito nagkaroon ako ng lakas ng loob na lumaban hindi lang sa pamagitan ng pera dahil kahit pa sa pesikalan ay di ko sila uurongan, tignan ko lang kung di nila pupulutin ang ulo nila sa malayo Pag ako kinalaban nila.. hahaha charrr lang..

"Mommy, gutom na po ako" , tawag sa akin ng aking anak, nagulat pa ako kasi mukhang ilang segundo siguro akong natulala kayo kasi... " Ayy... sorry anak.. sige baba na tayo kasi after natin kumain ay..,. gagala tayo!", nakataas kamay kupang pinaalam sakanya para surpresahin siya dahil di Niya alam na gagala kami ngayon. "Talaga mommy... Y..eheyy! gala!gala!gala!", paulit ulit na sigaw ng anak ko habang patalon talon sa kama ko.

"Zaphiera Nicole...... Hali ka nga dito bruha kang babae ka humanda ka sa akin anong nilagay mo sa kama ko tarantado ka talaga ngayon ka ngalang uuwi tatarantaduhin mo pa ako...." galit na sigaw ng kuya ko mula sa labas ng kwarto.

Alam kung malapit na ito sa pinto kaya inutusan ko ang aking anak na bumababa muna sa kama dahil alam kung tatalonan ako nito.

Hindi nga ako nagkamali ng malapit na ito ay tumalon ito sa akin ngunit mabilis akong nakaiwas at napunta sa likod Niya. Agad Kong hinuli ang kamay Niya at pinatong sa likod nito, mahigpit ko itong hinawakan para di makawala. Alam ko na lalake si kuya Pero sa Uri ng trabaho ko Alam kung mahirapan siyang makawala sa mga kamay ko.

"oucchhh... Zaphiera.... please.. let me go...." Pag rereklamo Niya. "oh!.. owww.. sorry but I won't do that, baby... you know what to do" nakangiti Kong baling sa anak ko na agad Niya namang sinunod ito hinawakan Niya si kuya sa tagiliran para umpisahang kilitiin.

"auhhhh,,, hahaha... s...top... hhhahahahh.. baby please stop.... hindi na ako makahinga." pagmamakaawa ni kuya sa anak ko. Huminto naman ang anak ko dahil alam niyang di makahinga si kuya takot kasi ito mawala si kuya, mas close kasi sila. Minsan lang kasi uwi ko kaya ito talaga ang nag aalaga sa anak ko.

Ayaw ipaalaga ni kuya ang anak ko sa mga yaya lang at mas ayaw niyang ipunta ito sa US kina mama kasi mamimiss Niya daw ito, dahil ako nasa work ako at masaya naman akong natatanggap ng anak ko ang sitwasyon namin. Proud pa siya sa akin at idol Niya daw ako kaya gusto Niya maging kagaya ko mag laki Pero ayaw ng daddy Zack Niya dahil doctor daw ang nararapat sakanya.

Daddy kasi tawag ng anak ko Kay kuya dahil parang ito nalang ang tumayong ama Niya para di siya gaanong mag taka bakit siya walang daddy at parang tunay na anak narin ang Turing ni kuya sa anak ko. Minsan nga naiisip ko na baka ito ang dahilan bakit ayaw Niya pang mag asawa sa edad na 33 wala akong naririnig kahit jowa nito imposible namang walang magkakagusto dito gwapo naman ito, mabait, at mayaman.

Businessman din ito ngunit sa ibang bansa ang business Niya at kagaya ko iba din ang nagmamanage dahil mas priority Niya ang pagiging doctor dito sa Pilipinas and thanks to our parents na hindi Gaya sa iba na mas gustong Sundin ng anak ang gusto nila Kaisa sa mga pangarap ng mga anak nila.

Binuhat ni kuya ang anak ko at pinaliguan ng halik. "Bakit naniniwala ka sa nanay mo diba tayo magkasama lagi bakit mo nagawang kalabanin si daddy" nagtatampong tanong ni kuya sa anak ko. "Kasi daddy joke lang man yon love ko naman kayo both" pagdadahilan ng anak ko. " love you too baby... Oh! ikaw bruha, alam mo bang masakit parin ang pwet ko dahil sa pagkakahulog ko sa kama dahil sa nilagay mong fake na ahas" kunyaring galit ni kuya. " Miss kasi kita kuya" Sabat ko habang naka ngiti. " ohhh,, wow! ganyan na pala mag pakita ng pagkamiss ngayon. sige nga,, Yong totoo miss mo ako o miss mo akong tarantadohin" tanong ni kuya. "ehhh.. kuya sakim ako ehhh.. pwedi both" ginaya ko pa ang pa bebeng line sa pilikula para inisin si kuya. "Tigilan mo ako.. tarantado ka" natatawa niyang Sambit. after ng kulitan namin bumaba na kami para kumain.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status