Share

kabanata 5

Heron POV

Hindi parin maalis sa isip ko ang mukha ng babaeng nakalaban ni Rebecca sa mall. Kamukhang kamukha Niya si Ella, kaso si Ella hindi nag lalagay ng kahit ano sa mukha at higit sa lahat malayo ang ugali nito Kay Ella. Dahil ang asawa ko ay napakabait ni hindi niya magawang ilaban ang sarili Pag inaapi, lagi lang itong nakayuko. Madalas ko pa nga nahuhuling inaaway ito ni Rebecca at wala itong ginagawa kundi ang umiyak lang. Sa ugaling pinakita ng babae kanina Malabong maging si Ella yon. Pero bakit kahit anong kumbinsi ko sa aking sarili may parte parin ng isip ko na gustong alamin kung sino ang babaeng yon. Dinampot ko ang cellphone para tawagan ang private investigator ko.

"Hello... may ipapagawa ako very important kaya kilosin mo agad.. gusto ko makakuha ng result ASAP" agad kung Sabi ng sagutin Niya ang tawag ko. "Handa po ako sir... sino po ang iimbestigahan ko sir" sagot nito sa kabilang linya. "Kilalanin mo ang babaeng nakalaban ni Rebecca kanina sa mall, alamin mo ang pangalan Niya, saan siya nakatira at kung ano ang pagkatao niya." utos ko. " makakaasa po kayo sir" Hindi ko na inantay ang iba Niya pang sasabihin at agad pinatay ang tawag.

ohhh... God.... until now di parin talaga maalis sa isip ko ang mukha nito.. sa totoo lang maganda talaga ang babae, simple lang ang pormahan Pero lakas ng dating nito... tanging lipstick lang ang nilagay sa mukha. Tapos matangos ang ilong, maputing balat at may tangkad na tila modelo maganda din ang hubog ng katawan na tila walang anak..

Teka may anak nga pala siya, baka may asawa na.... Bakit nakaramdam ako ng lungkot Pag iniisip ko na may asawa na ang babaeng yon... Hindi ko kilala ang babae at wala akong anomang ugnayan dito kaya Mali ang makaramdam ako ng ganito.

naglagay ako ulit ng alak sa baso, pinuno ko ito at ininom dahil baka Pag nalasing ako makalimotan ko ang babaeng yon. Bakit ganoon nalang ang nararamdaman ko sa babaeng yon dahil hindi ako nag lalasisng para lang kanino tanging ang asawa ko lang ang dahilan kung bakit ako naglalasing.

Mahal ko ang asawa ko, sobrang mahal ngunit dahil sa akin din kung bakit sila nawala ng magiging anak ko.

Naalala ko pa ang araw na Kalat na Kalat ang balita dahil sa pagkahulog ng sinasakyan ng asawa ko sa bangin... Maraming mga ka kilala namin ang lumapit sa akin para mag bigay ng tulong para mahanap ang asawa ko kabilang na ang OB na tumingin Kay Ella. Masaya daw si Ella ng malamang magkaka anak na kami nag madali pa daw itong umuwi dahil balak Niya akong surpresahin.. ngunit kasalan ko ang lahat dahil iba ang naabotan Niya sa bahay.. Pero.. di ko sinasadyang pagtaksilan siya, hindi ko intensyon na pumatol Kay Rebecca... Nagalit ako Kay Rebecca kaya ako pumatol dito.

Sayang, kung nag isip Sana ako ng mga panahong yon masaya parin ako kasama ang mag ina ko. Sana may anak na akong sasalubong sa aking Pag uwi, at Sana andito pa ang asawang tatabi at yayakap sa akin habang natutulog sa malaking kwartong ito. Pero wala... lahat nawala dahil sa maling ako din ang may gawa.. Kaya ngayon nag iisa akong naka Higa sa malaking kama na sana ay dapat kaming dalawa, madilim ang kwarto na Sana ay makulay Pag andito si Ella, Sana may nag aayos ng neck tie ko Pag aalis ako sa papuntang opisina at sana naririnig ko ang tawanan nila tuwing nandito ako sa bahay.

Ngunit wala na ang lahat, wala na si Ella wala na din ang magiging anak naming dalawa. Ano pa ang silbi ng buhay ko kung wala naman silang dalawa.

Ilang taon akong nalugmok at kahit si Rebecca ay iniiwasan ko dahil nagalit ako dito ng sobra Pero napatawad ko din ito kalaunan dahil wala namang magagawa si Rebecca kung hindi ako pumatol sakanya. Pero Sabi ko dito kung pwedi maging magkaibigan lang kami pumayag naman siya hanggang Isang araw nalaman niyang may brain tumor pala ito sa utak at di na rin siya nag paopera pa dahil baka lalo lang itong lumala pa. Dalawa kami ang magkasama ng sabihin ng doctor na hanggang 3 years lang tatagal Niya. sobrang naawa ako dito kaya pumayag ako maging boyfriend Niya dahil tanging yon lang ang tulong na maibibigay ko dito hanggang buhay pa siya.

Kababata ko si Rebecca kaya ganoon nalang kung mag malasakit ako sakanya lalo na at nagmahalan din kami ng mga panahong hindi pa nakilala ng mama ko si Ella. Kami talaga ni Rebecca ang magkasintahan ng ipakasal ako ni mama Kay Ella, wala akong nagawa dahil tatanggalan ako ng aking ina ng mana Pag di ko siya sinunod kaya pumayag ako na kalaunan ay pinag pasalamat ko din.

Nagising nalang ako Isang araw na mahal ko na si Ella, si Rebecca naman ay.... ng kinasal kami ni Ella para hindi ako maging unfair sakanya ay nakipaghiwalay ako Pero hindi Niya ito matanggap kaya pilit Niya akong hinahabol at kung ano ano ang ginawa Niya para masaktan si Ella.

Alam kung Mali ang ginawa ni mama Pero walang kasalanan si Ella para masaktan ng ganoon at kung may ipagpasalamat man ako ay ang hindi sumuko si Ella dahil Gaya nga ng Sabi Niya panghahawakan Niya ang sinabi ko na mahal ko siya Pero sinira ko yon ng patulan ko si Rebecca.

Hanggang ngayon hindi parin nakikita ang bangkay ni Ella at ayon sa mga pulis 25% daw ang chance na buhay pa ito kaya naman hanggang ngayon ay umaasa parin ako na magkikita pa kami ni Ella at Sana NASA maayos siyang kalagayan.

Kung sakaling magkita kami muli at may galit ito sa akin hindi ako magsasawang suyoin ito para mag sama kaming muli at labis ko ding pinagdadasal na Sana wala ding masamang nangyari sa anak ko.

Author POV

Sa lalim ng iniisip ni Heron hindi Niya nalaman na nakatulog na ito. Ganito ang madalas na eksina lalo na Pag naiisip Niya ang kanyang mag ina.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status