Share

Chapter 2

Fatima POV

Hindi ko mapigilan na kumirot ang puso ko kapag nag-sasalita ng masasakit  sa akin si Gayrill hindi ko na kase talaga alam kung saan nagmumula ang galit nito at abot hanggang langit. Sa pag kakatanda  ko naman ay wala akong nagawang kasalanan dito. Tinapos ko na lamang ang breakfast ko at baka mahuli pa ako sa klase.

"Ano na Fatima, bakit ba kanina ka pa tulala diyan?" sabi ng kaibigan kong si Jaya.

Saktong ala-syete ako nakarating sa Unversity of Santiago Heights kung saan ako nag-aaral sa kursong medisinal.

Napa buntong hininga ako. "Wala naman nag-iisip lang ako kung saan ako pwedeng maka hanap ng pag sa-sideline." 

"Oh! Bakit naman? Akala ko ay prinsesa ka na sa Hacienda Della Villa?" tanong nito sa akin.

Tumingin ako dito. "Anong prinsesa ka diyan? Itinuring lang ako na parang anak pero hindi naman, kailangan ko parin na kumilos sa mansion."

"Naku alam ko na kung bakit naka isip ka nang ganiyang bagay siguro ay ininsulto ka na naman ni Gayrill ano?" turan muli nito.

Napahilamos na lamang ako sa muka wala pa naman akong klase dahil 30 minutes ang break time ko bago ako muli pumasok sa history subject, ngayon nga ay nakatambay lang kami ni Jaya sa garden ng school.

"...sabi ko na nga ba yang asungot na lalaking ‘yan ang may gawa," patuloy nito.

"May karapatan naman talaga siyang mag-salita anak siya at sampid lang ako sa pamilya," malungkot na pahayag ko.

"Hay! Fighting lang best friend, Kaya mo ‘yan." pag che-cheer up sa akin ni Jaya.

Ngumiti lang ako ng tipid.

RING ! RING! RING! 

Napatayo na kami ni Jaya nang tumunog na ang bell.

Nakaramdam ako nang maiihi. "Mauna ka na Jaya mag-cr lang ako saglit."

Nagpaalam na muna ako dito, walang masyadong tao na dumadaan dahil sa liblib narin at palikuran ito ng building namin. Dali na akong pumasok do'n at umihi. Inabot ng tatlong minutos bago ako lumabas ng palikuran aalis na sana ako nang may marinig ako sa aking likuran.

"Hi Noodles!" 

Napalingon ako dahil do'n isang tao lang naman ang nag-tatawag sa akin ng ganyang endearment. Hindi nga ako nag-kamali dahil ang mga  barkada ni Gayrill ang nasa likuran ko sina Kaye, Darius, Jack, Steve at William ang soccer varsity ng school.

Nando'n rin si Gayrill na walang mababakas na emosyon habang nakatingin lamang sa akin.

"Noodles san punta mo?" naka ngising tanong ni Kaye, isang barkada nito.

"Pupunta na ako sa klase ko,"sagot ko naman 

"Bring us food." Napatingin ako kay Gayrill.

"Simula-" mag-salita na sana ako ng sumingit muli ito.

"Do you wan’t me to repeat myself?" naka taas ang isang kilay nito.

Tumitig ako sa kaniya upang sana umasa na hindi na nito itulo'y ang inu-utos nito, ngunit seryoso ang hilatsa ng muka. Napa buntong hininga na lamang ako at walang nagawa kundi sundin ang utos niya.

"Same place,"ani muli nito.

Nanlumo naman ako sa sinabi nito hindi ba nito alam na sobrang layo ng pagitan ng canteen at headquarters nila?

Rinig ko ang mga halakhakan ng mga ito nang tumalikod na ako upang gawin ang pinag uutos ni Gayrill.

Rinig ko ang mahinang tawanan sa likuran ko. "You're so mean Rill."

Dali na akong pumunta sa canteen at mabilis na pumunta sa counter para sabihin ang mga order.

"Neng, take out or dine in?" tanong ng nag-tao sa canteen ng University.

"Take out po," sagot ko. 

Ini-ugay ko ang paa ko sabay tingin sa wrist watch ko para malaman ang oras sampong minuto na akong late sa klase.

"Ito na ineng." Napatayo na ako ng dumating na ang order ko."  

Binigay ko ang Canteen I.D ko para malaman na dito ako nag-aaral pwede mo kasing kainin lahat ng gusto mo sa canteen ng school basta may  CID ka private ang school kaya libre ang lahat.

"Salamat po."

Patakbo akong lumabas ng canteen at dumiretso agad sa headquarters ng soccer team. Inabot ako ng 15 min. bago ako nakarating bakit ba kasi sobrang lawak ng Santiago Heights? 

Hinihingal ako bago ko narating ang building na nasa 4th floor pa ang room nila sumakay na ako ng elevator.

Tumingin muli ako sa orasan at 20 mins. na akong late napapa kagat na ako sa ibabang labi ko dahil sa kaba.

'Dalian mo please' sabi ko sa sarili ko.

TING! 

Agad akong tumakbo papunta sa room nila.

Walang katok na pumasok ako malakas ang pag-kaka bukas ng pintong kahoy na nag cause nang malakas rin' ingay.

"Ay! Kabayo ka!" Dinig kong turan ng babae sa loob.

Agad itong lumapit sa akin.

"Teka Fatima ikaw ba yan? Bakit parang binagyo ang buhok mo sampong kabayo ba humabol sayo?" may pag-aalalang tanong nito.

Nag-taas baba ang dibdib ko dahil sa hingal hindi ako naka sagot agad.

"... sa Varsity ba yan?" tanong muli nito sa akin.

Tumungo lang ako dahil hindi pa ako maka pag-salita.

Tumingin ako dito at napagtanto na si Gianne ang student manager ng soccer team. May hawak itong walis, tumingin ako sa likuran niya kitang nag-lilinis ito ng silid.

"Nasaan sila?" tanong ko ng umayos na ang pag-hinga ko.

Kumunot ang noo nito ."Tumawag sa akin si Couch Jim para sabihin na hindi sila dito kakain." 

Napa tulala ako dahil sa sinabi nito. 

Napaka sama mo talaga Gayrill.

Habang naglalakad ako papasok sa main door ng mansion ay hindi ko lubos na ma-isip na niloko ako ni Gayrill. Alam kasi nito na may klase na ako kaya inutasan ako, hindi tuloy ako nakapasok sa history subject ko. 

Kailangan ko pa magdahilan kung bakit hindi ako nakapasok.

Ano'ng idadahilan ko? 

Siguro ay sasabihin ko na lang na naligaw ako.

Hay! Ano bang klaseng rason 'yon baka lalo lang na isipin ni professor na nag-cuting akk nang klase.

Nag-stay na muna ako sa labas ng pinto at malalim na nag-iisip.

Pano kaya kung sabihin ko na nag-volunteer ako sa club at nahuli ako? 

Baka magtanong 'to sa adviser ko.

Wala na ako'ng maisip na idadahilan.

Kasalanan ito ni Gayrill, mamaya kakausapin ko siya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status