Share

Chapter 1

Fatima POV

KRING!

Napamulat ako ng mata nang marinig ko ang alarm clock sa side table hudyat na ala-singko na nang umaga agad ko naman itong pinatay.

Bumangon na ako sa aking kama at ginawa ko ang morning routine ko.

Saktong ala-singko trenta'y uno natapos sa aking ginagawa at tapos na rin ako mag-suot ng uniporme ng may malakas na kumatok sa pinto.

Agad kong binuksan 'yon bumungad sa akin ang hubad na katawan at naka boxer shorts lang na si Gayrill. Magulo ang buhok nito at para'ng kababangon lamang sa kaniyang kama.

"Why you took so long?" may bahid na inis nitong tanong sa akin.

Hindi naman ako nakasagot agad.

Napa hawak ako sa aking dibdib ng bigla ako nitong itulak pahawi sa kaniyang dinadaanan at walang paalam na sumalampak lang sa kama.

Ano pa bang bago? Marahil ay nag i-sleep walk na naman ito at paboritong puntahan ang aking silid.

Ang maayos kong pagkaka salansan ng kumot at unan ay magulo na muli dahil kay Zanon na akala mo ay bata na makasubsob sa aking unan may pa amoy-amoy pang na lalaman.

Napabuntong hininga na lamang ako at pumunta ulit sa banyo.

Nang natapos na ako ay rinig ko na may bumubulong,

"Hmm...Fathimmaa." 

Mukang nanaginip na naman si Gayrill at marahil ay iniinsulto o inaasar ako nito sa kaniyang panaginip.

Hay! Bahala na kung matulog siyang habang buhay.

Lumabas na lamang ako sa aking silid at dumiretso sa kusina.

Walong taon na ako sa mansion ng Della Villa kung saan nag-trabaho ang nanay at tita ko no'n bata pa lamang ako ay dito na ang kinamulatan ko, pero sabi ng ina ko ay tumira kami ng dalawang taon sa probinsya ng Masbate na hindi ko na ma ala-ala pa.

Napakabait ng mag-asawang Della Villa itinuring na nila akong isang anak simula nang namatay ang ina  ko si Ina Naida. Si ina ay may sakit na cancer at ang tita ko naman ay umuwi sa Masbate upang maka sama na nito ang kaniyang pamilya. Nais pa sana akong i-uwi na rin ngunit tumanggi ang mag-asawang Della Villa.

Nangako ang mga ito na sila na lamang ang mag-aalaga sa akin tutal ay napamahal na ako sa kanila. Kaya minsan na lamang kami nag kakamustahan ng tita Meri ko kapag hindi ito busy sa bukid ay na ngangamusta.

Nag-lilinis ako minsan sa mansion kahit na lagi akong pinapatigil ni Madam Victoria Rose Della Villa, ang ilaw ng mansion. Napaka bait nito sa akin at ibinibigay lahat ng pangangailangan ko. 

Malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil sa kanila ay nagkaroon muli ako nang bagong pamilya.

"Fatima Rodriguez, earth to!" 

Napatingin ako do'n sa nag-salita at napag tanto na si Carrie 'to ang bunsong anak ng mga Della Villa.

Ngumiti ako dito. "Ang aga mo ata ngayon, ah."

"Tsk. Ofcourse sabi kasi ng teacher ko I'm the only one na always early sa school," pag-mamayabang nito.

Labing-isa na ang bunso ng mga Della Villa ito ay nasa Grade six na rin sa isa sa mga private school ng lugar.

"Sa una lang yan, sa susunod ay mas gusto mo na lamang matulog kesa ang pumasok," biro ko dito.

"You know what ate Tim, may crush kasi  ako sa school," pag-amim nito sa akin 

"Puppy love lang 'yan," sabi ko naman dito.

"Ang pogi niya kasi at sup-"

Napakunot ang noo ko. "Wait, what did you say? Pogi siya?"

Napalaki naman ang mata nito marahil ay na bigla sa kaniyang tinuran.

"No, that's not what I mean..." pag-tanggi nito saakin

Natatawa ako sa itsura nito.

Ngumiti ako dito. "It's ok Carrie."

"Don't tell mom please... pretty pleas-" 

"Ano yang naririnig kong 'don't tell mom?" 

Napatingin ako sa may pinto nang may mag-salita ro'n.

"Good morning po tita," bati ko dito.

Lumapit ito sa counter kung saan naka upo kami ni Carrie.

"Good Morning Mom," biglang bati ni Carrie dito.

Humarap si tita Rose sa amin at naningkit ang mata at para kaming ino-obserbahan.

"Are you two hiding something from me?" tanong nito sa amin.

Nag-katinginan kami ni Carrie sa isa't isa may pag-susumamo sa mata ni Carrie na kinatuwa ko.

"Wala po tita inaasar ko lamang si Carrie," sagot ko dito.

Hindi mo makikita kay tita Rose ang paniniwala sa amin, ngunit kinalaunan ay ngumiti ito sa amin.

Pumalakpak ito nang tatlong beses.  "Okay! Kids mag breakfast na tayo sa dining para hindi kayo mahuli sa school niyo." 

Una itong lumabas at susunod na rin sana ako ng biglang hinawakan ni Carrie ang braso ko.

May pagsusumamo sa muka nito. "Promise to me you don't tell mom okay?" 

Napatawa naman ako nang mahina at ginulo ang buhok nito. "Okay kiddo."

Para na akong ka pamilyang tunay kung ituring sa bahay ng mga DellaVilla kung saan sila nag pupunta at kung anong gawin nila ay kasa-kasama ako.

"Let's have breakfast na," masayang turan ni tita.

Umupo na ako sa malaking mesa na may halos ilang pang breakfast na pagkain na nakahain sa mesa. Nakaka takam ang mga luto kaya naghanda na akong kumain.

"Where's dad mom?" Tanong ni Carrie sa kalagitnaan ng pagkain namin.

"Nauna na siya kanina pa sa Company," sagot dito ni tita.

Nag-patuloy na lamang akong kumain ng makarinig kami na may bumababa sa hagdan. 

Tumingin kami do'n at si Gayrill ito gano'n parin ang ayos magulo ang buhok at naka boxer shorts lang. May pagmamalaki naman ang lalaking ito kaya lang ay na sosobrahan.

Agad itong sumalampak sa katapat kong upuan at tumitig sa akin ang abohang mata nito wala akong mababakas na emosyon sa kanya.

"Why is she doing here?" tanong nito sa malamig na boses.

Napa ikot nang mata si tita. "To have breakfast?" 

"Tsk. Why don't she just eat at the kitchen like our maids," ani muli nito na naka tingin pa rin ang mga mata sa akin.

"Tsk. I lose my appetite," ani muli nito

"Wag kang bastos Gayrill, why dont you just accept her," bulyaw ng ina nito.

Ngumisi ito. "I will never do."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status