Share

Chapter 7: Stairs

John Jacob POV

“Halika na Miss Clemente. Sumama ka na sa amin ni Boss JJ. Isasabay ka na namin. Kailangan na makausap ni bossing si Miss Cordero,” sabi ni Randy.

“Eh, Sir JJ bakit po kailangan ninyong makausap si Ma’am Guia? May kasalanan po ba siya sa inyo?” tanong ni Riza sa akin.

“None. I just want to confirm my theory regarding the birth of her twins.” 

Narinig ko ang pagsinghap ni Riza at ang pagtakip ng kanyang mga kamay sa labi nito.

“Don’t tell me Sir JJ na ikaw ang tatay ng kambal?” Shock is an understatement from Riza’s voice.

“That’s why you need to cooperate. Boys, let's go. Miss Clemente. Please come with us if you want your superior to be happy,” I said.

Riza giggled like a teenager. Halata sa mukha niya na gusto niya ang ideya na sinabi ko sa kanya.

Sumakay na kami ng aking sasakyan. Ibinigay niya kay Michael ang address na apartelle and luckily, hindi aabot sa isang oras ang biyahe papunta doon.

“Ito po yong apartelle, Sir JJ.” Bumaba na si Riza at sumunod kaming lima. Tama nga ang sinabi ni Vivienne na maliit ang apartelle.

Pumasok kami sa maliit na bakuran ng apartelle. Naririnig ko pa ang panenermon ni Guia sa dalawa. Bumilis ang aking hakbang. Bukas ang pinto kaya pumasok na ako.

“Gracious heavens, Gio, Vivienne, hindi na kayo naawa sa Nanay Nelia ninyo? Sa tingin ninyo ay hindi siya nang-alala sa inyo? Paano kung may sakit pala ang Nanay Nelia?” Halata ang disappointment ni Guia sa ginawa ng kambal. Sinenyasan ko sina Riza at ang mga bodyguard ko na manatili sa labas. Pumasok na ako.

“Mommy, sorry because we went to your office. We  want to try it if we know how to ride a taxi,” ani Vivienne. I pitied the child as she is on the verge of crying.

“Ikaw naman, Kuya Gio. Ikaw ang mas nakakatanda, bakit ka naniniwala dito sa kapatid mo? Paano na lang kung masamang tao ang taxi driver? What would I do if I lost you both?” Hindi na napigilan ni Guia na magtaas ng tinig. 

“Sorry na mommy, hindi na kami uulit.” Umiyak na ng tuluyan si Vivienne at doon ako pumasok. “Daddy, help me.” Kaagad na tumakbo palapit sa akin si Vivienne to Guia’s disappointment. 

Hindi ko naman pinagkait kay Vivienne ang gusto niya. Binuhat ko siya at kinarga.

“Please, Mr. Larsen. Huwag kayong makialam sa usaping ganito. They are my kids and they need to be disciplined the best way I can.” Napapikit si Guia at naghihintay kay Vivienne ng response. Mas humigpit pa ang kapit ni Vivienne sa akin.

“I think you need to listen to your mommy first, little girl.” Pinunasan ko muna ang luha ni Vivienne at binaba siya. “Young man, please take your sister upstairs. Your mom and I need to talk.”

“You are not allowed to shout at her or disrespect her, Mr. CEO.” Gusto kong matawa sa banta ng paslit. Tumalikod na kaagad si Gio matapos niyang akayin ang kanyang kapatid. I made sure na naroon na sila sa second floor bago lumapit kay Guia.

“Gio is quite a handful,” komento ko kaagad. Nang tingnan ko si Guia seryoso ang kanyang mukha. Nababakas pa rin ang disappointment sa kanyang mga mata.

“Wala naman tayong dapat pag-usapan. At wala po kayong karapatan na utusan ang mga anak ko.”

“Anak natin, Guia. I knew it. From the first time I saw you. You feel familiar. Why did you leave me that morning after that night? I need an answer.

Kita ko ang pagrehistro ng takot sa mukha ni Guia. I just have to be persistent in pushing my objective.I should not give in so that I will get what I want. 

“No one dares to hide my children from me, not even you, Guia.” I made sure that she would understand my point. I, John Jacob Larsen, are not to be messed with.

Napaupo si Guia sa sofa na naroon. Ang kanyang mata ay malikot na tila naghahanap ng magiging rason. 

“I will resign from my job. Babalik ako sa Sydney,” ani Guia.

“ You are being unreasonable. I want simple answer. Is that hard to say? Just try, I will make sure that I will get them from you. Gagawin ko ang lahat para mapasaakin sila, kahit magtapon ako ng milyones.” It’s not a threat. I will make sure that I will do what I said.

“This is not fair! This is harassment!” reklamo ni Guia

“ I have all the rights, I am their father.” Gusto ko man sumigaw but I remembered my promise to Gio to not disrespect his mom. “I am asking you to let me see my kids and make sure they are really mine. They deserve the life I am living. They deserve the luxury of being a Larsen.”

“Ewan ko, Mr. Larsen. I don’t know what to say and do. Please get me some time to process all this information today. Now, if you will excuse us. You can leave. We need to rest.”

“No! Daddy, don't leave us!” Tumakbo pababa ng hagdan si Vivienne. 

“I told you, come back!” Sumisigaw si Gio na nakasunod sa kapatid. Nakaawang labi ko sa ginawa ni Vivienne.

I instantly ran. “Baby, don't rush! You might fall down!”  I warned her. But it was too late. Nangyari na ang kinatatakutan ko. Tatlong hakbang pa bago ang first floor at nasubsob si Vivienne. Ang nakakangilong tili ni Guia ang narinig ko. Hindi ko na naabutan si Vivienne at nag-landing ito, head down first.

“Anak!” Ang malakas na palahaw ni Guia. Tumakbo siya palapit kay Vivienne. “Anak okay ka lang?” Natatakot na tanong ni Guia. Bakas sa mukha niya ang matinding takot at the same time ang alinlangfan na daluhan ang anak.

Gumalaw si Vivienne at inangat ang kanyang kamay. “Mommy, I see stars.” 

I sighed. I thought she was knocked out. Nilapitan ko na si Vivienne at inalalayan na tumayo. Careful not to touch her neck. Only to faint once more. She landed in my arms.

“Vivienne.” Naging hysterical na si Guia. Kaya, tinakbo ko na palabas ng apartelle si Vivienne. Naririnig ko ang boses ni Gio, asking about his sister.

“Randy, ang sasakyan, hurry,” utos ko.

Nakasunod ang umiiyak na si Guia at si Gio na hindi na nakaimik.

“Anong nangyari kay Baby Ganda?’ tanong pa ni Riza. Nilagpasan lang namin siya. We don’t have time to waste. Kailangan ng maitakbo sa hospital ang walang malay na si Vivienne. Wala na akong inaksaya na oras. Kalong si Vivienne, tinakbo ko ang sasakyan. “Guia, bring Gio.”

Inutusan ko si Randy na dalhin kami sa pinakamalapit na hospital. Habang nasa daan, I prayed fervently. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako natakot nang ganito. Iyong takot na halos naduduwal na ako dahil parang hinahalukay ang sikmura ko.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
GLORIA GINA CALANOG
may nabasa ndin ako n katulad n storya,,..nka one nightstand then nabuntisan,twin ang naging anak...but still,,kakaexcite...,love it...️......good job.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status