Hindi akalain ni Guia Cordero na pagtataksilan siya ng kanyang boyfriend na si Renz at best friend na si Melinda. Sa sobrang sama ng kanyang loob, naglasing siya. Isang misteryosong lalaki na nangagalangalang 'John' ang nagligtas sa kanya sa isang ma***k. Kinabukasan, natagpuan na lang ang sarili niyang walang saplot kasama si John. Tumakas siya bago pa man ito nagising. Nagbunga ang isang gabing iyon at nalaman ng kanyang magulang dahilan para ipatapon siya sa Australia dahil sa kahihiyan. Limang taon ang nakalipas, muli siyang nagbalik para kitain ang amang may sakit, kasama ang kambal na anak. Unang araw pa lang sa trabaho nagkasalubong na ang kanyang mga anak at ang among si JJ Larsen. "Mr. CEO, Marry My Mommy," sabi ng isa sa kambal.
view moreGuia Nakakatuwa pala marinig mula sa pananaw ng ibang tao na secured ang relasyon namin ni Jacob. Hindi rin naman kasi ako selosang babae. I am secured with myself. Wala akong sinasaktan na tao kaya natural na hindi ako takot na balikan ng karma. Ang napili kong design para aking wedding gown ay simple lang naman. Mermaid cut na french lace ang design. May manggas din iyon at hindi gaanong mahaba ang trail ng gown. Si Alberta na rin kasi ang nag-suggest na bagay sa akin ang ganoong design. Ayoko naman din kasi sa overly elaborate design na gown. Kahit kayang gumastos ni Jacob ay ayoko naman na abusuhin ang generosity niya. "Mauna na kami, Alberta. Hindi pwede mapuyat itong si Guia ko," paalam pa ni Jacob sa designer. Hinaplos ni Jacob ang tiyan ko ay doon napatili si Alberta. "OMG, ninang ako sa kasal ninyo. Hindi ako papayag na hindi ako kasali sa sponsor," deklara pa ni Alberta. "Hija, hindi mo naman sinabi na preggy ka pala." "May kambal na po kami
Jacob Napabuga ako ng hangin. Lumapit naman sa akin si Senior Investigator Mike Dumlao. Hindi halatang audio receiver ang hawak nito lalo at napakaliit naman ng aparato. Napapikit na lang ako lalo at doon pa talaga natagpuan sa ibabaw ng cctv na nasa gilid ng bookshelf. "Sa klase ng audio receiver na ito Sir malalaman talaga nila ang mga kaganapan dito sa loob ng library," paliwanag nito. May ideya na ako kung sino ang nagkabit pero kailangan kong kumpirmahin. Lintik lang ang walang ganti. Buong araw na naging abala ang mga tauhan ni Mike. Kahit ang mga bodyguard ko, nakisali na sa paghalughog. Ako naman ay busy sa pag-review ng mga CCTV footages. Hanggang sa nakita ko ang isang footage ng araw na nakatakdang ang paglilinis ng library. Inabangan ko ang gagawin ni Mira. Makailang ulit kong ni-review ang footage at doon ko nakumpirma ang ginawa niyang pagkabit ng aparato. Ang pinakamalala na nalaman ko ngayong araw, may nakakabit pa na wiretapping dev
Guia "What are you doing here? tanong kaagad ni Melinda sa akin. Magkahawak kamay din sila ni Jacques. Napansin ko ang pag-angat ng gilid ng labi ni Jacques habang nakatingin sa aking tiyan. On instinct, napahawak ako sa aking sinapupunan. "Congrats nga pala, Guia. Madagdagan na pala ang mga pamangkin ko," saad pa ni Jacques. Walang imik si Jacob at matiim lang na tiningnan ang kapatid. "Wow, nakatatlo ka na pero hanggang ngayon, hindi ka pa rin ikinakasal," napalatak na singit ni Melinda. Noon ko lang napansin ang suot niyang halos wala ng itago. Halos lumuwa na ang malalaki niyang hinaharap sa liit ng suot niyang bikini top. Peaches would shy away by how her cheekbutts are exposed. But to her dismay, nilagpasan lang ni Jacob ng tingin ang nakalantad niyang katawan "You have to worry about yourself instead Melinda. Magugulat ka na lang, one of these days isa ng ganap na Larsen si Guia at ang kambal," singit naman ni Jacob. Hinila na rin niya ang kamay, in
Jacob "I'm planning on it, Tita Jo. In all honesty, I am sparing Guia from the hassle of wedding preparation. I want her to relax and just focus on her pregnancy. Gusto ko pong bumawi dahil wala ako sa tabi niya nang ipinagbubuntis niya ang kambal." I am looking at Guia's eyes as I utter each word I said. And I mean those words. Nakadagdag sa natural niyang ganda ang naghahalong kulay ng kalangitan na parang apoy. She resembles a goddess in my eyes. She is the most beautiful pregnant woman I've ever met in my life. "Daddy, you will have to ask mommy's hand from me," seryosong pagsingit ni Gio sa usapan namin. Hinawakan pa ni Gio ang kamay ko at mahinang niyugyug iyon. "Since mommy is not on good terms with her dad, I supposed I am the boy of the house." Umalingawngaw ang tawa naming lahat nang sinabi ni Gio ang mga salitang iyon. I was amazed by his seriousness. Nagtataka siya kung bakit kami natawa sa sinabi niya. Nakasimangot siya nang pati ang kakamba
Guia Expecting? Teka lang naman, hindi ako prepared sa sinabi ni Dr. Herrera. Wala naman akong weird na nararamdaman. "Teka lang muna. Ako, buntis? bakit hindi ko alam?" naguguluhan kong tanong. "Yes, Mrs. Cordero," sagot pa ng doktora. Ang tamis pa ng kanyang ngiti habang ako hindi pa ma-absorb ang ideya na buntis nga ako. "Miss Cordero pa po ako, doc," pagtatama ko sa kanyang sinabi. "She will be Mrs. Larsen in a month, doc. Now, mas ganado na akong magtrabaho para sa mga anak namin." Hindi ko na narinig nang maayos ang ibang bagay na sinabi pa ni Jacob sa doktor. Napatayo ako at hinawakan ang tiyan kong manipis pa. "Miss Cordero, we will refer you to an Ob-Gyn to be specific with the expected date of confinement. We don't have sonogram machine here kaya mas mabuti na Ob-Gyn ang tumingin sa inyo," pahayag ng doktor. Sumang-ayon na ako sa sinabi ng doktor. Pagkatapos na lumabas ng clinic na 'yon ay pumunta lang naman kami sa i
Jacob Gusto kong suntukin si Michael. Ano ang kinain niya at panay buyo pa kay Guia? Napipikit na lang ako lalo at umuungot na naman si Guia ng ice cream! "Dalian mo nga, Jacob! Bakit ang bigat ng pwet mo para gumalaw," sikmat pa ni Guia sa akin. "Baka maubusan tayo ng ice cream ang sarap pa naman ng pistachio ice cream oh." Napailing ako sa description niya sa ice cream. Hindi naman siya mahilig sa matatamis, lalo na sa ice cream kaya naninibago talaga ako. "Ito na kamahalan," pabiro kong saad. Sa malas, isang malakas na hampas ang ginawa niya sa braso ko. "Are you one hundred percent sure you are not pregnant?" paninigurong tanong ko pa. "Bakit ang dami mong angal? Ang kulit mo pa! Sinabing hindi ako buntis eh," todo tanggi pa rin si Guia. Naka-park na kami. Walang kaabog-abog na bumaba kaagad ng sasakyan si Guia. Salubong ang kilay ko nang parang bata niyang hinawakan ang braso ni Michael at hinila ito palapit sa pinto ng ice cream shop. N
Guia "Are you pregnant? Bakit ang sungit-sungit mo?" akusa pa ni Jacob sa akin. Hinawakan niya ang aking tiyan at kinapa iyon na parang manghihilot. "Saan mo naman nakuha ang ideyang 'yan?" balik tanong ko. Pinagpag ko ang kamay niya na nasa tiyan ko. Napailing na lang ako sa sinabi ni Jacob. Kung buntis man ko, malamang malalaman ko kaagad at hindi ko iyon itatago. "Bilisan mo na nga! Ang init dito oh" irita kong saad. "Ito na kamahalan," pagbibiro pa rin ni Jacob. Gusto ko na talaga siyang hambalusin ng handbag ko. Pero imbes na gawin 'yon, nauna na akong naglakad papunta sa entrance ng spa. "Good morning, Ma'am," masayang bati ng magandang staff. At syempre kay Jacob lang ako asar, nginitian ko siya ng ubod ng tamis. Dinig ko pa ang pagsinghap ng babae nang masilayan si Jacob. Hindi na ako nagtataka. Panay laman ng magazines at society pages lately kahit na ang mga dinaluhan na okasyon ay mga advertising summit naman at hindi s
Jacob Gaya ng sinabi ko kay Guia, kinausap ko si Mira pagkatapos ng hapunan. Inutusan ko si Mang Trining na tawagin ito. Nasa library kami ngayon. May ni-review ako sa recording ng CCTV para sigurado ako sa desisyon ko. "Mag-impake ka na, Mira. Manang Trining, ibigay mo na kay Mira ang huling sahod niya. Pati ang separation pay at ang bahagi ng kanyang thirteenth month pay," kaswal kong saad habang patuloy na tinitingnan ang mga footage. "Sir, may kasalanan ba ako para sisantehin ninyo ako?" naiiyak na saad ni Mira. "See to it Manang na kumpleto ang panghuli niyang bayad. Papirmahin mo na rin siya ng acknowledgement receipt," dagdag ko pa. Tiningnan ko si Mira na may luha na sa mga mata. "Matagal na kitang pinag-iingat, Mira. Akala mo hindi ko alam na ikaw ang nagsusumbong kay Jacques." "Hindi po iyon totoo, Sir, " tangi pa ni Mira. Ang kanyang mga kamay ay naka kanyang kandungan at nagkikiskisan ito. Judging from her actions, may ideya na siya na
Guia "Ang tanong kaya mo ba ako ipaglaban sa lahat? Bakit ko papagurin ang sarili ko mag-isip sa bagay na napakatagal pa?" seryoso kong tanong. Tahimik ang lahat na tila hinihintay ang reaksyon ni Jacob. "You don't have faith in me? Hindi mo nakikita ang sarili mo na tumanda kasama ko at ang mga anak natin?" tanong pa ni Jacob. Napangiwi ako sa exaggerated na mga tanong niya. Dumating lang ang mga kamag-anak ko, naging OA na itong si Jacob. Kung hindi lang talaga nakakahiya, babatukan ko siya kahit pa sa harap nila Tita Josephine. "Wala akong sinabi na ayoko. Ang sabi ko kailangan mi ako ipaglaban sa lahat. Alam mo naman na naiinis si Jacques sa akin. Akala naman ng kapatid mong iyon ay aagawan ko siya sa share dito sa kumpanya mo." Napaismid na lang ako habang sinasabi iyon. Ayoko sana na malaman pa ni Tita Josephine ang mga nangyari kanina lang sa opisinang ito. Pero, ayoko naman na clueless sila sa kumprontasyon namin ni Jacques. Nagtatanong
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.